21//
Paano ako lalaban? Paano ko lalabanan ang sarili ko? Paano ko matututunang kontrolin ang sarili ko? Hindi ko alam, ngayon ay ang kalaban ko lang ang sarili ko.
Gabi na ngunit hindi pa din ako makatulog. kumain na din ako pero onti lang dahil wala akong gana. Si zack ay wala pa din, hindi ko nga alam kung bakit ako malungkot kahit dapat masaya ako.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwal non si prossy.
"How..are you?" Bungad niya. Wala akong nakikitang pagalala sakanyang mata, hindi ko alam kung may problema ba siya sa 'kin o ano.
"Fine.." Simpleng sagot ko.
"Siguro naman ay alam mo na ngayon ang sinabi ko?" Nagtaas siya ng kilay sa 'kin. Naalala ko nanaman ang mga salitang binitawan niya noong huli naming pagkikita.
'Iwasan mo ang pwede mong iwasan, kung ayaw mo silang masaktan.'
Tumango-tango ako. nandito ba siya para kumustahin ako o para ipamukha sa 'kin ang mga kailangan kong gawin? O para pangaralan ako? i don't know. pero hindi ko gusto ang ugali niya ngayon. maybe she have a problem? with whom? With me?
"Si zack." Napalingon ako sakanya. "Si zack ang tinutukoy ko. Matagal na kaming magkaibigan, i don't want him to be hurt..i don't want you to hurt him." Mabilis kong naintindihan ang gusto niya.
Gusto niyang iwasan ko si zack para hindi siya masaktan? Alam ko, ginagawa ko, sinusubukan ko.
"yeah i know."
"Tutulungan kitang iwasan siya, tutulungan kitang ilayo-"
naputol ang kanyang sasabihin nang bumukas ang pinto at pumasok si zack na medyo galit ang mukha.
"Hindi mo siya kailangang tulungan dahil hindi niya gagawin." Mariin na aniya. napaawang ang bibig ni prossy.
"Zack..pwede ka niyang saktan.." ani prossy at lumunok.
"I don't care." Kumunot ang noo ko sa naging sagot niya. Sarkastikong tumawa si prossy.
"Y-you....yeah, you're a doctor. you're doing this because she's your patient. Right zack?" Si prossy at hinawakan ang kamay ni zack.
Lumunok ako at nanatili ang tingin sa kamay nila. Umiling-iling ako at nagiwas ng tingin.
"Not just.." umpisa pa lang ng kanyang sasabihin ay alam ko na.
"W-what? Not just..what?" Si prossy. Umiling si zack at lumapit sa 'kin.
"Kumain ka na ba?" Napaawang ang bibig ko. nilingon ko si prossy na galit ang mukhang nakatingin sa 'kin.
Why?
"Oo." Sagot ko habang nakatingin kay prossy. what's her problem?
"You're kidding me.." bulong ni prossy at mabilis na lumabas sa kwarto. nanatili ang tingin ni zack sa 'kin.
"A-ano bang problema niya?" Bulong ko din. nilingon ko siya na ngayon ay nakangisi na. kumunot ang noo ko.
Happy?
"A-ano?"
"You jealous?" Nakangising aniya. sarkastiko akong tumawa. Ako magseselos? Ako? Bakit ako, haha.
"B-bakit naman ako magseselos?" Umiling-iling ako at uminit ang pisngi. Wala namang kaselos selos don, haha.
"Really huh.." Mapangasar niyang sabi. umirap ako at tumayo papuntang banyo.
"Hey.." Dinig ko pa ang halakhak niya bago ako tuluyang makapasok sa banyo. Bakit ko ba siya pinapansin? hindi kami bati.
Nang makalabas ay nakaupo na siya sa couch at pinaglalaruan ang labi. nagiwas ako ng tingin.
"Hey, come here.." nilingon ko siya. "Here baby." Aniya habang tinatapik ang tabi niya.
Kunot noo akong umupo sa tabi niya. "Ano?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.
He smirked and leaned his head on my shoulder.
S-seriously?
"A-ano bang ginagawa mo?"
"Just 5 minutes..." he whispered. hinayaan ko na lang. Mukha siyang pagod na pagod na ewan. bumuntong hininga ako.
"I...miss you." Bulong niya. kumalabog ang aking traydor na puso.
"N-nandito lang naman ako.."
"I miss this.." aniya at hinawakan ang aking kamay.