Hindi na bumalik pa si Ryan sa bahay ng mga magulang niya. Bagkus ay dumiretso siya kina Kenneth. Kailangan niya ng kausap. Hindi niya kayang mag-isa muna sa kanyang bahay sa ngayon. Kailangan niya ng makakasama.
Pero hindi niya nadatnan doon si Kenneth. Umalis daw ito, kasama si Darlene. At ikinagulat niya ang nalamang kina Samantha nagpunta ang mag-ama.
"Pumunta siya kina Sam?" ulit pa niya sa sinabi ni Aling Marie. Baka kasi nagkamali lang siya ng dinig.
"Oo," kumpirma naman ng matanda. "Ryan, sa wakas ay magkakaroon na ulit ng taong magpapasaya sa kaibigan mo."
Sobrang saya ng ekspresyon ng mukha ni Aling Marie, kaya naisip ni Ryan na baka hindi pa nito alam ang tungkol kay Allan. Ayaw naman niyang sirain ang magandang mood nito, kaya hindi na rin niya sinabi pa ang tungkol doon.
"Sige po. Akala ko kasi nandito siya."
Nagpaalam na siya sa nanay ni Kenneth. Siguro nga ay dapat na lamang siyang umuwi. O kaya, pwede rin naman na pumunta siya sa bar o kung saan mang makakapaglabas siya ng sama ng loob.
But when he went back inside his car, he suddenly thought of Kenneth and Samantha. Bakit ba bigla siyang nag-worry? Finally ay magtatapat na si Kenneth ng feelings niya kay Samantha, so ano ang ikinatatakot niya?
Well, maybe it's the fact that Samantha is already engaged to be married.
Kaya imbes na umuwi ay dumiretso siya sa Moonville. He has to know what happened to Kenneth and Samantha. Talaga kayang nagkaaminan na ang dalawa ng feelings nila for each other? Talaga kayang happy ending na ang kwento nilang dalawa? O baka naman si Allan pa rin ang pinili ni Samantha at etong best friend niya ay lulugo-lugong umalis sa bahay ng mga de Vera?
And then, there's Darlene. Baka devastated na ang mahal niyang inaanak. Kailangan niya itong puntahan to make sure she's alright. Oo, kailangan niyang malaman kung ano ang nangyari sa bahay ng mga de Vera.
Pagdating niya doon ay nadatnan niya sina Kenneth at ang buong pamilya nina Samantha. Hindi nga niya alam kung sino ang mas nagulat, siya o ang mga ito.
"Ryan!" Napatayo si Kenneth nang makita siya.
"Ken..." Napatingin siya sa mga naroon. Sina Raul at ang asawa nitong si Helen, at ang mag-asawang Glory at Richard. "Ano'ng nangyayari?" Napatingin siya kay Samantha.
"Well... supposedly it was an engagement party... for me ang Allan," sagot ni Samantha.
"Ha?" Napatingin siya kay Kenneth.
"It didn't happen," Kenneth said.
Alam na ni Ryan ang ibig sabihin ng dalawa. Hindi na engaged sina Samantha at Allan, kasi sa wakas ay sina Samantha at Kenneth na.
"Wow! Congratulations!" Nayakap na lamang niya si Kenneth.
"Thanks, Pare," ang sabi naman ni Kenneth.
Pagkatapos noon ay si Samantha naman ang niyakap ni Ryan.
"I'm so happy for you, Sam."
"Thanks, Ry."
Nang matapos iyon ay saka lamang niya binati ang apat na kasama ng dalawa.
"Sorry... na-carried away lang," aniyang medyo nahihiya pa.
"Okay lang. Tapos na rin naman kaming mag-usap," ani Raul.
Tumayo na si Raul na sinundan pa ng iba niyang kasama. Nagpaalam na ang mga ito at saka na sila iniwang tatlo.
"Anong meron?" tanong ni Ryan.
"Kinausap nila kami," ani Kenneth. Napatingin ito kay Samantha.
"They asked us kung sigurado na ba talaga kami sa nararamdaman namin," ani Samantha.
"And?" Nagpabalik-balik ang tingin niya sa dalawa.
Nagtinginan naman sina Samantha at Kenneth.
"It couldn't have lasted for fifteen years if we're not sure," Samantha answered.
Muli ay bumaha ng ligaya sa puso ni Ryan para sa dalawa. Parang sa kanya may nangyaring maganda at hindi sa dalawa. Siguro kasi parang nagtagumpay na rin siya sa misyon nila ni Darlene.
Speaking of...
"Where's Darlene?" he asked.
"Kasama nina Bryan at Richard doon sa may swing," ani Samantha.
Ryan looked at Kenneth. "Hinayaan mo ang unica hija mo na samahan ng dalawang lalaki?"
Hindi malaman ni Kenneth kung matatawa o mabubwisit sa biro niya. Napabungisngis na lamang si Ryan.
"Teka, ano nga palang ginagawa mo dito, Ry?" tanong ni Samantha.
Napatingin si Ryan sa kanya.
"I didn't invite any of you kasi nga... alam n'yo na."
"Well... Pumunta ako kina Kenneth tapos sinabi ng nanay niya na nandito nga daw siya at manliligaw."
"Teka... 'di ba ngayon din iyong birthday party ng tatay mo?"
Wala nang nagawa si Ryan kundi ang sabihin sa kanilang dalawa ang nangyari sa party. At bukod pa doon, sinabi na rin niya kay Samantha kung ano ang dahilan ng paghihiwalay nila noon ni Jenneth. Hayun, muntikan na siyang batukan nito.
"Oo na! Sige na! Tanga na nga!"
"Talaga! Sobrang tanga!" ang sabi sa kanya ng inis na inis na si Samantha. Si Kenneth naman ay napapangiwi na lamang sa galit ng minamahal.
"Kaya nga! Kaya nga namomroblema ako, 'di ba?"
"Kahit naman ako hindi ako makikipagbalikan sa iyo ng ganun-ganun lang," ani Samantha.
"Eh wala na nga akong choice dati, di ba?"
"O, eh anong gagawin mo niyan?" tanong ni Samanth sa kanya.
Imbes na sumagot ay tumingin si Ryan kay Kenneth.
"Huwag mo akong tignan. Hindi ko alam," ang sabi naman nito.
"Ang sungit ninyong dalawa sa akin, ha? Porke okay na kayong dalawa, happy ending na. Hahayaan n'yo lang ako nang ganito?"
Bigla niyang naisip, eh kung sabihin kaya niya sa mga ito ang tungkol sa plano nila ni Darlene? At least malalaman ng mga ito ang partisipasyon niya sa lahat, at ang katotohanang dahil sa kanila kaya siya napilitang pakisamahan ulit si Jenneth.
Pero baka multuhin siya ni Kristine kapag nagkataon.
"Eh paano ka ba naman kasi namin matutulungan? Grabe naman kasi iyong ginawa mo," ani Samantha. "Hindi namin masisisi si Jenneth kung ayaw na niyang makipagbalikan sa iyo."
"Sino ba ang may sabing makikipagbalikan ako sa kanya?"
"Ha?" Parang biglang nawala si Samantha sa narinig.
"Wala naman akong sinasabing ganoon."
"O, eh bakit pala ginusto mong makita si Kenneth?"
Napatingin si Ryan kay Kenneth. Saka siya napaiwas ng tingin. "Makikipag-inuman lang sana..."
Iyon lang naman talaga ang gusto niya kanina. Gusto lang niyang makausap si Kenneth, makapag-hinga ng sama ng loob dahil sa katangahang ginawa niya. Malay ba niyang ganito ang kahahantungan ng lahat?
"Ayaw mo na ba talagang makipagbalikan sa kanya?"
Napatingin siya kay Kenneth. He's looking at him intently. Ryan suddenly felt cornered.
"Iyong totoo, Ry. Seryosong tanong. Ayaw mo na ba talagang maayos iyong sa inyo ni Jhing?"
Hindi niya magawang sagutin si Kenneth, kahit na napakasimple lang naman ng sagot sa tanong niya.
"Kasi kung gusto mo, pwede kitang tulungan. Pwede ka naming tulungan."
Hindi niya alam kung hindi siya makapagsalita dahil sa pagkagulat sa biglaang sinabi nito, o dahil sa sobra siyang na-touch na handa pala siyang tulungan nito.
"Alam ko naman kung gaano mong minahal si Jenneth noon. Alam ko rin na siya lang talaga ang makakapagpasaya sa iyo ng ganoon. Kaya kung gusto mo siyang balikan, handa akong tumulong sa iyo. Pero ipangako mo lang na kapag may nangyaring hindi maganda, hindi tama, huwag ka na ulit gagawa ng ganoong kalokohan. Andito ako, nandito na rin si Sam. Sabihin mo lang ang problema at tutulungan ka namin."
"Tama iyon," sang-ayon ni Samantha sa sinabi ni Kenneth.
Parang maiiyak na naman si Ryan.
"Salamat sa inyong dalawa," aniyang nakalukot na ang mukha na parang umiiyak na.
"Huwag nga lang OA," ani Samantha.
"Grabe ka na sa akin, ha?" ani Ryan sa kaibigan. "Ano bang nangyari sa iyo? Akala ko pa naman nagbago ka na. Nakasama mo lang ulit itong si Kenneth eh ganyan ka na ulit."
"Huwag mo na nga muna akong pansinin," ani Samantha. "Kayo muna ni Jhing ang asikasuhin natin."
"Eh anong gagawin natin? Hindi naman pwedeng dalhin natin siya ulit sa Subic, hindi ba?"
"Malamang," ani Kenneth. Napatingin ito kay Samantha.
Nagkatinginan ang dalawa, and at that moment, Ryan knew that they are really meant for each other. Somehow ay nakaramdam siya ng inggit sa dalawa.
"Mag-iisip muna kami ng plano," ang sabi naman ni Samantha.
"Ha? Akala ko ngayon na," ang sabi naman ni Ryan.
"P're, huwag kang masyadong demanding," ani Kenneth.
"Eh, unfair naman, ano? Kayong dalawa happy in love na. Ako, maiiwan na naman sa ere."
"O anong gusto mo? Sugurin natin si Jhing ngayon?" tanong ni Kenneth.
"That is not a bad idea," ani Samantha.
Napatingin ang dalawang lalaki kay Samantha.
"Kenneth, go get Darlene now. Let's go to Jhing's house."
Walang nagawa ang dalawang lalaki nang biglang umakyat ng hagdan si Samantha.
"Magpapaalam lang ako kina Kuya Raul. Pagbalik ko alis na tayo."
Nasundan na lamang ng tingin ng dalawang lalaki ang pag-akyat nito sa hagdan.
"Huy! Yung anak mo daw!"
Nagkukumahog na kinuha ni Kenneth si Darlene mula sa swing.