Chapter XVII

17//

Hindi na 'ko natulog, gising ako hanggang sa mag umaga. si zack ay ganoon din ang ginawa. Nagkwentuhan lang kami, kaya noong umaga na ay sobrang tamlay ko.

"Want to eat anything?" Tanong niya. umiling ako.

"Matutulog na lang ako, ngayon lang ako inantok, e." Tumango siya.

"Babalik ako dito mamayang lunch." tumango din ako kaya lumabas na siya habang ako ay nakahiga na. I need to sleep.

Ilang oras din akong nakatulog, nang magising ay hapon na. mas sumakit ang puson ko ngayon. i even checked the sapin if it have stain but thank god wala.

i was about to stand up but i noticed the tupperware on the table beside my bed. may pagkain don at may note pang nakalagay sa ibabaw non.

Hi miss, eat this. i couldn't say anything so just eat this. I cooked this for you.

Sulat pa lang alam ko na siya ito, napangiti ako. mukha akong baliw dahil habang kumakain ay nakangiti lang ako.

he cooked sinigang na hipon for me! Who wouldn't be happy when someone cooked your favorite food?

After eating i need to change napkin kasi puno na. buti naman ay hindi ako nagkatagos.

pagkalabas ko sa banyo ay saktong pagdating niya na may dalang paper bag.

"I bought some ice cream for you..here." aniya at nilapag na sa lamesa ang ice cream na binili niya.

"T-thanks." Umupo na 'ko sa kama ko. habang siya naman ay umupo sa couch.

i don't know if this is still mental hospital or this is my house. i act like i'm home.

but why did he buy ice cream for me?

"Ang dami naman nito zack, hindi ko naman mauubos." Sabi ko at kinuha ang kutsara at nilantakan na 'yon.

"Really?" Humalakhak siya. Chocolate ice cream iyon, chocolate is my fav flavor. buti naman ito ang binili niya, pero naiinis talaga ako sa tawa niya.

"Talaga!" Ani ko at umirap. "You help me!" Hindi ko mauubos to. isang malaking garapon ng ice cream? ieexpect niya na mauubos ko?

"I think you didn't need my help." Sabi niya at humalakhak.

"Ano tingin mo sa 'kin? Matakaw? Tsaka wag ka ngang tumawa! Naiirita ako!" Reklamo ko at nilantakan ulit ang ice cream.

"Okay, baby." Nabulunan ako don. did he call me 'baby?'

"A-ano? K-korni mo!" Ngumuso siya, nagpipigil ng tawa. namumula na ang aking pisngi. bakit ba kasi kailangan niya pang ibuka ang bibig niya?

"Why baby hmm? What's wrong with my baby?" Malambing na aniya. napaubo ako.

"MANAHIMIK KA NA LANG PWEDE?! SHUT THE BABY THING!" humalakhak siya. he like teasing me huh?

"You...hahahaha.." Hindi na siya makapagsalita nang maayos dahil sa kakatawa, nakahawak pa sa tiyan! "You look like a angry bird. Hahahahaha."

binato ko siya ng unan. "N-napakasama mo!" inilagan niya 'yon. pakiramdam ko ay pulang pula na 'ko.

"okay okay i'll stop." Ngunit tatawa-tawa pa din. the hell. Nilapag ko na ang ice cream sa lamesa na ubos na. gutom kasi ako.

Natigil lang siya nung may pumasok, si stephanie.

"Aez- doc! Hi doc!" Tumango sakanya si zack na ngumisi sa 'kin. Inirapan ko siya. "Aezyl! Ba't hindi ka lumabas kanina?"

"Ah, m-meroon ako ngayon."

"Dalaw?" Bulong niya

"Hm-mm." Tango ko.

Ngumuso siya at umupo sa tabi ko. napatingin ako kay zack na kumukuha ng tubig sa lamesa.

"Nasaan nga pala si dustin?" Tanong ko kay steph. nagtaas ng kilay si zack sa 'kin.

"Hay naku! Edi ayon! humahanap nang bagong lalandiin." Umirap siya. Natawa naman ako. "Hirap mo daw kasing landiin eh." nanlaki ang mata ko. napalingon ako kay zack na umuubo ubo, palagay ko ay nabulunan.

"H-huh?" Mahirap akong landiin? nilalandi niya ba 'ko? tumawa si steph.

"Sus! Hindi mo napapansin pero gusto ka non!" Gusto ko siyang patahimikin na lang dahil nakikinig si zack sa 'min.

"stephanieeee!!!!" Sigaw iyon nang isang babae galing sa labas.

"Tumakas ka nanaman?" Humalakhak ako.

Ngumuso siya. "Sige na aezyl! Chineck ko lang kung okay ka lang. Bye! Mamaya ulit!"

tumango ako. lumabas na siya at narinig ko pa ang angal niya don sa nurse niya ata.

Nilingon ko si zack na ngayon ay hindi maipinta ang mukha. tignan mo to parang kanina lang hindi siya matigil kakatawa tapos ngayon nakasimangot.

"Don't tell me nakikipaglandian ka sa lalaking 'yon?" Masungit na aniya at umupo sa harap ko.

Kumunot ang noo ko. "W-what? Of course not! We're friends zack."

"Really hm?" Lumapit siya sa 'kin. uh-oh. this is not good.

"R-really." Uminit ang aking pisngi. Ngumisi siya.

"Talaga lang ah?" Mas nilapit pa niya ang kanyang mukha. Why are you fucking doing this to me zack?

"T-talaga!" Kailangan kong magpanggap n hindi ako naapektuhan. i really need to!

Nagiwas ako ng tingin, sobrang lapit na namin sa isa't isa!

"Okay." Aniya at mas lalo pa sanang ilalapit ang mukha niya sa 'kin ngunit biglang tumunog ang kanyang cellphone.

"Hell." Bulong niya at sinagot 'yon.

t-the heck was that?