17

Tyron's Point of View

Three months after.

 

Hindi man kami ang nag-winwin marquez ay wala naging problema sa amin ni bff. Tanggap namin na ang mga anak ng kapitan ang nananalo. Maganda rin naman kasi ang hangarin nila kaya okay lang din. Mas marami kaming votes na nakuha sa bawat segment, malaking bagay na 'yon.

Hindi nga lang na tuloy ang pagpasok sa trabaho ni bff dahil nagkasakit si tita walang mag-aasikaso sa kanilang gym. Sa ngayon ay nagpapagaling ito kasama ng kanyang darling sa Cavite. Doon inabutan ng sakit ang mama niya kaya hindi matuloy-tuloy ang uwi rito.

Pagkatapos naming kumain nagpaalam itong pupunta sa banyo. Mula rito sa kusina nila ay dinig na dinig ko ang pagsusuka niya sa loob ng banyo. Mukhang masama yata ang pakiramdam niya.

"Ako na muna ang magbabantay sa gym magpahinga ka muna." Wika ko ng paglabas niya.

"Okay lang, nandoon naman si bugak,"

"Sure ka?"

"Oo, mahihiga muna ko ang sama kasi talaga ng pakiramdam ko."

"Oh, sige." Papasok na sana siya sa kuwarto nito ng may nagbukas ng pintuan.

"Yane!!!" Nanlaki ang mata namin ni bff.

"Mama!!" humagulgol ito ng yakapin ang kanyang ina sabay mo pa panay din iyak ni tita.

"Sorry, mama. Sorry kung tatlong buwan kitang hindi na puntahan sa Cavite."

"Okay lang anak hindi naman ako pinabayaan ng tito mo." Sabay lingon sa jowa niya.

"Thank you." Matamis na wika ni bff sa bf ni tita.

"Kumusta ka na ba mama? Ano ba talaga ang sakit mo?" Nagkatinginan sila ng kanyang jowa.

"Ang totoo anak..." May nilabas na pregnancy test kit, "Buntis ako at tatlong buwan na."

"Ibig sabihin, wala ka talagang sakit?"

"Palagi masama pakiramdam ko senyales pala na buntis na pala ako. Hay, akala ko talaga may sakit na ko."

"Talaga? Wooow, magkakaroon na ko ng kapatid, wooow." Tumingin sa akin si bff.

"Oo nga, congratulations tita and tito." bati ko.

Sumimangot naman si Yane, "Bakit anak?"

"Kanina pa kasi masama pakiramdam ko papasok muna ko sa kuwarto. Lalabas na lang ako kapag okay na pakiramdam ko ha."

"Uminom ka muna ng gamot."

"Baka sa pagod lang ito hindi na kailangan. Sige ma, tito, bff." Dahan-dahan siyang pumasok sa kuwarto.

Naupo sina tita sa sofa bago humarap sa akin.

"Akala ko naman tita mang-iiwan ka na." Biro ko.

"Aba, hindi yata puwede yon, ako ang bida rito sa kuwento."

"HAHAHA, ang akala ko kami ni Yane."

"Eh kumusta ba kayo?"

"Okay naman po."

"Paanong okay?"

"Okay kami dahil bff pa rin."

"Pusang gala, wala pa rin?"

"Wala pa po wala naman nangyari noong huling ginawa ko 'yon." saka ako nag-isip

"Oh bakit?"

"Last THREE MONTHS may nangyari sa amin." naalala ko na.

"Hindi kaya..." Napa-isip muli kaming dalawa. Mabilis kaming lumapit ni tita sa pintuan ni Yane.

"Hindi kaya buntis na siya? Sabi niya masama pakiramdam niya." Bulong nito.

"Hindi ko po alam,"

"Napansin mo ba palagi siyang bumibili ng napkin?" Nag-isip na naman ako.

"Hindi ko po na papansin, eh."

"Dapat isa 'yon sa mga inalam mo."

"Ganoon ba yon?" Tumango siya. "Malay ko po ba na ganoon pala yon, eh paano po natin malalaman?"

"Hmm, alam ko na dito ka na kumain ng hapunan ha?"

Tsaka siya lumapit sa asawa niya para pumasok sa kwarto. Naiwan na akong mag-isa pero umuwi na muna ako para mahiga. Umidlip upang mamaya may bagong kakaharapin.

Nagising yata ako madilim na minadali kong tinungo ang bahay nila Yane.

"Hello po."

"Ohh, Tyron bakit ngayon ka lang?" nagsisimula na silang maghapunan.

"Nakatulog po kasi ako pasensiya na." Tumabi ako kay bff pagkatapos ay inabot nito ang kanin.

"Salamat."

"May gagawin ka ba bukas, anak?" U

usisa ni tita kay Yane.

"Wala po baka dito lang din sa bahay." matamlay pa rin niyang wika.

"Ganoon ba? Wala kasi akong makakasama bukas."

"Saan po ma?"

"Magpapacheck up sana."

"Hindi ka po ba nagpa-check up sa Cavite?"

"Hindi pa, gusto ko kasi dito lang ako may record, puwede ka ba?" Tila nag aalinlangan pa si Yane, "Kung hindi naman okay lang din baka ako na lang mag-isa. Siguro kapag nahihilo na lang ako saka kita tatawagan." Lambing sa anak.

"Ma, okay lang sa kin sasamahan kita bukas. First check up niyo ni baby kaya dapat naka-support ako sa magiging kapatid ko."

"Salamat, anak." Tumingin si tita sa akin na parang may gustong-gusto sabihin.

"Sasama na lang po ako sa inyo bukas." Siwalat ko kaya ngumiti ito, "Para may kasama kayo bukas."

"Si tito ba saan pupunta bukas?" Usisa ni Yane.

"Inaayos ulit ang pag-uwi niya sa kanila."

"Bakit?"

"Saglit lang naman nandoon kasi ang trabaho niya siguro after six months uuwi na siya rito."

"Okay."

"Ah, Yane."

"Po."

"May gusto ka ba sabihin?"

"Sabihin na ano mama?"

"Kahit ano... "

"Wala naman po, okay ang gym kung yon ang nais mong malaman."

"Eh ikaw, kayo ni Whence?"

"Okay naman din po."

"Inaya ka na ba ng kasal?"

"Hindi, wala pa sa plano namin."

Pasimpleng nag-thumbs up si tita na parang nagdidiwang sa mga nalaman. Nais ko sanang ngumiti ngunit ayokong mapansin 'yon ni Yane. Magiging tikim na lang siguro ako kung may pagkakataon, ay hehe.

"Wala pa ang ayaan ng kasal, Tyron." Bulaslas ni tita ng magpunta kami sa sala.

"Oo nga po tita, nakakatuwa."

"Hindi ka pa ba kikilos?"

"Eh paano po tita?"

"Ikaw muna ang tatanungin ko feeling mo ba buntis si Yane?"

"Hindi ko po alam."

"Noong ginagawa niyo ba 'yon nararamdaman mo ba sobrang mapusok ang bawat eksena?" Gusto ko talaga matawa pero nag-isip ako at muling sinariwa ang ala-ala doon sa gym.

Napakasaya ko noon dahil pakiramdam ko first time lang namin ginawa 'yon.

"Feeling ko nga po first time ko lang siyang nagalaw."

"Ganoon ba basta bukas natin malalaman."

"Sana po, uhmmm."

"Ma, matulog ka na gabi na ah?" tumayo si tita at nagpaalam.

"Ikaw ba bakit hindi pa natutulog?"

"Matutulog na nga di kapa ba uuwi?"

"Ah, eh, ano."

"Ano?"

"Uhmm, puwede makitulog?"

"May bahay kayo." Tumalikod na.

"Pero gusto kong bantayan kayo wala pa naman si tito ngayon."

"Maglolock na lang kami ng mabuti."

"Pero mas mainam kung may kasama kayong lalaki."

"Bahala ka." Tuluyan na siyang pumasok sa kuwarto. Ilang minuto ay lumabas ito at may dalang unan at kumot.

"Matulog ka na maaga raw tayong aalis."

"Salamat." Inayos ko ang sofa at saka nahiga, "Maaga na lang akong uuwi para makaligo."

"Puwede dito na lang saka may damit ka pa naman sa closet ko. Ang tagal na n'on at para maiuwi mo na rin."

"Sige, salamat."

Inirapan lang ako bago bumalik sa kanyang kuwarto. Napabuntong hininga ako sabay nakatulog.

Kinabukasan, bago sumikat ang araw ay naligo ako kaya lang di naman kaagad ako nakapasok sa kuwarto ni bff binigyan lang ako ni tita ng susi nito kaya nakapasok ako.

Tulog na tulog pa nga ito at ang gulo pang matulog. Nilapitan ko siya para kumutan saka hinanap ang damit na sinasabi niya. Sa paghahanap doon ko nakita ang picture namin ni Yane noong mataba pa at marami pang bumubully sa min. Itinago pa pala niya ito. Mula sa likuran ay may nakasulat dito na I love you Bff ko. Kinikilig ako kahit yong I love you na yun ay bilang kaibigan lang.

Lumabas na ako para tulungan si tita sa pagluluto pagkatapos ay sabay-sabay na kaming kumain ng magising si Yane. Tahimik lamang ito at halatang hindi pa okay ang pakiramdam. Pinagdrive ko sila papuntang Hospital. Pinapasok muna si tita sa OB habang tahimik kaming naghihintay.

"Ms. Yanella Ramos?" usisa ng doctor.

"Yes doc?" Tumayo ito.

"Pinatatawag ka po ng mommy mo, pasok po."

"Sige maghihintay lang ako." wika ko.

After 30 minutes lumabas na nakangiti si tita pero hindi niya kasama si Yane.

"Si Yane po?"

"Nasa loob."

"Bakit po may problema po ba?"

"Wala." nakangiti niyang tugon.

"Pero bakit pinatawag mo siya at bakit naiwan?"

"Magtiwala ka lang."

After 10 minutes lumabas na ang doktor kasama si Yane.

"Ma, bakit ba kasi pina check up mo pa ko kaasar ka talaga. Ano ba akala mo sa akin buntis? Ikaw nga dapat ipa-check-up, eh." sunod-sunod na wika ni Yane.

"Eh ano po ba balita?" Usisa ni tita sa doctor.

"Ayon po sa result namin...."

"Wala nga sinabi ma! Ang kulit mo! Hayys, hindi nga ko buntis, okay?"

"Mrs. Mukhang di lang talaga matanggap ng inyong anak ang result namin. Yes, positive po buntis po si Ma'am Yanella, three months na po."

Nabigla ako habang si tita panay palakpak sa harap namin. Si Yane ay di makapaniwala sa mga sinabi ng doctor.

"Ma'am Yanella, I'm sorry pero tatlong beses natin ginawa ang examination at lahat po ng 'yon ay positive. Maaaring tanggapin niyo na lang po na buntis kayo. Hopefully maging happy kayo gaya po ng inyong asawa." sa akin tumingin.

"Hindi ko siya asawa." Nag-walk-out ito

"Pasensiya na po doc kakausapin ko lang."

Hinabol ko siya.

"Bff, wait, bff." Hinatak ko ang braso nito.

"Bakit ba?" Inis niyang tanong.

"Totoo ngang buntis ka?" Nag ningning ang mga mata ko.

"So?"

"Anong so, ako ang tatay ng nasa tiyan mo."

"Are you sure?"

"What do you mean?"

"Hindi sa iyo ito okay, huwag kang assuming." Tatakas sana pero na huli ko pa.

"Anong huwag assuming, tatlong buwan na ang nakararaan buhat ng may nangyari sa atin. Paanong sasabihin mong assuming ako?"

"Dahil hindi naman sa iyo ito kay Whence. Naiintindihan mo ba kay Whence ito!"

"Ha??"

"Noong gabing may nangyari sa atin tinakasan kita at nakipagkita ako kay Whence. May nangyari rin sa amin at nakakasiguro akong hindi sa iyo ito dahil hindi ko naman naramdaman na sa loob mo ipinutok."

"Teka, one hundred percent sure akong sa loob..." Nag-isip ako ng sobrang lalim.

Sa pagod ko kasi noong gabi nakatulog kaagad ako at na gising na lang kinaumagahan na wala sa tabi ko.

Hindi maaari ito. Hindi puwede. Ugh.

"Sabihin mong nagbibiro ka lang."

"Hindi ko sasabihin dahil nagsasabi ako ng totoo kahit tanungin mo pa si Whence."

Bumitaw na ko,

"Hindi na siguro kailangan magmumukha lang naman akong tanga."

Tinalikuran ko para binalikan si tita.

"Anong pinag-usapan niyo?" Tumulo ang mga luha ko.

"Sorry tita nabigo po kita hindi po sa akin ang baby." Hindi ko matingnan ito dahil sa kahihiyan.

"Ha ano? Paanong nangyari 'yon? Sabi mo di ba may nangyari sa inyo?"

"Opo kaya lang hindi ako sure kung na iputok ko nga sa loob at ang masakit pa may nangyari sa kanila ni Whence noong gabing din 'yon."

"Anooo??" Salu-salo ni tita ang ulo

"Tita, okay ka lang?"

"Tyron, hindi maaaring si Whence ang ama..."

"Tita, maupo muna kayo." Pinaupo ko muna, "Tita iwasan mong huwag ma-stress makakasama sa iyo 'yan."

"Tyron, akala ko ikaw na talaga ang para sa anak ko."

"Tita relax ka lang, relax ka lang."

"Umuwi na tayo kailangan kong magpahinga." Inalalayan ko siyang lumabas sa hospital.

Tahimik kaming tatlo sa loob ng kotse habang pauwi ng bahay. Hindi din ako mapakali dahil iniisip ko kung tama nga ba ang nalaman kong hindi ako ang ama ng baby ni Yane.

Nakakapanghinayang.

Hindi ba talaga ako? Nasa akin ang oras na 'yon bakit hinayaan ko pa makalusot si Whence. Waaaaaa ang saklap. Hindi ko yata kakayanin na ikasal si Yane sa ibang lalaki lalong-lalo na riyan sa Whence na yan. Paano ba gagawin ko? Uhm, nandiyan na wala na ba kaming pag-asa ni Yane? Wala na nga ba talaga? Parang hindi ko talaga kayang nangyayari parang gusto ko na lang na itakas siya at ilayo sa Whence na 'yon. Kung puwede lang. Kung pwede lang naman sana pero wala akong laban. Mahal na mahal nila ang isat-isa tapos magkaka-anak pa sila.