YANE'S POINT OF VIEW
"MAMA, magpapa-check-up na po ako." kumakain ngayon ng hilaw na mangga si mama. Nakakangasim.
"Nasaan ang magaling mo'ng boyfriend, bakit hindi ka niya samahan?"
"May inaayos lang po."
"Aba, Yane anim na buwan na pareho ang tiyan natin pero ni minsan hindi ko na kitang sinamahan ka ng Whence kahit sa pagpapa-check up mo man lamang."
"Sinamahan naman niya ko ah."
"Kailan? Three months ago? Hoy, Yane ngayon mo malalaman kung babae ba 'yan o lalaki ang anak mo. Aba, bakit hindi niya iniwan ang lakad niya para sa inyong mag-ina?"
"Ma, hayaan mo na siya."
"Ewan ko sa iyo."
"Ma."
"Ano?"
"Penge bago ako umalis."
"Bawal, sa akin lang ito."
"Kaonti lang nagdadamot na!"
"Basta!" Itinago kaagad nito sa ilalim ng mesa.
Maya-maya dumarating si bff.
"Ayan si Tyron magpasama ka."
"Ano po tita?"
"Samahan mo nga itong anak ko magpa-check-up."
"Sure po tita, wala naman akong gagawin."
"Umalis na kayo," tumingin kay bff. "Umalis kaagad kayo at pinag-iinitan ang mangga ko."
Kaasar, mangga lang pinagdadamot kapag ako bumili di ko siya bibigyan.
Tahimik kami pareho habang patungong hospital. Alam kong nais nitong magsalita ngunit pinipili na lamang nitong tikom ang bibig. Sabay kami pinapasok sa loob ng office ni doc saka pinahiga ako.
"Mommy, excited po ba kayo malaman kung boy or girl ang baby niyo?"
"Opo, sa katunayan nga po nag-iisip na kaagad kami ng ipapangalan sa baby namin." masaya kong wika.
"Sige, akong bahala." Tahimik lamang kaming tatlo na nakatingin sa ultrasound.
Wala akong ideya kung paano malalaman kung ano gender ng baby pero pareho kaming tahimik.
"Congratulations po mommy and Daddy, its a girl!"
Nag-uumapaw ang aking puso ng sambitin 'yon ni doktora. Prinsesa pala ang baby namin ni Whence. Sigurado matutuwa siya sa malalaman niya kapag sinabi ko ito.
After ng check up ay dumiretso kami ni bff sa mall. Kumain kami at namili ng mga gamit ni baby. Tinulungan niya kong pumili ng mga gamit at kulay syempre dahil girl ang baby ko, pink at light green ang couple sa mga gamit at clothes ni baby. Ang dami namin binili, mayroon pa nga at bumili ng crib ito para raw sa inaanak niya. Well, ang bait talaga ang bff ko.
"Okay na ba sa iyo mga gamit?"
"Oo, bff happy na si baby." sabay haplos ko sa tiyan nguni umiwas ito ng tingin.
"Umuwi na tayo baka inip na inip na ang mama mo."
"Okay sige."
"Nakaramdam na naman ako ng gutom. Hay, si baby talaga ang takaw takaw." himas ang tiyan habang nasa kotse.
"Ano ba gusto ni naby?" usisa nito habang nakatukod ang siko sa bintana ng kotse.
"Masarap sana ang mangga saka bagoong, hay." emote ko.
"Ganoon ba? Hindi pa pala nawawala ang paglilihi mo."
"Hindi pa nga." siyang sulyap sa rear mirror.
"Sige." inihinto ang kotse sa tapat ng nagtitinda ng mangga at bagoong.
"Heto na baby huwag ka na magutom ibinili ka ng ninong mo na pogi." sabay abot sa akin at andar ng kotse.
"Salamat, ninong."
Kumain ako at halos lahat ay na ubos ko kaagad. Busog na busog kami ni baby ng makauwi sa bahay. Naupo sa sala ni bff tinabihan ko ito habang chi-ne-check ang mga gamit ni baby.
"Magaganda quality ng mga gamit ni baby. " aniya.
"Syempre, magaling kasi ang ninong pumili, uyy."
"Ohh bakit?" pag-aalala niya.
"Gumagalaw si baby."
Siyang dampi sa aking tiyan sakto ang gulo-gulo ni baby sa loob ng tiyan ko parang ang saya-saya niyang nakita ang kanyang ninong.
"Nakakagaan ng puso na ganyan kasigla si baby."
"Oo nga."
"Yane." Nawala ng ngiti si bff ko nang dumating si Whence. Mabilis din nitong inilayo kamay ni bff sa tiyan ko.
"Kumusta naman ang baby, anong gender niya?"
"It's a girl."
"Talaga? Wow, natitiyak kong kasing ganda mo siya mahal." mahigpit nitong yakap.
"Sa iyo rin magiging mana si baby. "
"Bff, mauna na ako may gagawin nga pala kami ni bugak nagpapasama sa mall."
"Bakit?"
"Bibili raw siyang cellphone."
"Sige, ingat kayo." kahit naka-alis na si bff hindi pa rin mapawi ang ngiti mula kay Whence.
"Congratulations, Yane." halos pabulong nito.
"Salamat."
Matapos ang mahabang araw na sobrang nakakapagod ay hindi ko namalayang nakatulog na at umaga na gising. Nakita kong nasa ayos ang mga gamit ni baby, marahil inayos muna ito ni Whence.
"Yane, gising na."
"Opo."
"Kumain na tayo at aalis ngayon."
"May check-up ka ba ma?"
"Wala."
"Eh saan tayo pupunta?"
"Kakain sa labas, ayaw mo ba?"
"Ayoko tinatamad akong umalis."
"Sure ka na ba riyan?"
"Opo."
"Okay, paano ako na lang?"
"Sino ba kasama mo?"
"Si Tyron."
"Sige ingat na lang kayo."
"Sure ka ba talaga?"
"Oo nga."
"Wala kang kasama rito."
"Magpupunta na lang ako sa gym."
"Sige, bahala ka baka mamaya...sige aalis na kami."
Muli akong bumalik sa pagkakatulog ng isara ang pintuan ng kuwarto. Pasado ala-una ako nakabangon at dahil hindi ako nakapag-almusal sobra tuloy dami kong nakain. Minabuti ko na lang din lakarin patungong gym.
"Hi bugak, kumusta ang gym? Madami ka ba naging costumer?"
"Opo, ate simula kaninang umaga pa."
"Talaga? Wow, sige bigyan kita ng bonus kapag malaki kita natin ngayong araw."
"Magkano ate?"
"Excited?"
"Hehe hindi naman po ate. Sige maupo ka na rito sa trono mo."
Isa rin siguro sa dahilan kung bakit madami dumadayong nag-gi-gym dahil kay bugak. Panay kasi patawa sa mga tao rito at dahil na libang ako sa kakapanuod sa mga taong labas-masok ay hindi ko na pansin maghahapon na.
"Ate, di ka ba na gugutom?"
"Medyo."
"Ano ba gusto mo?"
"Banana split."
"Ha? Saan naman ako makakabili ng ganoon?"
"Sa kabilang kanto."
"Sasakay na lang ako ng tricycle."
"Nope, lakarin mo lang malapit din naman, eh."
"Ay ate ha nakakahalata na talaga ako sa iyo. Bakit mo ako pinahihirapan?"
"Hindi ah, lakarin mo nga."
"Huwag na ate dapat pala hindi na ko nagtanong,"
"Ikaw naman kasi."
"Yung Daddy na lang ni baby ang utusan mo nasaan nga ba siya?"
"Ewan."
"Si ate, masyado malihim."
"Bakit naman?"
"Hindi mo pa sa akin sinasabi kung sino ang tatay ng baby mo!"
"Kailangan ba?"
"Aba, natural boss kita. Nakakatuwa nga eh dahil sabay pa kayong buntis ni madam. Hindi naman kayo nag-usap, ano?"
"Hindi naman magkaibang lugar namin ginawa 'yon."
"Eh sino nga kasi ama?" Pangungulit nito.
"Teka, maiba tayo, ano na pala mo sa paghuhunting kay Whence? Ano ba patunayan mo?"
"Well, ate sabi ko sa iyo playboy 'yon eh!"
Natatawa ako sa mga sinabi niya, "At bakit?"
"Aba, dahil nga sa nahuli ko itong may ka-chuchu eh heto pa ang nakakabigla putek akala ko talaga babae 'yong tipo niya. Hindi ako makapaniwalang LALAKE ANG GUSTO NIYA."
NGUMISI AKO.
"Paano mo na sabi lalaki ang gusto niya?"
"Kilala mo si Gardong?"
"Oh?"
"Putek, syota niya 'yon!"
"Paano mo na patunayan
na syota niya ito?"
"Gusto mo pruweba?"
"Ah, uhm."
"Kanina nakita ko sila dito sa gym, shokot putek naghahalikan sa cr ng mga lalake!"
"At bakit mo nakita sa cr ng mga lalaki, anong ginagawa mo roon?"
"Ah, eh hehe kasi nga 'di ba? Ini-istalk ko siya syan sa kakahabol ko iba ang nakita ko. Isip ako nang isip kung sino girlfriend niya 'yon pala boylet."
"Well, so do you think BAKLA si Whence?"
"Yah!"
"Haha..." Hindi ko mapigilan matawa.
"Ano nakakatawa?"
"Nothing---Nothing,"
"Si ate parang sira. Sige na nga at bibili muna ko ng makakain natin huwag na banana split ha mahal masyado saka malayo ang lalakbayin ko." Pagkalabas ni bugak siyang dating ni bff.
"Si mama?" bungad ko.
"Nasa bahay kausap sa video call si tito,"
"Ah okay."
"Umuwi ka na mahamog mamaya-maya sa labas."
"Oo mamaya bumili pa kasi ng makakain si bugak."
"Sige, dito lang ako."
"Okay."
Pinapanuod ko ito magbuhat ng barbel ang hot pa rin ni bff walang kupas.
"Ate!" Nagulat ako kay bugak.
"Ano ba 'yan bugak mapapa-anak ako sa iyo niyan, eh!"
"Ay sorry ate na carried away lang heto na po ang ulam natin tapos kanin na rin po."
"Ay, 'yan pala binili mo?
"Ay, bakit ayaw mo?" Pangbabara nito.
"Umiiwas ako sa kanin."
"Wow diet?"
"Tanga, syempre baka manasin ako!" papalapit itong bff ko.
"Ohh, anong pinagtatalunan niyo riyan?"
"Umiiwas na pala sa rice ni ate Yane hehe ito ang nabili kong hapunan namin."
"Nasaan ba kasi 'yang boyfriend mo? Bakit hindi siya ang bumili ng mga kakainin mo ha?!" ang init na naman ng ulo nitong bffko.
"Boyfriend?" usisa ni bugak na parang na gulat pa.
"Oo, boyfriend ang ama ng magiging anak nila, jusmiyo."
"Ho? Kilala mo kung sino ang tatay ng anak ni Ate Yane?"
"Obvious ba malamang si Whence lang naman ang boyfriend niya!"
Takang-taka tiningnan ako ni bugak.
"Boyfriend mo si Whence?!? Paanong nangyari 'yon eh BAK------" tinakpan ko kaagad ang bibig nito.
"Bugak, puwede ba lumabas ka muna?" Dinilatan ko ng mata ito.
Kakamot-kamot siyang lumabas ng Gym.
"Ano ba nangyayari kay bugak? Hindi ba niya alam na mag-syota kayo ni Whence?"
"Alam."
"Bakit ganoon siya maka-react? saka anong sinasabi niyang BAK? ANONG BAK?"
"WALA, WALA, KANINA PA KASI SIYA NA GUGUTOM SANDALI KAKAUSAPIN KO LANG, WAIT."
Sinundan ko si bugak sa labas takang-taka pa rin itong lumapit sa akin.
"Ate, puwede paki explain sa akin kung anong nangyayari ang gulo, eh."
"Oo, tama nga sinabi ni bff boyfriend ko si Whence."
"Syete! Bakit? BAKLA 'YON DI BA? TAPOS NAGKA-ANAK KAYOOOO???"
"Pssst, huwag kangmaingay. Boyfriend ko nga siya, at totoong BAKLA si Whence pero hindi totoo na siya ang AMA NITONG DINADALA KO."
"WHAATTT? WAIT HA? SO YOU MEAN boyfriend mo siya kailan mo pa alam na BAKLA siya?"
"Simula ng magkabalikan kami."
"Umayghad, kung hindi nga siya ang ama eh sino?" Napatakip siya ng bibig ng ma-gets kaagad kung sino, "Si KUYA TYRON ANG AMA NG ANAK MO?!"
"AKO? AKO ANG AMA NG ANAK MO YANE??" Tila tumigil ang mundo ng marinig ko ang boses ni Tyron.
Heto na yata ang pinaka ayaw kong parte ng aking kuwento. Alam na niya ang totoo, alam na niyang siya ang daddy ng baby girl ko.
"BFF, TAMA BA ITONG MGA NARINIG KO? AKO BA TALAGA ANG DADDY NI BABY?"