Sa pagpapatuloy.....
Selena: Kaya huwag kang papayag sa gustong mangyari ni Pasiphaë kung ayaw mong makulong sa ipapagawa sayo na Labyrinth ni King Minos na kasama ang anak mo't Minotaur. Ito din ang magiging tulay sa kamatayan ng iyong anak.
Pagkatapos ay umalis na Si Selena...
Icarus: Ama, sino yung babae na kumausap sa inyo??
Daedalus: Selena daw ang kanyang ngalan at galing daw siya sa hinaharap.
Icarus: Ano?! *nagulat*
Ikwinento ni Daedalus sa kanyang anak ang mga sinabi sa kanya ni Selena.
Habang naglalakad si Selena....
Selena (Gagawin ko ang lahat upang makontrol ko ang bato ni Icarus)
Noong naghapon na, lumapit si Pasiphaë kay Daedalus...
Pasiphaë: Tulungan mo ako na akitin ang toro ng aking asawa
Daedalus *nagulat* (Totoo nga ang sinabi ni Selena!)
Tinanggihan ito ni Daedalus ngunit patuloy siyang sinusundan at kinukulit ni Pasiphaë.
Pasiphaë *lumuhod*
Daedalus: Reyna, anong ginagawa mo?!, tumayo ka
Pasiphaë: Ayoko! hangga't hindi ka pumapayag sa gusto ko, patuloy pa din akong nakaluhod at magmakaawa sayo na tulungan ako
Daedalus *pinagpawisan*
Biglang dumating si Selena't tinayo at hinila ang Reyna.
Pasiphaë: Anong ginagawa mo?!, ang lakas ng loob mong pakilaman ako eh isang hamak na tagapaglingkod ka lamang ng kaharian na ito! *galit at itinaas ang kamay*
Daedalus: Mahal na Reyna, huwag!!!
Nung sasampalin na ni Pasiphaë Si Selena ay bigla itong napahinto nang dahil sa nakita nito sa mga mata ni Selena.
Selena *tinitigan ng masama*
Pasiphaë (Bakit ganun?, ang mga mata niya ay naging katulad sa isang leon na nakatitig maigi sa kakainin at biktima niya) *binaba ang kamay*
Selena: Kailangan ninyo ng magpalit ng damit, Mahal na Reyna *ngumiti ng nakakatakot*
Pasiphaë: Si-sige! *kinakabahan* Mamaya na lang ulit, Daedalus *tumingin saglit kay Daedalus*
At nakita iyon lahat ni Icarus noong lumabas siya ng kanyang ng kwarto.
Icarus: Yun siguro si Selena (Ang ganda niya) *namumula't natulala*
Sa unang tingin pa lamang ay nabighani na Si Icarus sa angking taglay na kagandahan ni Selena.
Selena (Wala akong pakialam kung magalit at parusahan man ako nina Poseidon....)
Poseidon: Hatsing!!!
Selena (Gagawin ko ang lahat para makaalis sa lugar na ito)
Pagkaligo ni Pasiphaë ay binigyan ito ng tsaa ni Selena.
Pasiphaë *ininom ang tsaa* Salamat
Pagkatapos ay biglang sumuka ng dugo ang Reyna.
Pasiphaë: A-anong ni-lllagggayy mo sa tsaa kk-oo?!, Aahhh!!!! *namatay*
Selena (Pasensya pero kailangan kong makasigurado na hindi makukulong sina Daedalus at mamatay si Icarus)
Ngunit.....
Ibang Katulong: Aahhh!!!! *nabitawan ang labahin*
Bang!!
Kawal: Ano ang nangyayari dito?!
Nakita ng kawal ang patay nilang Reyna sa may kama nito.
Kawal: Tskkk!!! *sinugod si Selena*
Selena *iniwasan ang sandata ng Kawal* Yah! *sinipa ang tiyan ng kawal*
Kawal *tumalsik sa pader* Ackkk!!! *nabitawan ang sandata*
Selena *kinuha ang sibat na nabitawan ng kawal at lumabas ng kwarto*
"Hulihin siya!!"
Selena *tumakbo ng mabilis at palayo*
Habang nangangabayo si Icarus ay napansin niyang tumatakbo si Selena mula sa mga kawal na humahabol sa kanya sa may labas ng palasyo.
Icarus (Si Selena yun, kailangan ko siyang tulungan) Yaahhh!!
Kabayo: Neey! Neyy!!
Selena (Malapit na ako sa may geyt)
Biglang may humarang sa kanya na isang lalaki na nakasakay sa isang puting kabayo.
Selena *napahinto* (Icarus?!)
Icarus: Sakay!
Selena *sumakay ng kabayo*
Icarus: Yah! Yah!!!
"Huwag ninyo silang hahayaang makalabas!, Isara ang geyt!"
Nang isasara na ang geyt ay biglang sinibat ni Selena ang kawal na magsasara nun.
Kawal: Aahhh!!! *namatay*
Icarus: Woah!, ang galing nung tira mo ah, saan mo natutunan yun? *tumingin kay Selena*
Selena: Bilisan mo't tumingin ka sa dinadaanan mo!
Icarus: Sige *tumingin sa dinadaanan* Yaahhh!! Yaahhh!!!
At bagong tuluyan silang makalabas ay kinalabit at hinawakan ni Selena ang pansara ng geyt.
Pagkatapos ay nakalabas na sila nang walang humahabol sa kanila sapagkat nasaraduhan ng geyt at naiwan sa loob ang mga kawal.
Isa sa mga kawal: Kainis! *sinuntok ang geyt* Bilisan ninyo!, buksan ninyo ang geyt!
Selena: Bilisan mo para hindi na sila makahabol!
Icarus: Sige, Yah! Yah!!
Habang sila'y natakas....
Icarus: Ikaw, si Selena, tama??, yung galing sa hinaharap??
Selena: Oo
Icarus: Ah, ako nga pala si Icarus, ang anak ni Daedalus. Salamat sa pagbababala at pagligtas ng buhay ko't ama ko
Selena: Pagkabalik mo ay itakas mo na ang ama mo't magpakalayo-layo na kayo sa lugar na ito. Malamang sa malamang ay tutugisin kayo ng mga kawal sapagkat tinulugan mong makatakas ang pumatay sa Reyna nila.
Icarus: Pinatay mo si Pasiphaë?!
Selena: Oo para sa ikabubuti ninyo din yun. Higit sa lahat, mangako ka na kapag gumawa ng pakpak mo ay hindi ka lilipad na malapit sa may araw.
Icarus: Bakit??
Selena: Yun ang magiging sanhi ng kamatayan mo
Icarus: Ah, si-sige
Hanggang sa nakarating sila sa isang burol kaya pinahinto ni Icarus ang kanyang kabayo sa paggalaw.
Selena *bumaba mula sa kabayo*
Icarus: Magkikita tayong muli, di ba Selena??
Selena *ngumiti*
Icarus: Kung ganun, ang ibig sabihin ng iyong pananahimik ay oo, di ba??
Selena: Basta, Sige na, umalis ka na't huwag mong kakalimutan ang ipinangako mo sa akin.
Icarus: Sige, Yaahhh!!!
Kabayo: Neeyy!! Neeyyy!!!!
Tumakbo palayo si Icarus kasama ang kanyang kabayo.
Biglang may nagpakitang puting lagusan sa harapan ni Selena.
Selena *pumasok sa lagusan at pinikit ang mga mata*
At sa pagdilat niya ay nakita niya ang buong paligid niya na puno ng puting rosas at umuulan ng nyebe habang niyayakap siya ng mahigpit ni Calla.
Selena *tumingin kay Callista* Nagtagumpay ba ako??
Callista *tumingin kay Selena* Oo, aking anak, nabago mo ang tadhana nina Icarus at Daedalus kaya ikaw na ulit ang nakakakontrol sa katawan mo't tuluyan ng naglaho si Ireña sa puso mo.
Selena: Paano yung bato ni Icarus??
Callista: Naglaho din ngunit ipinagkaloob sayo ni Icarus ang Imortalidad.
Selena: Kung ganun ay hindi na ako masusugatan kahit na kailan at hindi mamatay?!
Callista *tumango't pinakawalan si Selena sa kanyang mga yakap* Pagmasdan at tignan mong maigi ang buong paligid mo't bawat pagpatak ng nyebe
Tinignan ni Selena ang buong paligid at sa bawat patak nito ay nakita niya ang mga alaala niya bilang si Calla at Selena.
Selena: Ang ganda nilang pagmasdan, Ina
Callista *ngumiti*