18//
Umalis siya nong gabi na, syempre hinatidan niya ako ng pagkain bago siya umalis kaya kinain ko na 'to. Aniya pa ay pupunta daw dito si nurse elfin mamaya para idala dito ang sapin na nilabhan niya kanina.
pero may kakaiba nanaman akong nararamdaman.
Tama nga siya, pagkatapos kong kumain ay dumating si nurse elfin dala-dala ang puting sapin na tinagusan ko kanina.
ngumiti siya sa 'kin. "Hi aezyl! How are you?" Ngumiti din ako pabalik.
"Okay lang nurse, ikaw? Sorry nga pala sa abala. dapat ako na lang ang naglaba niyan, nakakahiya." Nahihiyang sabi ko.
"Naku! Wala lang 'yon. sige aezyl, paexcuse muna ilalagay ko ulit ito."
"S-sige lang, cr lang ako." Ani ko at pumunta na ng cr. hindi maganda ang pakiramdam ko. hindi dahil sa sakit ng puson ko dahil may kakaiba nanaman sa 'kin.
Sumasakit nanaman ang ulo ko, may naririnig nanaman akong kung ano ano. huminga ako ng malalim. alam kong kaya ko 'tong labanan. ngunit paano?
noong huling naramdaman ko ito ay hindi maganda ang nangyari.
napalunok ako.
"Ate, bakit ka umiiyak?" Kinagat ko ang labi ko nang marinig ang boses ng aking kapatid.
"Ate, nagugutom na 'ko." lumandas ang luha sa aking pisngi. no..wag ngayon please..
"Ate, okay ka lang ba?" Humagulgol ako. please..aziyl wag ngayon.
"Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita aziyl. ako lang ang pamilya mo." Napatakip ako sa bibig ko. dinig na dinig ko ang boses ko mula sa nakaraan. shit, bakit ngayon pa?
Nilibot ko ang mata ko at wala namang nakitang kahit kutsilyo sa banyo. ngayon ay kailangan kong paalisin si elfin dito.
Binuksan ko ang pinto at nakita ko si elfin na nagaayos ng kama ko.
"elfi-"
"Aezyl.." Pumikit ako ng mariin nang marinig nanaman ang bulong ng isang babae.
"Oh aezyl, okay ka lang?" Napaatras ako nang lumapit siya sa 'kin. kumunot ang noo niya.
"L-lumabas ka na muna e-elfin..uhm..ako na ang b-bahala dito." Kinagat ko ang labi ko.
Ang sakit ng ulo ko.
"Bakit? Okay ka lang ba? May masakit ba sa 'yo?" Lumapit pa siya sa 'kin.
"W-wag kang lalapit sa 'kin!"
"Sino bang may sabing importante ka?!" Mama?
"Elfin umalis ka na!" Hangga't may kontrol pa ako sa sarili ko ay kaya ko pa itong labanan.
"No! Responsibili-"
"Hell! please! please! masasaktan ka lang!" Pagmamakaawa ko sakanya. Hindi maganda ito.
"Aezyl, no! I won't leave you here!" napapikit ako. "Responsibilidad kita!"
fvck that responsibility!
"You're nothing, wala kang silbi! bakit nga ba binubuhay pa ang mga kagaya mo?! useless!" Napatakip ako sa tenga ko habang humahagulgol. ate yasmin..
"Aezyl! Shit!"
"Worthless."
"ELFIN UMALIS KA NA PLEASE?! PLEASE! PLEASE.." pinilit ko ang sarili kong maglakad.
Bakit ba kasi hindi ka na lang umalis?!
Binuksan ko ang pinto ng banyo. kung ayaw mong umalis, ikukulong ko na lang ang sarili ko sa banyo.
"Aezyl anong gagawin mo? Aezyl!"
Ngunit bago ko pa maituloy ang balak ko ay naramdaman ko na ang pagbigat ng aking mga mata.
"Ate! Tulungan mo 'ko ate! Ate!" Wala akong makita kundi dilim. hindi ko makita ang aking kapatid ngunit naririnig ko siya.
"Aziyl?" Walang sumasagot.
"Aziyl nasaan ka? Aziyl nandito na ang ate!" Nangigilid na ang aking luha.
"Ate...tama na.."
"Aziyl!" Sigaw ko nang makita ang kapatid ko na sinasakal ng isang babae. gusto ko siyang tulungan..gusto kong tumakbo para iligtas siya ngunit hindi gumagalaw ang aking mga paa. hindi ako makagalaw.
"Ate.." nanlaki ang aking mata nang ipikit niya ang kanyang mga mata dahil hindi na siya makahinga.
"AZIYL!!"