20//
"i'm full." Malamig na ani ko at inilayo sa 'kin ang plato. dalawang araw simula yung nangyari iyon. hindi ako lumabas, at madalang na lang akong nakikipagusap sa mga tao. lumalayo ako..umiiwas, lalo na kay zack na laging nandito.
Tumayo na 'ko at bago pa makalakad ay hinawakan niya ang aking kamay. nilingon ko siya.
"Matutulog na 'ko." Sabi ko at pilit inaalis ang aking kamay ngunit hindi niya ito binibitawan.
"I know what you're doing.." Aniya. alam kong alam niya na iniiwasan ko siya. expect ko nang pag alam niyang iniiwasan ko siya ay iiwas din siya, ngunit hindi. lagi siyang nandito at pinapanood lang ako. Lagi ko ding pinakikiramdaman ang aking sarili kung may kakaiba nanaman. ayoko nang maulit iyon.
"Alam mo pala, e, bakit hindi mo na lang din gawin? Kasi ano? Doctor kita? kasi responsibilidad mo 'ko? kaya kong mabuhay dito kahit wala ka."
Dahil sa responsibilidad na yan, mapapahamak lang kayo.
"Sabihin na nating pasyente kita, sabihin na nating responsibilidad kita, pero aezyl, hindi lang 'yon ang dahilan kung bakit ako nandito, hindi lang yon ang dahilan kung bakit ako nandito sa tabi mo.."
"Ano pa bang dahilan zack?! ano pa ba?! Wala na 'kong makitang ibang dahilan! hindi mo ba maintindihan na pwede kitang masaktan? Hindi mo ba maintindihan yon?!"
I'm crying again..how can i stop it?
Pumikit siya ng mariin.
"Just please..let me go." Pumiyok ang aking boses. ramdam ko na ang pagluwang ng kanyang hawak kaya mabilis ko nang hinila ang aking kamay at humiga na sa kama.
Hindi na siya nagsalita. mas mabuti iyong hindi na siya sumagot, i don't need his opinion. Ang gusto ko lang naman ay yung maintindihan niya ko. yoon lang.
Sa sumunod na araw ay wala kaming pansinan, walang nagsasalita sa 'min. Dinala niya lang ang almusal ko kaya mabilis kong kinain iyon at humiga ulit sa kama.
Ngayon ay iniisip ko kung paano ba 'ko gagaling? O kung may pagasa pa ba 'kong gumaling? kailangan kong gumaling.
Nang dumating ang tanghali ay umalis siya, hindi na ko nagtanong. ngunit nagulat ako nang pumasok si stephanie na may dalang pagkain.
Ngumiti siya sa 'kin ngunit hindi ko nagawang suklian.
"Sabi ni doc zack ay ako na lang ang magbigay nito sa 'yo kasi may meeting
sila..here." Aniya at inabot sa 'kin ang pagkain. tinanggap ko yon.
Umupo siya sa gilid ng kama.
"Kumusta ka na? Narinig ko yung nangyari." Panimula niya. kinagat ko ang labi ko. "Aezyl..alam kong natatakot kang makasakit ulit." Yumuko ako at nangilid nanaman ang luha. "Pero 'di ba magkaibigan pa din tayo?" Hinawakan niya ang kamay ko. "Itong mga nakaraang araw hindi ka na daw lumalabas, hindi ka na pumupunta sa kwarto ko..namimiss ka na namin ni dustin."
"I'm s-sorry.." bulong ko.
"I know it's hard for you..napagdaanan ko na din yan, nakasakit na din ako, natakot na din ako kagaya mo. pero hindi sila nagagalit, hindi sila natatakot, naiintindihan nila. pero hanggang kailan nila maiintindihan?"
"Basta aezyl, just fight! Gagaling ka din! Laban lang nang laban! I know you, malakas ka. i want you to fight." Ngumiti siya sa 'kin. "Oh pano? Dito na ko ah? Keep fighting beautiful! Bye!" aniya at lumabas na.
Fight? How?