I cried continuously hanggang sa makatulog nalang dahil sa antok.
Nagising lang ako nang maramdaman na ang kagat ng mga lamok. I almost didn't want to open my eyes dahil gusto ko pang matulog. Not realizing na nag-iisa pala ako ngayon sa bahay. I tiredly pulled up myself para makaupo. I looked around. Kaya pala ang dami ng kumakagat dahil hindi nakabukas ang mga ilaw. Tanging ang solar lights lang sa labas ang nakailaw. Automatic kasi itong mag-iilaw once na dumilim na.
"Martha.." I tried calling her twice. Walang sumasagot. Nakamot ko nalang ang ulo ng maalala na nagpaalam pala ito kanina na magpahinga muna.
Pagod na naman akong yumuko. "Ano nang gagawin mo Jaden?. Nawala na sa'yo ang lahat. Ang naipundar mo. Ang pamilya mo. Ang mga anak mo. Ang asawa mo. Ano na?. Anong susunod mong gagawin?." Honestly. Hindi ko talaga alam ang gagawin. Kaya siguro, heto ako ngayon kinakausap ang sarili para may pumasok sa utak ko na mga sagot.
Ngunit, WALA TALAGA!.
"Hindi pwede." Inayos ko ang sarili saka tumayo ng maayos. "Hindi pwedeng ganito nalang ang kahahantungan ko. Hindi ako papayag.." pinal kong motibasyon para sa sarili. I have to do this despite the aches I'm going through. Alam kong mahirap na laban to pero hindi ako susuko!.
Naglakad ako't binuksan lahat ng ikaw sa bahay. Umakyat ako ng silid at naligo muna. Habang nagpupunas ng buhok. I stared at my phone. Wishing. Hoping na mag-iilaw ito for any messages from them, from her. Tinitigan ko iyon ng halos kalahating oras subalit walang dumating. Binuksan ko iyon at nakita ang mensahe ng aking Attorney. He said that, may laban daw ako para bawiin ang kumpanya. And he suggested that, pahinga muna ang kailangan ko. Sya na raw ang bahala sa lahat.
I replied thanks. Yun lang. Saka na ibinato sa kama ang cellphone. Walang kwenta!.
The moment it bounced back sa malambot na higaan. Saka naman iyon tumunog. Dali-dali ko iyong dinampot. Nabangga pa sa dulo ng kamay ang buto ng paa ko kaya ko ininda ito.
Si Ate... Lang pala. Tsk!.
Dismayado ako, sobra!.
"Yes, hello?." Walang buhay kong himig. Excited sana ako kasi minsan lamang ito kung tumawag subalit sa dami ng laman ng isip ko. Pati sya nadadamay sa emsyon na meron ako.
"Ano yan?. Wala man lang kabuhay-buhay yang bati mo?. May problema ka noh?." Hula nya agad. Wala pa man akong sinasabi sa kanya. She seems like she knew it already.
I fixed my hair kahit na hindi naman ito tinamaan ng hangin ng electric fan na number three. Frustration ang meron sakin at hindi ko alam kung magsasabi ba ako sa kanya o solo flight ko nalang ang laban na ito.
"Tsk!." Ito lang ang tangi kong nasambit dahil kapag ibinuka ko pa ang labi ko ng mas matagal. Baka umiyak lang ako dito at pagtawanan nya pa ako.
I cut off the video cam and make it just a normal call for me to hide from her. Sya lang ang nakikita ko sa screen ng cellphone.
"Why'd you turn off your camera?." She asked kahit obvious naman na may pinagdadaanan ako.
Naging tahimik sya dahil sa naghugas ito ng camera. Naka on duty ito ngayon sa ospital at maya-maya lang ay, off na nya.
Sandali pa syang nagpunas ng kamay. Nagtanggal ng lab gown, face mask at nagspray ng alcohol bago muling dinampot ang cellphone.
"Alam mo Boy.." She started. Kinabahan ako sapagkat she knew the story now. Hayst!.
"What?." Tumayo ako mula sa kinauupuan ko sa sahig at inihiga ang katawan sa kama. Tumihaya ako't ipinikit ang mga mata. Binitawan ko ang hawak na cellphone at inilapag lang malapit sa may tainga ko. Pagod na ang mga mata ko kaya kailangan ko itong ipikit.
"Bamby is with Lance?." Ewan ko kung tanong ba ang nasambit nya o pahayag na ang asawa ko ay nasa puder ngayon ng Kapatid nya.
Sa totoo lang. Hindi na rin ako nagulat dito. Dahil simula nung umalis sila ng hindi nagpapaalam. I texted her parents. Dahil nga hindi ako mapalagay. Kahit magmukha pa akong makapal ang mukha. I asked them. And they said, na dumiretso nga sila duon para magpahinga lang tapos hinatid na rin ilang oras lang ang pagitan bago ang flight nila pauwi ng Pilipinas. It aches my heart deeply, knowing that kaya nyang iwan ako sa kabila ng lahat ng to. Hindi nya man lang naisip na lahat ng ginagawa ko ay para sa kanya, para sa pamilya na meron kami. Kahit duon man lang sana sya kumapit. Pero sadly, hinde eh!. Mas pinili nyang tumakbo at layuan ako.
"Hindi ka na yata nagulat pa?. Teka nga! Buksan mo nga yang camera mo?. Bata ka!."
"Nakahiga ako Ate. Kailangan kong ipahinga ang mata ko." Rason ko pero kung tutuusin, totoo naman na nagpapahinga ako.
"Teka nga!. Ano na bang nangyayari sa inyo?. Ang dinig ko kila Mama ay bumalik ka na sa bahay nyo. Why now huh?."
"Mahabang kwento Ate.." Wala talaga ako sa mood. Kingwa!.
"Hindi ko kailangan ng katamaran mo ngayon Boy. Ikwento mo nalang para matulungan kita."
Matagal bago ko naisipang sabihin nga sa kanya ang lahat.
"Hindi na siguro kailangan pang umpisahan sa una diba?."
"Talaga naman!. Oo na!. Dali na.. arte mo!."
Umupo ako. Binuksan ang lamp shade bago tinanaw ang wall clock na nakasabit malapit sa may kabinet na tabi ng pintuan patungo sa dressing namin.
"Pagkabalik ko ng galing Pilipinas. Tinanggal na ako bilang CEO ng kumpanya." Simula ko. Hindi sya nagsalita. Kaya nagpatuloy ako. "Nang malaman ko ang balitang iyon umuwi ako sa bahay namin. Pero huli na siguro ako. Nahuli na nga ako kasi nga naging iba na ang trato nila sakin. Para akong estranghero sa paningin nila na kahit kausapin ko sila, parang hangin lang kung dumaan."
"I'm sorry to hear that Boy Jaden. Hindi ko alam na ganun na pala kalala ang lahat. Tapos anong nangyari?." Naging maawain na ang tono nya.
"Alam kong may mali akong desisyon na nagagawa Ate pero mali bang magkamali ako?."
"Wala. Hinde. Walang mali sa'yo Kapatid." Kontra nya agad.
"Kung ganun, bakit nila ako iniwan?. Bakit nya ako hinahayaan sa panahong kailangan ko sya?."
"Ang hirap Kapatid. Alam mo bang mahirap mamagitan o sabihin nalang natin na makialam sa inyong dalawa?. Ayoko sanang sabihin sa'yo kung nasaan sya kaso ang bigat sa dibdib na malamang hindi ka okay tapos hindi rin sya okay."
Yumuko lang ako. Naghihintay ng kanya pang sasabihin.
"Sa totoo lang. Walang mali sa'yo at higit pa sya. Walang kulang sa'yo ganun din sya. Sadyang napagod lang siguro kayong dalawa na maghintay sa kalinga nyo sa isa't-isa dahil nga pareho kayong pagod sa trabaho, sa gawaing bahay at iba pa."
"Sana nga ganun yun Ate.."
"Ganun yun boy. Huwag mong isipin na ginagawa nya ang isang bagay dahil sa ayaw ka nya o iniiwasan ka nya. Isipin mo nalang na ginagawa nya iyon para hanapin muli ang sarili nya gaya ng ginawa mo rin nang sa gayon ay mahanap nyong muli ang sarili nyo at magsimula muli kayo."
"Pero bakit ang sakit?."
"Ganyan talaga ang laro ng tadhana boy. Walang sakit na hindi nagkakaroon ng magandang resulta. Tyaga at pagtitiis ang pairalin mo boy. Hintayin mo lang ang pagbabalik nya dahil nasisiguro ko. Babalik at babalik sya sa'yo."
"Hanggang kailan?." Ako maghihintay.?.
"Hanggang sa pagbalik nya. Dahil kung ipipilit mo lang na bumalik sya sa'yo baka mag-away lang kayo. Tingnan mo nga ang sarili mo ngayon?. Insecure. Sa lahat ng baggy, insecure ka."
"Tsk!.."
"Suminghal pa.. Talaga naman!. Kung andito ka lang kokotongan kita. Tama lang din na umalis sya dyan para naman makapag-isip sya ng tama para sa sarili nya at sa pamilya nya."
"Paano kung hindi sya bumalik?."
"Wala kang tiwala kung ganun.." paniniguro pa nya. That word hit my ego, bullseye!.
"Tiwala? Sya nga yung walang tiwala sakin eh.."
"Kita mo na. Pati panunumbat nagagawa mo na. Kailangan bang ipasa sa iba ang kasalanan meron ka?."
"Sinabi mo ring kasalanan ko lahat ng to.."
"Hindi yun ganun Jaden.."
"Ganun na rin yun Ate. Kahit pa pagbabaliktarin mo pa ang mundo. Ako pa rin ang may kasalanan. Puno't dulo ng lahat."
"Huwag mo naman lahatin boy. Ganun pa man, proud pa rin ako sa'yo! Sa layo ng narating mo, hindi lang ikaw ang nagtagumpay. Kami na pamilya mo."
"But I failed my little family Ate.." disappointed is in me. Hindi ko na talaga maikakaila ito. At dito lamang sya natigilan. "Sa kagustuhan kong ibigay ang lahat sa kanila. Nakalimutan ko ng mamuhay kasama sila. And I admit it that I failed their expectations especially Knoa. That little kid is now a young boy. Malaki na at hindi ko man lang nasubaybayan ang pagtangkad nya. I'm a big fat failure Ate!."
"Lahat ng ulan ay natatapos Jaden. Darating din ang araw at sisikat muli sa'yo. Kumapit ka lang at magtiwala. Ayusin mo ang sarili mo at ihanda sa pagbalik nila. Nasisiguro kong hindi iyon magtatagal pa boy."
I'll try.
I'm hoping.
And trying.
Trusting that they'll find their way back home here dahil kung hinde. Mababaliw na talaga ako.