Infinito: Salinlahi

Infinito: Salinlahi

Fantasy43 Chapters7.7K Views
Author: YueAzhmarhia
(not enough ratings)
Overview
Table of Contents
Synopsis

Sa gitna ng kabundukang binabalot ng misteryo, lumaki si Esmeralda, isang dalagang manunugis na may kakaibang lakas at talas ng pakiramdam, sa kalinga ni Ismael— isang albularyong umampon sa kanya dalawang dekada na ang nakalilipas. Ngunit sa kabila nito, nakatago ang isang katotohanang unti-unting mabubunyag— ang lihim ng kanyang pinagmulan na bumabagtas sa hangganan ng tao at mundo ng kakaibang elemento.





Sa pagbabalik nila sa baryo ng kanyang lolo, harapin ni Esmeralda, hindi lamang ang sigalot sa pagitan ng kinalakhang pamilya, kun 'di pati na rin ang mga lihim ng kanyang pagkatao. Sa gitna ng pamilyar na tanawin ng baryo, magtatagpo ang landas nila ng mga taong magiging parte ng buhay niya— mayroong magiging gabay sa kaniyang pagtuklas at may iilan namang magdudulot ng kapahamakan at kalituhan sa kaniyang paghahanap ng kasagutan.





Sino ba talaga siya? At ano ang pinagmulan niya?





Ngunit sa bawat hakbang niya patungo sa pagtuklas ng katotohanan, lalong lalalim ang ugnayan niya sa mga anino ng mga nilalang na walang ibang nais kun 'di ang kaniyang pagkawasak. Sa bawat mutyang mahahawakan ni Esmeralda, sisigaw ang nakaraan— at sa bawat sigaw nito, unti-unting mabubuo ang kwento ng isang salinlahing nababalot ng hiwaga na siyang uukit at huhubog sa kaniyang pagkatao.

2 Reviews
(not enough ratings)
Translation Quality
Stability of Updates
Story Development
Character Design
World Background
Share your thoughts with others
Liked
newest
Donna_Francisco_3027
Donna_Francisco_3027

sana my ksunod po agad hehe kc mayat maya kung tinitignan kung miron ng next😅😅😅

2 months ago
2
Donna_Francisco_3027
Donna_Francisco_3027

Reveal Spoiler

2 months ago
1