Chapter XVI

16//

"Saan naman tayo kakain?" Tanong ko nang mapansing hindi sa kusina ang daang tinatahak namin.

"Maybe in the convenience store.." Sagot niya. tss..pwede namang dito na lang.

Nang makarating kami sa elevator ay tahimik lang kami, bumaba ang tingin ko sa magkahawak naming kamay. Stuck between ilalayo ko o hahayaan ko na lang..

ngunit bago pa 'ko makapagdesisyon ay bumukas na ang pinto ng elevator. Maliwanag pa din ang paligid at may iilang nurse at doctor na dumadaan.

Nang lumabas kami ay naagaw namin ang atensyon nila..bumagsak ang tingin nila sa aming mga kamay. nanlaki ang aking mata at uminit ang pisngi.

bibitawan ko na sana ang kanyang kamay ngunit mas hinigpitan niya pa 'to. Nilingon ko siya, deretso lang sa harapan ang kanyang tingin.

"'Di ba si doctor lawckson 'yan? B-bakit sila -"

"Shhh...baka marinig ka."

Mga bulong ang aking naririnig galing sa mga nurse. Napayuko ako. wala namang namamagitan saaming dalawa kaya bakit ako mahihiya.

Nang makalabas kami ay mahangin, buti na lang ay pinasuot niya 'ko ng jacket kanina na hindi ko alam kung kanino. siya naman ay hindi niya suot ang kanyang uniform, naka-white polo longsleeve lang siya na nakatupi hanggang siko.

"Pwede ba 'kong lumabas dito sa ospital?" Nilingon ko siya. Tumango siya.

"As long as you're with me." Aniya. uminit ang aking pisngi.

Lumabas kami sa ospital, ni hindi nga kami pinansin man lang ng body guard.

Tumawid kami sa pedestrian, wala gaanong kotseng dumadaan dahil madaling araw.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya nang makarating kami sa convenience store, sa tapat lang pala ito ng ospital.

"Noodles." Tumango siya at kumuha ng dalawang cup noodles. hanggang ngayon ay hindi niya pa din binibitawan ang aking kamay.

hindi naman ako mawawala.

Habang hinihintay maluto ito ay bigla na lang may bumangga sa 'kin. Napalingon ako sa babaeng hula ko ay kasing edad ko lang.

halatang mayaman siya sa kanyang kasuotan, may make up pa at magarbong damit.

"S-sorry ae-miss." Aniya. Kumunot ang noo ko, hindi dahil naiinis ako sakanya kundi dahil sa muntik niya nang sabihin.

"Be careful next time miss." Si zack. Tumango iyong babae.

"I will. Sorry again." Aniya at tinalikuran kami, ngunit bago pa siya makalabas ay sinulyapan niya ko ng isang beses. hindi ko matanggal ang tingin ko sakanya. may kung ano sa mga tingin niyang hindi ko alam kung ano.

"hey, are you okay?" Hindi ako sumagot. do Have we met before? hindi ko siya maalala.

"Aezyl? Why?" Kumurap kurap ako at nilingon na si zack.

"H-huh? Wala wala." Sabi ko at tinignan ulit ang babae na ngayon ay pumasok na sa kotse niya.

hindi siya pamilyar pero alam kong meron siyang papel o magiging papel sa buhay ko.

Isinantabi ko na lang iyon. Sa labas kami kumain, puro tunog lang ng kotse na dumadaan ang naririnig ko.

"Who was that? Are you familiar with her?" Si zack na nasa tabi ko.

"H-hindi..uhm hindi ko naman siya maalala."

"Are you sure?"

"Nagka-amnesia ba 'ko?" Tanong ko imbis na sagutin ang kanyang tanong. Kumunot ang noo niya.

"No, nakakalimutan mo lang ang ginagawa mo tuwing inaatake ka ng sakit mo." Paliwanag niya. tumango-tango ako.

sabagay, kung may amnesia ako edi sana ay hindi ko naalala ang kapatid ko at mga nangyari sa buhay ko.

"Zack ang hirap kumain." Angal ko at umirap. paano ba naman kasi, hanggang ngayon ay hindi niya pa din binibitawan ang aking kamay.

"it's cold." Simpleng aniya. namamawis na nga ang kamay ko eh. hinayaan ko na lang hanggang matapos kaming kumain.

Alas-dos na nang makabalik ulit kami sa ospital. syempre nandyan nanaman ang mga matang laging nakatingin sa 'min.

"Kelan mo planong bitawan ang kamay ko?" Tanong ko habang kami ay nasa elevator.

Hindi siya sumagot at ngumisi lang.

Kinagat ko ang labi ko nang maramdaman nanaman ang sakit sa aking puson.

Hay buhay.