Chapter XIII

13//

Agad akong kumilos para magluto ng para kay zack, kumuha ako ng maliit na kaldero at nilagay iyon sa ibang kalan.

Buti na lang naalala ko.

Naisipan kong sinigang na lang ang lutuin ko para sakanya, madali lang naman iyon. Habang niluluto ko ang sinigang, niluluto ko din ang sinigang na hipon.

"Oh..para kanino yung sinigang?" Si stephanie.

"P-para kay z-zack.." uminit ang aking pisngi.

"Bakit? Hindi ba siya kumakain ng hipon?"

"May allergy siya sa hipon." Sagot ko.

"Ah kaya naman pala...alam na alam huh." May halong panunukso sa kanyang tinig.

Hindi ko na lang siya pinansin at ipinagpatuloy ang pagluluto. Kung papansinin ko pa siya ay lalo niya lang akong tutuksuhin.

Naunang maluto ang sinigang na hipon, inutusan ko sila na iready na ang mga tupperware para maihatid na sa mga doctor.

"M-may kanin ba?" Tanong ko nang mapagtantong hindi kami nagsaing.

"Oo, mainit pa." Ani dustin habang kinukuha ang mga tupperware.

Tumango na lang ako at itinuon ang pansin sa niluluto kong sinigang. Magustuhan niya kaya ito? Baka hindi? Kumakain ba siya ng sinigang? ginapangan ako ng kaba, hindi ko naman kasi alam kung anong paborito niya..edi sana ay niluto ko.

Nang maluto ang sinigang ay tapos na sila sa mga ginagawa nila, ilang tupperwares din ang nasa harap ko.

"Charaaan!" Si stephanie nang matapos siya.

"Hindi kaya ay magkulang ito?" Tanong ko.

"Ano ka ba, hindi iyan! Marami din namang doctor na sa labas na naghahapunan..pero ang dinig ko kasi ay may meeting sila ngayon.."

"6pm na steph, sigurado akong meeting na nila." Si dustin habang naghuhugas ng kamay.

Ngumuso ako. Paano namin ito mabibigay?

"Edi pumasok tayo don! Mag meeting sila habang kumakain, tss." Ani stephanie.

nagkibit balikat na lang ako at kumuha ng dalawang tupperwear para kay zack. Nilagyan ko ng kanin ang isang tupperware habang yung isa ay para sa ulam.

Nahagip ng mata ko ang sticky note sa ref. kung lagyan ko kaya? Ang korni naman masyado. Ngunit sa huli ay hindi ko din naman napigilan ang sarili ko.

Hi doc! Good evening! Here's your food! eatwell :))

- Aezyl.

Uminit ang aking pisngi nang maisip kong mababasa niya ito, pumikit ako ng mariin. Ano ba kasing ginagawa ko? Parang napaka special naman niya kung makaasta ako. ngumuso ako.

"Stephanie.." Tawag ko sakanya. Lumingon siya sa 'kin. "Kayo na ang bahala magbigay sa mga doctor..uhm..pakibigay na lang ito kay zack." Pinunasan ko ang pawis ko.

"Bakit? Saan ka pupunta?" Si dustin.

"Maliligo, ang lagkit na ng katawan ko, e." Sabi ko at inabot ang pagkain ni zack kay steph.

Bumuntong hininga siya.

"Okay." Ani stephanie. "Una na kami ah! Balik ka sa kwarto ko pag natapos ka!" Tumango ako.

Halos magkandahulog-hulog ang mga tupperware ngunit buti ay hindi naman nangyari. ang sabi nila ay babalikan na lang daw nila ang iba.

Nilinis ko muna ang kusina, baka kasi magalit yong si Ryo. nang matapos ay tsaka na ko pumasok ulit sa kwarto ko. walang tao don. Ang hula ko ay nasa meeting sila zack.

kumuha ako ng short at t-shirt doon sa nakasampay na mga damit ko, ang baho ko na!

Mabilisan lang akong naligo, 6:30 nang matapos ako. isang black shorts at white t shirts ang aking sinuot. kitang kita ang maputla kong balat.

Nang matapos ako sa pagaayos ay lumabas na 'ko, may mga ilang dumadaang nurse at  doctor na tinitignan ako. Hindi ko na lang sila pinansin at bumaba na papuntang kwarto ni steph.

"Aezyl!! Good news!! Ang sarap daw ng luto mo! Omg..ang sabi pa nila ay ikaw na lang daw lagi ang magluluto!" Ayan agad ang bungad sa 'kin ni stephanie nang makapasok ako sa kwarto niya.

"Talaga?" Uminit ang aking pisngi. "E, 'yung kay zack? Masarap?" Nagkatinginan sila ni dustin.

"Hindi ko alam pero..nakangiti lang siya the whole time.." Mapanuksong sabi niya.

Uminit pa lalo ang aking pisngi.

"Uy!! Haba ng hair!" pakiramdam ko ay pulang pula na 'ko.