22//
"kahit ilang beses mo 'kong iwasan gagawa't gagawa ako ng paraan para manatili sa tabi mo."
Iyan ang lagi niyang sinasabi sa 'kin, walang araw na hindi kami nagaaway tungkol diyan. hanggang sa narealize ko na kahit anong gawin ko ay siya ang masusunod.
Pumikit ako ng mariin. "Tie me, then." Ayaw niyang gawin isa man sa mga 'yan. hindi niya talaga ako maintindihan.
"No." Aniya. Umirap ako.
lumipas ang mga araw ay normal lang na tumakbo ang buhay ko, ngunit hindi pa din maalis sa 'kin ang takot, hinding hindi maaalis.
Madalang na din kaming nagkikita nila stephanie, minsan na lang akong lumalabas. nagusap na rin kami ni elfin at ang sabi niya ay naiintindihan niya daw ako, pero hindi niya ako napigilang humingi ng tawad.
Tinanong ko din si zack non kung may pagasa pa bang gumaling ang tulad ko, ang sagot niya ay 'oo'. ngunit paano?
"Ako din may sakit." Aniya. nilingon ko siya.
"Talaga? A-ano?" Ngumisi siya.
"Sakit sa puso." Aniya at hinawakan ang kanyang dibdib na animo'y nasasaktan. "lagi mo kasi akong tinataboy." He pouted.
Ngumiwi ako at binato siya ng unan. "Baliw." Humalakhak siya.
Hindi ko alam kung ano kami, malamang tao kami. pero ano nga bang relasyon namin? Friends? Less than lovers? i don't know. basta masaya na 'ko kung anong meron kami ngayon.
Relationship didn't need label, as long as you love each other, kahit wala kayong label may karapatan kang masaktan, kasi mahal mo siya. Hindi purkit wala kayong label ay wala ka nang karapatang umiyak.
"See? You just like the stars." Nakangiti siyang nakatingin sa langit. ngumiti ako at tinignan ang mga bituwin na kumikinang.
"Really?" Ngumisi ako.
"i love..stars." aniya. "I love y-"
"Pasok na tayo?" Putol ko sa sasabihin niya. bumuntong hininga siya at tumango.
"Are you hungry?" Tanong niya nang makapasok na ulit kami sa kwarto.
"Nope." Ngumiti siya at tumango. biglang tumunog ang kanyang cellphone kaya sinagot niya ito.
"Auntie, napatawag--w-what?" Agad akong napalingon sakanya. "W-what happened to him?" Namutla siya.
"Hey, is everything okay?" Tanong ko ngunit hindi niya sinagot.
kinagat niya ang kanyang labi at pumikit nang mariin. "Where?...Okay, i'll be there." binaba niya ang tawag at bumaling sa 'kin.
"Aezyl, stay here okay? I'll be back." Aniya at hinalikan ang aking noo bago umalis.
Ano bang nangyayari?
Hinintay ko siya hanggang mag alas-dose nagbabakasakaling bumalik ngunit hindi na. napagdesisyunan kong matulog na lang at baka bukas ay nandito na siya.
Ngunit nagkamali ako, pagkagising ko ay siya agad ang hinanap ko pero wala pa din siya, nagtanong din ako sa mga nurse ngunit hindi pa daw nila nakikita si zack. Ngayon ay nagaalala na ko. Ano kayang nangyari?