Kabanata 50: Ang Delubyo

Sa pagpapatuloy....

Selena: Bago ako magpahinga, saan ako pwede magpalit ng damit at saan ko pwedeng itago ang aking espada, kalasag, at baluti??

Zilpher: Doon din sa loob ng kulandong at iwan mo lang doon yung mga kagamitan mo, ipapadampot at ipapatago ko na lang sa mga kawal.

Selena: Sige, salamat

Pagkatapos magbihis ni Selena ay lumabas siya sa kanyang kulandong.

Selena *umupo sa tabi ni Zilpher* Zip??

Zilpher *tumingin kay Selena* Bakit??

Selena: Pinatulog mo ba ako kasi ayaw mo akong masaktan kapag lumaban ako na kasama ninyo sa mga higante??

Zilpher *tumango* Kaso mas lalo kang napahamak nang dahil sa desisyon ko

Selena *hinawakan ang kamay ni Zilpher* Hindi mo naman alam na madudukot ako eh ulit at nakatulong pa nga yun eh para mailabas ko yung tunay kong kapangyarihan. Isa pa, alam kong may mga bagay na hindi mo sinasabi't itinatago mo mula sa akin para maprotektahan ako *ngumiti* Alam ko na din na pinatay mo si Eliza noon kaya gusto kong sabihin ang salitang "Salamat" sayo.

Zilpher: Sel...

Selena: Nakakuha pala ako ng Imortalidad mula sa bato ni Icarus kaya hindi mo na ako kailangang protektahan pa. Hayaan mo akong lumaban na nasa tabi mo, okay??

Zilpher: Bakit, hindi ka na ba aalis?, natalo na namin ang mga higante nung pinatulog kita. Sabi mo kasi di ba noon na kapag natalo na ang mga higante ay aalis ka na *malungkot*

Selena: Paano kung nagbago ang isip ko't gusto ko ng manatili sa tabi mo ng panghabang buhay? *ngumiti*

Zilpher: Edi hahayaan kitang manatili sa tabi mo hangga't gusto mo *ngumiti din*

Selena: Kung ganun, gusto kong manatili sa tabi mo't lumaban na kasama mo pang habang buhay.

Zilpher *hinalikan ang labi ni Selena*

Selena (Isa pa, kailangan ko din mahanap kung saan tinago ng aking guro ang mga nawawalang pahina ng libro ng Tomb of the Secret Graves nang sa gayon ay tuluyan kong matalo ang paparating na delubyo).

May inaalala si Selena....

Nafertirani: Kapag kinailangan na kita ay muli mong maaalala ang mga ginawa ko't tinuro sayo dito at wawasakin ang buong mundo nang sa gayon ay tayo ng mga halimaw ang tanging maninirahan dito sa mundong ibabaw. Pagkatapos ay ikaw ang magiging daan upang tuluyan naming makamit ang buhay na walang hanggan at tunay na kalayaan.

Selena (Anong ibig sabihin ni Nefertirani sa huli niyang sinabi at hindi naman sinabi ng Diyos sa akin ang pinaka tunay na dahilan kung bakit niya akong bubuhaying muli nung nangako ako sa kanya na susundin ko ang utos niya't mga kondisyon).

Calla *lumuhod* Pumapayag ako na mawalan ng alaala at mabuhay muli sa daigdig upang ubusin na ng tuluyan ang mga halimaw at harapin ang paparating na delubyo sa nilikha ninyong mundo para sa lahat ng nilalang na may buhay, Mahal kong Diyos

Selena (Ganun din ang aking Ina)

Callista: Lahat ng ito'y ginawa't plinano ng Diyos upang ihanda ka sa nalalapit at kakaharapin mong digmaan at delubyo.

Selena (Mukhang ang mga katanungang nasa isip ko ay masasagot lamang kapag nahanap at nabasa ko na ang mga nawawalang pahina sa libro) *tulala't nag-iisip ng mabuti*

Zilpher: ??, Sel, okay ka lang??

Selena: Ay, oo, Iniisip ko lang kasi yung sinasabi nila sa akin pati ni Diyosa Callista

Zilpher: Bakit, ano bang sinabi nila sayo??

Selena: May paparating daw na delubyo dito sa daigdig kaya muli akong binuhay at pinunta dito sa daigdig pero hindi nila nililinaw kung anong klaseng delubyo ang haharapin ko.

Zilpher: Natin, haharapin natin yun ng magkasama ulit at malalaman din natin kung anong klaseng delubyo ang kailangan nating pigilan. Sa ngayon ay kailangan nating gawin ang lahat ng klase ng paghahanda upang harapin iyon ng walang takot ng magkasama *ngumiti*

Selena *sinandal ang ulo sa kaliwang balikat ni Zilpher* Hayysss!! *napabuntong hininga* Buti na na lang ay nandito ka sa tabi ko ngayon kundi nabaliw na ako sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon.

Zilpher: Basta, huwag ka ng mag-alala doon, alam kong makakaya nating harapin ang lahat ng problema hangga't at basta't magkasama tayo palagi.

Selena *ngumiti*

Kinabukasan....

Naglakbay na sina Selena't Zilpher pauwi ng kaharian ng Exolorus samantala ang grupo naman nina Gusano ay naiwan upang ayusin ang lahat ng bagay at estrukturang nasira sa Kanux at upang tulungan ang mga taong sugatan sa problema nila sa pagpapagamot at pambili ng medisina na kailangan nila upang gumaling.

Pagdating nila....

Chandi: Nakabalik na kami!

Ereña: Maligayang Pag-uwi mga Kuya! *ngumiti* Oh!

Napansin ni Ereña ang babaeng kasama nila na may puting buhok at makulay na mga mata.

Ereña: Sino yung kasama ninyo na babaeng may puting buhok??

Argyros: Si Selena yan

Sylvia: Huh?!

Ereña: Nagpakulay ka ba ng buhok??

Selena: Mahabang istorya, hehe! *napakamot ng ulo*

Ikwinento ni Zilpher at Selena ang mga nangyari sa kanilang paglalakbay at pagtalo ng iba't-ibang klase ng halimaw.

Ereña: Ah, ganun pala ang nangyari

Sylvia *hinawakan ang dalawang kamay ni Selena* Masaya ako na mananatili ka dito na kasama namin at bilang Reyna ng bansa namin *ngumiti*

Selena *ngumiti pabalik kay Sylvia* Salamat

Ereña: Eh sino na magiging Duchess ng Philippeldephia kung mananatili ka na dito sa amin?

Selena: Susulatan ko na lang sila patungkol sa naging desisyon ko na manatili dito at ang sulat na ipapadala ko sa kanila ay naglalaman ng pangalan ng napili kong pumalit sa pwesto ko ng pagiging Duchess ng Philippeldephia.

Sylvia: Ah, may napili ka na ba??

Selena: Meron, si Aella na isa sa mga kapatid ko (Kaya napili ko si Aella sapagkat sa pagkakaalam ko ay siya na lang ang natitira sa amin na walang katuwang sa buhay) Isa pa, hindi din ganoon kaganda ang relasyon namin bilang magkapatid ni Aerielle *pabulong at napalunok*

May naalala bigla si Zilpher.....

Zilpher: Sel??

Selena: Bakit??

Zilpher: Maaari ba ba tayong mag-usap sa isang tahimik na lugar??

Selena: Sige *tumingin kina Sylvia at Ereña* Mamaya na lang lang natin ipagpatuloy ang mga usapan natin at kwentuhan.

Tumango ang dalawa at pumunta sina Selena at Zilpher sa hardin.

Selena: Sabihin mo na yung gusto mong sabihin sa akin.

Zilpher: Pakiramdam ko yung sinabi samin noon ni Eliza ay may koneksiyon sa delubyong sinasabi mo.

Selena: Bakit, ano ba ang sinabi niya sa inyo noon?

Zilpher: Ang sabi niya ay.....

Eliza: At nang dahil din sa kanya ay maipapamalas na namin sa buong mundo ang tunay naming lakas at kapangyarihan.

Zilpher: Noong una, akala ko ay yung huli niyang pangungusap ay tungkol pa rin sa pagkontrol nila sayo pero kapag inisip mo ng maigi ang mga salitang binitawan niya ay may mapagtatanto mo na mayroon pa itong mas malalim na kahulugan at may gusto pa siyang ibang sabihin. Lalo akong nakasigurado na mayroong siyang gustong tukuyin nang sinabi mo sa akin ang mga tanong mo patungkol sa delubyong paparating.

Selena: Maaari nga na ang tinutukoy at ibig niyang ipahiwatig ay ang tungkol sa delubyong paparating na wawasak sa buong sanlibutan.