Kabanata 20.0

Dear Diary,

Mags-second year na ako next year, natapos na kasi ang school. Nakakapagod pala. At the same time nakakahiya at nakakakonsensya. AWOL kasi ako for the past few months, di rin ako nakakapasok ng maayos sa school during those times na AWOL ako. Kaya nahihiya na akong bumalik sa work, baka kasi kung ano na ang mga judgements sa akin ng mga officemates ko.

Ayaw kong marinig at malaman ang mga sasabihin nila tungkol sa akin, the reason why ayaw kong pumasok sa work. Ilang beses na akong pinipilit ni mudra bumalik, galit na nga siya eh. 'Di ko siya masisisi dahil andami pang babayaran ng pamilya namin. Almost half a million pa.

2 years na ang nakakalipas simula noong matapos ang demonyo kong ama sa pag-aaral at makapagtrabaho sa abroad. Hindi naman kasi talaga matagal ng nakapag-abroad 'yang lalakeng 'yan, recently lang, kaya nga galit na galit mga tao dito sa bahay sa kanya dahil sa kayabangang dumadaloy sa dugo niya.

Ang nakakairita pa ay mukhang kaugali ko pa ang hinayupak. Nagyayabang na rin kasi ako sa mga kapatid ko na nakakapagbayad na ako ng utang at nakakabili ng mga damit na gusto ko. Eh isa 'yan sa mga pinaka-ayaw ko pero ginagawa ko na ngayon. Ang pangit kasi tingnan eh.

Pero nakakairita dahil hindi ko makontrol sarili kong magyabang ng magyabang. I've been practicing of keeping my mouth shut, so far napipigilan ko ego ko. Isa rin kasi ito sa rason kung bakit ayaw ko munang bumalik sa work, kasi nakakapagyabang ako sa mga officemates ko kahit na baguhan pa lang ako.

Ang ganda sana sa feeling eh. Sobrang ganda sa feeling na bata ka pa lang ay nararanasan mo na ang ganitong klase ng paghihirap sa trabaho para makatanggap ka ng pera, kaya nagiging mayabang ako. Pero ayaw ko ng ganito, kasi nga pangit tingnan.

Pero ang main reason kung bakit 'di ako makapagtrabaho o makapag-aral ng maayos ay dahil sa constant reminder nina May, Jennie, at Mama tungkol sa sitwasyon ko.

I effin' hate it already! Rinding-rindi na ako, to the point na isa pang push nila bubusalan ko ng duct tape mga bibig nila. Nakakairita. Akala ko magiging motivated ako katulad ng mga napapanood ko sa MMK or MPK na nagiging motivation ang pain, suffering, at ang taong kinamumuhian pero hindi pala.

With what I had observed regarding myself, I am motivated by my own happiness and likings of the things around me. I get down, depressed, have anxiety attacks, and the lack of energy to continue because of the three people I mentioned. With their constant lack of knowledge and understanding about my situation to what I already know, it makes me sick to the core.

Hindi ko na nagugustuhan. Kung marami lang akong pera, pipiliin kong lumipat ng eskwelahan at maghanap ng bahay na malilipatan para kapag pumapasok ako sa work ay I still have that peaceful mind whenever I wake up. Kasi bigla-bigla na lang siya nawawala kapag nakikita ko si mudra at laging naririnig sa kanya ang mga obligasyon at responsibilidad na 'di ko naman dapat ginagampanan.

Kasi ang responsibilidad ko lang ay ang pag-aaral ko. Kung gusto ko man magtrabaho ay malamang magiging responsibilidad ko na ang pagbabayad ng school expenses ko. Kung ayos lang sana ang pamilya, baka ako na mismo ang nagbabayad sa lahat ng gastusin sa school.

Pero hindi, kasi kulang na kulang ang sinusweldo ko para sa pang-araw-araw namin. Bakit? Kasi wala na kaming natatanggap na suporta sa demonyo kong ama. Kapag hindi pa kami nagbayad ng mga utang ay baka kunin ng bangko ang bahay at lupa namin.

Pag nangyari iyon ay sa kalsada kami pupulutin.

Isa pa 'tong pagiging AWOL ko. Alam kong hindi talaga ako makakabayad ng utang at makakapagpatuloy sa pag-aaral kung hindi ako magtatrabaho pero wala akong lakas ngayon. Gusto ko na lang humilata hanggang sa magsawa akong titigan ang ceiling.

Mabuti pa ang diary, tahimik lang at hindi pinupush ang sa tingin nila ay dapat at tama sa paningin nila. Nakikinig lang ang diary at marunong umintindi. Sana naging notebook na lang ako.

Sunugin man ako, I may be turned into ashes, my mind would be at peace.

Kasi nga papel ako. Kahit anong gawin nila, hindi ako nakakaramdam. I would only bring the secrets of the paper with me as I burn.