Kabanata 10

Author's Note:

'Wag niyo nang tanungin kung bakit ako masipag ngayong mag-update. HAHAHAHA. Para kasing gusto ko nang makatapos ulit ng kwento. Yeeyy!

Kabanata 10

What's happening?

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak, Sino ba talaga ako? Bakit parang hindi ko kilala ang sarili ko? Parang ayoko nang naramdaman ang sakit.

Sakit, mula sa pamilya ko. Sakit, mula sa mga kaibigan ko. Sakit, sa lahat ng makakasakit sa'kin.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga, at pinalis ang mga luhang nagbabadyang tumulo. Tumayo, tiningnan ang aking sarili. Ang pangit ko! Nawala ang kagwapuhan ko!

Agad akong nag-ayos ng sarili, kanina pa kasi katok nang katok si mama. Kung kumusta ba ako, at alam kong nag-aaalala siya sa'kin. Pero, 'yung isipin na may kakambal ako. Hindi ko lang kasi matanggap, at isa pa. Hindi naman kami magkamukha.

Ano kasing nangyari sa kanya?

Lalabas na sana ako, nang biglang kumirot ang puso ko—literal. Ang sakit, hindi ko alam pero nahihirapan akong huminga. Naghahabol ako nang hangin, at pilit ikalma ang sarili. Nang kumalma ako, at parang wala na 'yung sakit. Agad akong uminom ng tubig.

Anong nangyari sa'kin? Bakit ko 'yun naramdaman?

Dagdag lang sa isipin ko 'yun kapag bigyan ko 'yun ng pansin. Pero, nangangati ang kamay kong mangalap ng kaalaman kung ano 'yung naramdaman ko kanina.

May nakita akong article na chest pains daw 'yun. May comments na normal lang daw 'yun, kaya naniwala agad ako.

Normal lang pala..

So, I came out to not think of it. As I said earlier, it's just normal and no way to be worried.

But the hell, if I will keep hearing this word 'kakambal' somehow I can feel chest pains. What going on? What happening to me? As I could remember, I don't have any kind of such diseases. But, what's happening? Why am I having chest pains? What's wrong with me?

Mugto ang mata at walang ganang bumaba mula sa aking kwarto papunta sa kusina, ngunit ang naabutan ko lamang ay walang tao at nakahain na mga pagkain.

Hello? May tao ba rito? Juk.

Umupo na ako sa isa sa mga silya, at kumuha na ng pagkain. Ngunit hindi ko maiwasang magtaka kung nasaan sina mama? Siguro, guilty sila. Siguro sinisisi nga nila ako? Pero bakit wala akong maalala?

Sa halip na isipin 'yun, kinuha ko ang phone ko. Wala akong planing mag-rp kaya hindi ko alam kung ano na ang nakulikot ko sa cellphone ko. Hanggang sa may nursery rhyme na tumunog.

The wheels on the bus go round in round~

Round in round, round in round~

The wheels on the bus go round in round~

All through the town~

I felt relieved, sa halip na mainis ay hindi ko namalayang sumasabay na ako sa pagkanta.

"The wipers on the bus go swish, swish, swish~

Go swish, swish, swish~

The wipers on the bus go swish, swish, swish~

All through the town~," hindi ko alam pero napapalakpak ako tila bumalik ako sa pagiging bata at patuloy pa rin sa pagkanta.

"The horn of the bus go beep, beep, beep~

beeb, Beeb, beeb, ~

The horn of the bus go beep, beep, beep~

All through the town~"

"The signals of the bus go blink, blink, blink, blink, blink, blink, the signals of the bus go blink, blink, blink all through the town~"

"The people of the bus go up and down, up and down, up and down, the people of the bus go up and down, all through the town," hahahaha, hindi ko alam pero masaya. Siguro 15 years old na 'ko, pero hindi pa rin nawawala ang pagiging isip bata 'ko.

Napatalon-talon ako sa kama, sa kasiyahan ko hindi ko na alam ang aking mga nagawa sa aking kwarto. 'Yung unan kung saan ko ipanagbabato, mga gamit na aking pinaggugulo sa dati nitong ayos. Para akong baliw na nakatakas mula sa ospital.

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang buong kasiyahan ko pero isa lang ang nasa isip ko. Nagiging isip bata na rin ako, hanggang sa tumigil ako ng biglang kumirot ang dibdib ko. Hindi ko alam pero, sumasakit na. Hindi ako lubos makahinga.

Hindi ko alam pero parang nangyayari na naman.

Hindi ko nga kasi 'to dapat pansinin, sinabi ko na 'yan sa aking sarili ngunit bakit ganito? May sakit ba 'ko?

Ngunit, hindi ko na mainda ang sakit na aking nadarama sa halip mas kumirot ito. Napaupo ako sa sahig habang hawak-hawak ang aking dibdib. Ngunit sa hindi ko na nga mapigilan, napahiga ako.

Nanghihina ako, pinilit kong tumayo ngunit hindi ko kaya. Bakit hindi ako makatayo? Bakit tila ang bigat ng katawan ko?

Hanggang sa lumalabo na ang aking paningin, sumigaw ako ngunit laking gulat ko ng wala akong boses at hinang-hina na 'ko. Hindi ko alam pero tila ako'y inaantok.

Tuluyan ng dumilim ang paningin ko.

"Ma! Sige na! Gusto kong mailigtas ang kakambal ko!" Sigaw ng isang binatilyo na tila kasing-edad ko. Batid ko sa boses niya na tila pumipilit niya sa kanyang gusto ang kanyang kausap.

"Tanga ka ba?! Isusugal mo ang sarili mo para lang sa walang kwentang 'yan!" Singhal ng kausap niya sa kanya.

A defeaning silence. After, sobs heard in the whole room where they're talking.

"Kaya kong isugal ang buhay ko para kapatid ko!" pagpipilit niya.

"Hindi! Hayaan mong mamatay 'yan!"

"Ma! Alam mo ba ang ipinangako ko sa kanya? Sabi ko sa kanya na ako ang gagawa ng paraan para mabuhay siya at magsimula ulit para maipagmalaki niyo siya!"

"Max! Max!"

"Max gising!" Napabalikwas ako ng bangon, halatang pawis na pawis ako. Inilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto kung nasaan ako.

Isang kulay kremang kwarto, may ilaw sa itaas. Ang inuupuan ko ay isang malaking kama na kasya ang dalawang tao at katabi naman nito ang isang mesa na kinalalagyan ng lampara.

Kita ko ang nag-aalalang mukha ni Nanay sa harapan ko.

Ngunit napatingin ako sa kamay ko ng may nakakabit doon. Wala ako sa ospital, ngunit bakit meron akong dextrose? Ano ba 'to? Private hospital?

Ngunit sa nalalaman ko, halos lahat ng ospital ay puti ang pintura kung saan ka mang parte mapunta. Kakaiba to ngayon.

"Nasa isang bahay tayo," sambit ni nanay. Siguro nalaman niyang nagtataka ako at pilit inaalam kung nasaaan ako ngayon.

"Kaninong bahay?" tanong ko sa kanya. Sa halip na sagutin ako, tanong naman ang ibanato niya sa'kin.

"Bakit ka nakahandusay sa sahig ng kwarto mo? Anong nangyari? May masakit ba? Nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong niya sa'kin, ngunit umiling lang ako.

"Hindi ko maintindihan ang buong nangyari kanina. Bigla na lang sumakit ang dibdib ko, at gano'n na ang nangyari," ayaw ko lang isabi sa kanya na para akong baliw kanina sa sa sarili kong kwarto. Ngunit parang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko.

"Yun lang ba, o may ginawa ka pa para magdulot ng gano'n sa'yo?" tanong niya.

"Ma, may sakit ba 'ko?" ngunit umiwas lang siya ng tingin.

"Wala," diretsong sambit ni nanay. Ngunit alam kong may itinatago siya sa'kin.

Kung ano man 'yun, hindi ko na muna pakikialaman. Ngunit 'yung bangungot ko kanina. Kung nasaan kami ngayon. Maraming palaisipan sa'kin. Pati na rin 'yung pagiging madalas na pagsakit ng dibdib ko.

May kinalaman ba 'to lahat sa nakaraan ko, o maaring sabihin na konektado ba 'to lahat ito?

"Gising ka na," sambit ni nanay. Hindi ko na pala namalayang nakatulog ako sa pag-iisip kanina. Kung ano-ano na tuloy ang iniisip ko.

Ngunit nagsulubong ang aking mga kulay ng bakit parang nakapormal o sabihin na nating parang pangmayaman ang suot ni mama ngayon.

Ngunit hindi niya pinansin ang pagtataka ko. Hindi ko na lang din pinansin. Nakita kong may inihanda si mama na pagkain sa table na malapit sa'kin. Nakakatayo naman ako at wala na rin akong naramdaman. Teka, may doctor ba 'ko? Bakit may dextrose ako kung walang doctor 'di ba?

"Ma, may doctor po ba 'ko?" tanong ko sa kanya, ngunit hindi niya 'ko pinansin. Bakit parang may itinatago si Mama sa'kin.

"Kain ka na," aya niya sa'kin. Nagpilit din siya ng ngiti. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Bakit tila kasinungalingan lahat ng mga nalalaman ko. Anong ba kasing katotohanan ang dapat kong malaman? O may katotohanan nga ba akong dapat malaman.

Kumain na rin ako pero wala akong kibo, at naramdaman naman 'yun ni mama sa halip na kulitin ako hindi na rin siya nagsasalita. Tumikhim ako.

"Kaninong bahay 'to ma?" hindi ko na talaga kayang hindi itanong 'to, kanina pa nangangati ang bibig kong magsalita at magtanong.

"Gusto mo ba talagang malaman?" tanong niya, napatango ako na parang bata na nanghihingi ng sagot. Ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Dahil nakita kong seryosong-seryoso si Mama sa'kin.

"Magpagaling ka muna," ngumiti siya sa'kin, ngunit hindi ako masaya. Hindi ako nasisiyahan sa mga nangyayari. Bakit tila may nililihim sila sa'kin?

Nagpilit ako ng ngiti at humiga sa kama. Hindi ko na namalayang nakaidlip ako dahil sa kakaisip sa mga pangyayari.

"Dahan-dahanin mo, baka magising."

Dinig kong may nagbubulungan mapapalapit sa'kin kaya sinubukan kong imulat ang aking mga mata ngunit huli na nang may kung anong tumusok sa aking kaliwang braso na matalim na bagay—tila isang karayom.

"Umepekto na ba?"

Marami pa silang ibinubulong ngunit sinubukan ko pa ring imulat ang aking mga mata. Ngunit nang maimulat ko nga pero nanlabo ng tuluyan ang aking paningin. Inaantok na rin ako kaya hindi na kaya ng buo kong katawan kaya bumagsak ang katawan ko sa pagkakatulog.

Iminulat ko ang aking mga mata at inilibot ang paningin sa kabuuan ng kwartong kinalalagyan ko. Narito na ako sa aking kwarto, ngunit bakit? Paano ako napunta rito? Bakit wala akong maalala?

Anong nangyari? Bakit tila nag-iba ang aking kwarto. May piling alaala akong naaalala, ngunit 'yun yung oras na kinukulit ako ni Tristan at 'yung trip niya.

Hindi ko lubos maintindihan ang mga nangyayari. Ano ba talagang nangyayari sa'kin? Ano ba talaga ang mga nangyayari. Teka, hinahanap ko nga pala ang aking kakambal. Maghahanap na naman ako ngayon.

Bumangon na ako sa pagkakahiga at tuluyan ng pumunta sa banyo. Naligo na ako, pagkatapos nagbihis na rin. May pasok ba ngayon? Anong araw na ngayon? Tiningnan ko ang aking cellphone kung anong oras nga ngayon at anong petsa na.

Sabado, wala kaming pasok. Napagpasyahan kong bumaba na at may narinig akong nag-uusap.

"Hindi niya dapat malaman," dinig kong ani ni Papa. Anong hindi ko dapat malaman?

"Ngunit baka malaman din niya at magtatanim siya ng sama ng loob sa'tin," nag-aaalalang tanong ni mama.

"Hindi nga niya dapat malaman!" sigaw ni Papa kay Mama kaya bigla siyang naiyak sa pagkabigla.

Wala sa sariling tumakbo ako papunta kay Mama para aluin siya. Masama ang tingin kong tiningnan si Papa. Ngunit umiwas siya ng tingin, tiningnan ko rin si Mama na umiiyak ngunit ng naramdaman niyang nakatingin ako sa kanya ay umiwas din siya ng tingin.

May dapat nga akong malaman. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili, may nagtutulak sa'kin na alamin kung ano 'yun.

"Ano ang dapat kong malaman?" tanong ko sa kanila, ngunit walang sumagot.

"Ano ang dapat kong malaman?!" Pasigaw na tanong ko sa kanila, ngunit tahimik pa rin sila. Wala silang balak sabihin sa'kin ang katotohanan.

Napahawak ako sa sintido ko at tiningnan sila. Bakit? Bakit ako tila nabubuhay sa kasinungalingan?

Kasabay ng pagbigat ng loob ko ay ang pagkirot ng dibdib ko. Bakit sumasakit ang dibdib ko? Bakit ako nakakaranas ng ganito? Hindi ko maintindihan.

Kita ko ang pagkataranta nila Papa ng makita akong nahihirapan ng huminga. Natataranta silang kumuha ng tubig at gamot. Nang makainom at makapagpahinga tumingin muli ako sa kanila sa pagbabakasaling sasagutin na nila ang tanong ko ngunit tila nagkakamali ako.

"Hindi mo pa dapat malaman," ani Papa.

Tumayo na lang ako at bumalik sa aking kwarto. Ngunit bago pa ako makabalik ng kwarto ay sunod-sunod ng pumatak ang aking mga luha. Kasabay no'n ang pagkirot ng aking dibdib. Pinilit ko pa ring maglakad ngunit hindi na kinaya ng mga paa ko.

Hindi ko na namalayang bumagsak ako sa sahig kasabay ng pagdilim ng aking paningin.

The End.

Eaacchhaaapraaankk!

Itutuloy..