10//
Bakit nga ba hindi ko naisip 'yon? Bakit ba hindi ko naisip na maari din akong makasakit ng ibang tao?
Naisip ko tuloy kung dati pa ba 'tong sakit ko na 'to, natatakot ako sa mga nagawa ko at pwede kong gawin. natatakot akong makasakit.
Nandito na ko ngayon ulit sa kwarto ko, 12pm na pero hindi pa din ako kumakain. Ang sabi kasi ni zack ay pupunta siya rito mamaya.
Bumukas ang pinto at iniluwal non si prossy, ang inaasahan ko ay makikita ko nanaman ang kanyang matatamis na ngiti ngunit nagkamali ako.
"Here's your food." Malamig na aniya at nilagay sa harap ko ang paper bag na may pagkain.
"Salamat." Ngumiti ako ngunit hindi niya iyon sinuklian. Ngayon ay nagtataka na ko, badtrip ba siya? May ginawa ba ko sakanya?
Tumikhim siya.
"Mukhang nagkakamabutihan kayo ni zack, a." Tinaas niya ang kilay niya.
"Hm-mm." Tango ko. "Masaya siyang kasama." Ngumiti ako ng tipid. nakita ko pa ang pag-irap niya pero hindi ko pinansin 'yon.
"Aware ka ba kung bakit ka nandito?" Nakagat ko ang labi ko. yes, i'm aware.
Tumango ako.
"Sinasaktan mo ang sarili mo, at alam mo kung san ka dapat matakot? Ang makasakit ng ibang tao."
I know that. Hindi niya na kailangan ipamukha sa 'kin. syempre natatakot ako, natatakot ako sa mga pwede kong gawin. pero paano ba pipigilan 'to?
"I know." Simpleng sagot ko.
"Mabuti. Una na ko." Aniya at tinalikuran ako ngunit bago pa siya makalabas ay nagsalita ulit siya. "Iwasan mo ang pwede mong iwasan, kung ayaw mo silang masaktan." Aniya at tuluyan ng lumabas.
Hindi ko alam kung ano ba ang ibig sabihin niya don pero may konti saking alam ko ngunit ayaw ko lang tanggapin.
Hindi ko na nakain ang pagkain ko, wala akong gana sa lahat ng naiisip ko. yung sinabi ni steph si prossy, si zack.
Halos mapatalon ako nang may kumatok.
"Pasok."
agad bumungad sakin ang iritadong mukha ni stephanie.
"Oh anong nangyari diyan sa mukha mo?" Natatawang ani ko. Nginiwian niya ko.
"Ang kulit kasi ng nurse ko! Sinabing ayokong kumain! Pinipilit niya pa din, nakakainis. tumakas tuloy ako." Ngumuso siya.
Natawa ako. kanina pa niya ayaw kumain, baka magutom siya nyan.
"Bakit ba ayaw mong kumain?" Umirap siya at umupo sa gilid ng kama ko.
"Paulit-ulit kasi yung ulam! Sinigang, adobo, itlog minsan hotdog. Wala bang new?" humalakhak ako.
"Wala naman tayong magagawa."
"Yun nga e, hindi naman ako pwedeng nagrequest sa tagaluto dito kasi masungit! Tsaka di ko pwedeng ipakita ang bad side ko kasi crush ko yon!" Pumula ang pisngi niya.
"Gwapo ba?" Pinandilatan niya ko ng mata.
"Syempre! Nakakalaglag panty yung kagwapuhan niya. Hot!" Maligayang aniya.
biglang bumukas ang pinto.
"Nandito ba si steph-STEPHANIE!" Sigaw ng isang lalaking mukhang taga-dito din.
"WAAAAH! AEZYL TAGO MO KO!" Sigaw ni steph at nagtago sa likod ko.
"Tawag ka ni nurse pia! Kumain ka na daw!" Sigaw niya pa. Kinagat ko ang labi ko, nagpipigil ng tawa.
"Ayoko nga kasi! Baka itapon ko lang yon sa mukha niya e!"
"Dali na kasi! Ako ang mayayari sa'yo e!"
"AYOKO NGA! PAULIT ULIT!!" pumikit ako ng mariin. sa tingin ko ay masisira na ang tainga ko.
"Bahala ka nga dyan! Magutom ka sana!" Aniya at tumalikod na ngunit huminto siya at humarap ulit.
"Anong pangalan mo?" Tanong niya. Nakatingin siya sa'kin kaya tinuro ko ang sarili ko. tumango siya.
"Aezyl.." Ngumiti siya.
"Naku dustin! Wag ka nang umasa dito kay aezyl! Panget panget mo e!" Sigaw ni steph sa likod ko.
"Che! Napakasama mo!" Inirapan niya si steph at bumaling sakin. "Nice to meet you aezyl." Ngumiti lang ako.
"Umalis ka na nga dito! Nakakairita yang mukha mo!"
"Tss.." aniya at tuluyan nang lumabas.
"Nangchichic nanaman." Bulong ni stephanie.