Chapter 18 - The Suspicion

LOPEZ MANSION...

"Ms. Ellah," marahang tawag ni Gian sa amo ngunit hindi ito nagising sa himbing ng pagkakatulog.

Gabi na ng makarating sila.

Tinapik niya ang braso nito ngunit hindi man lang gumalaw.

Pinagmamasdan niya ang payapang anyo ng tagapagmana.

Mula pa kanina sa Imelda, hanggang dito sa Zamboanga ay panay ang tulog nito.

Bahagya pang nakatakip ang buhok nito sa pisngi habang nakatagilid malapit sa bintana.

'Patawarin mo ako Ellah, nang dahil sa akin nadamay ka. Mabuti na lang walang masamang nangyari sa'yo.'

Kusa naman itong nagising.

"Okay ka na?"

Tumango ito.

"Huwag mo ng sabihin ang tungkol dito sa lolo mo."

Nilingon siya ng katabi. "Bakit? Nasa panganib tayo, hindi ba sabi mo dapat ipaalam lagi kay lolo kapag nanganganib ako?"

Nilingon niya saglit ang amo. "Ako na magsasabi."

"Sino kaya ang mga 'yon?"

Hind siya sumagot. Hindi niya maaring sabihing siya ang sadya ng mga iyon at hindi lang basta nagkagulo dahil sa rides.

Lumabas ito at sabay silang nagtungo sa mansyon.

Pagkapasok sa sala ay nakasalubong nila ang mga katulong.

"Good evening Ms., sir Gian."

Agad siyang tumugon ngunit tumango lang si Ellah.

"Good evening din sa inyo."

Deretso sila sa may terasa kung saan naroon ang don.

"O hija, mabuti nakabalik na kayo."

Humalik dito ang apo.

"Kumusta ang tunnel?"

"Okay naman lo, tataas na ang production daily."

"Good! O sige na, alam kong pagod kayo. Gian dito ka na maghapunan."

"Huwag na ho don Jaime."

Nagkatinginan sila ng dalaga.

Ngunit wala siyang lakas ng loob na kausapin ito matapos ang nangyari.

Tuluyan na itong tumalikod.

Nang silang dalawa na lang ng don ay nagsalita siya.

"Don Jaime, pwede ho ba kayong makausap?"

"Sige, ano ba 'yon?" Humigop ito ng kape.

.

"Pakiramdam ko ho nasa panganib ako."

"Ano? Hindi ba lagi namang ganyan?"

"Kanina, may nagtangkang pumatay sa akin."

Nanlaki ang mga mata ng don.

"Ibig mong sabihin kahit ikaw mismo delikado ang buhay mo ngayon?"

Tumango ang binata. "Oho, don Jaime."

Biglang lumapit ang don sa kanya bago nagsalita ng mahina.

"Hindi ito dapat malaman ng apo ko, hayaan mong sa ating dalawa lang ang bagay na ito."

"Pero don Jaime, nanganganib ang inyong apo sa akin."

"O ba ka naman sinasabi mo lang 'yan para makaalis na? Balita ko gusto mong bumalik sa inyo?"

"Hindi ho sa gano'n. Totoong uuwi ako pero tatapusin ko lang muna ang trabaho ko sa inyo. Pero kung ganyang ako mismo nanganganib-"

"Mas delikado siya kapag wala ka, paano kung hindi mo siya nailigtas sa bundok na 'yon? Gano'n pa man, habang pinag-iisipan ko ang sitwasyon mo, huwag mong ipaalam sa kanya."

Hindi niya lubos maisip na kahit alam na nito ay hindi pa rin siya pinaalis.

---

AMELIA HOMES...

Pagdating ng bahay ay agad niyang tinawagan ang hepe.

"Gian kumusta?" bungad nito.

"Chief, may naka engkwentro ako kanina sa Imelda."

"Ano? Saan ka ngayon!"

"Nasa bahay chief , saan galing ang impormasyon?"

"Hindi pa rin ma trace. Para bang sinadyang ipaalam lang pero walang balak magpakilala."

"Ang naka engkwentro ko isang Nicholas Cordova, sundalo."

"Sino kaya may pakana nito?"

"Hindi kaya si Mondragon sir?"

"Aalamin natin, mag-iingat ka."

"Salamat sir."

Pagkatapos ng usapan ay huminga siya ng malalim.

Salamat sa nagbigay impormasyon sa hepe at ngayon alam niyang may pumupuntirya sa kanya!

---

MEDC OFFICE...

Huminga ng malalim si Gian habang nasa basement at nakasandal sa kotse, hinihintay ang pinoprotektahang tagapagmana.

Tuloy pa rin ang pagbabantay niya rito sa kabila ng nangyari.

Wala pa rin siyang lead sa paghahanap ng impormasyon.

At wala namang kakaiba sa loob ng dalawang araw.

Ilang sandali pa naaninag na niya ang dalaga patungo sa kanya.

Binuksan niya ang front seat at umupo ito.

"Let's go," anito at sumandal.

Tahimik siyang nagmamaneho palabas kaya lang napansin niyang tila nakasimangot ang dalaga.

"May problema? "

"Oo "

"Ano 'yon?"

Hindi na bago kung may problema ang amo sa laki ba naman ng responsibilidad nito.

"Gusto kong manood ng sine. "

"Wow! Ang laki ng problema mo, " gulat na tugon ng binata.

"Hindi nga, maganda kasi ang movie na 'yon. Hollywood at sikat 'yon."

"Anong problema?"

"Wala akong kasama."

"Problema nga 'yan."

"Balak ko sanang tawagan 'yong hotelier kaya lang, nahihiya ako."

"Tama! Nakakahiya nga!"

"Kaya naisip ko, ikaw na lang!"

Bigla ang kanyang pag preno.

"Aray ko naman!" muntik na kasi itong masubsob sa dash board.

"Sorry"

Tinitigan siya nito.

"Busy ako, may kausap ako hindi ako pwede. "

Ayaw talaga niyang magkaroon sila ng pagkakataong mapag-isa at magmumukhang date nila.

"Sige na please? Alangan namang isama ko si lolo. "

"Eh 'di ang mga kaibigan mo. "

"Wala ako no' n," nakasimangot na saad nito.

"Kawawa ka naman. "

"Papayag na 'yan," tudyo nito sabay ngiti.

Napatingin siya rito. "Hindi na 'to parte ng trabaho ko."

"Pantanggal stress din, kaya samahan mo na ako. Sige ka baka mapahamak ako sumbong kita kay lolo."

Huminga siya ng malalim. "Oo na. "

"Yes!"

---

CINEMATHEQUE ...

Papasok sila sa sinehan.

Nakangiti si Ellah.

"Ms. pilahan dito," paalala ng gwardya.

"I know"

"Pinaalala ko lang baka hindi ka na naman pipila. "

"Kainis ka!"

Pumila na sila at nang makabili ng dalawang ticket, kinalabit siya ni Gian.

"Action pala 'to? Maganda. "

"Let's go?"

"Sure"

Inalalayan siya nito.

"Three steps behind, " taas ang kilay na wika niya.

"Hindi ubra ang rules na 'yan ngayon. Kapag ginawa ko 'yan baka iba na ang nakasunod sa'yo," masungit na tugon ni Gian.

"Joke lang"

Nang makapasok na sila sa loob, agad silang naghanap ng upuan.

Medyo nasa likuran na sila nakakuha ng pwesto.

Bitbit niya ang pagkain at kay Gian ang inumin.Tila wa ito sa sarili.

"Sir, may nakaupo dito?" itinuro ng isang babae ang upuang tabi ng binata na tila nagpabalik ng diwa dito.

"Yes" siya ang sumagot.

Hindi na ito umimik at umupo sa harapang upuan kasunod ang isang lalake.

Maya-maya lang nag-umpisa ang pelikula.

Napakasaya niya ngayon dahil mapapanood niya ang kanyang paboritong aktor.

Panay ang nguya niya ng pagkain at umiinom lang ng soda si Gian.

Nag-umpisa na ang bakbakan kaya na tense na siya.

Nang biglang may humagikhik na babae sa kanilang likuran.

Napatingin siya kay Gian, ngunit deretso ang tingin nito sa screen.

Unti-unti na niyang nagugustuhan ang pinapanood dahil gyera na.

Nang bigla na namang humagikhik ang babae.

"Baby huwag diyan," humahagikhik ulit.

Kumuyom ang kanyang kamay at tumiim ang bagang.

'Kababaeng tao ang landi.'

"Ano ba baby naman eh," malanding reklamo nito.

Hindi na siya nakatiis at nilingon ang nasa likuran.

May isang babae subalit wala namang katabi.

Muli niyang itinutok ang paningin sa screen.

Halos makapangalahati na sila at may nakakatawa ng eksena.

Subalit bigla na lang naudlot ang tawa niya sa narinig.

"Baby please ano ba?" sabay hagikhik ng babae sa likuran.

Hindi na siya nakatiis at muling nilingon ang babae saka malakas itong sinigawan.

"ANO BA KUNG MAKIKIPAGLANDIAN KA LANG LUMABAS KA NA!"

Natahimik ang lahat.

"What's wrong?" nagtatakang tanong ni Gian.

"Ang landi eh!"

Nagbulungan ang nasa malapit.

Nagbukas ang ilaw.

Deretso ang tingin niya sa babae kaya nagtagpo ang tingin nila.

"Teka lang ha ako ba tinutukoy mong malandi?" turo nito sa sarili sabay tikwas ng manipis na kilay.

Sinuri niya ang maiksi nitong palda manipis pa.

"Halata?"

"Eh gaga ka pala eh!" tumayo ito at dinuro siya.

"Mas gaga ka malandi pa!" duro rin niya.

"Ms., " hinila siya ni Gian palayo.

Iwinaksi niya ang kamay nito at hinarap ang babae.

"Ikaw pa may ganang magalit? Action ang pelikula ikaw spg?"

Nanlalaki ang mga mata ng babae at hindi makapagsalita.

"Mommy... what's wrong?"

Lumipad ang tingin niya sa ilalim ng upuan, mula roon ay may batang lalake na lumabas at kumapit sa palda ng babae habang nakatingin sa kanya na tila natatakot.

"Wala baby, let's go at baka makapatay ako ng bintangera."

Hila nito ang bata paalis at siya napatanga habang nakasunod ng tingin!

Umawang ang kanyang bibig nang mapagtantong bata nga ang tinatawag na "baby"

Napanganga siya at humalakhak si Gian!

---

LOPEZ MANSION...

Dinig na dinig ni don Jaime ang tawanan ng dalawang tao sa malawak na espasyo ng bahay.

Sigurado itong ang apo at ang isa ay ang gwardya nito.

Kanina tinawagan ito ng apo na manonood ng sine at ang kasama ay ang gwardya.

Subalit sa porma at tindig ng gwardya ay hindi ito mapagkakamalang tagabantay lang, mas mapagkakamalan talagang kasintahan ng apo, bagay na ayaw nitong mangyari.

Mabuti nga bang hindi malalaman ng apo na ang mismong gwardya ay nasa panganib?

Marahang pinagulong ng don ang wheel chair pasalubong sa mga bagong dating.

Pinagmasdan ang orasang nasa dingding bago napailing.

Alas dyes ng gabi.

"Bakit ngayon lang kayo?"

Natigilan sina Ellah at Gian sa nakitang kapormalan sa tono ng don.

Lumapit si Ellah sa abuelo at humalik sa pisngi nito. "Good evening lolo."

Ngunit napansin ni Gian na sa kanya nakatingin ang don na ikinabahala ng binata.

"Go to your room hija," malumanay na utos ni don Jaime sa apo.

"Yes, lolo," binalingan ng dalaga ang gwardya. "Goodnight Mr. Hinala!" anito sabay hagikhik bago tuluyang umalis.

"Goodnight Ms. Maling akala," marahang tugon ng binata.

Kumunot ang noo ni don Jaime at kita ang pagkadisgusto sa nasaksihan.

"Ano 'yon?"

"Ah," alanganing nagsalita si Gian sa harap ng don na tila hindi maganda ang aura.

" Speak," mariing utos ni don Jaime.

"Napagkamalan ho ng inyong apo na may kababalaghang nangyari sa sinehan pero isang ina at bata 'yon, sumususo sa ina ang bata kaya napagkamalang may..."

"Gian," putol ng don.

"Yes don Jaime," tugon ng binata na nakahanda sa anumang nais iparating ng kausap.

"Hindi mo ba nalaman sino ang nagmanman sa' yo?"

"Hindi ho, don Jaime."

"Anong klase kang pulis! Hindi mo alam sino ang nagpapatay sa'yo?"

Hindi umimik si Gian.

"Gusto kong tumigil ka na sa pagiging gwardya ng apo ko."

Natigilan ang binata subalit pinanatili niyang kalmado kahit na kabado na sa tinatakbo ng usapan.

"Kayo rin ho ang nagsabi na kung wala ako sa tabi ng inyong apo ay manganganib siya."

"Nagbago na ang isip ko, nakapagdesisyon na ako."

"Hindi ho ba dapat magdesisyon din si Ms. Ellah?"

Tumalim ang tingin ng don sa kanya.

"Ako ang kumuha sa'yo, ako rin ang magbabalik," mariing tugon ng don.

Tumahimik si Gian, base sa sinabi ng don ay nakapagdesisyon na nga ito.

"Bigyan niyo ho ako ng isa pang araw don Jaime, kailangan ko ring magpaalam bilang respeto sa pinoprotekhan ko."

"Isang araw, bukas ng gabi dapat wala ka na, naiintindihan mo naman hindi ba? Ayaw kong madamay sa panganib ang apo ko, ang dami na niyang kinakaharap na problema dumagdag ka pa."

Tumiim ang bagang ng binata bago tumango.

"Naiintindihan ko, don Jaime," mariin niyang tugon.

"Isa pa huwag mo ng ipaalam sa kanya ang pinag-usapan natin ngayon, naiintindihan mo?"

Mabigat sa loob na tumango ang binata.

"Good, umalis ka na."

Marahan siyang yumuko bago tuluyang umalis.

Tanggap naman niya ang rason kung bakit kailangan na niyang lumisan sa buhay ng mga Lopez.

Hindi rin naman niya gustong siya ang magiging rason upang malagay itong muli sa panganib.

Napailing si Gian.

Matapos ang mga nangyaring pagbubuwis-buhay niya ma protektahan lang ang mga Lopez, ay heto siya ngayon at pinapaalis na sa buhay ng mga ito.

Alam naman niya sa simula pa lang na hindi siya magtatagal.

Masyado lang siguro siyang nadala sa sitwasyon at nakalimutan na ang lahat ng ito ay pansamantala lamang.

---

CITY JAIL ZAMBOANGA CITY...

Kaharap ni Gian ang matandang Mondragon sa isang mesa.

Nanlalaki ang mga mata nito.

"Akala mo ba mapapatay mo ako?"

Kumunot ang noo nito na ikinairita niya.

"Anong?"

Umalim ang tingin niya. "Ang galing mo talaga Mondragon. Kapag hindi mo ako tinigilan, isusunod ko rito ang anak mo." Tumayo siya at umalis.

Bumangis ang anyo ng matanda.

"Ang yabang mong hayop ka! Makakaganti rin ako sa'yo! Kung sino man ang nagpapatay sa'yo dapat lang 'yon! Traydor! Mamatay ka na!"

Kumunot ang noo niya pagdating sa labas at natigilan.

"Hindi siya ang may pakana?"

Isa ba sa manliligaw ni Ellah?

Ganoon ba kalaki ang atraso niya para ipapatay talaga?

"Tangina naman!"