Chapter XV

15//

Nakatulog nga ako ngunit hindi dire- diretso. Nagising ako ng 12, bumungad sa 'kin si zack na natutulog sa sofa.

kumunot ang noo ko. Dito ba siya laging natutulog? Oh baka ngayon lang?

Di bali, basta nagugutom ako!

Sinubukan kong tumayo ngunit agad sumakit ang aking puson. napakurap-kurap ako.

Pinilit kong tumayo at napatakip ako sa aking bibig nang makita ang tagos sa sapin ng kama ko.

Wala akong napkin!

Napapikit ako ng mariin sa sobrang sakit ng aking puson. napaupo ako sa sahig.

"Aw.." Daing ko. Gigisingin ko ba siya? Para naman saan? Tulungan ako?

"hey!" Tinakpan ko ang aking bibig. Napakasakit!

"Aezyl!" Nanlalaki ang aking matang tinignan si zack na papunta na ngayon sa 'kin.

Nagising ko ba siya?

Umiskwat siya sa aking harapan.

"What happened? May masakit ba sa 'yo? What? Answer me." Sunod sunod niyang tanong.

"M-masakit lang yung puson ko..Okay lang ako." Sabi ko at sinubukang tumayo ngunit agad ding natumba.

Kinagat niya ang labi niya at halos mapasigaw ako nang buhatin niya ko nang pa bridal style.

"ibaba mo nga 'ko! San mo ba ko dadalhin?!"

Hindi siya sumagot. Ibinaba niya 'ko nang makarating kami sa banyo.

"Stay here. I'll be back." Hindi niya hinintay ang aking sasabihin. lumabas agad siya, nagmamadali.

Napaawang ang aking bibig. "Saan naman siya pupunta?" bulong ko sa sarili.

Kinagat ko ang aking labi.

Nagayos na lang ako, pinoproblema ko kung anong gagawin ko sa sapin na tinagusan ko.

Syempre lalabhan!

Maya-maya pa ay narinig ko na ang pagbukas-sarado ng pinto hudyat na nandyan na siya.

"Aezyl?" Binuksan ko ang pinto ng banyo at tinagilid ang ulo ko para makita ito. i'm naked! Nakatago naman ang aking katawan sa likod ng pinto kaya hindi ito makikita.

"H-here.." aniya at inabot sa 'kin ang isang plastic. Nagulat ako. Don't tell me binilhan niya 'ko ng napkin..

"Salamat." Ani ko at mabilis nang sinarado ang pinto. Isang balot ng napkin ang binili niya. hindi ba awkward ang bumili ang lalaki ng napkin?

Kumilos na lang ako. limit lang ang galaw ko dahil sa sakit ng aking puson. mukhang hindi ako makakalabas mamaya.

napanguso ako.

Nang matapos ako ay lumabas na 'ko, syempre nakapajama na 'ko ngayon tulad nang gusto niya..hindi naman pwedeng suotin ko ulit yung short na tinagusan ko, baliw na nga ako kung ganon.

Nakaupo siya sa sofa at pinaglalaruan ang labi, uminit ang aking pisngi. nakakahiya kasi. Sinundan niya 'ko ng tingin.

Uupo na sana ako sa aking kama ngunit naalala kong may tagos iyon na ngayon ay wala na..wala na?! Malinis na ulit iyon, palagay ko ay pinalitan ito ng bago.

"N-nasaan na yung sapin na-"

"Pinalabhan ko na kay elfin." Aniya "Masakit pa ba yung puson mo?" 

"H-huh? Bakit mo pinalabhan? Ako na lang sana..nakakahiya." Talagang nakakahiya! May ano yon e..

"Paano ka maglalaba kung masakit ang puson mo?" Pinagtaasan niya ko ng kilay.

Bumuntong hininga ako at umupo na ulit sa kama, masakit nga ang puson ko pero kaya ko naman sanang labhan iyon.

ipinagkibit balikat ko na lang.

"Matulog ka na lang ulit, ala-una pa lang." Aniya habang nakatingin sa orasan niya.

"Ikaw? Hindi ka ba matutulog?" Tanong ko.

Ngumisi siya. "Hindi na."

"Tss, ano namang gagawin mo?" Mas lalong lumaki ang ngisi niya.

"Why are you asking hmm?" Umirap ako.

"Nagtatanong lang ako." Ano kayang iniisip nito?

"Well, i'll watch you.." Kumunot ang noo ko. Ayan nanaman ang mapaglarong ngisi sakanyang labi. "While you're sleeping."

"A-ano?" lumunok ako. ano bang trip nitong lalaking 'to?

"H-hindi naman ako inaantok." Sabi ko at nag-iwas ng tingin.

Totoo naman, nawala na ang antok ko. ewan ko kung bakit. Alangan-namang alamin ko pa.

Biglang kumalam ang aking sikmura.

Napapikit ako ng mariin. The heck?!

Dinig ko pa ang mahina niyang halakhak bago tumayo. Nakanguso niyang nilahad ang kamay sa 'kin.

"Let's eat, then." Tinignan ko ang kanyang kamay. tatanggapin ko ba o hindi? saan naman kami kakain? Pano? Marunong ba siyang magluto? O ako ang paglulutuin niya?

Kagat ang labi kong tinaggap ang kanyang kamay.

traydor na puso.