Ang mahigpit na kapit ni Ellah sa damit ni Gian ay lumuwag ng dahil sa narinig.
Alam niyang kailangan niyang mag-ingat. Mag-ingat sa lahat.
"Tumawag si Jen kanina kaya nalaman kong na ospital ka. Bakit?" Hinahaplos nito ang kanyang likod.
Habang nakasubsob siya sa dibdib ng lalaki ay tila nakaramdam siya ng kapanatagan. Napapakalma siya sa mabango nitong katawan.
Subalit hindi na dapat. Hindi na niya ito protektor, may iba na.
Kumalas siya at tumalikod.
"Umalis ka na," malamig niyang utos.
"Bakit ka na ospital?"
Naalala niya ang nangyari.
Lagpas alas dos ng hindi na niya kaya ang gutom habang nasa opisina.
Pinindot niya ang intercom.
"Jen, magpa deliver ka ng pagkain please."
"Yes, Ms. Ellah."
Tuloy siya sa trabaho habang hinihintay ang pagkain.
Ngunit kahit gaano siya ka abala sa tuwing tutunog ang cellphone sa ibabaw ng mesa ay umaasa siyang si Gian na iyon.
Ngunit hindi. Limang araw na straight hindi ito nagparamdam kaya hindi na siya umasa pa.
"Ms. Nandito na ang delivery," ani Jen at pumasok.
"Salamat."
Tumayo siya at tinungo ang mesa ng pantry.
Naroon na ang sekretarya at naghahanda ng pagkain.
"Ms. Makakadalo ka kaya sa charity foundation?"
Natigilan siya. "Kelan nga 'yon?"
"Sa sabado."
Uupo na siya nang makaramdam ng pagkahilo at gumewang.
"Ayos ka lang Ms. Ellah?"
Ni hindi na siya nakasagot dahil nagdilim na ang lahat.
Nagising na lang siyang nasa isang ospital na.
Sinagot niya ang tanong ni Gian.
"Nalipasan ako ng gutom."
"A-ano?"
Hinarap niya ito.
"Marami akong trabaho, nakalimutan kong kumain at-"
"Tangina!"
Napapiksi siya sa singhal ng kaharap.
Agad naman itong nakabawi.
"I'm sorry. Pero hindi mo dapat pinababayaan ang sarili mo."
"Wala ka ng pakialam."
"Dahil ba hindi na ako nag papaalala ng kain hindi mo na rin ginagawa?"
"Hah! Ang yabang mo! Bakit sino ka ba? Gwardya lang naman kita!
Ah hindi na pala ngayon, kaya mas lalong wala kang pakialam!"
"Noon 'yon, hindi na ngayon." Gigil nitong piniga ang braso niya habang nakatiim ang bagang.
"B-bitiwan mo ako," napapangiwi siya sa sakit ngunit hindi man lang ito natinag.
Saka naman may umungol.
Nagkatinginan silang dalawa, bago lumipad sa bumabangon na ngayon na gwardya.
"Dan!"
"Ms. Ellah! Ayos ka lang?"
Nilapitan ito ni Gian at hinila sa kwelyo patayo.
"Labas!"
"Ms. Ellah!"
"Tangina mo hindi ka lalabas?" Tinutukan nito ng baril sa ulo ang gwardya niya.
Nahintakutan ang lalaki ngunit nanatiling kalmado.
"Dan, lumabas ka na, ayos lang ako, " mahinahon niyang saad upang sumunod ang gwardya.
Binuksan nito ang pinto at lumabas.
"O! Baril mo!" sabay hagis ni Gian sa baril sa sahig palabas na pinulot ni Dan.
Muli nitong isinara ang pinto at ini lock.
Umawang ang bibig niya, baril pala ng gwardya niya ang hawak nito.
Nang muling humarap sa kanya at tinatagan niya ang sarili.
"Gian ano pa bang kailangan mo?"
"Mag-uusap tayo."
"Wala na tayong pag-uusapan, umalis ka na nga hindi ba?"
"Nasa panganib ka Ellah."
"Alam ko matagal na!"
"Hindi mo naiintindihan!" singhal nito na ikinatahimik niya.
"Ang mabuti pa siguro, umalis ka na sa kumpanya ninyo."
Nabaghan siya sa narinig. "Nahihibang ka ba?!"
"Ngayong hindi na ako ang protektor mo, wala ng magpoprotekta sa'yo."
Natawa siya sa narinig.
"Marami sila! At pwede ba tumigil ka sa pag-alala? Iniwan mo nga ako ng walang paalam! Isa pa wala kang karapatang manghimasok sa buhay ko! Gwardya ka lang noon! Mas lalong wala kang karapatan ngayong hindi na!"
Natahimik ito at yumuko. Napansin niya ang pagkuyom ng kamay.
Kumalma siya. "Gian, umalis ka na. Pabayaan mo na ako."
"Sa oras na mapahamak ka, ikakasira ng lolo mo at ikababagsak ng kumpanya ninyo."
"Anong sinasabi mo?"
Nang biglang may kumatok sabay sigaw mula sa labas.
"MS. ELLAH! PARATING SI DON JAIME!"
Nagkatinginan sila. Unang nakahuma ang lalaki.
"Shit!" Hinatak siya nito sa pulso palabas at hinugot ang baril sa likuran.
"Gian ano ba!"
Sumalubong ang tatlong bodyguard niya na sinalubong ng baril ni Gian.
"MS. ELLAH!" Magkapanabayang sigaw ng tatlo.
"Subukan niyong sumunod!" asik nito na ikinatigil ng tatlo.
Ilang sandali pa nakita na nila ang mga tauhan ng abuelo.
Mabilis umiwas si Gian at dinala siya nito sa likuran sa may exit.
"Ano bang ginagawa mo?"
"Mag-uusap pa tayo."
"Pwede naman habang kasama natin si lolo!"
"Hindi pwede!" Kinaladkad siya nito papasok ng kotse at mabilis binuksan ang front seat.
Pumasok siya at mabilis din itong pumasok at nagmaneho palabas.
Kung tutuusin, pwede naman siyang pumalag at sumigaw ngunit hindi niya ginawa.
Iyon ang hindi niya maintindihan.
Nanahimik siya hanggang sa mapansin kung saan sila patungo.
Nanlaki ang mga mata niya.
---
IMPERIAL HOTEL...
"Punyeta Gian! Huwag mong sabihing-"
"Mag-uusap lang tayo," matigas nitong tugon at pinarada ang sasakyan sa likod.
Kabadong-kabado siya habang binubuksan nito ang pinto.
Hinagilap niya ang cellphone sa bag saka napagtantong naiwan ito sa ospital.
"Dito talaga? Hindi ba pwedeng sa tabing dagat o sa restaurant?"
"Hindi pwede, sa ngayon sigurado akong hinahanap ka na ni don Jaime." Lumabas ito at binuksan ang pintuan niya.
"Iyon na nga eh! Tiyak nag-alala na si lolo!"
Kinaladkad siya nito palabas, papasok sa hotel at hinarap ang staff.
"Ms. Isang room please?"
"Regular sir?"
"Kahit ano."
Lihim siyang nagpupumiglas kaya humigpit ang kapit nito sa pulso niya at nasasaktan siya.
"Paki fill up po ng form sir," sabay tingin sa kanya ng babae.
Yumuko siya sa kahihiyan.
"Misis niyo ho?"
Umangat ang tingin niya sa sinabi ng babae.
"Hindi ba si Ellah Lopez kayo?"
Natigilan siya dahil kilala pala siya nito.
"Oo," matigas na tugon ni Gian.
Tiningnan niya ang nakasulat sa papel at napamulagat.
MR. AND MRS. GIAN VILLAREAL
'Walang hiya ang kapal ng mukha!'
"Let's go," hinatak siya nito ulit.
"Ayoko! Bitiwan mo ako!" Nagpumiglas siya ngunit hindi nakawala hanggang sa makapasok sa silid.
"Isang silid lang talaga!" Reklamo niya.
Natawa lang naman ito. "Arte, samantalang dati nga gusto mo pang magkasama tayo sa iisang kwarto."
Umawang ang bibig niya. "Dati 'yon noong bodyguard pa kita!"
Umupo ito sa kama pagkasara ng pinto.
Nanatili siyang nakatayo sa may dingding.
"Umupo ka nga," iritado nitong saad.
"Ayoko, kidnapping 'to!"
"Mas mabuti ng ganito, nakikita kitang ligtas kaysa kapag wala na ako napahamak ka."
"Wow! Concern? Eh hindi ba't lumayas ka nga ng walang paalam?"
"I'm sorry. Pero please, mag-iingat ka. Hindi natin alam kung sino ang kalaban mo."
"Hah! Tigilan mo ako! Anong pakialam mo kung mamatay ako!"
"ELLAH!" Dumagundong sa buong silid ang sigaw nito.
Natahimik siya.
"Pakiusap, unawain mo. Hindi tayo pwedeng magkasama. Napapahamak tayo.
Iyong nangyari sa bundok, sinadya 'yon. Ako talaga ang puntirya nila."
Napamaang siya. "Alin? Iyong naka engkwentro natin sa Mount Gampo?"
Mariin itong tumango.
Nameywang siya. "Teka nga, ibig mong sabihin muntik na tayong mapahamak dahil sa'yo? Ikaw ang target?"
"Kaya ako umalis sa pagiging protektor mo. Pero ang dahilan kaya ako ang pinupuntirya ay dahil sa'yo."
Kumuyom ang kamay niya. "Anong ako?"
Umangat ang tingin nito deretso sa mukha niya. "May gustong mapabagsak si don Jaime, at ikaw ang paraan para mangyari 'yon."
"Huwag ka ngang mag-imbento! Baka marami kang atraso kaya nadadamay ako!"
"Sana gano'n na nga. Para kapag umalis ako, hindi ka mapahamak.
Pero hindi... ikaw ang may kaaway at..." Humugot ito ng malalim na hininga bago umiling.
"At ano? Nadamay ka lang?"
Hindi ito kumibo, na parang tama siya.
Sinugod niya ito at pinaghahampas.
"Ang kapal ng mukha mo! Walang hiya!"
Panay ang sangga ng mga bisig nito.
"Hindi kita kinuha para bigyan ako ng mas malaking problema!"
"Ellah makinig ka," hinuli nito ang mga pulso niya.
"May nagtangka na sa'yo noon hindi ba? Ikinamatay ng dati mong mga gwardya."
Natigilan siya at napakurap.
"Ransom 'yon pero hindi natuloy dahil naubos sila. Pero nahuli na ang salarin."
"Iyon ba talaga ang paniniwala mo?"
Umawang ang bibig niya at wala ng maapuhap na salita.
"Hindi mo ba naisip na binalak ka talagang patayin pero hindi natuloy dahil iniligtas ka ng mga gwardya mo, at naubos ang nagtangka? Kaya hindi ka napatay dahil-"
"T-tumigil ka..." Tila nanghina siya at napaupo sa tabi nito.
Kumakabog ang dibdib sa mga napagtanto.
Hinawakan nito ang kamay niya.
"Kaya ako umalis para tigilan ka ng mga pumupuntirya sa'yo. Nabaling sa akin ang atensyon nila noong protektor mo pa ako."
Naisip niya ang abuelo.
"P-paano kung si lolo talaga ang balak pabagsakin pero ako lang ang pain? Pero sino naman ang may lakas ng loob na gagawa noon?
Alam kong maraming ayaw sa akin, pero aabot ba sa puntong papatayin ako?"
"Hindi natin alam kung ano talaga ang totoo.
Pero pwedeng tama ka, sa lakas ng impluwensiya ni don Jaime tiyak marami siyang kaaway."
Natahimik siya dahil mas posibleng iyon ang dahilan.
"Mag-iingat ka, para sa inyo ng lolo mo."
"A-anong pwede kong gawin?"
"Kung nasa loob ng kumpanya ang kalaban, alamin mo. Ingatan mong huwag nila malalaman ang ginagawa mo.
Kung taga labas naman, dagdagan niyo ang gwardya ninyo, para sa lolo mo at sa'yo."
Mariin siyang napalunok.
Kung nasa kumpanya ang kalaban, hindi makakatulong gaano man karami ang bodyguard, mas higit niyang kailangan ang makatulong para alamin kung sino ang kaaway.
"Sa palagay mo ba, sina Santos kaya?"
Umiling ito. "Sa gaya niya, hindi niya 'yon kaya. Kung nasa loob man ng kumpanya, tiyak na mataas ang posisyon."
"Pero sino?"
Umiling ito. "Mag-iingat ka."
"Hindi ba pwedeng bumalik ka na lang?"
Muli itong umiling.
"Bakit?" Bumalatay ang pagkadismasya sa anyo niya.
"Uuwi ako. Ang totoo, tapos na ang trabaho ko rito."
"Uuwi ka? H-hindi ka na babalik? Tuluyan na tayong hindi magkikita?"
Hindi niya alam ang mararamdaman, mas nanaig ang lungkot kaysa takot.
Yumuko ito.
"Gian, iiwan mo ako ng tuluyan? Pagkatapos ng mga sinabi mo?
Sa palagay mo ba, mapapanatag ako kahit dumami pa ang bodyguard ko?"
"I'm sorry..."
"No!" Tumayo siya. "Kung aalis ka lang pala sana hindi mo na ginulo ang isip ko!
Sana hindi ako nag-iisip ngayon na tama ka !"
"Ellah..."
"Kaya ba sinasabi mong umalis na ako sa kumpanya para hindi mapahamak? Paano ka naman nakakasiguro na nasa kumpanya ang problema?"
"Hindi ako sigurado kaya nga pinag-iingat kita."
"Pwes salamat sa concern pero makakaalis ka na."
Natigilan naman ito.
"Umalis ka na at huwag ka ng babalik!" sigaw na niya sa tindi ng hinanakit.
"Sana hindi ka na lang nagpakita noong umalis ka ng hindi nagpaalam!"
"Ellah please!"
"Alis! Kaya ka umalis para hindi madamay hindi ba? Pwes umalis ka na!"
"Tangina ang lolo mo ang nagpaalis sa akin!"
Humagkis ang tingin niya rito.
"Tinanggal ako ni don Jaime."
---
CIUDAD MEDICAL...
"Don Jaime, wala po talaga eh." Ang bungad ng pinunong bodyguard.
"Mga pulpol! Punyeta!" singhal nito sa tatlong gwardya ng apo.
"Iisang tao lang, nalusutan pa kayo!"
Halos buong ospital nalibot na ng tauhan ni don Jaime ngunit hindi pa rin makita ang apo.
Tinawagan ang apo ngunit napag-alamang nasa loob ng silid ng ospital ang cellphone nito.
"Hanapin niyo at huwag kayong babalik hanggang hindi niyo dala ang apo ko!"
Tumalima ang lahat ng tauhan.
Gigil nitong piniga ang wheel
chair na kinauupuan.
Nasa likuran ang alalay.
"Alex! Umuwi na tayo, baka sakaling uuwi na si Ellah!
Lintek na Villareal, saan kaya niya tinangay ang apo ko!"
Dinukot nito sa bulsa ng suot na pantalon ang cellphone at may tinawagan.
"Chief Romero!"
---
IMPERIAL HOTEL...
"Tiannggal ka ni lolo? Bakit naman niya gagawin?"
Napapikit si Gian.
Ayaw niya sanang malaman pa ito ng babae ngunit ayaw niya ring isipin nitong kaya siya umalis upang makaligtas sa panganib.
"Dahil sa engkwentro sa bundok. Natakot siyang madamay ka.
Noong nasa Paseo tayo, binalak ko ng magpaalam, pero nag-away tayo."
Natahimik ito at umiling-iling.
"Pero maniwala ka, hindi kita iniwan para makaligtas ako. Iniwan kita para makaligtas ka. Isinakripisyo ko ang kagustuhan kong umuwi noon para protektahan ka. Ngayong tapos na ang trabaho ko bilang bodyguard, ingatan mo ang sarili mo, para sa lolo mo. Kailangan ka niya."
Natahimik ang tagapagmana.
Nang may tumatawag sa cellphone ay tiningnan niya at kinabahan sa nakita.
"Chief good-"
"Villareal nasa'n ka? Kinidnap mo raw ang apo ni don Jaime!"
"Tangina..."