Bangled

Sunday night nang muling makausap ni Jenneth ang pinsang si Sharon via Skype.

"What's with the S.O.S. Ate?" tanong nito sa kanya.

She smiled at Sharon's joke. "I just called to tell you na okay na lahat iyong sa will ni Mama. Pati iyong sa iyo. I signed the final papers yesterday."

"Iyong lang pala," ani Sharon. "Okay na iyon, Ate. Basta ikaw na ang bahala sa mga iyon. I trust you completely about that."

"Siyempre gusto ko alam mo rin, even though you gave me a special power of attorney," aniya.

"Ate, kahit nga hindi na ako pinamanahan ni Tita. Pinag-aral na nga niya ako," ang sabi naman ni Sharon.

"Still, the properties are yours. Kung kailan mo kailanganin, pwede mong makuha," pilit niya.

Sa huli ay sumang-ayon na rin si Sharon. "O sige na nga."

"Kahapon pa kita minessage, ah. Napaka-busy mo naman yata?"

"Meron akong biglaang photo shoot. Sa Hollywood. Naging busy ako tapos na-lowbat pa yung dala kong cellphone. Sobrang pagod lang kaya kanina ko lang nabuksan."

"Mukhang sinasagad mo na naman ang sarili mo, ah. Pahinga ka rin kapag may time."

"Ewan ko ba dun sa agency ko. Porke yata nagbakasyon ako ng matagal ay binabawian ako ngayon. Kung anu-anong trabaho binibigay sa akin."

"Hindi naman halatang stressed ka. Maganda ka pa rin."

"Of course! Magaling lang akong magdala."

She smiled. Totoo ang sinabi niya. Her cousin looks flawless as always. Napaka-fresh nga nitong tignan kahit pa according to her ay haggard ito sa nakaraang mga araw.

"O, teka muna. Kumusta pala iyong Saturdate-with-yourself mo?"

She giggled. "You can't think of a more pathetic name for that, huh?"

Sharon smiled. "Does it sting?"

Natawa na siya. "Ewan ko sa'yo."

"Okay lang iyan, Ate. There will come a time when it will be just a Saturdate."

"Oo na. Sige na," aniya. "Hindi naman ako masyadong gumala. I just went to the mall. Did a little window shopping. Wala naman akong nabili kasi punong-puno na ng kung anu-ano yung closet ko."

"Grabe! Mga designer stuff lahat iyon. Ang sama mo." Kunwa'y napasimangot pa ang nagtatampong si Sharon.

"Ang dami mo naman kasing binigay sa akin. Hindi na nga kasya sa closet ko."

"Eh alam mo naman dito sa New York. You can't have a big closet kasi nga napaka-precious ng space dito."

"Then stop receiving stuff from your sponsors."

"How could I? Eh iyon ang pinagkakakitaan ko. They'll send me stuff and I'll wear them and put them in my blog. They just keep piling up and I don't know what to do with them."

"Ang hirap naman talaga ng trabaho mo, ano?" she said sarcastically.

"Mabuti nga same size tayo. Mas matangkad lang ako ng konti. You could also be a model, you know Ate."

"It's something I would not dare doing."

"Why not?" Sharon smirked.

"Well, I don't have the guts." Sobrang mahiyain niyang tao.

"Madali lang iyon. Napag-aaralan naman iyon."

"Huwag mo nang ipilit kasi hindi na rin naman pwede. I'm 31 at wala nang kukuha sa aking agency para maging model."

Sharon shrugged. "It's really not meant to be, I guess."

Tumango siya. "Sapat na sa akin iyong binibigyan mo ako ng kung anu-ano. Tulad na lang nito." She picked her white Coach handbag.

Sharon smiled. "You really love that bag, huh?"

"Oo naman. Ang ganda kaya nito. Made in the Philippines pa." She looked at the bag.

"Nakaka-proud, ano? Ang mahal ng brand tapos gawa pala sa Pilipinas. Ang galing talaga ng mga Pilipino."

"I wonder if this is one of those bags made here in Tarlac. 'Made in the Philippines' lang kasi ang nakalagay."

She looked inside of the bag to see the label once again, and in the process, she saw something sa may bandang loob nito. She took it out to have a good look at it.

"What's that?" tanong ni Sharon na nakita rin ang bagay na inilabas niya mula sa bag.

"It's… a bangle." It was a silver bangle na may heart sa magkabilang dulo. Manipis lang naman iyon, and one of the hearts is pinkish. Probably gawa sa rose gold iyon.

"It's nice. Where did you buy it?" tanong ulit ni Sharon sa kanya.

"I-I… don't know." She frowned.

"What?" Sharon asked. Para itong natatawa sa sagot niya.

"It's not mine!" aniya sa pinsan. Napatingin ulit siya sa bracelet. It's a Tiffany bracelet.

"Then why is it in your bag?"

Sa isang bahagi ng bracelet ay may naka-engrave. 𝘛𝘰 𝘮𝘺 𝘋𝘢𝘳𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘐𝘯𝘢𝘢𝘯𝘢𝘬… 03𝘔𝘢𝘺13

"I don't know…" ani Jenneth. Pero parang may ibig sabihin sa kanya iyong naka-engrave sa bracelet. She just could not work it out on her mind.

"Ate, ha? Hindi naman basta lang mapupunta iyan sa bag mo. The last time I checked, a bangle is a non-living thing. It could not move on itself. So, it's either you put in on your bag, or someone put it there… Baka naman may nakahulog?"

"The only time that I've been out before I saw this thing was yesterday. This morning at the church, hindi ito iyong dinala kong bag. So I guess this came from UrbanShop. Wala naman akong naka-usap o naka-migle na kung sino man doon. Saglit rin lang ako, eh. I just went to the furniture shop…

"Well, I might have bumped into some customers, pero imposible namang ilagay nila ang bangle na ito sa bag ko. It's a Tiffany bracelet and you could not be careless with this kind of thing."

The only time na may nakausap siya ng matagal ay noong nasa The Coffee Club siya. It's with Ryan and Kenneth's daughter, Darlene. She talked with the two magninong for a couple of minutes…

Wait! 𝘔𝘢𝘨𝘯𝘪𝘯𝘰𝘯𝘨? She looked at the bracelet again. 𝘋𝘢𝘳𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘐𝘯𝘢𝘢𝘯𝘢𝘬…

"I think I know whose bracelet is this." At mukhang alam na rin niya kung sino ang nagbigay ng bracelet na iyon kay Darlene. Biglang dumagundong ang tibok ng puso niya.

"So, kanino pala?"

"Well… I think it belongs to an old friend's daughter. Nakita ko kasi sila noong Sabado sa The Coffee Club. We chatted and then maybe, the kid accidentally dropped this inside my bag."

"Oh… maybe… Dapat kasi hindi muna binibigyan ng ganyan ang mga bata. Baka mawala lang nila. Katulad niyan. Buti sa iyo nahulog iyan. Baka kung sa iba ay naibenta na iyan."

Mabuti nga bang sa bag niya nahulog ang bangle, o kabaligtaran noon? Hindi niya alam ang iisipin lalo na't may potensiyal na magkita ulit sila ni Ryan kung ibabalik niya ang bracelet na iyon.

Pero pwede rin namang hindi. Wala siyang choice dahil kailangan niyang ibalik ang bangle na iyon. Muli niyang ibinalik ang bracelet sa kanyang bag.

"I guess I have to visit their shop tomorrow."

"Shop?" Sharon asked.

"Furniture shop. They make and sell furniture."

"Talaga? Buti? Pagawa ka na rin ng closet sa kanila para sa mga damit na binigay ko sa'yo."

Isn't that what she was thinking yesterday? Ang magpagawa ng closet sa Furniture.com. Until she found out who the contact person is.

"Baka mamaya bigyan ka pa nila ng discount. Old friend kamo, 'di ba? At least friend pa rin kahit old na."

Baka kung saan pa mapunta ang usapang iyon. Baka mamaya ay magtanong pa si Sharon tungkol sa kaibigan niyang iyon at mabuking pa nito kung sino ang tinutukoy niya. Pilit na lamang niyang iniba ang usapan.

"Tignan natin bukas… Kumusta nga pala iyong photo shoot mo?"

"Hayun, gaya ng dati."

"Hollywood iyon, 'di ba? Did you see some Hollywood stars?"

Natawa si Sharon sa sinabi nito. "Porke Hollywood? Ikaw talaga, Ate!"

"Sorry, fanatic lang," aniya. "So, how was it? What was the shoot all about?"

Nagsimula na ngang magkuwento si Sharon at dahil doon ay nalihis na ang atensiyon nito. Hanggang sa magtapos ang Skype session nilang iyon ay hindi na ulit ito nagtanong pa tungkol doon sa 'old friend' niya na may-ari ng furniture shop.

Akala ni Jenneth, una't huli na iyong sa The Coffee Club. Na hindi na niya ulit makikita iyong lalaking pilit niyang kinalimutan sa loob ng siyam na taon. Pero hindi pa pala. Napatingin siya sa kanyang bag kung saan naroon ang bracelet ni Darlene. Bakit ba parang pinaglalapit sila ng kapalaran ni Ryan?

Or, siya lang ba ang nag-iisip ng ganoon? Na aksidente lang talagang nahulog ni Darlene ang bracelet nito sa bag niya? Siguro nga. Siguro nga ay wala naman iyong kinalaman sa kanilang dalawa ni Ryan. Iyon na lamang ang inisip niya as she lay herself to sleep.