Author's Note
Yey! New update! HAJAHAHA. Hi, blacky's here! So, here I am again. [/Waves; so? You ready? 10 chapters already, 12 chapters to go! I'm planning to have 30 chapters this story plus the panimula and pangwakas. Marami pa tayong malalaman, at kailangang abangan! Salamat!
At isa pa, tutal mababanggit ko naman ang salitang ghoster mamaya. So search for Ghosted by KeilusAmINot. Para maranasan niyo naman ang sakit, juk.
Suggest ko lang din 'yung Bakit Siya Pa at Caged by PutingBabae and her stories. Also, missHYchii's stories including Death University.
Kabanata 9
The Truth?
I thought she's telling the truth, pero nang mabasa ko ang huling sentence sa message niya eh.
Someone forwarded me this, so I just forwarded it to you for revenge.
Yawa? Umasa na naman si dodong max mga ka-tropa. Wala naman talagang magkakagusto sa kagaya ko. Alam ko naman 'yun, dejuk.
Hayst, buhay...
Naiiyak ako, biro lang. Sobrang naguguluhan ako. Ano ba talaga ang katotohanang dapat kong malaman?
Naguguluhan na akez..
Ayun naging bakla na.
Nakahiga ako sa aking kamay at napatingala sa kisame. Heaven, dejuk. Kulay crema ang kisame ng kwarto ko at 'yung mga wall naman ay pinaghalong puti at itim. Napatingin ako sa mga wall na may mga pictures na nakadikit. Dahan-dahang akong tumayo at tiningnan isa-isa ang mga ito.
Pampalipas stress at pawala ng curiousity.
Habang tinitingnan isa-isa ang mga ito, napahinto ako sa isang picture. Is da me?
Nah, I'm not a fish.
Well, I'm serious. Is that me? May kaakbay akong batang lalaki tapos nakangiti kami sa picture. Tinitigan ko ito, boom! Kilala ko siya, syempre paanong hindi? Gagawa akong paraan!
NASA school na ako, subalit may nagtutulak sa'kin na 'wag pumasok. Juk, basta 'di ko lang feel. Don't want to go to school, study hard and to try those fucking shit activities!
Pero napipilitan ako kaya, sige nalang.
Magsisimula na sana akong maglakad, ng may biglang—ambaho! Ambaho ng hininga!
"Dre! Narito ka na pala, sabay na tayo," umakbay pa sa'kin ang loko-loko at hinayaan ko na lang.
"Antahimik mo ata?" tanong niya, pero umiling lang ako.
"Ayiieee," panay sundot ang loko sa'kin. Kaya agad ko siyang tiningnan ng may naguguluhang mukha. Pero, nagngising aso naman ang loko.
"Ano?" iritang tanong ko.
"Crush ko nga ako noh?" King-ina! Hindi ako bakla! At, hindi makamove-on ang loko— a bright a idea. Ako naman ang nagngising aso at nakangisi rin siya.
"Crush mo rin ako?" tanong ko, agad siyang pinamulahan ng pisngi at umiwas ng tingin. Napakamot din siya sa batok, uyyy. Effective, hindi rin pala na take ang ganitong biro. Nangunguna pa.
"Huy!" sigaw ko, para bumalik sa ulirat kasi naman nakatulalang nakatingin ito na parang namumula. Nang matauhan, agad siyang umiwas ng tingin na parang kinakabahan.
"Ma-max," tawag niya sa'kin, pero hindi pa rin nawawala sa'kin ang pagngising aso. Pero siya naman ay parang natatae na at parang may gustong sabihin.
"Ano?" naiiritang tanong ko na sa kanya, sinasayang niya lang ang oras ko. Tumalikod na ako at hahakbang na sana pero nang may bigla siyang sinabi ay agad akong nagulat. Hindi ko ma gets, HAHAHA.
"Oo, gusto kita!" sigaw niya, binato niya sa'kin ang bag niya. Puta! Anong trip nito? Malateleserye?
"Araaay!" inda ko sa sakit at sinamaan ko siya ng tingin, pero seryoso pa rin siya. Ano 'yun? Totoo ba 'yun.
Unti-unti siyang lumapit sa'kin, pero atras lang ako nang atras.
"Isang hakbang, na nagpapatunay sa totoo kong pagmamahal sa taong gusto ko samahan," humakbang siya, ako naman ay umatras. Seryoso pa rin ang loko, kung ano ang trip ng loko hindi ako natutuwa. Baka masapak ko 'to.
"Pangalawang hakbang, sasamahan kita hanggang pagtanda," humakbang siya at aatras na sana ako ng shit! Pader dre! Ayoko nito! Nagtitimpi lang ako baka masapak ko 'tong isang 'to.
"Huling hakbang, aangkinin kita kahit hindi mo gusto," at saktong ang lapit-lapit ng mukha ko sa kanya, agad naman niyang inilapit ang mukha niya sa'kin. Pero don napunta ang bibig sa tenga ko at bumulong nang namamaos na boses.
"Naniniwala na ako sa boy love," ano raw, gusto ko na siyang sapakin. Agad na nangangatok ang kamay ko at aakmang susuntukin siya pero—malakas na tawa ang sumakop sa buong lugar na 'to. King-ina, lakas ng trip.
"'Yung mukha mo kanina! HAHAHAHAHAH! Kasi! Hahahahaha!" sige tawa pa.
"Syempre hindi 'yun totoo! Para kang natatae non! HAHAHAHAHA!" sa kakatawa niya, at pagiging bad trip ko ay agad kong nilisan ang lugar na 'yun. Putang trip 'yun!
Ay teka! Putang-ina! Hayst, 'di ko natanong sa kanya 'yung gusto kong itanong. Pwede kayang lost and found nalang? Juk, wala namang nawawala. Kung maghahanap ako? Dala 'yung picture no'ng katabi ko don. Pero parang wala namang nakakakilala sa'kin.
Hindi ba ako magmumukhang tanga non? Parang ayoko sa ideyang 'yun. Hindi ko nalang siya hahanapin. End of Conversation. Char, ano 'yun? Convo niyo lang na umabot powers nii Elsa sa kalamigan?
(A/N: hihi, sorry bitter ako.)
Bakit ba kasi mga tao ngayon, nabubulag sa lintik na pag-ibig na 'yan. Ano bang napapala niyan? Sakit at pagdadalamhati sa huli kasi iniwan? 'Yun pang sikat na bansag ng mga millennials ngayon na 'ghoster'.
Ayun, aasa lang naman. Gano'n kadaling ma fall, pag-iniwan iiyak. Dali kasing ma fall, iba! Kaya iwas-iwas din sa gano'n. Mga kabataan nga naman.
(A/N: walang connect, oo!)
So, back to my topic again. 'Yung hinahanap ko. Sino kasi 'yun? Bakit ang close namin sa picture? Sino kaya 'yun?
Sobrang naguguluhan ako sa mga nangyayari, I badly want to know the truth. Sino nga ba ako? I don't know of what I am or what I'm not. Juk.
Kanina pa natapos ang klase at uwian na, ngunit, datapwat, subalit nakatulala ako rito at umabot na sa outersapace ang isip ko.
Nasa bench ako nakaupo, sa labas ng gate. Bench nga ba ito? Masyadong preoccupied ang isip ko kaya akala ko nasa bench ako, pero isa pala tong waiting shed.
Dahil sa boredom strikes, nag-open na naman ako sa RPA ko. Maraming messages, interact with co-rp'ers. Sa fam, gano'n lang gawi ko. Post ng stories, 'yung one shots. Tapos, chat², or flirting with grp's. Scroll, read and comment or reply. Gano'n. Nakikisabay sa mga issue, pero Ang nakakuha ng attention ko ay ang one message coming from our founder.
Zariella:
Hi!
Tsk, pinaasa ako nito.
Ako:
Oh?
Walang ganang reply ko.
Zariella:
Tingin-tingin mo riyan?
Ay iba, sige sabayan na'tin.
Ako:
Gusto mo?
Zariella:
Luh asa ka!
Ako:
Ugh, kairita!
Zariella:
Umungol ka ba?
Yawa, ano raw?
Ako:
Huh?
Zariella:
May ugh kasi.
Hanggang sa palagi ko na siyang hanap-hanap, araw-araw. Hindi kumpleto ang araw ko 'pag hindi ko siya nakukumusta or hindi man lang ako nakikipagkulitan sa kanya. I don't know what I'm feeling but I know, I'm starting to like her. But, I know this is just a friendly thingy.
BUMAngon na ako sa kama ko at umupo muna. Haven't heard about patulala effect for one hour?
Ayun, nakatulala naman ako. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-online sandali. Teka, lumipas na pala ang tatlong linggo nong palagi na kaming nagchachat ni Zariella. Pero, oo hindi ko na rin nakikita si Fairy. Hindi naman sa nag-iiwasan kami, pero parang awkward talagang mag-usap kami.
Hindi ko naman din siya ginulo, 'coz I know hindi niya rin ako gustong guluhin. Kaya quits lang.
Nagsimula na akong maghanda, syempre naligo muna ako. Pagkatapos ng ilang minuto, agad akong nagbihis ng school uniform. Chineck muna ang cellphone ko, at pasimpleng in-on ang data.
Ehe, mag-greet lang ako kay Zariellaq.
Ako:
Good Morning.
Hays, online 2 hours ago. Nagpuyat na naman ito. Kakastress naman kasi 'yung pagiging founder at pag-handle sa isang hood.
I think, para sa hood na naman ang napagbusyhan nito.
Kaya agad na akong bumaba at kumain na, naabutan ko na si papa na naghahanda kaya minadali ko ang pagkain. Nang matapos, agad akong sumunod kay papa papunta sa trycicle namin.
Nagmamadali akong pumasok sa school, hindi naman sa naghahabol na ako ng oras kasi late na ako pero hindi trip ko lang. Tutal maaga pa naman, umupo muna ako sa isang bench sa loob ng school.
Nagsimula na akong magtipa ng kung ano-ano sa aking pakening cellphone. Kaya naman, binuksan ko agad 'yung convo namin ni Zariella. Sheeyt! Ehe, kinikilig ako. May pa lip bite effect pa 'ko. Nagpipigil kasi ako ng ngiti, weg kese.
Zariella:
Good morning.
Sorry, nagpuyat na naman ako.
Ako:
Nah, I understand. Sige, baka naistorbo kita.
Pero, nakangisi lang naman ako rito. Ewan ko, pero may kakaibang impact 'tong babaeng 'to sa'kin.
Zariella:
Sira! Hindi ka distorbo okay? By the way, kumain ka na ba? 'Wag kang papalipas ng gutom.
Syet ito na naman po siya, palaging nagpapaalala.
Ako:
Nasa school na nga ako, ikaw 'yung magpalipad ng gutom.
Zariella:
Ay, sorry. HAHAHA. Kakagising ko lang kasi, kakain na 'po.
Ayun, hahaha. Cute kasi niya eh.
"Ehem," narinig kong may tumikhim sa likuran ko kaya agad ko itong tiningnan. Nakataas ang kilay nito, kaya agad akong napaayos ng upo. Nakita niya ba akong parang buang na nakangiti?
"Para kang buang na nakangiti," ayun, so nakita niya sa halip na sumagot hindi ko na lang siya pinansin.
"Hindi mo ako papansinin?" tanong niya, pero nagsimula na siyang maglakad at pumunta sa harapan ko. Ngunit, nilagpasan niya lang ako.
"Okay, 'wag tayong magpansinan," malamig na sabi niya, wala rin naman akong pake. Juk, oo. Hindi naman siya kawalan, isa pa crush niya raw ako. Pero hindi na ako naniniwala sa pakening crush-crush na sabi niya kasi no'ng nalaman ko 'yung pinagsasabi nilang pangkathang-isip lamang. Paano ko na sabi? Kasi, hindi naman kasi kapanipaniwala.
Nagvibrate naman ang cellphone ko kaya agad kong tiningnan ang cellphone ko.
Zariella:
Sige na, may gagawin pa ako. Hehe, godbless!
Ehe, weg nemen.
Ako:
Sige, ingat!
Labyuuu..
Charot, hihi.
Magsisimula na sana akong maglakad ng makita ko 'yun kanina na umiiyak, nasa hindi siya kalayuan at nakatitig sa cellphone niya. Pero, hindi ko siya pinansin at hindi ako apektado kung umiyak man siya riyan nang umiyak. Wala akong pakealam!
Ngunit ng magtama ang paningin namin, biglang nawalan ng ekspresyon ang mukha niya at biglang naging malamig ang pagkakatitig niya sa'kin. Dali-dali akong umiwas ng tingin.
Ano 'yun?
Sa halip na piliing isipan siya, hindi naman siya parte ng buhay ko. Naglakad nalang ako papunta sa room ko pero lutang ako. Hanggang natapos ang isang araw, lutang pa rin ako.
May kumalabit sa'kin pero agad kong nahulaan kung sino 'to. Walang iba kundi 'yung mabahong kaibigan ko.
"Lutang ka boi?" pang-aasar niya sa'kin.
"Ambaho mo boi!" sigaw ko sa kanya, at tumakbo papalayo sa kanya. Narinig ko siyang sumigaw.
"Mahal kita kahit ganito ako!"
Lakas ng trip ng loko! Somehow, thankful akong naging kaibigan ko 'yung lokong 'yun. Pero medyo nakakainis na rin na nakakapikon minsan.
Umuwi akong bahay pero agad kong narinig na may nagsisigawan sa bahay kaya agad akong tumakbo papasok.
"Kung hindi sana siya namatay! Hindi ko sisihin 'yan si Maximo! Siya 'yung dahilan! Walang kwentang Bata!" sigaw ni papa.
A-anong ako ang dahilan?
"Tumahimik ka! Baka may makarinig!" saway ni nanay sa kanya, sila pala 'yung nagtatalo.
"Totoo! Kung hindi sana namatay ang kakambal niya, masaya at buo Sana tayo ngayon. Pero 'yang bata pa 'yung dahilan. Walang kwenta!" sigaw ni papa, pumunta ako sa gawi nila pero nilagpasan ko lang sila. Narinig kong tinatawag nila ako, pero dumeretso ako sa loob ng kwarto ko at doon binuhos lahat ng sakit.
Walang kwentang bata..
So may kakambal ako? Bakit hindi ko 'yun alam? Sino siya? Namatay? Anong dahilan?
Blacky's Note:
I know, naguguluhan kayo sa mga nangyayari kaya hintay lang kayo at lilinawin ko lahat ng scenes sa susunod na mga kabanata!
Alam niyo naman siguro kung bakit title nito ay "Heartache Strikes". Masasaktan ng gusto ang bida sa kwentong ito, at hindi ko alam ang pagiging takbo ng kwento. Juk, syempre alam ko. Pero secret muna.
And lastly, draft na po pala ang 10th chapter ko. Just consider my short chapters, hindi talaga ako sanay gumawa ng maraming chapters sa isang story at 'yung mahahaba. These days lang siguro ko iuupdate 'yung rest chapters. Syempre, kinapos ng pera at walang load. Hinihintay lang na makapagload bago, makapag-update. 2 chapters for this week, send me kasipagan para madali ko 'tong matapos.
Itatry ko pong tapusin ito, ngayong taon. Kasi naman, November na ngayon at December na next month. HAHAHAHAHA.
Lalagyan ko lang ng date, just in case.
—November 3, 2020.
FB: Kyleio Luóttamus (RP account)
©Blacky Kadnus