Matapos magbihis ay pinagsaluhan na nila ang simpleng inihanda ng matanda para sa kanilang hapunan. Mabilis nila itong tinapos at saka naman sila tumungo s asilid ng matanda.
Doon, ay itinuri ni Apo Salya kay Esmeralda ang ritwal para mapagana ang mutya. Ilang oras din ang hinintay ni Esmeralda hanggang sa hindi na niya namalayang nakatulog na siya.
Madalin araw na ng gisingin siya ng matanda dahil tapos na ang paghahanda sa mutya.
"Naku, lola, pasensiya na ho at nakatulog ako. Hindi ko na napigilan kagabi." paumanhing wika ni Esmeralda. Ngumiti namansi Apo Salya at marahang umiling.
"Madali na lamang ang paghahanda sa mutya, mas mahirap ang ginawa mo kaya hindi nakapagtatakang, pagod ang katawan at utak mo. Ito na ang mutya ng tubig." Iniabot ni Apo Salya sa kaniya ang isang pulang tela. Marahan niya itong binuksan at doon niya nasilayan ang isangmaliit na puting bato. Nagtaka pa siya dahil kahapon ay nagbabago pa ito ng kulay noong nasa ilalim ng tubig.
"Sadyang ganiyan ang kulay niyan kapag walang nararamdamang panganib ang mutya. Sige na, humayo ka na at ibigay iyan sa bago niyang tagatangan. Alam kong hindi ikaw ang gagamit niyan kun'di ibang tao. Mag-iingat ka, kapag may mga katanungan ka, bumalik ka lamang dito." paalala ng matanda.
"Maraming salamat ho, lola. Napakalaki ng naitulong niyo sa akin. Babalik ho ako, kapag naayos ko na ang mga dapat ayusin." wika ni Esmeralda at nakangiting tumango naman ang matanda.
Hindi pa man sumisikat ang araw naglakad na pababa ng bundok si Esmeralda. Muli niyang nadaanan ang kanilang bahay at nakita niyang umiikot at umaaligid roon ang malaling ahas na nakasagupa niya.
Bagama't nais niyang kalabanin ang nilalang ay pinagpaliban na muna niya ito at mas itinuon ang pansin sa mabilis na pagbabalik sa bayan nina Kaled.
Halos pagabi na rin nang makaratingg siya sa mansyon ni Don Hernan.
"Amang, nasa akin na ho ang mutya!" Anunsyo ni Esmeralda at napaantanda ang Don dahil sa tuwa.
Dali-dali na nilang tinungo ang silid ni Hanna.
"Anak, madalo ka, ipatong mo sa kamay niya ang mutya. Makokontra nito nag mga pagpapahirap na ibinabato ng mangkukulam sa kaniya. At mas mapapadali ang paggamot ko sa kaniya." Utos ni Ismael.
Umupo si Esmeralda sa gilid ng higaan at kinuha ang pulang tela na ibinigau sa kaniya ng matanda. Binuksan niya ito at kinuha doon ang puting kristal na kalaunan ay tila nagbago ng kulay.
Nagtataka man ay mas minabuti na lamang niya ang manahimik, ipinatong niya sa kamay ng dalaga ang mutya at doon ito nagkulay madilim na lila.
"Nararamdaman ng mutya ang kulam kaya nagbabago siya ng kulay. Malalaman natin kung nakawala na sa kulam si Hanna kapag bumalik na sa puti ang kulay ng kristal. Esme, kunin mo ang sariwang panyawan sa aking basket, isama mo na rin itim na luya at ang langis." Muling utos ni Ismael.
Matapos maibigay sa ama ang mga pinakuha nito ay sinimulan na ni Ismael ang panggagamot kay Hanna.
Gabi nang matapos ang ginagawang panggagamot ni Ismael kay Hanna. Sa pagkakataong iyon, tuluyan nang nanumbalik ng kulay ng mutya ng tubig. Napabuga ng hangin si Ismael at pinahid ang pawis na namuo sa kaniyang noo.
"Nakawala na siya sa kapangyarihan ng kulam. Hangga't nasa kaniya ang mutya ng tubig, hindi na siya tatablan ng kahit anong mahika na nagmumula sa dilim."
"Diyos ko, maraming salamat Ismael. Salamat dahil hindi kayo nagdalawang-isip na tulungan ako." Halos manikluhod na ang Don dahil sa sobrang tuwa. Hinaplos ng matanda ang kamay ni Hanna na noo'y maayos nang natutulog. Wala ng bakas ng paghihirap sa mukha nito.
"Amang, maaari ko ba kayong makausap." Wika ni Esmeralda, tumango naman si Ismael at sumunod na sa anak.
"Amang, may mga pagbabagong nagaganap sa ating bahay sa bundok. Isang nilalang ang nakita kong namamahay doon at ayon sa mga napagtanungan ko, ang tawag sa nilalang ay isang Markupo. May alam ho ba kayo sa nilalang na ito, amang?" Tanong ni Esmeralda.
"Markupo? Pamilyar ang pangalang iyan, pero hindi ako sigurado."
"Bukod doon, nakilala ko rin ang maglolang Salya at Dodong. Ayon sa kanila, nanggaling sila sa mundo ng mga engkanto at nagawi lang dito para sundan ang nilalang na iyon."
"Ano ang plano mo kung gano'n?" Tanong ni Ismael.
"Pagkatapos natin rito at kapag nakabalik na kayo kay lolo, aakyat ulit ako ng bundok para linisin ang tirahan natin. Hindi ako papayag na sisirain lang ng nilalang na iyon ang pinaghirapan natin." Sagot ni Esmeralda at napatango naman si Ismael.
"Walang problema anak, sa ngayon, ituon muna natin ang ating biong atensyon sa problema dito. Ngayon nakaalpas na sa kulam ang apo ni Don Hernan, paniguradong makakatunog na ang mga kalaban na may tumutulong sa Don."
"Iyon din ho ang nasa isip ko amang. Bukas, siguradong may darating tayong mga bisita." Nakangising wika naman ni Esmeralda.
Kinaumagahan, isinuot ni Esmeralda ang naiwnag uniporme ng mga kasambahay ni Don Hernan. Habang sina Ismael naman at Mateo ay nasa harding at nag-aayos doon. Ang mag-anak naman ni Kaled at nanatili lamang sa ikatlong palapag ng bahay, kasama ang iilan pang mga buntis na sinagip nila.
"Natutuwa akong malaman na nasa maayos nang kalagayan si Hanna. Sabi ko naman sa'yo amigo, pasasaan ba't magiging maayos din ang lahat." Wika ng kausap ni Don Hernan.
Iyon ang matalik niyang kaibigan at kasangga noong kabataan niya. Ito rin ang ama ng babaeng dapat ay mapapangasawa sana ng kaniyang panganay.
"Pablo, maraming salamat. Nakakatuwang kahit na hindi naging maayos ang nangyari noon sa atin, nananatili kang mabuti sa pamilya ko." Nakangiting wika ni Don Hernan.
"Marapat lang naman siguro iyon Hernan. At isa pa, napakatagal na ng pinagsamahan natin. At ang nangyari sa mga bata ay hindi natin kontrol. May sarili silang mga utak at pagpapasiya. Sayang lang at hindi ko na naabutang buhay pa si Danilo, nais din sana siyang makita at mausap ulit ni Criselda. Ang batang iyon, tumanda na at lahat-lahat, si Danilo pa rin ang bukang-bibig." Natatawang wika ni Don Pablo.
"Siya nga ba? Hindi na ba nag-asa2a si Criselda?" Tanong ni Don Hernan.
"Hindi na, buhat nang umalis si Danilo ay hindi na nagawang magmahal pa ni Criselda. Pero ganoon tala amigo. Hayaan mo na at matagal na iyon. Masaya na din naman ngayon ang anak ko sa tinatahak niyang landas ngayon." Saad naman ni Din Pablo.
Lahat nang pag-uusap ay hindi nakaalpas sa pandinig ni Esmeralda. Tahimik lang siyang nakatayo sa gilid habang naghihintay na utusan siya ni Don Hernan.
"Maiba ako Hernan, napakabata naman yata ng kinuha mong kasambahay. " Puna ni Pablo nang mapatingin kay Esmeralda.
"Pamangkin iyan ng dati kong katulong, inirekomenda sa akin bago siya umalis. Mabait naman kaya kinuha ko na at isa pa, mas maigi rin dahil may nakakausap si Hanna sa bahay, lalo kapag wala ako."
"Sabagay, tama ka nga naman. O siya, hindi na ako magtatagal, ikamusta mo nalang ulit ako kay Hanna. Sa susunod na pagdalaw ko, aasahan kong makikita ko na siya." Paalala naman ni Don Pablo.
"Sige amigo, mag-iingat ka ." Sambit ni Don Hernan. Inihatid nito hanggang sa tarangkahan anh kaibigan. Pagkabalik niya sa mansyon ay napakuyon agad ang kaniyang kamao.
Nakatitig siya sa hawak na bato at nagkukulay lila at itim iyon. Bato iyon na ibinigay ni Ismael sa kaniya bago pa man niya tanggapin sa loob ng bahay ang matalik na kaibigan niya.
"Bakit siya pa?" Tiim-bagang na tanong ni Don Hernan. Nanlulumo ang mga matang napatitig siya kay Esmeralda.
"Sabihin mong nagkakamali lang ang bato Esmeralda. Sabihin mong hindi si Pablo ang may kagagawan ng lahat ng kamalasan sa pamilya ko, sabihin mong wala siyang kinalaman sa pagkamat*y ng nag-iisa kong anak na lalaki." Tumulo ang luhang pilit niyang pinipigilan. Hindi makapaniwala ang Don na sa lahat ng sinabi ng kaibigan nito at wala doon ang katotohanan.
"Kailanman ay hindi nagsisinungaling ang bato, Don Hernan." Giit ni Esmeralda.
Lihim na pala siyang tinatraydor ng matalik niyang kaibigan na itinuring na din niyang kapatid. Nais niyang magwala ngunit ayaw niyang mag-eskandalo dahil sa mga bisita niya.
"Tama ba ang narinig ko lo, kaibigan niyo ang may kagagawan ng pagkawala ni Papa? Siya rin ang nagpakulam kay Hanna?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kaled. Nasa hagdan ito, tila naestateang nakatingin sa kanila. Napalingon naman si Hernan at Esmeralda rito.
"Kaled, halika rito." Tawag ni Hernan sa apo.
"Ang kaibigan kong si Pablo, siya ang may kagagawan ng lahat." Pikit-matang pag-aamin ni Don Hernan.
"Huminahon kayo, kahit gaano pa kalaki ang galit niyo sa kanila, hindi tayo maaaring magpadalos-dalos. Inutusan ko na si Liyab na sundan ang Don. May hinala ako na nasa kaniya ang anak niyong babae at apo, Don Hernan. Kaya hindi sila matagpuan ni Liyab sa kuta ng mga aswang. " Wika ni Esmeralda.
"Ibig mo bang sabihin, kasabwat niya ang mga aswang? Imposible, isa siyang manunugis, hindi kailanman magsasanib puwersa ang mga manunugis sa mga aswang." Kaila ni Don Hernan.
"Ngayon ka oa ba magdududa , Don Hernan. Nasa harapan mo na kanina ang kasagutan sa mga katanungan mo. Isang aswang na mangkukulam ang nagpahirap kay Hanna, kaya ganoon na lamang kalakas ang epekto nito sa apo niyo. Kung kaya niyang utusan ang mga iyon, malamang, kasabwat niya ang mga aswang." Giit ni Esmeralda.