ISANG MALAKING achievement para sa isang mataba iyong bumaba ang timbang. Maiiwasan nila ang mabully, kainisan, at pandirihan ng tao. Pero marami nagbago sa buhay ko simula nang turuan ako ni Tyron kung paano pahalagahan ang sarili. Hindi niya inisip kung paano gumanti sa taong makasalanan kung hindi pinatunayan lamang nitong may karapatan pa rin lumigaya ang tulad namin.
Kung dati pagkain lang ang tanging makakapagpaligaya sa akin nagkamali ako dahil kahit gaano kasarap pala ang pagkain nakahain sa lamesa kung forever na pala ang kusang dumating sobra pa sa ligaya ang mararamdaman. Alam ninyo 'yon? Busog ang tiyan ko busog din pati ang puso. Ang cute 'di ba?
Yes I'm pregnant and the person who got me pregnant is my best friend. Balak ko nga sana itago ang katotohanan pero talaga nga ba yatang mapapahamak ako ng husto sa lalaking 'yon. Nakakainis, parang kinain ko lahat ng sinabi ko.
“Yaneeeee!” bulyaw ni mama.
“Bakit ma?”
“Manganganak na yata ako...”
“Ha, aba, teka tatawagan ko si tito.”
“Dalhin niyo na ako sa hospital hindi ko na kaya.”
Natataranta kong kinuha ang cellphone pagkaraan at tinatawagan ang numero ni tito ngunit bigo ko siyang makausap. Sa pangatlong ring wala pa rin kaya pinagmasdan ko si mama ng maigi kung gaano nga ba kasakit ang manganak.
“Ahhhh…hindi ko na kaya Yane ang sakit na talaga! Tawagin mo si Tyron baka nasa bahay nila.”
Bakit kailangan pa tawagin si Tyron eh kaya ko naman ito, ah.
“Wait lang mama dadalhin kita sa hospital.” Keme, wala akong pakialam kung tawagin niya pangalan ni Tyron basta ako magdadala sa kanya.
Inalalayan ko siyang makasakay sa kotse habang ako ay magmamaneho pero kung talagang nananadya ang araw na ito sobrang traffic katakot-takot pang mura ang narinig ko mula kay mama dahil hindi na raw niya kaya ang sakit pakiramdam daw niya ay mahuhulog na ang bata ng kusa.
“Yane, natawagan mo na ba sila sabihin mo kailangan ko ng kasama sa hospital.” see, manganganak na lang, ah.
“Opo, ma tinext ko na sila at pinasara ang gym para sumunod si bugak.”
“Lintek na 'yan, oh bkit ngayon pa ako manganganak kung kailan wala ang tito mo. Si Tyron ba tinawag mo? Nasaan ba siya saka 'yong gamit ng bata?”
“Mama, kumalma ka okay na ang lahat huwag mo isipin ang gamit dahil madali nang isunod 'yon. Ang dapat mo isipin maging okay ang kapatid ko.”
“Masakit na talaga. Anak, marunong ka ba magpaanak?”
“Mama naman hanggang ngayon ba naman?!”
“Baka bigla na lang lumabas ang anak ko rito kawawa naman.”
“Ayan na ma malapit na tayo sa hospital.”
“Humanap ka nang magandang daanan jusko hindi ko na talaga kaya ito!”
Ako na stress sa bunganga ni mama kaya minabuti kong huwag kausapin lalo kasi umiingay kapag pinapatulan ko.
Pagtapat sa hospital ng kotse kaagad akong bumaba para tumawag ng nurse salo ko ang aking tiyan dahil sa pagod at stress dahil sa nangyayari.
“Nurse, nurse.” nanghihina kong tawag.
“Bakit po misis manganganak na po kayo??!”
“Hindi ho ang mama ko pakikuha siya sa loob ng kotse.” apat na nurse yata ang umalalay kay mama bago makababa ng kotse at makapasok sa loob ng hospital.
Bago makapasok sa delivery room nakapagsalita pa ito na huwag akong aalis at hintayin ko raw ang asawa niya. Pagkaraan lang ng ilang minuto dumating si tito na tila nag-aalala kay mama.
“Yane, where's your mother?”
“Uncle, nasa loob na po siya.”
“Oh, thanks God are you alright?”
“Yes, Uncle I'm alright.” kahit medyo sumasakit ang puson ko ay nakuha kong ngumiti. Mahirap yata ipakitang may nararamdaman ka habang ito ay nag-aalala sa kanyang asawa.
“Yane.”
“Tyron.”
“Si mama?”
“Nasa loob na.”
“Ikaw ayos ka lang ba?”
“Ayos lang.” pagkatapos kong sabihin 'yon ay biglang humilab ng sobrang sakit ang tiyan ko.
“Ahhhhh...Araaay...”
"Huwag mo sabihin na manganganak ka na rin?"
"Hindi ko masasabing hindi dahil sobrang sakit n----"
"Teka, tatawag ako ng nurse." pinaalalayan niya ko kay uncle at tumakbo siyang palayo sa amin.
Manganganak na yata talaga ako dahil sobrang sakit na nang tiyan ko 'yong feeling na kaya ko pa mag relax pero ngayon ay hindi na. Ganito siguro 'yong pakiramdam ni mama kanina pa.
Dinig ko ang hiyaw ni mama sa kabilang gilid ko kahit na alam kong masakit ay nanatili akong kalmado sa panahong ito. Ayoko magpaka-OA masyado gaya ni mama saka wala rin mangyayari kung umiyak ako at tawagin si Tyron.
FIRST TIME KO LANG ITO PERO SI MAMA PANGALAWANG BESES NA NIYANG NA EXPERIENCE PERO KUNG MAG-INGAY AY GANOON NA LANG BAKA NGA TALAGANG NAGGER SI MAMA.
TYRON'S POINT OF VIEW
NANGINGINIG kong isinara ang takip ng mineral water, kalma Tyron magiging maayos din ang biyenan at asawa mo. Kung bakit kasi nagsabay pa ang mag-ina manganak, pero excited ako para makita ang anak namin ni Yane. Sa totoo lang, gusto ko na sana pumasok sa loob para paanakin siya pero ano ba alam ko riyan. Hay, Yane kung alam mo lang gustong-gusto na kitang makita bitbit ang anak natin.
Mula rito sa labas mas dinig ko ang ingay ng bunganga ni mama. Grabe talaga ginamit na naman nito ang pagiging bungangera. Kinakabahan tuloy ako sa resulta nilang dalawa mas okay na sana 'yong mag-ingay si Yane kaysa tahimik nanganganak.
Saktong alas-dose ng tanghali nanganak ang dalawa as in saktong-sakto hindi sila nag-usap pero nagkataon. Tawang-tawa kami ni papa ng malaman successful ang delivery ng dalawa.
"Okay ka na ba?" bungad ko ng malipat ito sa ward.
"Si baby?" hindi niya sinagot ang tanong ko.
"Nasa ibaba pa baka mamaya lang dalhin dito mukhang tulog na tulog si mama, ah." sulyap ko sa biyenan ko.
"Paano hindi matutulog eh halos maubos ang lakas kakasigaw at pag-ire. Oy, 'yong baby ko, ah? Huwag mo itatakas."
"Itakas? Bakit ko gagawin ang bagay na 'yon?"
"Baka kunin mo sa akin."
"At bakit nga? Hindi ko gagawin yon. Ikaw lang naman ang may kayang gumawa niyan, eh." Iniwasan niya ko ng tingin.
"Mahal kita Yane kahit naglihim ka tinanggap ko kung ano ang mga dahilan mo kahit ni isa wala kang sinabi,"
"Sorry dahil naglihim ako natakot lang ako na baka isipin mo kay Whence 'yong anak natin kaya 'di ako nagdalawang isip na sabihing kay Whence ang bata."
"Kahit ano pang dahilan mo Yane tatanggapin kita masaya ako dahil ako talaga ang tatay ng anak mo masaya ako dahil hindi kayo nagkatuluyan ni Whence."
Tinitigan niya ko ng sobrang tagal nais ko sana siyang yakapin pero nag dalawang isip ako kung tutugon ito sa gagawin ko.
Maya-maya dumarating ang dalawang nurse na may dalang babies. Sakto na gising si tita saka ibinigay sa kanya ang kanyang anak. Maluha-luha si Yane ng ipatong ang baby namin sa kanyang dibdib.
"Hi Baby Frian." bulaslas ko.
"Frian?" Usisa nito.
"Yes, Frian name ng baby natin."
"Hi Baby Frian nandito na si mama mo at si Daddy Tyron," Sa akin nakatingin at nakangiti.
Labis ang sayang nadarama ko ngayong nakita ko na sila. Ang saya, sobrang saya ko. Binuhat ko si Baby Frian upang lalo lumigaya ang aking puso.
"Hi anak, si daddy ito. Isa kang napaka laking regalo sa amin ng mommy mo. Aalagaan ka namin at hindi ko kayo iiwan ng mommy. Mahal na mahal ko kayong dalawa."
Hinalikan ko sa noo ang aking anak at saka ibinalik sa bisig ni Yane.
Tama, heto na yata ang pinaka masayang parte ng buhay ko ang maging ganap na tatay dahil mayroon na akong anak.
AFTER two days nakalabas na sila. Sa bahay muna nila ako nakikituloy para tulungan si Yane sa pag-aalaga kay baby.
Hindi pala basta-basta ang pagbabantay ng sanggol. Sa unang gabi talagang mapupuyat ka dahil maya't-maya ang gising kung hindi kailangan dumede baka naman nagpupu. Hinahayaan kong matulog si Yane dahil alam kong hindi pa siya gaano nakakapagpahinga simula ng manganak ito.
Samantalang sina mama at tito ay kumuha ng yaya para mag-alaga sa kanilang baby since si tito hindi puwede dahil may trabaho.
"Good morning, puwede ka na matulog ako naman ang magbabantay kay baby." sabi nito ng magising.
"Sure ka? Parang 'di ko kayang iwan ang anak ko parang 'di ako nakakaramdam ng antok kapag nakikita siya."
"Matulog ka mamaya mapupuyat ka na naman, eh."
Niyakap ko siya, "Yane, salamat ha?"
"Para saan?"
"Binigyan mo ko ng anak."
"Sira,"
"Oo nga, salamat dahil magkasama na tayo ngayon."
"Wala 'yon."
"Uhm, Yane."
"Po?"
"Mahal mo ba ako?"
Bago ito sumagot malalim na titig ang ginawa niya sa akin.
"O mahal mo na ba ako?"
Hinalikan niya ko sa labi, "Mahal kita noon pa Tyron hindi lang ako naging matapang kaya itinago ko ang totoo. BFF, IKAW AT SI BABY FRIAN ANG MAHALAGA sa akin NGAYON."
Iyak-tawa ako sa mga narinig kong pag-amin nito.
"Mahal na mahal kita Yane sobrang mahal na mahal. Ipinapangako kong ikaw ang mamahalin ko hanggang sa huling paghinga ko. Palalakihin natin si baby ng mabuting bata hindi natin siya iiwan at pababayaan lahat ng makabubuti sa kanya ibibigay natin mahal na mahal kita Yane."
"Huwag ka na umiyak mahal na mahal din kita Tyron I really miss you " She kissed me so deeply how much she loved me.
Wala na akong hihilingin pa dahil na sa akin na ngayon ang mga taong dahilan bakit nagpapatuloy akong mabuhay sa mundo. The best talaga kapag pareho niyong mahal ang isa't-isa. Walang pilitan, walang lokohan, at walang aminan pero sa huli kayo din naman.
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
MAHABA man ang lalakarin ni Yane mula sa pintuan patungong altar ay balewala ito sapagkat naghihintay ang lalaking minamahal niya hindi lang bilang kaibigan kung hindi isang lalaking minahal niya ng sobra-sobra na lingid sa kaalaman ng iba. Akala nila si Whence ang tunay nitong minamahal ngunit mali, sapagkat si Tyron ang tipong hindi niya kailanman pinagsawaan samahan sa lahat ng bagay.
Noon pa man pareho silang lumba-lumba alam nitong si bff niya ang para sa kanya. Bakit kamo dahil nasa vocabulary niyang magpakasal sa lalaking nakauna sa kanya. Hindi man naging perfect ang unang kuwento ng dalawa pero sa huli sila rin ang pinagtagpo at itinadhana.
Matanda ka man o bata. Maitim o maputi. Matangkad o pandak. Panget o maganda. Payat o mataba may karapatan ka pa rin lumigaya sa piling ng taong mamahalin ka nang sobra. Malay mo nasa tabi-tabi lang ang taong makatutuluyan mo. Buksan at damahin ang tunay na kahulugan ng pag-ibig lahat tayo ay liligaya sa iba't-ibang panahon at pagkakataon.
THE END.