Chapter 9: Let It Be Me

Jiggy and Vera, Sunny

Charles and Kate's monthsary. Charles is about to surprise Kate sa buong student body ng school nila. Nasa quadrangle sila.

"What's going on?"Pag uusisa ni Vera habang nakisiksik dun sa ilang studyante.

"Vera, let's go!"Hinila naman siya agad ni Jiggy.

Alam ni Jiggy ang susunod na mangayayari kaya iniiwasan niyang makita ni Vera ang surpresa ni Charles. Parang mas na surpresa naman si Vera nang makita si Charles na nakatayo sa may gitna ng school ground na may hawak na bulaklak.

"Hala! Ayan na si Kate!"Sigaw nung isang studyante.

Napatingin naman si Vera sa kabilang deriksyon, pero bigla na siyang hinila ni Jiggy.

"I said, Let's go!"Wala ng laban si Vera at hinila na siya ni Jiggy palayo sa kumpolan ng mga studyante.

Hindi na alam ni Vera kung ano ang nangyayari. Di pa rin bumubitaw si Jiggy sa pagkakahawak sa kamay ni Vera. Deritso lang ang lakad niya, bahala na kung saan makarating.

Ang huling pag-uusap ni Charles at Vera ay yung sa may lagoon pa. Mula ng masabi niya ang tunay niyang saloobin ay hindi na sila muli pang nag-usap ni Charles.

Medyo malayo na rin ang nilakad nilang dalawa.

"Ayos lang ako, Jiggy."Mahinang sabi ni Vera at saka bumitaw sa kamay ni Jiggy.

Tumigil sandali si Jiggy at tumingin kay Vera.

"No, you're not okay." Seryosong sabi ni Jiggy.

Sumandal lang sa pader si Vera. Nag-isip sandali at nainis na naman siya sa sarili niya.

"Why do we to fall in love? Sobrang unfair talaga ng buhay. Here I am offering my hea- whatever! ang korni. I don't like this anymore." Litanya ni Vera. Seryoso lang si Jiggy na nakatingin kay Vera.

Naisip ni Vera na kailangan niya na talagang mag let go. Mag let go sa bagay na worth it sana, pero hindi talaga meant to be.

Napabuntong hininga naman si Jiggy at sumandal na din sa pader.

"Tama na kasi." Malumanay na sabi ni Jiggy pero parang inuutosan niya si Ver na gawin yun.

"I know! Wala rin naman yung pupuntahan. Mahirap man aminin, totoo naman talaga kasi na We don't stand a chance."Ramdam ni Jiggy ang bigat ng huling linyang binitawan ni Vera.

Napayuko na lang si Jiggy at nag isip ng susunod na sasabihin niya. Natahimik lang sila at pinapakiramdaman ang igip ng hangin.

"Kung tayo na lang kaya." Walang alinlangang sabi ni Jiggy kay Vera.

Nagulat naman si Vera sa narinig niya at saka pinagtawanan ai Jigyy.

"Stop joking, Juan Miguel!Ang benta nun." Tawa pa rin ng tawa si Vera habang nakasandal sa pader.

"Like hell, I'm not joking." Mas lumakas pa ang tawa ni Vera.

Kaunti na lang at maiirita na si Jiggy kay Vera.

"I'm dead serious." Seryosong sabi ni Jiggy.

"Kaunti na lang Jiggy. Maniniwala na ko sa'yo."Tumawa ulet.

Tiningnan lang ni Jiggy si Vera na tawa pa rin ng tawa.

"Jiggs, gutom lang yan! Tara na nga!" Naglakad na si Vera papunta sa deriksyon ng cafeteria.

ag lingon niya ay wala na si Jiggy.

"Saan nag punta yun?" Napakibit balikat naman si Vera at biglang nag play back sa utak niya yung sinabi ni Jiggy.

"Kung tayo na lang kaya."

Napaisip si Vera kung seryoso nga ba si Jiggy. Si Jiggy? parang impossible yata! Dumeritso lang siya sa paglalakad, pero ginagambala pa rin siya ng linyang binitawan ni Jiggy.

"No, no, no way!!!"Paulit ulit niyang sinasabi.

"Yo! Vera!" Napatalon naman si Vera sa gulat ng biglang sumulpot sa tabi niya si Sunny.

"Ano ba Sunny! Masamang mang gulat ng tao pag seryoso sila!" Biglang sabi ni Vera.

Natawa naman si Sunny sa sinabi ni Vera.

Nagpatuloy lang sila sa paglalakad.

"Okay ka na ba?" Napatingala naman si Vera kay Sunny.

"Bakit naman ako hindi magiging okay?"Mataray na tanong ni Vera.

"Stop channeling Sora." Seryosong sabi ni Sunny.

.. you know, yung event kanina?" Dagdag ni Sunny.

Hindi naman sumagot si Vera.

"Tsk. No doubt. Ibang bagay na yung gumugulo sa isip mo. Maganda yan!" Sabi naman ni Sunny at iniwan na si Vera.

Come to think of it. Hindi na masyadong bothered si Vera sa makasysayang celebration ni Charles at Kate kanina. Mas iniisip niya pa yung sinabi ni Jiggy kanina.

Nakangiti lang si Sunny habang naglalakad papunta sa headquarters ng Singing Band.

"Ganda ng ngiti natin ah!" Agad na bati sa kanya ni Tadi habang nag gigitara.

****

Heaven and Sora

Tapos na rin ang Hell week. Dahil tapos na ang exams! Masaya ang maraming studyante.

Nakahiga lang si Sora sa rooftop habang pinipicturan ang mga ulap. Nakailang click na siya pero hindi pa rin siya nag sasawa.

Hinantay niyang mag palit ng hugis ang mga ulap at saka muling kinuhaan ng larawan.

*click

*click.

*click

Nagulat sa huling kuha niya dahil may mukha ng kasama!

"What are you doing??" Tanong ni Heaven na nakatayo pa rin sa tabi niya.

Napabangon naman si Sora at sumagot.

"None of your business." Toneless na sagot ni Sora.

"At bakit ka ba andito?" Dagdag ni Sora.

Di naman pinansin ni Heaven ang tanong ni Sora, umpo na lang siya dun sa may gilid habang inaalis yung varsity jacket niya.

"What a fine day!"

Hampas lang ng hangin ang naririnig nilang dalawa. Parehas silang nakatingala sa kalangitan.Parang may nag deklara ng ceasefire sa pagitan nilang dalawa. Humiga ulet si Sora at pinagmasdan ang pagpalit ng kulay ng kalangitan. Di nila namalayan na pa gabi na pala. Bigla namang pinatugtog ni Heaven yung kantang Tambayang Magiliw. Nagtinginan sila sandali. Unang sumuko si Heaven at tumingin sa mga ulap. Nakatingin pa rin si Sora kay Heaven kaya medyo naiilang itong tumingin sa kanya.

"I don't know why, but I don't really like your existence."Biglang sabi ni Sora.

Nagulat naman si Heaven sa narinig niya. No one, as in no one dared to speak ill of him! This girl, this strange girl was the first one. At talagang harap harapan niya pang sinabi.

Mayroon siyang karisma na gustong gusto ng mga tao (maliban kay Trex at Sora).

Di naman pinahalata ni Heaven na nagulat siya.

"Same feels."Tipid niyang sagot.

Tatlongpu't limang minuto pa ang lumipas bago umalis si Sora sa rooftop. Pagkalipas ng dalawang minuto ay umalis na rin si Heaven. Hindi nila namamalayan na nagkakaroon na sila ng koneksyon. Habang pababa si Sora ay nasalubong niya si Sunny.

"Hey! Kanina ka pa hinahanap ni Trex." Bigla namang sumulpot sa likuran si Heaven at tumango naman ito sa kanya.

"Let's go, Sunny!"Naglakad na palabas ng building si Sora at nakasunod naman si Sunny.

Sandaling lumingon si Sunny at nakita niya si Heaven na nakatingin sa deriksyon ni Sora.