Chapter XI

11//

Nang dumating ang hapon doon lang dumating zack na may dalang pagkain. Hindi ko alam kung matutuwa ako na hindi ako nakatali o matatakot.

Matutuwa dahil kaya ko nang kumain nang hindi sinusubuan, nakakagalaw ako ng maayos at nakakalabas. Matatakot para sa 'kin at sa mga taong nakapaligid sa 'kin

Kinagatan ko ang sandwich na dala ni zack, hindi ako makakakain ng maayos dahil sa titig niya. tumikhim ako.

"So..How's your day?" Basag niya sa katahimikan.

Kung alam mo lang.

"Ayos lang, uhm.." Lumunok ako at nagiwas ng tingin. goodness aezyl. napainom ako ng juice.

Ngumisi siya. "Good." Aniya at nilabas ang phone niya.

Huminga ako ng malalim. i need to calm down. i really need to.

Inubos ko na lang ang pagkain ko at tumayo para ilagay ang plato sa lamesa.

Kita ko ang pagsunod ng tingin ni zack sa 'kin.

"Aezyl." Halos mapatalon ako nang tawagin niya ko.

"H-Hm?"

"Bakit hindi ka kumain?" Kunot noong aniya at tinignan ang tupperware na dinala kanina ni prossy dito.

"Wala akong gana.." simpleng sagot ko at umupo ulit sa kama ko.

"Wala kang gana o ayaw mo ng ulam?" pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Excuse me? Hindi naman ako mapili sa pagkain! Talagang wala lang akong gana kanina!" Ani ko sabay irap.

Sinasabi niya bang maarte ako? Sa dami ba naman nang pinagdaanan ko sa buhay sa tingin niya may iaarte pa 'ko?

Nagtiim bagang siya.

"Aezyl--d-doc! good afternoon doc!" Ayan agad ang bungad ni dustin na bigla bigla na lang pumapasok dito.

Nagtaas ng kilay sakanya si zack.

"Oh dustin, b-bakit?" Ngumiti siya ng awkward sa 'kin.

"Si stephanie kasi uhm..tawag ka." Aniya at ngumiti din ng awkward kay zack na ngayon ay matalim na ang tingin sa 'kin.

"Ah ganon ba? Oo sige susunod na lang ako." Nagpeke ako ng ngiti. Ngumuso siya.

"Sige. Bye doc!" Sigaw niya at lumabas na.

"What was that?" Tiim bagang niyang tanong.

"A-ano?" May mali ba 'kong nagawa?

"Kailan kayo nagkakilala non?"

Non?

"Kanina." Halos matawa siya don. kumunot ang noo ko.

"Kanina lang at pinagkatiwalaan mo agad na pumasok-pasok sa kwarto mo? Really aezyl? At bakit alam niya kung saan ang kwarto mo?" May halong galit na aniya.

"Mabait naman siya. pinapasok ko sila ni stephanie kanina dito kaya alam niya." Ngayon ay naiirita na 'ko. masama bang magkaroon ng kaibigan?

"What if they'll hurt you aezyl? What if? why are you trusting people that fast?" Napapikit ako ng mariin.

"Goddammit zack! what the heck is your problem?! Mababait sila! They are my friends! wala na ba kong karapatang magkaroon ng kaibigan dito?"

Shit! dapat ay tinikom ko na lang ang bibig ko.

Kinagat niya ang kanyang labi at nagtiim bagang.

"I don't know.." Paos ang kanyang boses at nagiwas ng tingin.

Mabilis akong naguilty, bakit ko sinigawan ang doctor ko? Stupid!

"S-sorry.." Bulong ko at nagiwas din ng tingin. hindi na siya nagsalita. i know he is frustrated right now, tapos ay dinagdagan ko pa. you're really stupid aezyl. stupid.

Tumayo na lang ako at nagtungo ng banyo, muntik ko nang makalimutan sila stephanie na tinatawag nga pala ako.

Pagkalabas ko ay naagaw ko agad ang atensyon ni zack.

"Where are you going?" Tanong niya gamit ang malamig na tono.

"Stephanie." Simpleng sagot ko. bumuntong hininga siya.

"Ihahatid kita." Tumango na lang ako at baka pag sumagot pa 'ko ay hindi ako payagan.