Hacienda Dela Cuevas
When Daddy told me that I have to learn my lesson in a hard way, he really meant it.
Dad knows how I hated living in the province. Most especially in our province. I hated that place so much. I don't know why but I just hated it. Maybe because that's where our grandparents died..
Kuya told that me that we once lived there with our grandparents. Kuya also told me that they both died in the same year when I was eight years old.
Namatay si Grandpa dahil in-ambush raw ang sinasakyan nitong van isang gabi and they said it was politics related. Re-electionist noon si Grandpa. Dati siyang governor ng probinsya. Si Grandma naman ay namatay dahil sa depression. Hindi niya kinaya ang pagkawala ni Grandpa. She was in deep pain and so depressed that time that she thought the only way to escape from it was to end her life.
And maybe that's why I hated that place so much. Our mansion. Our ranch. Everything about that place. Kaya nga raw lumipat kami sa Manila dahil sobra daw akong naapektuhan ng pangyayaring iyon. I was traumatized.
Palagi raw akong nagkakaroon ng panic attacks. Madalas din daw akong bangungutin noon kaya minabuti nilang lumipat na kami. Pinagamot nila ako sa Manila. Para malimutan ko ang mga traumatic experiences ko sa lugar na iyon kaya siguro wala ako maalala dahil ikinuwento lamang ito sa akin ni Kuya.
"Are you ready?"
Pumasok si Kuya sa kwarto ko at nakapa mulsang naka sandal sa hamba ng pintuan.
"Hinding hindi ako magiging ready."
Inirapan ko siya at saka umupo sa tapat ng vanity mirror ko. Sa sobrang labag sa loob ko na umalis ay hindi ako ang nag impake ng damit ko kundi ang mga kasambahay namin.
Tatlong maletang malaki nga ang dala ko at dalawang malaking gym bag. Mukhang matagal talaga ako doon at kulang na lang lahat ng gamit sa kwartong ito ay dalhin namin.
"This is for your own good, Tash."
"You know I hated that place. Ipadala niyo na lang sana ako sa ibang bansa huwag lang don!"
That's the last thing I will do, ang pumunta sa lugar na iyon. Oh kahit hindi, hinding hindi ako pupunta doon. Pero dahil nga, i have to learn it the hard way, ngayon ay babyahe na kami papunta sa lugar na hate na hate ko.
"Kaya nga doon ka ipapadala dahil alam ni Dad kung gaano mo kaayaw doon. Why would he punish you if you'll enjoy anyway?"
"I won't! Please, Kuya! Convince Daddy.."
Tinignan ko siya at nagpaawa ngunit nginisian niya lamang ako.
"No way. Get ready and we'll go after an hour."
Inirapan ko siya at padabog na ibinaba ang brush na hawak ko. Bakit nga ba sa kaniya pa ako humingi ng tulong eh sigurado ako siya ang pinaka unang taong sumang ayon sa desisyong ito ni Daddy. Tsk!
"I'll wait you downstairs." aniya pa bago siya lumabas.
Sa sobrang inis ko ay naibato ko na lamang ang brush sa pintuan nang maisara niya iyon.
Makalipas ang isang oras ay bumaba na ako. Nailagay na ng mga katulong ang mga gamit ko sa aming puting alphard. Pinag buksan na ako ng isa sa aming body guard. Bumungad sa akin si Kuya ay nakasakay na pati ang driver ay naka pwesto na sa driver's seat.
"Get in. There's no way in hell that I'll change my mind."
Nginiwian ko siya at umirap bago padabog na sumakay at naupo sa tabi niya. Sumakay na rin ang isang body guard sa unahan. May isang sasakyan sa likod na naka sunod sa amin kung saan naroon ang dalawa pang body guard.
"Dinaig ko pa anak ng presidente sa dami ng bantay ko." saad ko at sarkastikong tumawa.
"Tsk." napailing na lamang si Kuya at may kung anong binabasa sa phone niya.
"How's the case going?" iyon na lamang ang lumabas sa bibig ko.
Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung sinong gagong nag lagay ng drugs sa inumin ko.
"We still don't have leads. But we're doing our best. Don't worry.."
"Wala ka ba talagang naaalala?" tanong ni Kuya na inilingan ko na lamang.
"Kung may naalala ako, baka ako na mismo mag lagay sa kaniya sa kulungan."
Limang oras ang itatagal ng byahe namin para makarating sa probinsya. Hindi pa man kami nakakalabas ng express way ay naiirita na agad ako.
"Kuya, I'm hungry.."
We were in the middle of NLEX nang makaramdam ako ng gutom.
"Okay, may malapit na kainan tayong madadaanan."
Ilang minuto lamang ay nakarating na kami sa sinasabi ni Kuya. Ang daming kainan dito. Para ngang mini mall siya e.
"What do you want? Ako na ang bibili.." ani Kuya at saka kinuha ang wallet niya sa kaniyang bag.
"Pepperoni pizza, chicken alfredo and can you also buy me one iced white chocolate mocha, venti size, extra whip.. thanks.."
Taka akong tinignan ni Kuya. "Hindi ka ba kumain kanina? Mukhang gutom na gutom ka ah?"
Tinaasan ko lamang siya ng isang kilay saka sumagot.
"Ibibili mo ba ako o hindi? Kuya, I'm hungry!"
Napailing na lamang si Kuya habang bumaba ng sasakyan. Sinundan ko siya ng tingin at nang makita kong nakalayo na siya ay tinawag ko ang driver namin.
"Manong, I need to use the restroom. Mabilis lang ako."
Bubuksan ko pa lamang ang pintuan nang pigilan niya ako.
"Pasamahan ko na po kayo kay Makoy. Teka lang po tawagan ko.."
"No need. Mabilis lang ako. And are you hearing yourself? Pasasamahan mo ako sa lalaki? Tsk. Open the damn door! Kapag ako nagka sakit sa bato idedemanda pa kita!"
Automatic ang sasakyan at nai-lock na agad niya ang lahat ng pintuan. Napairap na lamang ako sa hangin.
"Open it! I'm going to pee!"
"S-sorry po. Ito na po.."
Agad niyang binuksan ito at agad din akong lumabas.
"Don't you dare follow me! I'm going to pee!" singhal ko sa dalawang body guard na lumabas agad sa kabilang sasakyan nang makita ako.
Sinamaan ko sila ng tingin at inirapan. Buti naman at hindi na sila sumunod. Tama yan, makuha kayo sa tingin.
Dumiretso ako sa public cr pero agad ding akong tumigil sa harapan nito at napa ngiti na lamang.
"Dumb of him to assume I'll pee here? Like yuck."
Hindi ako pumasok sa cr at sa halip ay nag lakad ako palayo doon. Iniwasan kong mapadaan sa Yellow Cab kung saan bumibili si Kuya at pati sa part kung saan nag-park ang sasakyan namin pati ang kasunod naming mga body guards.
"Dumb asses.."
Bulong ko sa sarili ko. Dali dali lang palang takasan ng mga ito. Actually, I'm still full. Ginawa ko lang na excuse iyon para maisagawa ko ang plano ko. I planned this already right before we enter the express way.
Pasimple akong nagtatago sa mga posteng nadadaanan ko at tinitignan baka mamaya makasalubong ko ang isa sa kanila.
Para akong undercover agent dito. Kulang nalang mag cap at salamin ako. Actually, that's the first plan. Magpapalit dapat ako ng damit at mag susuot ng cap para hindi nila ako makilala just in case makita nila ako. Ang kaso ay nasa likod ng sasakyan lahat ng gamit ko.
Nang marating ko ang kabilang side na malayo na sa kung nasaan ang mga body guards ko ay nag hanap agad ako ng sasakyang pwede ko masakyan.
"Great." bulong ko nang may makita agad akong blue na FJ cruiser.
Pinara ko ito at agad naman siyang napatigil. Hindi pa naka lock ang pintuan kaya napangisi ako.
"Hi! Can you take me to Manila? Nasiraan— WHAT THE FUCK?"
Tinignan ko ang driver na ngayon ay naka simangot sa akin.
"Nasiraan huh?" aniya at saka umiling.
Inirapan ko siya at sinubukang buksan ang pintuan pero nai-lock na niya agad ito.
"Damn it! Open the door!"
Hinampas ko ang pintuan at saka tinignan siya ng masama. What a fucking coincidence!
"Why would I?" aniya at pinaandar na ang sasakyan pabalik sa kung saan naka pwesto ang sasakyan namin.
Naroon na si Kuya na kunot ang noong naka pameywang habang tinatanaw kaming papalapit sa kaniya. Nasa labas na din ang bodyguards na mukhang napagalitan na ni Kuya.
"Sa akin na sasakay si Atasha." aniya nang maibaba niya ang binatana at sumilip doon si Kuya.
"Thanks, Dim. Mag-convoy na lang tayo."
Oh great. This isn't a fucking coincidence. Malamang sa malamang ay kasunod namin ang damuhong ito all the way from Manila. Napairap na lamang ako..
Bago pa man maisara ni Dimitry ang bintana ay nag salita pa ulit si Kuya.
"And you, young lady, hindi ko palalampasin ang ginawa mong ito."
Hindi ko siya nilingon at tumingin na lamang sa labas.
"Mag kita na lang tayo sa hacienda." ani Kuya.
Ilang saglit lang ay umalis na din kami agad. Tahimik lang kami nung una nang biglang mag salita ang gagong katabi ko.
"Nasa likod ang mga pagkaing pinabili mo. You must be really hungry.."
Sarkastiko niyang sinabi ang huling pangungusap. Siguro alam na niyang ginawa ko lamang na palusot iyon para makatakas.
"Why did you do that? Paano kung masamang loob ang nasakyan mo? Tsk."
Hindi ko siya pinansin at nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagsa-sight seeing.
"Why don't you just be a good girl?"
Kung makapag salita ang isang to parang ten years old lang ang kinakausap niya.
"Atasha, are you listening?" aniya sa inis na tono.
Nilingon ko siya at saka tinaasan ng kilay.
"No."
Frustrated siyang umiling at saka tumingin sa akin saglit at agad ding binalik ang tingin sa daan.
"You act like we're so close when we're not. Stop feeling entitled, you're just my Kuya's friend. Tss.."
Inirapan ko pa ulit siya at saka ko ibinalik ang tingin ko sa labas.
Huminga siyang malalim at hindi na sumagot. Mabuti naman kasi wala akong ganang makipag usap sa kaniya. Masyado siyang feeling close. Sino ba siya?
"Tash.. wake up.."
Nagising ako sa boses ni Kuya. Nakatulog pala ako sa byahe at ngayon ay nandito na kami.
"Nasa loob na ang mga gamit mo."
Agad akong lumabas ng sasakyan ni Dimitry at dire-diretsong pumasok sa itim na double doors ng mansyong ito. This mansion is bigger than our mansion in Manila. It's all white and the exterior design is so old fashioned yet classy.
Pag pasok ko sa loob ay ganoon din ang disenyo. Classic interior, from the floor, to the two grand staircases, to the big glamorous chandelier and the beautifully detailed dome ceiling. There's this big round table with a big flower vase when you enter the mansion. At nagfo-focus lamang ang kulay ng buong mansyon sa tatlong kulay— white, gold and brown hues.
At the right side is where the big living room is and on the left side is where the elegant dining room. This isn't just a mansion. This is a palace!
Kapag tinahak mo naman ang daanan sa gitna ng dalawang engrandeng hagdan ay dadalhin ka nito sa likod ng mansyon kung nasaan ang engrandeng pool.
Hindi ko na matandaan ang itsura nito noon. Halos malimutan ko na talaga siya dahil sobrang hate ko ang lugar na ito.
"Magandang tanghali, Sir Andres."
May bumati sa aming babae na hula ko ay around 50 years old na. Nasa likod niya ang limang mas batang babae na nakasuot ng itim at puting uniporme. Mukhang siya ang mayor doma dito.
"Magandang tanghali din po, Manang Flor. Ito na nga po pala si Atasha.."
Tumingin sa akin si Manang Flor at ngumiti.
"Nako, ito na ba iyong makulit na batang si Tashy? Dalagang dalaga ka na at lumaki kang maganda at sopistikada."
Tipid ko siyang nginitian. Tinanaw ko ang eleganteng dining room.
"Kuya, I'm hungry." saad ko at dumiretso na doon.
Naabutan ko ang tatlo pang katulong na naglalagay ng mga pagkain sa lamesa.
"Maupo na kayo riyan. Kukunin ko lamang ang iba pang mga putahe." ani Manang Flor at saka pumasok sa isang pintuan na hula ko ay sa kusina ang punta.
"Tulungan ko na po kayo, Manang."
Agad sumunod si Kuya kay Manang Flor kaya naiwan naman akong mag-isa dito sa dining room.
Inilibot ko ang mata ko sa buong dining room. Sa dulo ng dining room ay may bar counter na punong puno ng mga mamahaling alak at mga eleganteng baso. Napaka elegante talaga ng disenyo ng buong bahay. Kahit saan ako tumingin. Hindi ko nga lang talaga matandaan ang ni isang parte ng mansyong ito.
"Oh, Manang, ako na po mag dadala niyan."
Agad kinuha ni Dimitry ang dalang ulam ni Manang ng lumabas ito galing kusina. Kasunod na rin nito si Kuya na may dala na ring ulam.
"Sabi ko naman kasi diyan kay Manang na huwag na siya kumilos ng kumilos dito. Pero alam mo na, makulit.."
Iiling iling si Dimitry na inilagay sa lamesa ang ulam.
"Manang, dapat inuutos niyo na lamang sa iba. Ang dami dami niyo dito." ani Dimitry at saka inakbayan si Manang Flor.
Woah? They're close?
"Nako, kayong dalawa talaga! Hindi pa ako uugod-ugod ha. Malakas pa ako! At anong makulit? Kayong dalawa ang makulit. Wala pa rin kayong pinag bago!" ani Manang Flor at kinurot si Kuya at Dimitry sa tagiliran.
Tumawa silang tatlo at sabay sabay ng umupo except kay Manang Flor.
"Sumabay na ho kayo sa amin, Manang.." yaya ni Kuya rito pero umiling lang si Manang.
"Hindi na, Andres. Katatapos ko lamang kumain. Sige na, kumain na kayo. Gutom na ang kapatid mo." aniya at saka ngumiti sa akin.
Umiwas na lamang ako ng tingin at uminom ng tubig. She's kind of familiar to me..
"Sige, Manang. Mag pahinga na ho kayo.." dagdag ni Dimitry bago pa makaalis si Manang Flor.
Ganoon ba talaga ka-close ni Kuya si Dimitry para pati ang katulong namin dito ay close niya? At anong ibig sabihin ni Manang Flor na hindi na sila nag bago dalawa? Magka kilala ba sila noon pa?
"Tash?"
"What?"
Nawala ako sa pag iisip ko nang tawagin ako ni Kuya.
"You're spacing out. Kumain ka na.."
Tinuro niya ang plato ko na hindi ko pa pala nagagalaw mula pa kanina. Ni hindi ko din namalayan na may laman na pala itong pagkain.
"I'm just tired."
"Pag tapos mong kumain ay tumaas ka na para makapag pahinga ka." saad ni Kuya.
Tamad akong tumango at nag simula nang kumain. Nang matapos ako ay agad na akong tumayo at nag paalam kay Kuya na mag papahinga na ako.
"You should. It will be a long day for you tomorrow.." aniya kaya naman taka ko siyang tinignan.
Ngumisi siya at saka iminuwestra ang hagdan.
"What do you mean?" tinaasan ko siya ng isang kilay.
"You'll see. Mag pahinga ka na.."
Inirapan ko lamang si Kuya at tinahak na ang engrandeng hagdan. May nakasunod naman sa aking katulong kaya nilingon ko siya.
"Why are you following me?"
Mataray kong tanong dito sa katulong na sumusunod sa akin.
"Ihahatid ko lang po kayo sa silid niyo, Miss.."
Inirapan ko siya at saka hinayaan na siyang mauna mag lakad. Hindi ko alam kung saan ang kwarto ko kaya mabuti na rin.
"Dito po ang silid niyo, Miss Atasha."
Binuksan niya ang pintuan na nasa pinaka dulong pasilyo. Pumasok ako doon at inaasahan ko nang magiging elegante rin ang disenyo nito.
"Pwede ka nang umalis."
Nang makalabas ang katulong ay agad kong inilock ang pintuan.
Inilibot ko ang mata ko sa buong kwarto. This room screams elegancy. It's like a queen's room. It has a white and gold canopy queen size bed with white and blush pink pillows. On the other side of the room is a mini living room and a bookshelf. Beside it is a glass vintage door connected to the balcony wherein you can see the whole hacienda.
There are two other doors, one is for the bathroom, it has this big glamorous round bath tub, a clear glass shower and a big classic vanity mirror. The other door is for the walk-in closet, a very glamorous space with little chandeliers, plush carpet, lush curtains and ornate architectural trim. There's also a mini coffee table and a sofa at the center of the closet.
There are plenty of built in shelves, racks and also cubbies. There's this large vintage vanity just in between the built in shelves. There's also a plenty of space for shoes and bags. This is just so elegant. I can stay here at my room all day without realizing I am in this hell of a province.
"Atasha, wake up!"
Kinabukasan ay nagising ako hindi dahil sa alarm kundi dahil sa magaling kong Kuya.
"It's too early, Kuya!" singhal ko dito at nahiga muli sa kama.
"Atasha! Get out of that freaking bed get ready! Aalis tayo!"
Inis akong umupo sa kama at sinamaan siya ng tingin.
"Why are you shouting?! God! It's only six in the morning, Kuya!"
Nakapameywang sa harapan ko si Kuya. Bagong ligo na ito at nakasuot na ng plain white shirt at gray sweat shorts. Aalis pero nakapam bahay?
"Tumayo ka na diyan at maligo ka na. I'll give you thirty minutes to prepare. Kapag wala ka pa sa baba after thirty minutes you'll be dead."
Inirapan ko siya at padabog na tumayo sa kama.
"You're unbelievable, Kuya!" sigaw ko sa kaniya nang palabas na siya ng kwarto ko.
Ang aga aga pa, saan ba kami pupunta at madaling madali naman ang isang iyon? Thirty minutes? Paano ako makakapag prepare sa loob ng tatlumpung minuto lang? Nakakaasar!
"Sit down and eat fast. Tagal tagal mo. Naka ready na ang sasakyan."
Inirapan ko lamang siya at umupo na. Kunot ang noo kong tinignan ang damuhong nasa harapan namin. Anong ginagawa niya dito?
"Kasama natin siya."
Tila nabasa ni Kuya ang nasa isip ko. Inirapan ko lang silang dalawa at kumain na lang. Dalawang french toast lamang ang kinain ko.
"Iyan lang ang kakainin mo?" tanong ni Kuya.
Tumango ako at saka uminom ng tubig.
"Baka magutom ka sa pupuntahan natin?"
Sinamaan ko ng tingin ang damuhong manyakis na nasa harapan ko. Naka ngisi siya habang abala sa pag hiwa ng hotdog.
"Dim's right. You should eat more.."
Tinaasan ko ng isang kilay si Kuya. "Saan ba kasi tayo pupunta ha?"
"Can you wait? Malapit lang naman ang pupuntahan natin." aniya at saka tumayo na. Sumunod sa kaniya si Dimitry na nakapamulsa habang sumisipol na dumaan sa harap ko.
"Jerk." bulong ko at tinusok ang isa pang french toast na inilagay ni Kuya sa aking plato kanina.
Mabilis kong kinain iyon dahil naririnig ko na ang busina ng sasakyan sa labas. Kung maka-busina parang wala ng bukas!
"Can't you wait?!" singhal ko nang makasakay na ako sa backseat ng itim na wrangler jeep ni Kuya at padabog na isinara ang pintuan.
Siya ang driver at si Dimitry ang nasa passenger seat.
"Iyan talaga ang isusuot mo?" tanong ni Kuya na nakatingin ngayon sa rear view mirror.
"What's wrong with my outfit?"
Humalukipkip ako at inirapan siya. I am wearing an oversized long sleeves polo, short shorts and a pair of white sneakers.
Hindi na sumagot si Kuya. Tumingin na lang ako sa labas ng sasakyan. Saan ba kasi pupunta. Bakit mukhang out of place ata ang outfit ko sa suot ng dalawang ito? Oh well, who cares? Dress like it's your last day.
Ilang saglit lang ay tumigil na si Kuya. Tinignan ko ang paligid kung saan siya tumigil at ganoon na lamang ang pandidiri ko ng marealize ko kung nasaan kami.
"What are we doing here?"
Sabay na lumingon si Kuya at Dimitry sa akin.
"What do you think?" tanong ni Dimitry.
"I'm not talking to you. Kuya? What are we fucking doing in this dirty place!"
"Mamimili tayo. Isn't obvious?" aniya at binuksan na ang pinto.
Amoy na amoy ko agad ang masangsang at nakakadiring amoy ng buksan ni Kuya ang pintuan niya.
"I'm not going with you! Duh!"
Hindi pa nakakalabas si Kuya ng tuluyan kaya naman nilingon niya ulit ako.
"You're going with us, whether you like it or not." aniya sa isang mataray na boses.
Nauna nang bumaba si Dimitry ng sasakyan.
"No way."
"Don't test me, Atasha." ani Kuya at binigyan ako ng isang nakaka intimidate na look.
I swear. He looked at me like how Dad looks at me when he's mad.
"Ugh! I hate this life!"
Padabog kong sinara ang pintuan ng sasakyan. Pag labas ko ay amoy na amoy ko na lalo ang masangsang na amoy. At ang init init!
"Let's go!" ani Kuya kaya naman sumunod na ako sa kanila.
"Wala bang mall dito or supermarket? Ang init init at ang baho baho dito!" reklamo ko nang mapadaan kami sa wet section ng palengkeng ito.
Ang ingay ingay at ang baho baho. That's why I'm covering my nose the whole time.
"It will take us two hours to get to the nearest mall." sagot ni Dimitry.
"I wouldn't mind traveling for two fucking hours. This place is so sickening!"
Nauna kaming mag punta sa dry section ng palengke. I swear, it smells really awful. But the smell on the wet section is way more awful. God, why am I here?
"Here. Hold it."
May iniabot si kuya sa akin na brown na supot at nang silipin ko ang laman nito at maamoy ay nabitawan ko kaagad.
"What are those!"
"Damn it. Why did you drop it?"
"Ang baho! Is that even a food? Baka naman bulok na iyan Kuya."
Umiling siya at saka pinulot ang supot. Natapon ang ibang laman nito pero mga naka plastik naman kaya inilagay na lang niya ulit sa loob ng supot.
"These are dried fishes, Tash. Goodness."
"Bulok na yata iyang nabili mo! Ugh!" Inamoy ko ang kamay ko at kadiri, "Kumapit agad sa kamay ko ang amoy!"
Agad kong kinuha ang alcohol ko sa aking rattan sling blag. Glad I took this one with me. A life saver. Madami agad akong nilagay sa kamay ko bago ko ibalik ito sa bag. Nakatingin lamang si Dimitry sa akin na iiling iling habang si Kuya ay nasa iang stall na na nagtitinda ng mga itlog.
"Do they have brown eggs?"
Wala kasi akong makitang brown na egg, puro white at violet? What kind of egg is that?
"What the fuck is that?" turo ko sa violet na itlog.
Takang tumingin sa akin ang mga tindera. Ang isa ay tumawa pa kaya naman inirapan ko siya.
"What's so funny?" mataray kong tanong sa batang babae kaya naman napatigil sa pagtawa.
"Pasensya na po kayo sa anak ko, ma'am. Mga itlog na pula po iyan.."
"Itlog na pula? Why is it color violet then?"
Naka tanga lang ang tindera sa sinabi ko. What? Tama naman ah? Why is it called itlog na pula when it's not color red but violet.
"Pasensya na po dito sa kasama namin. First time maka pamalengke e!"
Hinatak ako ni Dimitry at siya ang pumalit sa pwesto ko.
"Nako, mukha nga. Mukhang mayaman e. Kayong lahat mukhang mayaman! Ang gugwapo at ganda pa.."
Nag-make face lamang ako sa likod ni Dimitry at Kuya. Ang daldal ng tinderang ito. Actually, lahat sila madaldal kahit sa ibang stall dito ang dadadaldal at lalakas ng boses.
"Are these even fresh?"
Nasa vegetable section kami at pinag masdan ko ang mga gulay.
"Of course, Tash." sagot ni Kuya.
"They don't look fresh to me. Tss."
"Then what does a fresh vegetable look like to you?"
Tinaasan ko ng kilay si Dimitry.
"Vegetables from the supermarket are fresh, unlike here."
For the nth time ay umiling ulit siya at pumunta naman sa meat section. Sumundo na din si Kuya sa kaniya nang makabili ito ng gulay at ibigay sa akin ang supot.
"Hindi na mabaho iyan. Baka naman? Ang dami na naming dala dala."
Inirapan ko lang si Kuya at sumunod sa kanila. Diring diri kong hinawakan ang supot ng gulay. Mamaya may lumabas na uod or insects here, just yuck!
"Tatlong kilo po nito.. at dalawa dito.."
I was covering my nose as I watch them.
"Yuck. There are so many flies! Safe pa ba kainin ang meats na iyan?"
I really can't help but say it. Kuya and Dimitry both looked at me like they're really so done with me. Well, bear with it. Sinama niyo ako dito e.
"Wala bang steak?" tanong ko ulit kaya naman tumingin sa akin ang tindero at umiling.
"Wala po miss ganda." aniya at ngumiti pa.
I gave him a disgusted look, "Poor."
"Atasha, shut the fuck up. Kanina ka pa.."
Inirapan ko lamang si Kuya at chineck ko na lang ulit ang amoy ng kamay ko. Pati ang damit ko ay inamoy ko na din at I swear, ang baho ko na!
"Saan pa ba tayo pupunta? Ang baho baho na ng damit ko!"
I didn't bring any perfume dahil maliit lang ang bag ko.
"This is our last stop.."
Nang matapos sila Kuya mamili ng gulay at prutas pati na rin ng mga condiments at iba pa ay bumalik na kami sa kaninang wet section ng palengke. Damn that awful smell again!
"I'm going to die with this fucking awful smell! So disgusting!"
Kanina pa ako nag rereklamo pero wala silang pake o baka ubos na pasensya nila at pagod na sila kasasaway sa akin kaya hindi na ako pinapansin.
Tumigil kami sa isang stall dito na nagtitinda ng seafoods. Ang lalakas ng boses ng mga nagtitinda na akala mo may mga nalunok silang megaphone.
Hindi nila pinansin ang sinabi ko, instead ay nag tingin sila sa mga seafoods na naroon. Humalukipkip na lamang ako sa likod nila.
Tinignan ko ang suot kong puting sapatos at napairap na lamang nang makita kung gaano siya kadumi.
"Ay narito pala ang mga apo ni Don Juancho at Don Dimetrio!" ani ng tindera kay Kuya at Dimitry.
"Magandang araw po." Sabay na bati nila Kuya sa tindera.
"Anong gusto niyo? Iyong tulad pa rin ba ng lagi niyong binibili?"
"Opo sana.." ani Dimitry at nagkamot ng ulo.
Lagi ba sila ni Kuya dito?
"Nako! Buti na lamang at napaaga kayo. Mamamaya lamang ay ubos na ang mga ito."
Kumuha ang tindera ng hipon at ikinilo ito. Iba ibang klaseng lamang dagat pa ang kinilo niya at binalot. Hindi ko alam kung anu-ano iyon basta ang natatandaan ko lang ay hipon, alimasag at bangus.
"I want a lobster, Kuya."
"Aba, may kasama pala kayo?"
Tinuro ako ng tindera kaya naman ipinakilala ako ni Kuya dito.
"Ito na ba ang kaisa-isang babaeng apo ni Don Juancho? Aba at dalaga na at mukhang artista! Pasensya na hija, wala kaming tindang lobster e. Madalang iyon dito at mahal.."
Tinignan ko lang ang tindera. Wala akong ganang makipag usap lalo na sa tulad niya. Yuck.
"Pasensya na po at may pinagdadaanan lang kaya hindi nagsasalita." ani Dimitry sa tindera at nginitian ito.
Tinaasan ko siya ng isang kilay at inirapan.
"Ayos lang! Nako! Napaka gandang bata! Tiyak maraming manliligaw iyan.."
Can she just shut up? Tsk.
"Annoying.." bulong ko pero narinig ni Kuya kaya naman pinandilatan niya ako ng mata.
Inirapan ko lamang siya at humalukipkip.
"May dala ba kayong bayong?" tanong ng tindera.
Bigla namang itinaas ni Dimitry ang bag na dala niya. Hindi ko napansing dala dala niya iyon kanina. So that's what bayong looks like? Cheap.
"Ito pong bayad. Salamat po!"
"Nako, salamat din mga hijo!"
Sa wakas ay umalis na kami sa mabahong lugar na iyon. Sinusundan ko lamang sila kuya ng lakad ng biglang may nag buhos ng tubig at nahagip noon ang mga paa ko.
"What the fuck!!" sigaw ko nang makita ang sapatos ko na basang basa.
At sa amoy pa lang ay hindi iyon basta tubig lang.
"S-sorry po!" ani ng lalaking nakatapon ng tubig sa mga paa ko.
"You're so stupid! Can't you see I'm passing through? God! Stupid!"
"S-sorry po talaga. Lalabhan ko na lang po iyang sapatos niyo.." aniya at akmang lalapit sa akin.
"Don't you dare go near me!"
Diring diri ko siyang tinignan. Bold of him to assume that I'll let him go near me? Ang baho niya at ang dumi niya!
"Atasha, stop it. Hindi niya sinasadya." ani Kuya.
"Hindi sinasadya? He saw me passing by, Kuya! I don't know if he's just blind or plain stupid!"
Dinaluhan ni Dimitry ang lalaki. Bata pa ito at mukhang paiyak na. Inirapan ko sila pareho.
"Pasensya ka na ha. Sige na balik ka na sa trabaho mo."
Nakatungong umalis sa harap namin ang batang lalaki.
"Why are you saying sorry to him? He poured that fucking disgusting water to me!"
We are already making a scene or I am already making a scene? Everyone's looking at me. But the hell I care.
"Because you humiliated him in front of so many people. Bata lang iyon. At hindi niya naman sinasadya iyong nangyari. He already said sorry to you!"
Inirapan ko si Kuya at nauna nang mag lakad sa kanila. Ugh! Ang bigat ng sapatos ko dahil basang basa ang loob nito. At for sure, ang baho baho na nito.
"Atasha!"
"I wanna go home!"
Nang makita ko ang sasakyan at makalapit dito ay pinatunog na agad ni Kuya ang alarm kaya naman agad nakong sumakay doon. Pero bago ako makataas ay hinubad ko muna ang sapatos ko pati ang medyas na suot ko at iniwan na lamang sa labas.
"Hey! Your shoes!" ani Dimitry at kinuha iyon.
"Ayoko na niyan. Itapon mo na yan!"
Parehas silang umiling nang makapasok sila ng sasakyan. Kinuha ko ang alcohol sa bag ko at nag lagay sa kamay pati ang paa at binti ko ay nilagyan ko. Halos maubos ko na nga ang laman e.
"Nabasa lang naman ang sapatos mo. Pwede namang labhan e."
"I told you I don't want that anymore!"
Bumuntong hininga na lamang siya at umayos ng upo.
"You shouldn't have done that. Pinahiya mo iyong bata." ani Kuya.
Pabalik na kami ng hacienda. Mabuti naman dahil ayoko na ulit bumalik sa lugar na iyon.
"I already did. So scolding me won't change a thing."
Hindi na sumagot si Kuya at tumawag na lang sa hacienda para abangan kami at mag ready ng tsinelas para sa akin.
Nang makarating kami ng hacienda ay sinalubong kami ng dalawang katulong, kinuha ng isa ang mga pinamili nila Kuya at ung isa naman ay dala dala ang tsinelas ko.
Dire-diretso ako sa mansyon ng masuot ko na ang tsinelas. Tumaas na agad ako sa kwarto ko at nag kulong. I took a shower dahil feeling ko kumapit na sa akin ang mabahong amoy ng lugar na iyon. Binabad kong mabuti ang paa ko sa tubig na punong puno ng sabon.
Bumaba lamang ako ng tanghalian na. Naroon nanaman si Dimitry at masayang kumakain. Wala bang bahay itong damuhong ito at dito lagi nakikikain?
"Kumain ka na."
Iminuwestra ni Kuya ang upuan. Mukhang galit pa rin talaga siya. And so am I! Tsk..
"Babalik na ako ng Manila bukas." simula ni Kuya.
Hindi ko siya tinignan at nagpaka busy sa pagkain ko. So what? Hindi naman niya ako isasama e.
"Simula bukas, I want you to clean your room by yourself."
Kunot ang noo kong tinignan siya.
"We have plenty of maids to do that!"
Uminom muna si Kuya sa tasa ng kape niya bago niya ako sagutin.
"I'll be sending them to our rest house in Tagaytay and the others will be sent to our house in Manila."
Did Kuya think I would buy that?
"Ano namang gagawin nila sa rest house natin? Ha? At ang dami na nating maids sa Manila!"
I bet he's just doing this because it's part of my punishment. Ugh!
"Gusto ipalinis ni Daddy ang rest house natin sa Tagaytay. At hanggang ngayon ay naka leave pa rin ang mga yaya mo kaya kailangan nila ng kapalit."
Napaka lame!
"Ang mga katulong naman kasi natin dito ay on call lang, Atasha. At once a week lang sila lagi dahil wala namang tumitira dito."
Inirapan ko si Kuya at sumagot. "Anong tawag mo sa akin? Hangin?"
"Hindi mo kailangan ng maraming katulong dito, Atasha. Mag-isa ka lang naman e. Si Manang Flor at ang anak niya lang ang magiging katulong mo dito sa bahay pero once a week lang sila pupunta dito para mag linis sa buong mansyon."
So this is it? Ito na iyong simula ng kalbaryo ko dito?
"At sinong magluluto ng pagkain ko?"
"You cook for yourself.." singit ni Dimitry kaya naman inirapan ko na lang siya.
"You're a grown up now, Atasha. You can take care of yourself."
"Wow, so ironic. Last time you're telling me I'm so childish and now you're telling me I'm a grown up? Just wow!"
Note the sarcasm. Pumapalakpak pa ako ng tatlong beses.
"Dad wants you to learn the hard way, remember? So if you want him to lift up your punishment, you better shut up and just do it."
Hindi talaga ako makapaniwala na gagawin nila sa akin ito. Hindi ako marunong mag linis at lalong hindi ako marunong mag luto. At mas lalo na hindi niyo ako maaasahan sa paglalaba! At ano? Ako rin ang mamimili ng ipang luluto?
Hindi ako nakatulog buong gabi dahil sa sobrang inis ko. Tahimik nga ako nang mag dinner kami ni Kuya. Bilin siya ng bilin ng kung anu-ano pero hindi ko siya iniintindi.
Umaga na ng makaramdam ako ng antok kaya naman tanghali na ako nagising kinabukasan. Hindi ko na rin naabutan si Kuya dahil mukhang maaga itong umalis.
Bago ako bumaba ay naligo muna ako. Gutom na ako. I wonder what's for lunch? Dumiretso ako sa dining room at wala pang nakahain.
"Where's the freaking food?" sigaw ko na sapat lang para marinig ng mga katulong.
Naupo ako at nag antay ng katulong na mag hahain ng pagkain pero sampung minuto na ay wala pa rin. Gutom na ako!
"Manang Flor! Gutom na ako! Nasaan na ba ang pagkain?"
Binuksan ko ang pintuan patungong kusina ngunit walang tao doon. Tinungo ko ang isa pang pintuan doon na siguro ay patungo sa dirty kitchen ngunit wala ding tao.
Bumalik ako ng dining room baka sakaling may nakahain na ngunit wala pa rin!
"Hello! Where are the freaking maids!" sigaw ko na umalingawngaw sa buong mansyon.
Malakas na iyon para marinig nila kung nasaan man sila pero nakalipas ang ilang minuto ay wala pa ring nalabas na katulong!
"What the fuck? Tinotoo ba talaga ni Kuya?"
So ibig sabihin wala na talagang mga katulong? Gutom na ako!
"Bakit hindi man lang nag iwan ng pagkain! How dare they!"
Padabog kong binuksan ulit ang pintuan patungo sa kusina at tinignan ang ref kung anong pagkain ang pwede ko ng kainin.
"There's no instant foods?!"
Binuksan ko ang mga cabinet hoping for some cereals and instant foods. Nang may makita akong cereal ay ganoon na lamang ang saya ko. May mga instant foods at canned goods din na hindi na kailangang lutuin. Hindi pala sa ref nakalagay ang mga ito.
Kinuha ko ang cereal pati ang fresh milk na nakita ko sa ref. May bread naman kaya mabubusog na siguro ako nito.
"You're eating cereals for lunch?!"
Nagulat ako sa biglang nag salita kaya naman nasamid ako dahil umiinom ako nang bigla siyang sumulpot.
"And what are you doing here?!"
Bakit nandito ang damuhong ito? Hindi ba siya sumabay kay Kuya pabalik ng Manila?
"Tsk. Buti na lang nag dala ako ng pagkain. Sinabi kasi ng Kuya mo na tulog ka pa at baka tanghali ka na magising kaya nag paluto na muna ako sa cook namin."
"May cook naman pala kayo pero bakit dito ka nakikikain? Tss.."
Bumalik na ako sa pagkain ko ng cereal ng bigla na lamang niyang kunin ang bowl at ilayo iyon sa akin.
"What the hell? Give it back to me!"
Nilagay na niya agad iyon sa lababo at tinapon. Hindi ako maka paniwalang tinignan siya.
"May dala akong pagkain. Itong kainin mo. You must be hungry. Hindi ka mabubusog sa cereals lang."
"You're so annoying, don't you know that?"
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at sa halip ay kumuha ng plato, kutsara at tinidor. Nilagay niya iyon sa tapat ko. Pagkatapos ay binuksan niya ang mga tupperware na dala niya na may lamang kanin, ang dalawang tupperware ay ulam at prutas ang laman.
Naamoy ko agad ang ulam at amoy pa lang ay natatakam na ako. It's my favorite, ginataang alimasag! Kitang kita ko sa transparent na lagayan ang gata na tingin pa lang ay parang ang creamy creamy na! Oh my God! My stomach is growling like a mad tiger!
Nilagyan ni Dimitry ang plato ko ng rice at pati ay nilagyan niya ako ng gata pati ng sitaw at kalabasa. Pinag masdan ko lamang siya nang kumuha pa siya ulit ng isang plato at doon inilagay ang alimasag.
"Ako na!"
Kinuha ko ang alimasag sa kaniya at ako na ang nag bukas nito para kunin ang laman.
"Baka mahiwa ka." aniya at akmang kukunin ulit sa akin ang alimasag pero pinamdilatan ko siya ng mata.
"I can do it!"
Buti naman ay hindi siya nangulit. Sinubukan ko ulit buksan ang shell ng alimasag gamit ang kamay ko pero hindi ko magawa dahil ang tigas niya. Sinubukan ko namang gamitin ang ngipin ko pero hindi ko pa din mabuksan. Ano ba naman ito? Gutom na ako!
"Tsk.. ako na kase.." ani Dimitry at kinuha sakit ang part ng alimasag na binubuksan ko.
"Wait! Nasubo ko na 'yan!"
Sinubukan kong kunin ulit sa kaniya pero inilayo lang niya sa akin at sinimulan na niyang buksan. Hindi na siya nadidiri? Wala naman akong virus pero hindi ba? Ang gross!
"Pinipilit pa kasi, hindi naman kaya." aniya at inilagay ang laman ng alimasag sa plato ko nang mabuksan niya iyon.
"Coz I really can! Masyado lang matigas ngayon ang shell niyan.." sagot ko at inirapan siya.
Napa-iling na lamang siya sa sagot ko at pinag patuloy ang pagkuha ng laman ng alimasag.
"Anyway, pagkatapos mo ay mag ready ka na."
Tinaasan ko siya ng isa kong kilay.
"Aalis tayo."