Chapter XII

12//

"Hey, susunduin kita dito mamayang 7." Tumango ako. "Take care." Aniya. Ngumiti ako at pumasok na sa kwarto ni steph.

"Aezyl! Ang tagal mo!" Bungad sa 'kin ni steph. Ngumuso ako. Nakaupo na sila ni dustin sa kanyang kama sa tingin ko ay hinihintay ako.

"Ano bang gagawin natin?" Ngumisi siya.

"Magluluto tayo!" Sigaw ni dustin. Kumunot ang noo ko.

"Magluluto? Paano?" Nagkatinginan silang dalawa at sabay tumayo. halos madapa ako nang sabay nila akong hilahin palabas.

"Huy! Saan ba tayo pupunta?"

"Sa kitchen! Magluluto nga 'di ba!" Sagot ni steph. nagpahila na lang ako sakanila hanggang sa pinasok namin ang double door.

"Charaan!" Si steph. bumungad sa 'min ang kusina, malaki ito. mas malaki pa ata ito sa kwartong tinutuluyan ko. ngunit naagaw ng atensyon ko ang isang lalaking topless na nag luluto.

"Hi ryo!" Bati ni steph doon sa ryo. lumapit siya don habang kaming dalawa ni dustin ay nakatayo pa din.

"Ayan yung crush niya, tss. hindi ko nga alam kung anong nagustuhan niya dyan. katawan lang ata." Ani dustin.

Hindi nga siya kagwapuhan at hindi rin kaputian ngunit lumalakas ang kanyang dating sa kanyang magandang katawan.

Nasapo ko ang noo ko nang hinimas ni stephanie ang braso nong si ryo.

"Ryo..kami na ang bahala sa hapunan ng mga doctor..magpahinga ka na muna." malambing na utas ni steph.

"Napakalandi talaga." Bulong ni dustin sa tabi ko. Umiling iling na lang ako.

"Ha?Marunong ba kayong magluto?" Ani ryo habang nakataas ang isang kilay. Pinasadahan niya ko ng tingin.

"Bago?" Tumango ako. Tumango din siya at bumaling ulit sa kay steph na ngayon ay nakangiti na ng matamis sakanya.

"Okay sige, ngayon lang ah." Sabi ni ryo at tinanggal ang kanyang apron. "kayo na ang bahala, magpapahinga muna 'ko." Aniya at sinuot ang kanyang damit bago lumabas.

"Salamat ryo! labyu!" Sigaw ni Steph. Ngumisi siya sa 'min. "Marunong ba kayong magluto?"

"Bakit hindi na lang ikaw ang magluto?" Si dustin na ngayon ay iritado na.

"Duh, sino bang may sabing marunong akong magluto?!" Laglag ang pangang nagkatinginan kami ni dustin.

"Ang ibig mong sabihin..hindi ka marunong?" Ngumiti siya ng matamis.

"Hay naku-"

"Ako na lang magluluto." Sabi ko at umirap. Lumiwanag ang kanyang. mukha. kinuha ko ang apron at itinali ang buhok ko.

"Ano ang lulutuin mo?" Tanong ni dustin at lumapit sa 'kin.

"Sinigang na hipon.." sabi ko nang matapos imessy bun ang aking buhok.

Natuto ako magluto non dahil sa palagi kong panonood kung pano nagluluto si mama o kaya si tita.

"Talaga?! Marunong ka non?" Si steph at lumapit sa 'kin.

"Hindi ko alam kung magiging masarap ito, pero i'll try.."

Tumango silang dalawa. kinuha ko ang mga ingredients na kakailanganin. Naalala ko pa non ako ang pinapaghiwa ni mama ng mga sibuyas, nagtataka nga ako kung bakit ako naluluha non.

Kumuha ako ng isang large stockpot at nilagyan iyon ng tubig, dinamihan ko dahil madami ang doctor dito.

"Aezyl..anong pwede naming gawin?" Si dustin habang hinihintay kong kumulo ang tubig.

"Uhm..pakihiwa na lang ng sibuyas at kamatis." Tumango silang dalawa.

"Hala steph, bakit ka umiiyak?" Natawa ako sa sinabi ni dustin.

Si stephanie kasi ang naghihiwa ng sibuyas.

"Ewan ko nga eh, tears of joy siguro.." ani steph at suminghot.

Nang matapos sila sa paghihiwa ay kumulo na din ang tubig kaya nilagay ko na ang mga sibuyas kamatis at labanos. tinakpan ko ito at naghintay ng walong minuto.

Sumandal ako sa sink at tinignan ang orasan sa taas ng pinto. 5:30pm na pala, ang sabi ni zack ay susunduin niya ko mamayang 7 sa kwarto ni steph. hindi niya alam ako ang magluluto ng hapunan niya.

Nanlaki ang aking mata nang may maalala.

may allergy nga pala siya sa hipon!