Author's Note:
Sorry sa date na nailagay ko, HAHAHAHA. Excited siguro ako sa birthday ko kaya ang month and day birthday ko 'yung nailagay sa previous author's note ko. Pasenya ulit!
Again, I think mababanggit ko lang talaga ang agent-agent pero hindi talaga 'yan ang main focus sa story ko. Nakasunod pa rin ako sa flow, at gano'n pa rin ang plot. So, no need to worry. I'll make the scenes clear.
And also, keep safe po sa inyong lahat sa Luzon area!
Sunod-sunod na pong bagyo ang dumaan po sa'tin at nawa'y magiging matatag pa rin tayo.
Since bagyong Ulysses is now in the PAR away from the Luzon. And obviously, I'm too late na mag Sabi nito sa inyo pero keep safe pa rin.
-Blacky Kadnus (11/11/20)
Kabanata 12
Yung literal na mangha ka sa lugar. Nakanganga akong napatingin sa paligid ng ano ba 'to Basta malaking building. Masyadong high-tech 'to. Para bang nando'n ka sa mga movie na nakikita mo 'yung mga metal na gano'n na siyang gamit dito sa building na 'to.
For the first time in forever...
Dream come true ba 'to? Kung sa amin nga 'to posibleng buhay pa nga ang kapatid ko. Tiningnan ko si Fairy na gano'n pa rin ang suot at kakaiba siya ngayon. Her posture and the way she walk or even talk. I can feel the authority the way she talk. Para bang siya ang may-ari ng building na 'to.
Pumasok kami sa isang elevator? Pero bakit glass lang at pabilog siya. Makikita mo ang nasa baba habang nasa elevator ka. Kitang-kita mo ang mga ano, 'yung mga tauhan nila dito. I think, they're also an agents. Pero 'yung suot nila unified. Black ito, pero naroon ang logo sa kaliwang balikat nila.
Hindi kagaya kay Fairy na puti naman at nasa kanan ang logo. What does that mean?
Bumukas na ang pintuan ng elevator pero pataas ang pagbukas nito. Hindi ko talaga maiwasang mamangha. Pumasok kami sa isang pinto na para ding metal at isang card ang idinikit no Fairy sa isang parang censor gano'n tapos bumukas na. Pagkabos may nasa loob na rin ang card pero naroon mismo sa likuran kung nasaan ang censor kanina base sa pagtitingin ko likuran ito ng censor.
"Iisa lang 'yan. Pumupunta siya sa likuran para 'pag kuha mo nang card na idinikit mo kanina sa labas ay sasarado naman siya," saad nitong isa malapit sa'kin ng makita akong nagtatakang nakatingin roon. Kaya napatango nalang ako.
High-tech nga kaya paglingon ko sa likuran ko. Boom! Isang office na parang beacon 'yung every border na may white na color. Ngayon ko lang napansin na black and white ang color ng building. Pansin ko ring every border nito ay beacon ang gawa.
Yayamanin talaga ang may-ari nito, narinig kong may tumikhim kaya napaharap ako kay Fairy. Oo nga pala, dalawa pala kami rito. Bakit ko ba 'yun nakalimutan?
"Maupo ka," siguro ako lang ang nakakapansin sa malamig na trato niya sa'kin. Hindi ko naman kasi alam kung bakit siya nagkakagan'yan. Baka sa kagwapuhan ko 'di ba?
"Stop overthinking, or else ipakaladkad kita sa mga tauhan ko," kung nagpa-as if siyang conyo, hindi bagay. Hindi talaga, hindi nga siya marunong.
"Stop overthinking will you?" Medyo naiinis nang aniya. Kaya tumahimik na 'ko at yumuko.
"Face me," pero nanatili pa rin akong nakayuko. "Face. Me." Oh, medyo matigas 'yun kaya hinarap ko siya at ngumuso ako.
Nagtataka naman niya akong tiningnan at bahagyang lumayo. Ngumisi ako ng nakakaloko. Hindi na maipinta ang mukha niya sa inis.
"Stop playing will you?!" singhal na niya sa'kin, English pa raw. Matigas naman.
"I know you want a kiss, so let me kiss you," sambit ko at ngumuso.
Hinihintay ko ang halik niya, ngunit kasa ng baril ang narinig ko. I thought, we're just in grade 9 bakit marunong na siyang humawak at gumamit ng gan'yan?
"You'll die, if you'll continue what you're fvckin' doing right now," walang emosyong sambit niya, unti-unting bumalik sa dati ang posisyon ng aking labi. Hindi ka pwedeng nakalabi o nakanguso, malalagutan ka talaga.
"Bakit mo nga pala ako dinala rito?" tanong ko sa kanya. Unti-unti siyang huminahon at ibinalik sa isang kaheta ang baril na hawak niya. Sinarado na niya iyon at seryoso akong hinarap.
"It's all about your twin brother," she calmly said.
"What's about him? Is he still alive? Where is he? I want to see him," excited na ani ko. Hindi na ako mapakali na makita ang kambal ko. Matagal na kaming hindi nagkita at pilit pang binura ng mga magulang namin ang memorya ko.
"Follow me," aniya matapos tumayo at sinundan ko naman siya.
Sinunod ko siya at kagaya ng ginawa niya kanina dinikit niya muli 'yung card na wala akong pakilam marahil na sa kasabikang makitang muli ang kambal ko. Maraming pang pasikot-sikot ang dinaanan namin, marami ding bumabati sa kanya at wala sa'kin. Mga walang galang!
Pero hindi nakaligtas sa'kin ang mga dikit na pagtingin ng iba sa'kin. Judgmental ba ngayon ang mga agents? Baka pinapatay na pala ako sa mga isip nila.
Huminto kami sa isang pinto na gawa sa metal at napatingala ako sa label ng pinto. Pero kayo walang label.
Rpw..
Rpw? Roleplay world? Ano ba ibig sabihin niyan?
Pero 'di ko na inisip, malay ko ba. Sa kakaisip ko na RPW nga ang label no'n bigla kong naalala si Zariella. Ilang araw na nong huli kaming nagkachat. Kamusta na kaya siya? Bigla ko siyang nakalimutan dahil sa mga nalaman ko. Pasensya na aking Zariella.
Unti-unti nang bumukas ang pintuan pataas, wala namang bago puro naman talaga pataas wala bang pababa?
"You go first," saad niya, kaya nagtataka akong napatingin sa kanya. Ayoko ngang pumasok, baka trap 'to. Makukulong ako habambuhay sayang naman kagwapuhan ko hindi ko na mailahi.
"Fine. tss," inis na aniya at nanguna na. Pa tss ka pa riyan, crush mo naman ako. Pakipot si ate ghorl niyo.
Tuluyan na akong pumasok at hindi ko maiwasang mamangha. Pero gano'n pa rin naman ang kaloob-looban nito sa labas. Pero may nakaagaw ng pansin ko. Kaya agad akong lumapit do'n.
Doon na namanhid ang buo kong katawan at panlalambot ng mga tuhod ko. Hindi ko rin maigalawa Ang buong katawan ko sa nakita. Sunod-sunod nang pumatak ang aking mga luha.
"Think of it, just tell me," sambit niya at pinaharurot na paalis ang kanyang sasakyan.
Think of it daw? Paano ako makakapag-isip kung wala akong isip?
Wala ako sa sariling naglakad papasok ng bahay-wait? Nasa bahay ako? Nagsimula na sana akong maglakad palabas ulit pero narinig ko na ang sigaw ni Mama or should I say Mommy.
"Max! You're here," kunwaring nagagalak na salubong niya sa'kin pero wala namang gana kahit sumigaw pa siya riyan.
"No, I'm not here," sarkastikong saad. Tinalikuran ko na siya at pumasok sa kubo naming bahay na hindi kalakihan pero pinili nilang tumira rito eh may malaking ospital naman pala kami.
Bakit pa kami nagtago eh araw-araw naman silang nagpupunta sa mansyon namin at sa ospital para ma manage 'yun. Bakit pa nila ako tinuturukan ng anong gamot para makalimutan ang lahat ng mga masasayang alaala ko kasama ang kambal ko.
Unti-unting nagtutugpi-tugpi lahat. Ngunit isa sa mga palaisipan ko kung bakit bigla na lang kumikirot sa dibdib ko at susundon ng pagkawala ko ng malay.
At sa mga nalaman ko kanina. Parang hindi ko pa talaga kilala ang pamilya ko, mga taong nakapaligid sa'kin at lalo na ang sarili ko. Para bang may nakatagong mga katotohanan sa pagkatao ko na hindi mo man lang maalala at hindi ko rin alam.
Walang buhay akong humiga sa kama ko matapos makapasok rito. Sa kakaisip ko ng kung anu-ano. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
"Ma! Max needs me!"
"No! Hindi pwede!"
"Maaa! He have an illness! He needs me!"
"Sabi nang hindi!"
"Jax!" sigaw ko, hindi ko alam pero nakarinig ako ng pag-alingawngaw ng putok ng baril.
Ngunit huli na nang maigala ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto kung nasaan ako. Narito na akong muli sa kulay kremang kwarto. Fvck! Nasa ospital na 'ko! Hindi ko alam ang gawawin nila sa'kin. Hindi 'to pwede, pero aakmang tatayo na ako ng pumasok si Mama.
Ngumisi ito na parang demonyo. Hindi ko alam pero naroon ang takot sa buo kong pagkatao.
Ano ba talagang gusto nila?
Lumapit siya sa'kin ng may tinurok siyang muli na syringe sa kaliwang braso ko, ngunit sinundan din ito ng isa pang turok sa kanang braso ko.
Nandidilim ang paningin ko. Hindi ko na rin maramdaman ang katawan ko. Hindi ko na rin lubos makita ang paligid ko. Parang gusto ko nang matulog at tuluyan na ngang nandilim ang paningin ko.
Nagising nalang ako nang may narinig akong nag-uusap.
"He must know the truth," sambit ni Mama. Ngunit ng marinig ko ang salitang truth ay bigla nalang kumirot ang dibdib ko. Fvck! Shit, too much heartache.
Heartache Strikes..
"He must know that this is his second life!" sigaw ni papa. Napatingin ako sa kanila na tila nagtatalo silang dalawa ni Mama.
"No! Ayoko pa ungkatin ang nakaraan!" Sigaw din ni Mama kay Papa. Kahit naguguluhan ako pinilit ko ang aking sarili na manahimik. Kailangan kong malaman ang totoo. Kailangan kong malaman kung bakit pangalawang buhay ko na 'to. Hindi ko rin alam kung bakit gan'to nalang ang nangyayari.
"Before that fvcking transplant, at before that incident happened. Jax, beg me to help his twin who's still a bastard! Dapat sana si Max ang namatay at hindi si Jax!" Sigaw ni Mama at halang umiiyak na siya. Hindi ko maintindihan. Gano'n na ba ako kasama para sabihin niyang sana ako nalang ang namatay.
Oo nga, patay na ang kapatid ko. 'Yun ang nakita ng ipinakita ni Fairy sa kwartong pinakita namin.
Nagsimula na akong umiyak. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba itong mga litratong lumabas sa hologram. May tama ng bala ng baril noo ng kapatid ko. Pero alam kong totoo nga ito, at kung nakapangalan ito sa'min ito nga'y totoo.
"He left me the responsibility to this organization," sambit ni Fairy na nasa litrato pa rin nakatingin.
"I'm still searching for informations kung sino talaga ang pumatay sa kambal mo. Pero there's someone na blinoblock ang organization namin," patuloy niya.
"Ang parents niyo ay hindi alam ang organisasyong ito," sinserong aniya at tila may halong galit.
"Ngayon alam ko na rin ang katotohanang ang nanay mo ang bumaril sa kanya, wala ka bang maalala?"
At doon na bumalik lahat ng alaala sa'kin. 'Yung mga panaginip ko na tungkol kay Jax. 'Yung mga oras na naghihingalo ako. Dahil may sakit daw ako at gusto niya akong tulungan. Pero malabo pa rin sa'kin lahat. Malabo sa'kin kung bakit gusto niya kong tulungan eh ako ang salot sa pamilya.
Walang may gusto sa'kin. Bakit niya nais tumulong eh dapat maging masaya siya.
Bakit siya binaril ni Mama? Bakit ngayon ako pa ang sinisisi nila sa pagkawala niya na sila mismo ang pumatay sa kapatid ko. Gusto kong magpatulong kay Fairy. I need to leave this place.
I want to avenge my brother..
(A/N: Medyo naging magulo sa last part, pasensya nagkaroon ng writer's block.)