19//
Hindi ko na alam kung ano ang sunod na nangyari basta nahanap ko na lang ang sarili ko na sinasakal si elfin.
mabilis ko siyang binitawan, umubo ubo siya na tila nahihirapang huminga.
Napatakip ako sa aking bibig habang humahagulgol. Ito na ang kinatatakutan ko..nangyari na..nakasakit na ko ng ibang tao.
"E-elfin..."
"Sorry.. sorry.. I can't control myself.. Sorry elfin sorry..." pumiyok ang aking boses.
"No no..i-" umubo siya. "I understand.. it's okay.."
Umiling iling ako. "No it's not okay! I..hurt you..how can you say that is okay?!"
Hindi ako nagtangkang lumapit sakanya, natatakot akong maulit. takot na takot ako. muntik na kong makapatay. Buong buhay ko ay wala pa kong sinasaktan ng pysichal.
Napaupo ako. ubos na ang lakas ko, ubos na ubos na.
"S-sorry.." iyan ang paulit ulit kong binabanggit sakanya.
Nagtangka siyang lumapit ngunit pinigilan ko siya.
"D-don't go near me, please...i'm scared.." Kitang kita ko ang awa sakanyang mga mata. pati ako ay naawa na sa sarili ko.
"it's not your fault..." Humagulgol lang ang nagawa ko at umiling iling.
"No, it was my fault, a-ako..yon...ako." lahat kasalanan ko. lahat..lahat. sarili ko lang ang pwede kong sisihin, kasi ako..ako yung nananakit, ako yung may sakit, ako yung problema.
"Don't blame yourself aezyl, look, i am okay..i'm not hurt. i'm okay.." Ngumiti siya ng matamis sa 'kin.
hindi ko alam kung paano pa siya nakakangiti, samantalang kanina ay sinasaktan ko siya, tapos ay sasabihin niyang okay lang siya? no..hindi nyo ko madadaan sa mga pekeng ngiti nyo. I know you're scared of me. tama lang na katakutan niyo ako para lumayo kayo.
Go away.
"I am a nurse..sanay na 'kong makaencounter nang ganyang sakit..sanay na 'ko." Ngumiti ulit siya.
Hindi ba siya natatakot? Pwede siyang mamatay..ang daming mga posibilidad na mangyari. hindi ba siya natatakot masaktan?
Bumukas ang pinto at iniluwal non si zack na hinihingal.
"Aezyl.." mabilis siyang pumunta sa 'kin. Alam niya ba? Yumuko ako. "Elfin ako na ang bahala sakanya. magpahinga ka na." Tumango si elfin at lumabas na.
"Hey..are you okay?" Bulong niya. hindi ako sumagot at nanatiling nakayuko. Sinong magiging okay sa lagay ko? Sino?
Hinila niya ako papunta sa kanya at niyakap ng mahigpit. idiniin niya 'ko sa kanyang dibdib. Mas lalo akong naiyak.
isa ka pa...hindi ko na hihintayin na ikaw din ay masaktan ko. iiwasan kita hanggang sa kaya ko, alam kong impossible iyon dahil doctor kita..responsibilidad mo 'ko..pero wala naman sigurong impossible kung gusto kong ligtas siya 'di ba?