16

TYRON'S POINT OF VIEW 2

Hanggang kailan nga ba ako titiisin ng kaibigan kong ito. Palagi niya ko iniiwas kahit todo papansin ako. Nakakainis, gusto kong bulyawan siyang nasasaktan ako sa ginagawa niya.

"Heto na ang last show ninyo ni Yane may naisip na ba kayong bagong lulutuin?" usisa ng kagawad namin.

"Mayroon na po."

"Teka, nasaan ba si Yane?"

"Baka po nandyan lang."

"Kung ganoon hinihintay na kayo ng ibang kagawad."

"Sige po ihahanda ko lang ang mga sangkap." pagkaraan ay inayos ko ang mga gagamitin upang pagdating ni bff magluluto na lamang kami.

Ilang minuto akong paikot-ikot at pabalik-balik sa harap ng lamesa. Dumarating na ang mga tao sa farm labis akong kinakabahan dahil baka injanin ako ni Yane. Kaya ko naman, kaya kong mag-isa kaya lang hindi ko kayang mag-sinungaling sa harap nila na wala akong alam. Mag-iisip pa ko ng magandang dahilan para maniwala sila baka isipin nila di kami okay kaya wala siya.

"Tyron, puwede na tayo mag simula." wika ng kapitan namin.

"Hintayin pa po natin si Yane kahit mga five minutes." pakiusap ko. Kahit may mga katanungan sa kanilang isipan ay dedma lamang.

"Mukhang hindi na darating si Yane, umpisahan mo na." utos nila matapos ang limang minuto.

"Sige po," inayos ko ang damit at handang magsalita ng...

"Sorry, sorry, sorry late ako." Tarantang lumapit sa akin si Yane habang inaayos ang buhok na basang-basa pa.

"Bakit?"

"Na late ako ng gising."

Kibit-balikat na lang akong nagsalita at hinayaan siyang gumawa ng sarili niyang linya.

"Good morning mga kabaranggay. Nandito na naman po kami sa inyong harapan upang magbigay ng panibagong tips at masusustansiyang pagkain mula sa inyong bakuran."

"Yessss, good morning dahil last wave na namin ito magbibigay kami ng katakam-takam na recipe para sa inyo 'di ba partner?" Kinilig ako sa huli niyang wika.

"Yes partner, patatagalin pa ba natin ito? Ang aming menu ngayon ay ang PINAKBET. Lahat po kayo ay alam ang pinakbet, right? So may kaonting twist kaming gagawin ng partner ko."

"Wow mukhang excited ang ating mga kabarangay sa ating recipe, what's next?" aniya.

"Next partner," Sabay turo sa mga ingredients.

Ngumiti ito saka nagsalita.

"3 cloves garlic, minced

1 small onion, chopped

2 medium tomatoes, chopped

8 pcs string beans (cut into 2 inches long)

1/3 squash, cubed

6 pcs okra, sliced

2 pcs eggplant, sliced

4 pcs small ampalaya, sliced

200g ground pork

2 tbsp cooking oil

4 tbsp soy sauce

2 cups water." pagpapakilala niya sa mga ito.

"Kung napapansin niyo instead bagoong alamang ang ilalagay dapat ay toyo o soy sauce ang pangtimpla namin at iyon ang twist sa pinakbet, kung paano nga ba kasarap na may toyo itong iluluto namin. Madalas ayaw ng mga anak natin ang bagoong at mas bet nila ang lasa ng toyo at mukhang magugustuhan ng ating mga anak ito."

"Wow, talaga partner excited na ko tara umpisahan na natin."

"Saute garlic, onion and tomatoes." Masigla kong pag-uumpisa.

"May kaonting trivia tayo tungkol sa tomato. Ang iba't ibang bahagi ng halamang kamatis ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

Makukuhanan ng solanine at fixed oil ang buong halaman ng kamatis."

"Talaga partner, ayos naman pala mabuti kumakain ako ng kamatis kaya po mga mommies and daddies mas mainam ito para sa mga anak natin."

"Yes Partner Yane at hindi pa 'yan ang bunga ay may taglay naman na carotene lycopene na isang mahusay na antioxidant. Ang mapulang kulay ng kamatis ay dahil naman sa lycopene. Bukod pa sa mga ito, ang bunga ay maroong tubig, protina; taba, carbohydrate, fiber, vitamin A, B, C, nicotinic acid, pantothenic acid, Vitamin E, biotin, malic acid, citric acid, oxalic acid, mga mineral gaya ng sodium, potassium, calcium, magnesium, iron, copper, manganese, phosphorus, sulfur, at chlorine."

"Wow! ang dami pa lang benipisyo ang makukuha natin sa kamatis."

"Korek ka na naman diyan partner. Ang mga buto naman ay may taglay na globuline, vitamins A, B, at C, at solanine. Itong mga buto ihagis lamang sa bakuran ay puwedeng-puwede na silang tumubo kaya sobrang daming magagawa ng kamatis."

"Add in the ground pork and stir-fry until cooked." siyang sabi naman ni Yane.

"Pagkaluto ng karne, add 4 tbsp soy sauce and saute for 2 minutes." Wika ko naman.

"Nasa sa inyo kung paanong timpla ang gawinbasta huwag lang sobrang daming toyo para hindi umalat ang pinakbet." Paalala nito sa amin lahat.

"Add squash and okra, stir-fry for 3 minutes then add the rest of the vegetables. Gently stir-fry."

"Sinasabing ang sitaw din ay nakapagpapalusog ng ating puso dahil sa taglay nitong fiber antioxidants, folic acid, vitamin B6, potassium at magnesium. Ang folic acid at vitamin B6 ay tumutulong para pababain ang level of homocysteine, isang salik na nagiging sanhi ng atake sa puso, stroke at peripheral vacular disease. Samantalang ang magnesium at potassium naman ay tumutulong para pababain ang pagtaas ng blood pressure.

Ayon pa rin sa pag-aaral ng mga dalubhasa tulad ng ibang gulay ang sitaw ay mayroon ding kakayahan na labanan ang pagkakaroon ng cancer. Halimbawa na rito ay ang colon cancer, ang Vitamin C at beta-carotene sa sitaw ay prinoproktektahan ang colon cells sa masamang epekto ng free radicals. Samantalang inaalis naman ng fiber ang toxins sa colon.

Ipinapayo sa mga mamimili na kapag bibili ng sitaw sa palengke, ang piliin ay yaong makinis, matingkad at walang sira para makasigurado." Mahaba kong paliwanag.

"Iyan yong kinatatakutan ng mga may rayuma." tawanan ang lahat sa na sabi ni Yane.

"Lahat ng mga gulay dito sa pinakbet ay sadyang maraming pakinabang sa ating katawan kaya huwag na huwag natin 'yan kalimutan."

"Pour in water and bring to a boil. Lower the heat. Simmer over low heat until vegetables are tender. Be sure not to overcook it. You may wish to correct the taste by adding a little bit of soy sauce. Gently stir to blend."

"Wow luto na tikman natin partner." Inabutan niya ko ng tinidor. Tinikman namin at laking tuwa ko sa kinalabasan nito.

"Kulang ng kanin partner ang sarap!"

"Mamaya partner chichibog tayo." Lumakas ang tawanan bago namin sa bigyan ng kanin at pinakbet.

"Bakit na late ka ng gising?" usisa ko ngayong kumakain kami.

"May mga tinapos pa kasi ako."

"Ano naman 'yon?"

Masamang tingin ang pinukaw niya sa akin, "Basta."

"Uhm, bff galit ka pa rin ba hanggang ngayon?"

"Wala na 'yon, okay na rin naman kami ni Whence."

"Ganoon ba?" aray.

"Oo, kayo ba ni Cecil kumusta?" Heto walang kami.

"Okay naman."

"Kayo na ulit?" Malabong maging kami ulit dahil ikaw ang mahal ko.

"O-oo," Sinungaling ka talaga Tyron.

"Good,"

"Uhm, oo nga, good. Uhm, okay ba ang niluto natin?"

"Oo, alam mo kahit hindi tayo ang manalo, okay lang at least may naibigay tayong mga masusustansyang pagkain."

"Its okay lang kung matalo tayo."

"Well, after naman nito baka hindi na rin tayo magkita."

"Ha?" Gulat kong wika.

"Natanggap ako sa inapplayan kong trabaho."

"Paano na ako?" Lakas loob kong wika.

"Ha?"

"Paano na ako?"

"Para ka namang bata, Tyron."

Ngumiti ako, "Paano na 'yan wala na kong aasarin dito kung sa malayo ka at hindi na tayo magkikita. Nasanay pa naman akong nandyan ka."

Tama sinanay mo ako at kasalanan mo ito!

"Shocks, kahit ano naman mangyari bff pa rin tayo!"

"Okay." pero sabi ng puso't isipan ko ayokong magkaibigan lang tayo.

"Pag-a-applayin ko rin si Whence,"

"Okay." Bakit siya pa? Puwede naman ako. Saan ba 'yang pinag-applayan mo at ng makapag apply din.

Lumingon siya sa cellphone na nakapatong sa lamesa, "Sorry, pinapupunta ako ni Whence sa gym namin. Later na lang tayo mag-usap para sa iba pang araw na gagawin natin." Mabilis itong nawala sa paningin ko

Ni hindi nga siya nagbigay ng space para magsalita ako. Ibang-iba na siya ngayon. Kung may pagsisisi man ako 'yon ay ang pumayat siya at nag bago ang ugali. Hindi naman siya ganyan dahil kung dati mas okay lang sa kanya na wala si Whence basta kasama ako pero ngayon. WanasiyangPake.

YANE'S POINT OF VIEW

"HOY, Yane at saan ka naman pupunta ha?"

"Sa gym." walang sigla kong tugon.

"Oh bakit anong gagawin mo sa gym?"

"Makikipagkita si Whence sa akin."

"Hindi puwede,"

"Ma...."

"Kapag sinabi kong hindi puwede, hindi puwede. Ilang beses ko na ba sinabi na iwasan mo na siya. Ang manloloko ay always manloloko!"

"Parehas lang kayo ni Tyron, nagbago na siya okay, nagbago na."

"Hundred percent sure ka ba na tama 'yang sinasabi mo?"

"Maaa...."

"Tinatanong kita!" Bulyaw na naman.

"Hindi."

"Hindi naman pala hundred percent. Kung kay Tyron ka na lang siguro million percent sure sa kanya ka magiging panatag."

"Si bff na naman ba? Kainis ha? Magkaibigan lang kasi kami n'on." I rolled my eyes.

"Arte mo, kung hindi ko pa alam na siya ang naka-UNA sa iyo."

"Whaaaat?!"

"What, what, what, ka pa riyan. Hoooy Yane tandaan mo ito pinalaki kitang mag-isa kaya gusto ko kahit man lang mawala ako may makasama ka!"

"Hay naku."

"Huwag mo ko ma hay naku, naku Yane, sinasabi ko talaga sa iyo. Magsisisi ka kapag dumating sa point na mawawala na ako."

"Sssssh...stop ma, dahan-dahan ka sa mga sinasabi mo baka magkatotoo yan bahala ka."

Inirapan ako at nag walk out. Siya rin pala susuko. Mapuntahan na nga si Whence.

"Hi," Hindi ko naiwasan na kumunot ang noo dahil kasama niya si Cecil sa gym.

"Hello," tugon ko bago lapitan ang bagong kahera.

"Kumusta naman?"

"Okay lang po ate nag-e-enjoy nga po ako sa pinapanuod ko, eh." Siyang silip ko sa TV.

"Patay naman ang TV,"

"Hindi 'yon ate, si Kuya Whence crush ko siya." Nasamid ako sa sarili kong laway, "Ate, may problema ba?"

"Bakit mo siya naging crush? Ang panget kaya niya!"

"Hindi ah? Ate naman, eh guwapo kaya at matcho tingin ko naman hindi niya girlfriend si Cecil."

"Hindi talaga."

"Oo ate, aam mo ba ideal man ko siya? Uhm." Day dreaming pa nga.

"Okay good luck, ang alam ko may girlfriend na 'yon."

"Hindi malayo pero tingin ko nga playboy ito, eh."

"Paano mo naman nasabi?"

"Eh sa guwapo niya malamang sa daming nagkakagusto sa kanya jinojowa niya lahat."

"Hindi naman siguro."

"Ah pupusta ako ate gusto mo alamin ko?" Gustong-gusto ko na siyang sabunutan pero nagpipigil lang ako.

"Bahala ka." mula sa butas ng ilong kong tugon.

"Sige ate ah kapag na patunayan kong totoo ilakad mo ko sa kanya."

Frogie! Buset!

"Papasok muna ko sa boxing area huwag ka magpapasok ha."

"Ano gagawin mo, ate?"

"Tatae sama ka?"

"Haha si ate talaga funny ka!"

"Lol!"

"Haha hala ate, bakit mo ko minura?"

"Ha?"

"Lol kamo."

"Kung murahin talaga kita ng tunay?"

"Heto naman si ate hindi talaga mabiro. Sige layas na. Hindi ko na ma-sight ang Papa Whence ko, eh."

"Ugh." Nilagpasan ko na lang ang kagagahan niya. Stress na ko ng sobra sa babaeng ito.

Niligpit ko ang mga nakakalat na boxing gloves. Isang linggo ko hindi ito pinagamit dahil gusto kong makapagpapawis kahit paano.

"Hi, mahal!" Niyakap niya ako mula sa likuran.

"Whence, anong ginagawa mo rito?" inis kong tanong.

"Pumasok ako."

"Binilinan ko si bugak na walang papasok 'di ba?"

"Naki-usap ako bakit ba?"

"Hoo..."

"Boxing tayo?" kinuha ang dalawang magkapares na gloves. Pagkatapos ay isinuot sa akin habang nakangiti.

"Anong ngiti 'yan?"

"Ngiting tagumpay."

"Bakit, nakakasiguro ka bang mananalo ka sa akin?"

"Oo naman, oh ayan isuot mo naman sa akin ang gloves." kaagad kong sunod.

"Baka magpatalo ka pa sa akin ha?" Maangas kong wika.

"Hindi malabo." He's smirked.

"Eh bakit maglalaro pa tayo?"

"Gusto ko kasi na makita kang pinagpapawisan." ang tingin niya parang...

Pagkatapos kong isuot sa kaniya ay naghiwalay kami.

"Oh, sugod..."

"Hinahamon mo ko?" iritable kong usisa.

Sinuntok ko at umiwas ngingisi-ngisi itong umiwas sa bawat suntok ko.

"Hey! C'mon..."

"C'mon pala ha?" sinapak ko nga.

"Aaaah..."

"Ano, c'mon, c'mon ka pa ha tara?!"

"Babae ka lang."

"Talaga? Kahit babae ako labanan mo ko ikaw pala hinamon-hamon mo ko tapos gumaganyan ka, tara!"

Ang akala ko ay susuntukin ako ngunit dahilan lamang ito upang mabuwal kami pareho. Nakadagan siya sa akin habang may ngiti sa labi. Sabay tuka sa labi ko masyadong mapusok ang isang ito nanghahalik kaagad parang si Tyron lang.

"Uhm..."

"Masarap?" malambing niyang tinig.

"Yeah." muli na naman akong hinalikan.

Hahawakan sana nito ang beywang ko ngunit pareho lamang kami natawa dahil pareho kami may gloves.

"Motel na ba ito?" Napawi ang mga ngiti namin ni Whence at mabilis na tumayo.

"Tyron."

"Aalis na ako." Pinatatanggal ni Whence ang gloves.

"Sanay ka ba sa boxing?" Dahan-dahan pumasok sa ring si bff. "Tara, one on one na tayo."

"Bff." Saway ko.

"Kung matapang ka hindi mo ako aatrasan."

"Bff puwede ba?" Angal ko.

"Hinahamon ko lang naman itong boyfriend mo." sa akin na nakatingin.

"Baka umiyak ka kapag na suntok kita." maangas sabi ni Whence.

"Talaga? Walang sisihan kapag na basag ko 'yan." Ngisi ni bff sa mukha ni Whence habang nagsusuot ng gloves.

"Dami mong sinasabi, game."

Pinalabas nila ako sa loob ng ring at nagsimulang magsuntukan. Noong una nakakasuntok kaagad si bff pero ng mga sumunod ay lumalamang si Whence. Sa simula lang yata ito si bff.

"Ano, Tyron mukhang sa surrender na ang bagsak natin ah?" Panunuya nito.

"Tsk, kahit saan mo ako patamaan alam kong ako talaga ang mas may karapatan." Makahulugang sulsol ng isa.

"Anong pinagsasabi mo riyan? Hoy, boxing ang labanan huwag mo naman personalin."

"Bakit ganyan ka maka-react? Guilty ka ba?"

Sa inis ni Whence itinulak niya si bff, "Ano ba problema mo ha?!!"

"Sinasabi ko lang kung ano ang totoo. Hindi ako na memersonal pero bakit parang guilty ka?"

"If you think na hindi ko alam? Si Yane naman talaga ang pinag-aawayan natin."

"Alam mo naman pala ohh bakit nga guilty ka?"

"Tapusin na lang kaya natin ito para magka-alamanan na!"

Yung suntukan na kanina pang boxing lang ngayon ay basagan na nang mukha. Nakuha pa nilang tanggalin ang gloves sa mga kamay nila para mas ramdam ang pagsusuntukan. Noong una natulala ako dahil hindi ko inaasahan na ganito mangyayari. Nagising lamang ako sa katotohanang tumili si bugak. Kaagad kami pumasok ni bugak sa ring at inawat ko si Whence habang si bugak kay bff.

"Happy?" panunuya ni Bff.

"Bakit ba ganyan ka?! Ang epal mo!"

"TUMIGIL NA NGA KAYO!!" natigilan ang dalawa habang nakatingin ang tatlo, "Bakit 'di na lang kayo nagsaksakan kaysa nagsuntukan? nakakainis.

"Bff."

"Ilabas mo na nga 'yan..." utos ko kay bugak.

Ayaw man ni bff ay wala rin siyang nagawa dahil masamang-masama na talaga ang tingin ko sa kanila.

"Bakit naman kasi pinatulan mo pa."

"Sorry, ang angas kasi ng bff mo."

"Parehas lang kayo!" Napahilamos ako sa inis.

"Teka, hindi ba dapat kampihan mo ko dahil ako itong boyfriend, anong nangyari?!"

"Mali ka rin pinatulan mo pa. Alam mo naman na hindi kayo okay pinatul-patulan mo pa." Tinalikuran ko na lang dahil sa inis.

"Sorry na Yane." Hinaplos ang aking balikat.

"Hindi na natapos 'yang alitan niyo."

"Promise hindi ko na siya papatulan."

"Make it sure."

"Pero pagsabihan mo rin 'yang KAIBIGAN mo kasi kapag ako talaga nainis na naman sa kanya di ako magdadalawang isip na patulan siya."

Gabi na nang makauwi ako sa bahay. Bukas pa naman ng ilaw ng kuwarto ni bff kaya alam kong gising pa ito. Isang beses akong kumatok sa bintana.

"Gising ka pa?"

"Bakit?" Naririnig ko naglalaro ito ng candy crush sa cellphone.

"Magbati na kayo ni Whence, pinagsabihan ko na rin siya."

"Talaga? Paano ko maipapangako sa iyo?"

"Tyrooon..."

"Kung ako ba naman kasi ang...." Natigilan siya.

"Ang alin."

"Wala." muli itong naglaro.

"Magkabati lang kayo magiging happy na ako dahil pareho kasi kayong mahalaga sa akin."

"Baka siya lang, hindi ako. Matatanggap ko kung hindi na ako ang mahalaga sa iyo."

"Puwede ba huwag ka na magdrama, alam mong mahalaga ka sa akin."

"Pero bilang kaibigan lang." Natahimik ako, "Kailan ka ba magigising sa katotohanan na ako ang mas nagmamahal sa iyo. Hindi kita kayang iwan at saktan at lalong kabisado mo pa nga ugali ko kaysa sa kanya."

"Matutulog na ako." pinatay ko ang ilaw at nahiga ng maayos, "Good night."

Natahimik din ang kuwarto nito at maya-maya lamang pinatay ang ilaw.

Naalimpungatan ako ng may nakatingin sa akin habang nakadagan sa aking katawan. Nakabalot ng bonet ang mukha nito at tanging mata lamang niya ang nakikita ko. Tinakpan niya ang aking bibig ng upang hindi makasigaw. Panay padyak ako dahil pilit niyang hinuhubad ang damit kong suot, at short. Naalala ko nga pala na may flashlight ako sa ilalim ng unan kaya kinuha ko ito binuksan at itinutok sa mata ng lalakeng nakabonet.

"Tulong!" iyon lamang ang naisigaw ko bago muli akong hilahin sa kamay ng lalaki.

"Subukan mo muling sumigaw kung hindi gigilitan ko 'yang leeg mo!" Mahina man ang pambabanta nito pero halata sa kanya na nagsasabi siya ng totoo.

"Hubad!"

"Ayoko."

"Hindi ka maghuhubad!?" Itinutok sa leeg ko ang kutsilyo.

Nakasandal ako sa pader habang umiyak. Hinubad ko na lamang ang damit para 'di na lang niya ako saktan.

"Ang short mo!"

Ayoko man ngunit lalapit ito para tutukan ng knife. Hinubad ko na lang ang short ko at tumatangis dahil sa takot.

"Madali ka naman pa lang kausap, nasaan dito ang cr niyo!" Nakangisi nitong tanong.

Bago humarap ang lalaki sa likuran na hampas na siya ng kahoy sa batok. Kaagad itong nakatulog sabay nagyakapan kami ng kaibigan ko. Kinuhakaagad ang kumot para itakip sa aking hubad na katawan.

"Okay ka lang? Tumawag na ako ng mga tanod." Pagkatapos sabihin siyang pasok ng mga tanod sa bahay namin.

Dinampot nila ang lalaki.

"Nasaan po ba ang mama mo?" Tanong sa akin ng isa.

"Hindi ko po kasi alam nakatulog kaagad ako kagabi."

"Wala po si tita nasa Cavite."

"Ha? Cavite? Bakit?"

"Nagpaalam siya sa akin tulog ka na kaya hindi na siya nagpaalam sa iyo."

"Ganoon ba? paano mauuna na kami, sumunod na lang kayo sa baranggay ha."

Tumango kaming sabay at nagbihis ng damit pagkaalis ng mga tanod. Pagkatapos nagpunta sabay namin tinungo ang barangay. Miyembro ng isang akyat-bahay gang ang lalaki, mabuti raw at nahuli na nila ito dahil marami na siyang na biktima sa baranggay namin. Hindi kaagad kami umuwi sa bahay ni bff. Dumiretso pa kami sa gym para doon na lang muna mamalagi. Natakot kasi ako na baka mamaya may kasama pala siyang iba.

Dumiretso ako boxing area pareho kaming tahimik at tila nag-iisip kung ano nga ba pag-uusapan namin.

"Nag-alala ako ng husto sa iyo. Mabuti na lang na gising ako tapos na rinig kong ang ingay mo sa kama tapos na rinig ko rin na sumigaw ka kaya naman nagmamadali akong pumasok sa kuwarto mo."

"Salamat, bff ha. Ikaw talaga ang hero ko, palagi ka na lang dumarating kapag kailangan ko ng tulong, salamat talaga."

"Kahit nga hindi mo kayang suklian ang nararamdaman ko sa iyo handa naman kitang ipagtanggol kahit kanino pa. Ganyan kasi kita kamahal."

Hinawakan ko ang balikat niya, at dahan-dahang hinaplos ang kanyang pisngi.

"Masaya ako dahil ikaw ang bff ko." Lumapit ako ng kaonti sa tabi niya upang halikan ang pisngi nito ngunit siya ang humarap ng upang halikan niya ako sa labi.

Pilit ko man siyang layuan ngunit nais nitong pagsaluhan namin ang gabing hindi malilimutan.

Inihiga niya ko sa loob ng ring. Sa bawat halik sabay sa bawat pag-alis ng mga damit namin. Para kaming mga nilalamig at gustong dumarang sa kanya-kanyang apoy.

Halos nalalasing ako sa mga haplos niyang umaabot ang kiliti hanggang sa aking kaloob-looban. Hindi ito ang unang pagkakataon para maramdaman sa kanya ang tunay na salitang siping. Marahil siya naman rin ay labis na uuhaw sa bawat hagod ko sa kanyang likuran.

Hindi ko maitanggi sa aking sarili na gusto kong gawin niya sa akin ang bagay na dapat kay Whence ko lang ipagawa. Siguro, siguro pareho naming gusto itong nangyayari kaya pareho kaming na lulunod sa bawat galaw. Wala akong pagsisisihan kung dumating sa point na parehas na kaming nakaraos.

Ginusto ko naman talaga ito, gustong-gusto