[Nikki]
I never imagine that they will ended up together, grinabihan naman kase ni Shiu ayan tuloy napa oo si Tasha.
[lalalabyeuuu]
Wala naba itong side story Rojie? Bitin ako, nasasaktan rin at the same time, my ship didn't sail.
[Callie]
I knew it, sa umpisa palang malakas na ang kutub ko na si Shiu at Tasha talaga ang endgame, the way they talk back to each other, diring-diri pa sa una, maiinlab rin naman pala sa isa't-isa, ano daw sabi ni Shiu? As if maghahabol siya kay Tasha,big scam ka pare, lumuhod panga wag lang iwan ni Tasha, tsk tsk. great work, Im waiting for your another masterpiece.
[Almia]
Kung binigay mo nalang sakin si Troy! Tasha. Rojie ibigay mona sakin si Troy, I'll keep him, ako na bahala at bubuhay sakanya, papasayahin ko yan forever.
Napapangiti ako habang binabasa ang samu't-saring komento mula sa aking mga mambabasa. I tried to response but they're so many that I don't know if I can make it.
Kakatapos lang kase ng estoryang ginagawa ko at masaya ako dahil sa naging magandang pag ere nito. Nung mga nakaraang buwan ay binalak kong idrop iyon, dahil sa parang nadedrain na ang utak ko kakaisip sa magiging karakter ng gagawin kong panibagong estorya, ngunit buti ay natapos ko.
Tumigil ako sa pagtitipa at ipinilig ang aking ulo, kanina pako nandito, mga tatlong oras na akong babad sa aking computer kaya ramdam kona ang pamamanhid ng aking kamay.
Bumalik ang isip ko sa gagawin kong story, 'till now wala parin akong naiisip na pangalan. Ano nabang nangyayari sa isip ko at masyadong pihikan.
Every name that cross my mind wasn't suitable for my man, parang deserved niya yung name na pinag-isipan at hindi galing sa random names lang. Kung magkataon na wala parin akong mahanap na panibagong pangalan ay papaltan ko nalang ito ng bagong estorya.
The door knocked that cought my attention, kung hindi pa ito dumating ay paniguradon malilimutan kong may in-order pala ako.
I walked towards the door and pay the delivery. Hindi kopa ramdam ang gutom kanina pero nang malanghap ko ang adobo ay parang biglang kumalam ang sikmura ko.
Umupo ako sa may sofa at inumpisahang kainin ang mga pagkaing in-order ko, hindi nito binigo ang aking sikmura, napapapikit ako habang ninanamnam ang lasa ng adobo. Kaya kung papiliin ako kung saan ang paborito kong kainan ay lagi kung pipiliin ang Valliente Resto. Maging ang deliver ay libre na kapag regular customer ka na nila.
Abala ako sa pagkain ng tumunog ang aking telepono. Tumambad doon ang pangalan ng kaibigan ko. Si Aldrin na agaran kong sinagot.
[Wanna hangout?. ]
Malandi nitong tono, napaidap naman ako habang patuloy na kumakain. Wala namang ibang alam ito kundi ang gumala sa kung saan, palibhasa ay walang problema sa buhay. Idadamay pa ako sa kagalaan. Dyusko!!.
"Nahh Thanks" Mataray kong saad dito.
Narinig ko naman ang mahina nitong pagtawa na kina ikot ng mga mata ko, kahit kelan talaga itong lalaking to ang sarap bigyan ng problema at ng magbreakdown, masyadong masigla ni hindi ko alam kung uso pa ba sakanya ang salitang problema
[My god Rochie !!. Hindi manlang ba natin ise-celabrate 'yang finish book mo. Look I'm inviting you for dinner]
"Ayaw--"
[Don't say you won't, I don't accept that. My threat. Kung kinakailangan bulabugin kita sa condo mo, gagawin ko mapalabas kalang, wala ng pero-pero, kesyo ayaw-ayaw. Susunduin kita ng mga 5 pm gagala tayo tapos dinner. Bye!!. ]
Napairap nalang ako sa kawalan, he didn't even let me speak. Tuloy tuloy lang siya'ng nagsalita, parang sasakyang nawalan ng preno, I can't reject him in a time like this.
I sighed. As if I could say no, dahil alam ko na kahit hindi ako pumayag ay mamaya nasa pinto na s'ya ng cond.
Nangbubulabog.
Napasapo nalang ako sa aking noo. Wala talaga akong balak na lumabas ngayon dahil rest day sana. Eh pano magiging rest day kung ganto itong si Aldrin. Tama talaga ang disisyon ko noon na hindi na nakipag kaibigan eh.
Pinagpatuloy ko nakang ang pag-kain ko. Parang hindi kona na nalasahan ng maayos ang pagkain ko dahil sa sama ng loob sa kanya. Parang hangin lang ang kinain ko.
After I finish eating, I got back to my computer. Just like what I did earlier. Reading comments and response u
"Congrats. Tapos kana sa book na'yon." Napaikot nalang ako ng mata. Kung sana binati nalang niya ako sa selpon ay ige pa. Hindi na naman kaylangan bigyan ng selebrasyon ang mga gantong bagay eh. Sa totoo lang.
Pansin nito ang pagbusangot ko kaya naman inikutan rin niya ako ng mata" You know what, Rojie napaka killjoy mo. Hindi na'ko magtataka kung maaga kang tatanda." Saad nya, hindi nalang ako umimik dahil narin sa dumatind na ang order namin.
"Do you have plan on sunday. We have outing sa palawan baka gusto mong sumama." Gustoko man sana lumanghap ng sariwang hangin doon pero mas mahalaga ang lagad ko sa linggo. Hindi rin ako pipilitin dahil kahit papaano ang palaintindi siya.
'' I can't make it on sunday. I already have plan. Mom's birthday is coming. I should take a visit.'' Ngumiti ako kahit ang attention ko ay nakatutok parin sa pagkain .
"Samahan nalang kita sa linggo, gusto ko rin batiin si tita." bumaling sa kanya ang atensyon ko. I shook my head and signed.
"You don't have to, kaya ko na naman mag-isa, besides my mom wasn't that far kaya makakabalik rin ako." I know what's worry him. But I can go alone, minsan ko nalang rin dalawin si mommy baka magtampo na saakin.
Tumango-tango lang ito at tinuloy ang kanyang pagkain. He wanted to ask but shut his mouth. It shows on his face.
"What's your next plan? Tapos na yung novel mo. Want me to adopt that work of yours babe?" He wink as he have flirty smile kiss on his lips. Inilingan ko nalang ito. Ano bang bago sakanya? Sanay nako.
His Comic artist ngunit kahit gustuhin man niyang i-adopt ang nobela ko ay naka depende parin ang disisyon sa manager niya. I heard that his manager was too strict that aldrin was tamed by him. So interested to meet that person.
Ngayon lang ulit pumasok sa isip ko ang binabalak na novel. Hindi ko na alam ang gagawin don dahil magpasahanggang ngayon ay iniisip ko parin ang pangalan ng aking bidang lalaki.
"I'm still planning on my male lead's name. Wala parin akong maisip kung anong ilalagay ko." Busangot na ang aking mukha dahil kunti nalang talaga ay susuko na ako. Everything was being smooth, maging ang plot ng kwento ay na arrange kona. Tanging dito nalang sa lintek na pangalan ng male lead nato ang pinakang problema ko.
Narinig ko ang mahina nitong pagtawa. "Sa dami ng pangalan, wala kang maisip ni isa? Should I recommend you some?. Marami aking alam." Sabay kindat pa nito. Tinawanan ko nalang siya at medyo napatigil sa pagkain, pero rin naman nagtagal iyon.
" I heard you have your new manager. Kamusta pamamalakad?." Nababahidan yon ng kaunti kong tawa, at napahagalpak ng nang makita ang pagbusangot nito. So he actually tamed by that person huh? Nakahanap na tuloy siya ng katapat nito. Ang hirap paniwalaan.
'' He's so bossy. Tang ina yan, kala mo kung sino kung makaasta" Hindi nako tumigil sa katatawa dahil dun palang sa malutong niyang mura ay alam ko na. Para tuloy naantala ang pagkain ko dala narin sa pagtawa ko.
"His so hard to please kung alam mo lang kung anong pagpipgoil ang ginagawa ko kapag kasama siya. kunti nalang at mawawalaan na talaga ako ng pasensya. Akala mo kung sinong makapang utos."
" Sinusunod mo naman?.'' Kanina pa nasakit ang tyan ko kakatawa dahil sa kanya. Complain ng complain ng ganyan, susunod din naman. Ewan ko sayo Aldrin. Shut that damn mouth of yours.
" Wag sakin magreklamo, hindi ako ang kaaway.'' dahil sa paraan ng pagkunot nito ng noo ay parang mananapak na. Mahira na, na baka sakin mabaling ang galit na hindi naman dapat. Pero hindi naman ganon si Aldrin.
Marami rin kaming napag-usapan, minsan ay tulong sa upcoming story ko. Nag suggest panga ng sandamakmak na pangalan, sinama narin niya yung mga angkan niyang mahingbing ng natutulog ay parang naantala pa dahil sa pagtawag niya. Tapos ay babalik nanaman sa manager niya habang nakakuot ang noo.
Napuno ng tawanan namin ang loob ng resto, buti nalang at hindi ganon kadami ang tao sa loob at malayo rin kami sa mga matao. Pasalamat nalang talaga at hindi kami napalabas dito, dahil parang ang mga waiter ay parang gusto na kaming lapitan upang pagsabihan ngunit pinapigilan ng may-ari. Kung minsan ay lalapit saamin pang makisali at aalis rin at mat aasikasuhin, tapos ay babalik rin. Iba talaga pag bigtime na tao.
Pagkarating ko sa aking unit ay nilapag ko nalang sa sahig ang gamit ko at pabagsak na humiga sa kama.
Wala kaming masyadong ginawa kundi ang subukan ang lahat ng nasa archade. Dinaig pa namin ang mga bata na.. Hindi... Kulang nalang agawan namin ang mga batang naroon, kaya pati ang magulang ay masama natrin tumitingin sa amin ngunit nagpatay malisya lang kami. Magagawa nila? Kung naiingit sila pwede rin naman nilang subukan. Walang nagbabawal.
Ilang oras din ang inabut namin room. We didn't get enough until we get tired. Kaya nang lumabas kami ay pamulong bulong ang mga magulang. Sa totoo lang ay gusto ko ng dukutin ang mga mata ng mga yun eh. Nagpipigil nalang talaga ako.
Patuloy na sana ang tulog ko, pero biglang sumagi nanaman sa isip ko yunh estorya ko. Nakakatangina na talaga. Kunti nalang ay ititigil kona ito, kung hindi ay baka ito na ang maging dahilan ng pagkabaliw ko.