Chapter XXIII

23//

"Hi! good morning aezyl!" Bungad ni stephanie na kakapasok lang sa kwarto.

"Morning.." Ngumiti siya sa 'kin.

"Biyernes-santo aezyl?" Si dustin na kakapasok lang din. Ngumiwi ako.

"Tss.." humalakhak siya. hindi pa din bumabalik si zack simula kagabi, wala namang nagsasabi sa 'kin kung nasaan siya, nagaaalala tuloy ako.

"Nagalmusal ka na ba?" Si stephanie at umupo sa gilid ko. ngumuso ako at umiling.

"Bakit hindi pa? At saka nasaan nga pala si doc zack?" Tanong ni dustin at umupo sa couch.

"H-hindi pa siya bumabalik simula kagabi, hindi ko alam kung saan pumunta." Bumuntong hininga ako.

"Baka importante 'yon, hayaan mo na. sumama ka na lang samin! Dali!" ani stephanie at hinihila hila ako ngunit hindi pa din ako tumatayo.

"Saan naman tayo pupunta? Nakakatamad kaya.." Angal ko.

"Weh?" Nginiwian ko si dustin.

"Basta! Tara na kasi!" Ani stephanie. Tamad akong tumayo. "Ay wait! Magbihis ka muna!"

"Maliligo muna ako." Sabi ko at handa nang maglakad ngunit hinawakan niya ang braso ko.

"Uhm..ako na mamimili ng susuotin mo, hehe." Tumango na lang ako at pumasok na sa banyo.

Napaisip tuloy ako kung kelan siya babalik? O kung babalik pa ba siya? Ahy! Napaparanoid nanaman ako.

Nang matapos ay kumatok si stephanie para abutin ang damit. kinuha ko yon at nagtaka kung bakit ito ang pinili niya. saan ba talaga kami pupunta?

Black ripped jeans iyon at isang white plain shirt. ngumiwi na lang ako at sinuot iyon. tinuck-in ko iyong shirt para bumagay.

Nakasimangot akong lumabas. "Seriously? Why do i need to-"

"Let's go!" Napaawang ang aking bibig nang makita ang suot nila. si stephanie ay naka short at black spaghetti strap top, habang si dustin ay nakapants din at t-shirt.

"Where the heck are we going?"

"Kakain!" Si stephanie. kumunot ang noo ko.

"Kailangan nakaganto kapag kakain? Wag n'yo nga kong lokohin." nginiwian ko sila.

"triggered nanaman si mareng aezyl, hindi po kasi tayo dito kakain, sa labas." Ani dustin. Tumango si steph.

"h-huh? Hindi nga tayo pwedeng lumabas dito-" naalala ko ang gabing lumabas kami ni zack. 🇳🇾pinalabas nga ko non dahil kasama siya.

Napaawang ang aking bibig nang may narealize. "Wag n'yong sabihing..."

"Yes yes yes! Tatakas tayo!" Humalakhak si dustin.

"A-ano?"

"Oh chill, babalik pa tayo! Kakain lang naman, e. Sige na aezyl, please?" Nagpuppy eyes pa siya.

Nasapo ko ang noo ko. "Fine!" Tumalon talon silang dalawa. kung makaasta ay kala mo mga bata.

Umiling-iling ako at lumabas na. pagkalabas namin ay agaw atensyon kami dahil sa mga suot. hindi ko kasi talaga alam kung anong mga trip ng dalawang 'to.

Napahinto kami nang makasalubong namin si doc havier.

"Oh, n-nice outfit. saan kayo pupunta?" Nagiwas ako ng tingin.

"Ah, d-dyan lang doc. Uhm, magpapahangin. Init kasi." Palusot ni steph habang pinapaypayan ang sarili na animo'y naiinitan.

Sumipol si dustin. "Ano 'to pader?" Napalingon ako sakanya na hinihimas himas ang pader sa gilid niya. Natampal ko ang noo ko.

"Okay..ingat kayo. Aezyl, ingat." Tumango ako. nakahinga ako ng maluwag don. nang makalabas kami ay hinila nila ako papuntang likod ng ospital.

"S-saan?" Sinenyasan nila akong manahimik. puro putik lang ang naapakan kaya nakakairita. Bakit nga ba ako sumasama sa dalawang ito?

Huminto sila sa tapat ng isang kahoy na nakasandal sa pader na malaki, para iyong pintuan na hindi.

"This is what we called 'secret takasan!'" Sigaw ni dustin. tinakpan ni steph ang bibig nito dahil sa ingay.

"Itikom mo yang bibig mo dust, dumi mo!" ngumiwi si dustin sakanya.

"Anong sunod na steph?" Ngumisi si dustin at humalakhak. Sinamaan siya ng tingin ni stephanie.

"Corny. Tara na nga!" Aniya at lumapit don sa kahoy. sinubukan niya itong buksan ngunit masyado itong mabigat.

"Ako na nga! Hina mo naman!" Ani dustin. pagtanggal ng kahoy ay may isang malaking butas iyon. napaawang ang bibig ko.

"Guard! May tumatakas!" Nanlaki ang mata ko at napalingon sa isang doctor na nakatingin sa 'min. agad akong hinila ni stephanie palabas doon sa butas at tumakbo.