Sprite and Sora
Sprite and Sora
Kakagaling lang ni Sora ng Ospital para bisitahin ang isang kakilala. Bumalik siya ng Skwelahan dahil naiwan niya ang Jacket niya. Konting tulak na lang at papatak na ang malakas na ulan. Binilisan na niya ang pagtakbo pabalik sa mga lugar na pinuntahan niya kanina. Sa Lab, Sa Student's Org Office, Sa Cafeteria.
Wala kahit saan.
"Hindi pwedeng mawala yun!"Sabi niya sa sarili.
Maya maya ay bigla niyang naalala na dumaan sa library.Papasok na sana siya sa library ng biglang may nag salita.
"Excuse me, sa'yo to di ba?" Agad naman siyang napatingin sa likod.
"Hala! Akala ko nawala na yan. Thank you!"
Napatingin naman siya dun sa mukha nung babae.
Sarah Prim Teng aka Sprite! Sino bang hindi makakakilala sa kanya sa buong campus nila? Your typical perfect girl. Maganda, Matalino, Mayaman, and all that, pero walang perpektong nilalang.
"Oh! Ikaw pala! Salamat talaga!"Nilagay ni Sora yung jacket sa balikat niya.
"Wala yun."Sabi ni Sprite with matching smile.
Sabay silang naglakad papuntang kabilang building.
"Sorry nga pala nung nakaraan, yung kay Heaven. Medyo mainitin kasi ulo nun eh."Nahihiyang sabi ni Sprite.
"Naku! Wala yan sa tigas ng mukha ni Thomas!" Galit na sabi ni Sora na tinawanan lang ni Sprite.
"May payong ka?" Tanong ni Sprite.
Umuulan pa rin habang nag uusap sila. Magkasukob sila sa payong. Nakaramdam naman ng akwardness si Sora. Siguro dahil sa lagkit ng pakiramdam niya at sa amoy ng lupa na binasa ng ulan, o dahil hindi lang siya sanay makipag-usap sa mga taong hindi niya masyadong kakilala.
"Aattend ka ba ng year end party?"Napakibit balikat na lang si Sora.
Hindi naman kasi siya mahilig sa mga party not unless birthday party ng kaibigan niya o ng mga taong kilala niya. Ayaw niyang masyadong napapansin, gusto niya low profile lang siya palagi.
"Not relly a party type. Nahihila lang ako ni Thomas minsan eh. Ikaw sasali ka?"Tanong ni Sora.
"Sympre naman. It's just something that I can't miss." Tuwang tuwang sagot ni Sprite.
She's totally the exact opposite of Sora. Hindi naman siya atensyon seeker, pero masaya siya pag lagi siyang napapansin ng mga tao.
"Parang nakakatakot si Trex minsan." Biglang sabi ni Sprite kaya natawa si Sora.
Si Trex nakakatakot? Isa ata to sa pinakabonggang joke na narinig niya ngayong araw. Maliban sa joke ni Jiggy na "Ano bang ginagawa ni Ironman? Eh di nagpaplantsa."
Tumatawa pa rin si Sora hanggang sumakit na yung tiyan niya.
"Walang nakakatakot dun, parang self building niya lang yung pa cool kasi masyado yun!"Ngumiti lang si Sprite.
Tinaas naman ni Sprite ng kaunti yung payong. Medyo pa tigil na rin naman ang ulan.
"Baka yung aura niya lang."Dagdag ni Sprite.
Ayaw pa rin patalo ni Sora.
"He's trying to play cool."Sabi ni Sora.
Natahimik ulet yung dalawa habang naglalakad. Kanina pa may gustong itanong si Sprite kaso nahihiya siya. Ilang hakbang pa at saka siya nagkalakas ng loob.
"Are you guys dating?" Biglang lumabas sa bibig ni Sprite.
Natawa na lang ulet si Sora.
"You two really look good together parang magkamukha na nga kayo eh, tapos parang ang saya niyo palagi."Sabi naman ni Sprite.
"No way! Don't be fooled." Natatawang sabi ni Sora.
Laging napapansin ni Sprite ang grupo nila Sora lalo na silang dalawa ni Trex.
"Ang saya naman ng friendship niyo."May tono ng ingit ang linya ni Sprite.
"Walang masaya dun! para ka lang nag baby sit ng isang spoiled brat." Napaka high maintainance." Nakangiti pero naiiritang sabi ni Sora.
Nakangiti naman sila habang naglalakad tapos...
"Hold up, wait a minute! Don't tell me you like that bloody klunk?"Biglang sabi ni Sora at Napa "NO" naman agad si Sprite.
Habang nag-uusap silang dalawa ay biglang may tumawag kay Sprite sa may gate. All smiles. White Teeth. Mukhang Mabango. Sporty. Kung may hearthrob sa ibang school, sympre meron din naman sa School nila Sora. Isa na dito si Heaven.
Tiningnan lang ni Heaven si Sora. As for Sora, naka poker face naman siya. Ang laki naman nung ngiti ni Heaven kay Sprite. Nagtinginan ng masama si Sora at Heaven. Parang may senisend na signal si Heaven na parang agad namang nagets ni Sora.
"I think I need to go. Thank you talaga." Bago umalis si Sora ay tinapunan niya muna ng masamang tingin si Heaven. Nag "Bye" naman sa kanya si Sprite.
Nakatawid na ako sa kabilang kalye at agad pumasok dun sa coffeeshop.
"Psst! Ano yun! Kita kita kanina kausap mo si Sprite." Di namalayan ni Sora na nasa likod niya lang pala si Trex.
"Oh ano naman?"Inis na sagot ni Sora.
Secretly, super crush talaga ni Trex si Sprite.
"Crush ko yun eh!" Nakangiting sabi ni Trex.
"Kadiri ka! para kang high school."Sabi naman ni Sora habang pinupunasan yung braso niya.
"KJ ka talaga! porke pusong bato ka!"Pang asar naman ni Trex habang ginugulo yung basang buhok ni Sora.
"Tumigil ka nga! Magbubuhol ang buhok ko! wala kang pag asa dun may Heaven na siya!"Mas ginulo pa ni Trex yung buhok ni Sora.
"What the what! tumigil ka nga! at ano bang ginagawa mo dito? Di ba dapat nagbabantay ka sa Ospital!"Galit na sabi ni Sora.
"Mamaya! May naisip akong plano! Paghiwalayin natin sila!" Napa WTF reaction naman si Sora sa sinabi ni Trex.
"Kadiri! Tantanan mo nga ako, wala tayo sa teleserye dude!" Pinagtawanan lang siya ni Trex.
"Di ka naman mabiro! Ano bang pinag uusapan niyo?" Tanong ni Trex.
"You! mukha ka daw kasing gago!"Galit na sabi ni Sora.
"Ako talaga ang topic niyo?"Nakangiting tanong ni Trex.
"Oo nga! ang kulet ah! Please, don't assume masasaktan ka lang bro!"Pang aasar pa ni Sora.
Tuwang tuwa at kinikilig pa rin si Trex.
"It's a sign, Sky!" Nakangiting sabi ni Trex.
Bigla namang sumeryoso si Sora at nailing. Dalawa lang ang ibig sabihin pag tinatawag siyang "SKY" ni Trex, it's either sobrang lungkot o pag seryoso ito.
Tumigil na rin ang patak ng ulan saka naman dumating ang sasakyan na susundo kay Trex.
"Sige, Kulot! seeya later!"Saka ito tumakbo papunta dun sa sasakyan.
Napaisip bigla si Sora kung ano nga ba ang relasyon ni Heaven at Sprite.