Friendzoned

"I was too blinded by my love for you. Too blinded to even see him. You paint my life. But right now, all that I can see is black and white."

***

(Anna's POV)

"Nakakatanga naman kung itatanong ko sa'yo kung okay ka lang ba ngayon, kasi alam ko namang hindi pero... gusto ko lang itanong kung dati mo pa ba--" naputol ang gusto kong sabihin ng magsalita na si Robi.

"Alam? Ngayon ko lang nalaman. Nagulat nga ako kaninang umaga nung may kasama syang babae eh," napaiwas ito ng tingin sa 'kin.

Kasalukuyan kaming nakasakay sa ferris wheel na apatan talaga dapat pero kaming dalawa lang ang sumakay para makapag-usap kami ng sarilinan.

Napatingin ako dito nang tumawa sya ng mapakla, "imagine, akala ko dati Girl hater sya o kung ano, kasi hindi srya nag-gigirlfriend. He even rejected me, he rubbed it off in my face that we're better off as friends, yun pala..." mabilis nyang pinahid ang mga mata nyang mayroong nangingilid na mga luha. "Yun pala... I'm not just his type of girl."

Nakita ko kung paano ma-friendzone ang isa ko pang kaibigan sa boy best friend nya.

Somehow, I remembered that line in the prologue of one of my stories.

Nakita ko kung paano ma-friendzone si Robi kay Kerwin.

Highschool days palang, kinukwento na nya sa'min na mga kaibigan nya na may gusto sya sa boy best friend nya na kasalukuyan noon na nag-aaral sa all-boys school noon.

Nalito pa nga ako nung dalawa yung pinakilala nyang boy best friend nitong college kami. Si Cy at Kerwin.

Pahamak si kupido, papanain na nga lang sya dun pa sa mukhang tuod na 'yun. Hindi ba pwedeng kay Cy nalang? At least kahit masyadong feeling gwapo yun (na gwapo naman talaga), hindi yun mukhang tuod na pokerguy.

"Pero alam mo besh, bagay sila--" bago pa ako maka tapos sa sasabihin ko ay bigla na lang nya akong binatukan.

"Wow, ha, thanks para sa pagiging ever supportive friend mo, besh." Sarkastiko nitong sabi sa akin.

"I mean, bagay sila kasi--" naputol ulit ang sasabihin ko ng makita kong masama ang tingin nya sakin.

"Isa!" Bumibilang na sya. And that only means napipikon na sya.

"Patapusin mo muna ako, bago ka mag-react okay?" Bahagya akong napatawa sa reaksyon sya.

"Look at them, bagay sila, yung si Kerwin mukhang tuod, yung girlfriend mukhang uod. O di ba? Perfect couple!" Ngumiti pa 'ko para mas lalong maging nakakainis.

"Bwisit." At nakatikim na naman po ako ng batok for the second time. "Hindi tuod si Kerwin," pagtatanggol nya pa dito.

"Sus, hindi daw--" napatigil ako sa pagsasalita ng makita kong matalim ang tingin nito sa akin.

Umakto akong parang sini-zipper ang bibig ko. "Okay. Sabi ko nga tiigil na 'ko sa pagsasalita."

Narinig kong napabuntong hininga sya.

"Anna, pakiuntog nga ako ng isa. Baka sakaling magising na 'ko sa katotohanan na wala talaga. Wala talagang pag-asa."

"Besh, gusto mo sagarin na natin? Imbis iuntog, ilaglag na lang kaya kita sa tuktok nitong ferris wheel, tingnan lang natin kung iiyakan ka ba nya,"

Masama ako nitong tiningnan at tsaka ulit ako binatukan na naman.

"Nakakarami ka na, ha!"

"Paano ba namang hindi? Kanina ka pa! My gulay, yung mga lumalabas sa bunganga mo, ha! Tsaka hindi ako suicidal, besh naman, nagdadrama ako--drama yung theme ng appearance ko ngayon tapos babanat ka ng ibang theme!"

"Anong gusto mo? Payuhan kitang mag-move on? Tapos magagalit ka kasi wala naman akong karapatan na pagsabihan ka kasi hindi ko alam yung nararamdaman ko? Tapos sasabihan mo ko ng famous line na 'how can I even let go, of someone who wasnt even mine in the first place'? Tapos iiyak ka? At magmomoment mag-isa?" Mahabang litanya ko.

Dahilan kung bakit napailing sya, "besh, wag mo naman akong itulad sa'yo.."

What she said supposed to be a joke. But it hitted me. Ganung-ganun kasi ako.

Napangiti ako sa kanya at napaiwas ng tingin, "buti ka pa nga nandyan si Kerwin. Eh sya ba? Wala na."halos bulong na lang ang lumabas sa bibig ko nung mga huling salita.

***

Kasalukuyan akong nagkukulong sa kwarto at nagne-net. Salamat na lang walang nangyaring gulo nung nagpunta kami sa amusement park. Pagkatapos naming mag-usap ni Robi habang nakasakay sa ferris wheel ay parang wala na talaga sya sa mood to the extent na tinamad na syang barahin ang girlfriend ni Kerwin. Buti naman. Kasi kung nagkataon na nagkagulo dahil dun sa dalawa, alam ko naman kung sinong kakampihan ni Kerwin.

Malamang yung girlfriend nya.

Pero pakiramdam ko talaga may iba eh. May mali. Ewan ko pero yun ang pakiramdam ko. Kaya nga eto ako ngayon, nag-i-stalk ng profile nung girlfriend ni Kerwin through internet.

Hindi ko muna sasabihin kay Robi o sa kahit kanino sa kanila yung hinala ko unless, may pruweba na ako.

Attorney yung tito ko at duon ko natutunan na magbigay sa isang tao ng benefit of the doubt unless proven guilty.

Pero dahil psychology student naman sya, natutunan kong bumasa ng tao. Alam kong masama ang manghusga pero hindi ako santa, at ramdam ko talaga na may iba.

While browsing her pictures in Facebook, awtomatikong napakunot ang noo ko sa nakita ko.

Picture namin ng barkada at kasama sya. Nakatalikod kami sa kuha pero alam kong kami pa din 'yun at sya lang ang nakaharap sa camera. Bakit hindi namin alam na kinukunan na pala kami ng picture ng mga panahong yo'n? Ganoon ba kami ka-walang pakialaman sa nangyayari sa paligid namin?

Halos mag-isang linya ang kilay ko sa nabasa kong caption.

New friends.

Bahagya akong napatawa dahil do'n. Oh? Friends pala namin sya? Bakit hindi kami na-inform?

May ilang comments. Out of curiosity ay tiningnan ko ang comments.

Sophia Yuzon: O to the M to the G! Sila Cyrus ba yan?

Charlott Del Rio: Sila Crimson nag-amusement park? Swerte mo girl, kasama mo sila!

Jeranie May Lopez: Next time, also invite us naman! You're too lucky. Imagine nakasama mo yung #triodeanslister #campushearthrobduo #studentgovofficer #danceguildmember #univpublicationeditor #mathwizard

Hime Diaz: O.O nakasama mo yung siyam na 'yun? Di nga?

Raegel Samson: perks of being Kerwin's girlfriend :P

Parang bigla akong nanggigil sa huling nabasa ko. Perks of being the girlfriend? Ano yun?

Perks pala, ha.

Paano ba sya naging girlfriend ni Kerwin?

Gusto nya pala ng laro, ha. E 'di pagbigyan. Hindi nya ba alam na umeepal sya sa love story dapat ng best friend ko?

Hahayaan ko syang kumilos ngayon. Gawin nya lahat ng pwede nyang gawin para mapaniwala nya si Kerwin na isa syang santa at hindi santa-santita.

After few minutes of browsing the news feed, I decided to post something.

Nahiya ka pa. Hindi mo pa kami ti-nag.