Chapter XXXVI

36//

Hindi mapapatawad

"I know you'll come." Ngumisi ang matanda. "I actually don't know everything about you.." Nanatili lang akong tahimik na nakatayo.  "Ikaw mismo ang aalam no'n." hinila ako nila elfin paupo sa isang upuan na nakalagay sa gitna.

"Just..do whatever you need to do." Mariin na ani ko. I want to know every detail of what I did to my sister, kahit masakit, kahit sobrang sakit ay aalamin ko, kahit alam kong hindi ko kakayanin 'to. Gusto ko pa ding malaman.

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang lubid na pumapalupot sa aking katawan. Hindi ako umimik, kahit pa mamatay ako dito ay wala akong pakialam. Ang gusto ko lang naman ay malaman ang totoo at para matapos na ito, pagkatapos nito ay alam ko na ang gagawin ko.

Nang matapos nila akong itali ay tumayo ang matanda sa harap ko. "Look at me aezyl.." Tumingin ako ng deretso sakanya. "And look at this.." Aniya at nilabas ang kutsilyo. Kumunot ang noo ko.

"Zack said you have a trauma with knife.." Lumunok ako at nagiwas ng tingin. "Look at me young lady.." tinignan ko ulit s'ya. Bumilis ang tibok ng aking puso nang nasa harapan ko na ang kutsilyo. "Tandaan mo ang gabing nangyari ang insidente, tandaan mo ang gabing nawala ang iyong kapatid.." I can't remember anything.

Tinitigan ko ang kutsilyo at unti-unting sumakit ang aking ulo. Napaawang ang aking bibig sa sakit ngunit hindi ko maalis ang titig ko sa kutsilyo. Shit!

"Ate aezyl…" Napalingon ako sa isang batang babae na humahagulgol. "Ate tama na please?" Sinasakal s'ya ng isang babae na akala mo ay walang naririnig.

"I suffered..because of you!" sigaw ng babaeng sumasakal sakanya. Galit na galit ito na animo'y wala sa sarili. Gusto kong tulungan ang batang babae ngunit hindi ako makagalaw..hindi ako makapagsalita..wala akong magawa.

"Sorry..pasensya na ate, naging pabigat lang ako sa 'yo." Pumatak ang aking luha sa hindi malamang dahilan.

Mas humigpit ang sakal ng babae doon sa bata, "Shut up! And yes! Kung hindi ka siguro nabuhay ay nandito pa ang mama ko! Nandito pa sana ang papa ko! Kompleto pa sana kami kung hindi ka lang dumating!" Humagulgol ang bata.

"Sorry.." Namumula na ang kanyang mukha dahil hindi na s'ya makahinga. Sunod-sunod na pumatak ang aking luha. Naawa ako sakanya, nasasaktan ako at pakiramdam ko ako 'yon. Sobrang sakit. Pero wala akong magawa.

"Aziyl.." Bulong ko nang tuluyan na s'yang mawalan ng hininga kasabay ng pagkahimatay ng babaeng sumasakal sakanya. "I'm sorry.." tinakpan ko ang aking mukha.

"Mahal mo ang kapatid mo, inalagaan mo tulad ng sinabi sa 'yo ng iyong ina. Pero sa loob mo ay nagagalit ka sakanya at sinisisi mo s'ya sa lahat ng nangyari sa buhay mo..at hindi mo alam 'yon aezyl..kasi s'ya lang ang laging iniisip mo." Nagising ang aking diwa nang marinig ko ang tinig ng matanda. 

No..

Ramdam ko ang basa sa aking pisngi hudyat na umiyak ako. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko, hinding hindi.