Mula pagkabata, hindi nawala si Nick sa mundo ni Josh. Hindi sila mag-best friend, pero sa bawat bakasyon, parang natural lang na magkasama sila—parang may sariling mundo na sila lang ang nakakaintindi. Sa tabing-dagat, hinahamon nila ang alon, tinutukso ang isa't isa kung sino ang mas matagal sa ilalim ng tubig. Minsan, walang humpay silang naghahabulan sa buhanginan hanggang parehong bumagsak, humahalakhak, hinihingal, habang ang araw ay unti-unting lumulubog sa abot-tanaw. Sa mga sandaling iyon, hindi nila kailanman inisip na may magbabago
Pero nung walong taong gulang sila, biglang nag-iba ang lahat.
Lumipat sila Nick sa Manila dahil nagtrabaho ang papa niya doon. At kahit na every year bumibisita ang pamilya nila sa probinsya, iba na rin ang dynamics nila ni Josh. Minsan nagkakasundo, minsan hindi—parang may invisible na pader sa pagitan nila na unti-unting tumataas. Hindi na katulad ng dati na ang saya-saya nila, na parang hindi kayang maghiwalay. Sa bawat bisitang lumilipas, mas nagiging pamilyar ang katahimikan sa pagitan nila, mas dumadalang ang habulan sa buhanginan, mas madalang ang tuksuhan at tawanan. Hanggang sa dumating ang taon na dose na sila—ang huling taon na nakita ni Josh si Nick. Binenta na kasi ng pamilya ni Nick ang bahay at lupa nila sa Ilocos, at sa isang iglap, parang nabura na lang ang lahat. Isang araw, parang nawala na lang siya sa buhay ni Josh, iniwan ang alaala ng mga alon at ng araw na dating sumasaksi sa kanilang pagkabata. Hindi na nag-bakasyon, hindi na nagkita. Hindi na sila naging magkausap tulad ng dati.
Akala ni Josh, hindi na sila magkikita ulit. Bawat taon, nagiging mas malayo ang mga alaala nila ni Nick. Hanggang isang araw, apat na taon ang lumipas, isang tawag mula sa nanay niya ang nagbago ng lahat.
"Anak, pupunta dito ang ninang mo kasama si Nick. Magbabakasyon sila rito. Malamang sa malamang, dito rin matutulog ang Ninang mo at si Nick sa bahay, ah. Ayusin mo yung kwarto mo." Sabi ni Mama Vangie
Napakurap si Josh sa gulat. "Ha? Si Nick? Bakit ngayon lang ulit sila pupunta?"
"Eh kasi naman, busy daw sila sa Manila. Pero ngayon, may time na sila. At saka alam mo namang best friend ko ang mama niya, 'di ba? Excited na nga akong makita si Ninang mo."
Josh just hummed in response. Sa totoo lang, hindi niya alam kung anong mararamdaman. Matagal na kasi. Ano na kayang itsura ni Nick ngayon? Dati, payatot siya, mas maliit ng bahagya kay Josh, at sobrang daldal. He was sharp-tongued, makulit, at minsan nakakainis. Pero naaalala niya rin yung mga pagkakataong nagiging maamo ito, lalo na kapag dalawa lang sila. Yung mga tahimik nilang moments sa dalampasigan, staring at the endless waves, as if they were waiting for something big to happen. Parang may unspoken connection, kahit na hindi nila masabi.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan, hindi mapakali si Josh kinagabihan. Hindi niya kayang itabi ang mga naiisip tungkol kay Nick. Kahit pa busy siya sa mga gawain sa bahay, hindi niya mapigilang mag-check ng social media ni Nick. Matagal na silang magkaibigan sa Facebook, at nagfa-followan pa rin sila sa Instagram, pero hindi na sila madalas mag-usap. Ni hindi niya maalala kung kailan sila huling nag-chat.
Binuksan niya ang profile ni Nick, naghihintay ng kahit kaunting update. Alam niyang hindi niya dapat ito gawin, pero parang may kung anong curiosity na hindi kayang pigilan.
Puro acad-related ang posts. Minsan may mga geeky memes, minsan articles about physics or tech stuff. Wala halos selfies, maliban sa isang formal pic mula sa isang school event. Noon, athletic at outgoing si Nick. Lagi siyang nasa sports activities, mahilig sa beach at outdoor trips, parehong tao lang sila ni Josh sa mga yun. Pero ngayon, parang ibang Nick ang nasa harapan niya—mas reserved, mas tahimik. Si Nick na hindi na yata tumatalon sa mga pool o hindi na sumasali sa mga laro sa buhangin. Nasa profile ni Nick, mas focus na siya sa pag-aaral, o kaya sa mga bagay na geeky at intellectual.
"Introvert ka na ngayon, Nick?" bulong niya sa sarili.
Pero hindi rin siya sigurado. Baka ganun pa rin si Nick, baka hindi lang ito nage-express ng totoong sarili niya sa social media. Iba pa rin naman ang online persona sa totoong buhay, 'di ba? Pero somehow, hindi niya maiwasang maisip na baka nga nag-iba na talaga si Nick. Parang nagkaroon ng bagong Nick—yung hindi na yun dating Nick na laging abala sa mga physical na activities, na madalas magpatawa at makipaglakbay sa mga adventures.
Habang nakatingin siya sa profile ni Nick, hindi niya maiwasang magtaka kung anong nangyari sa kanilang dalawa. Parang may malalim na pagnanasa na gusto niyang matutunan ang mga pagbabagong yun. Hindi lang sa social media, kundi sa mismong buhay ni Nick. Siguro nga, may mga bagay na hindi pa siya nakikita—mga bagong aspeto ni Nick na hindi niya inaasahan.
Dumating ang araw ng bakasyon ng pamilya ni Nick, at hindi mapakali si Josh. Nasa labas siya, nakasandal sa isang puno malapit sa bahay nila, habang tinitingnan ang lumang sasakyan na pumarada sa tapat. Bumukas ang pinto, at bumaba ang isang pamilyar na mukha.
Pero ibang-iba na siya.
Si Nick.
Mas matangkad ito ngayon, mas lean pero halatang toned. Parang effortless ang confidence na dala niya habang naglalakad. Medyo mahaba na ang buhok niya, natural na wavy at bahagyang ginulo ng hangin. Naka-white button-down shirt siya, pero hindi ito nakasara nang maayos—sapat para makita ang maputi niyang balat. At yung mukha niya... sharp features, a strong jawline, at may pabirong ngiti na parang sanay siyang makuha ang gusto niya.
Nagtagpo ang mga mata nila. Napansin ni Josh ang bahagyang pagtaas ng kilay ni Nick, na para bang nag-aabang kung ano ang magiging reaksyon niya.
"Josh?"
Napatikhim siya, pilit na tinatanggal ang kakaibang init na naramdaman niya. "Tagal mong nawala, ah."
Tumawa si Nick, nilingon saglit ang mama niya bago bumalik ang tingin kay Josh. "Ikaw naman, parang 'di mo ko namiss."
"Sino may sabing namiss kita?" sabi ni Josh, sabay cross ng mga braso. Pero sa loob-loob niya, kahit na parang matagal na silang hindi nagkita, hindi niya maitatanggi na kilala pa rin niya si Nick. Pamilyar pa rin ang ngiti nito, pero may kung anong nabago—may kung anong init na hindi niya maipaliwanag.
Nick grinned. "Musta naman sa probinsya? Wala pa ring nagbago?"
"Same old, same old. Ikaw? Malamang big time ka na sa Manila."
"Hah! Big time? Hindi naman. Pero, alam mo na, ibang mundo na rin dun."
Josh nodded, unsure of what to say next. There was something unspoken between them, a tension that hadn't been there before. Or maybe it had been there all along, just waiting for the right moment to surface.
"So... saan ako matutulog?" tanong ni Nick, nakangisi.
Josh smirked, shaking his head. "Saan pa? Edi sa tabi ng mga kalabaw."
"Nakakatawa yan?" sagot ni Nick, isang mata na lang ang nakataas.
"Eto naman napaka seryoso. San mo ba gusto, sa kwarto ko?" ani Josh, hindi matanggal ang ngiti.
Nagkatinginan silang dalawa, pansamantalang natigil ang usapan. May tension sa hangin, parang pareho nilang sinusukat ang isa't isa.
"Sa kwarto ko nga ikaw matutulog," ulit ni Josh, medyo nagbago ang tono.
Nick raised a brow, a slow smirk playing on his lips. Tinitigan niya si Josh ng medyo matagal saka bumulong, "Interesting,", para bang may ibang ibig sabihin.
Nagsimula nang mag-catch up ang mga nanay nila, nag-marites, at nagkwentuhan tungkol sa kung anong meron sa buhay-buhay. Samantalang sina Josh at Nick, may nabubuong tensyon na hindi nila matukoy.
Is it me? Or him?
Josh led Nick to the room, where the bunk bed stood. Sa baba madalas natutulog si Josh. Dating kwarto nila ito ng kuya niya, pero nang bumukod ang kuya niya, solo na niya ang space. Tinanggal lang ni Josh ang mga gamit sa itaas at pinapili si Nick kung saan siya mas komportable matulog.
"Sa baba na lang ako," sabi ni Nick, and Josh couldn't help but wonder, Bakit hindi sa taas?
Nag-ok na rin si Josh kasi siya naman din ay natutulog sa taas nung kasama pa niya ang kuya niya.
Josh couldn't shake the feeling. Something was different, and he couldn't quite put his finger on it.
This wasn't the Nick I remembered. But something tells me... I might like him more now.
And just like that, Josh knew—this summer was going to be different. But Nick? He was going to make sure of it.