Ika-labing-apat na Bahagi

Niyakap ko si Marius pagkasara ko ng pinto sa aking silid.

Ihinatid kami ni Heneral Gregorio na matapat na nagbabantay sa amin, kasama ang kaniyang mga sundalo, upang siguraduhin na walang sinu-mang haharang sa amin sa pagpanik sa tore.

Sa tingin ko naman ay wala nang mangangahas pang lumapit sa amin, matapos nila mapanood ang aming munting palabas.

Marahan akong tinapik ni Marius sa likod.

Huminga ako nang malalim.

Kahit ako ay nabigla sa aking ginawa.

"May buhay ang nilalang na iyon..." aking ibinulong, "at dama ko ang sakit at takot na kaniyang naramdaman nang bawiin ko ang buhay na sandali ko lamang pinatikim sa kanya."

Napahigpit ang kapit sa akin ni Marius. Hinawakan niya ang aking mukha, hinarap ako, at umiling. Nangungusap ang kaniyang mga mata na malungkot ang tingin sa akin.

"Alam kong palabas lang iyon... na iyon ay nilikha ko lang mula sa aking imahinasyon... ngunit..."

Huminga nang malalim si Marius. Hinalikan niya ako sa noo nang ilang ulit at hinatak papunta sa kama. Doon, kami ay nahiga. Ako naman ngayon ang sumandal sa kaniyang dibdib habang hinihimas niya ang buhok kong ginto.

Hindi ko alam kung makakatulog ako sa gabing ito.

"Tama, ang iyong gamot, kailangan mo pang uminom," paalala ko kay Marius na napasama ang mukha. "Kailangan mo ito para manumbalik agad ang iyong boses!"

Kinuha ko ang gamot mula sa isang bulsa sa aking tunika. Lagi ko itong dala, sa takot na baka ito'y mawala, mapalitan, o kunin ng kung sino sa aking silid.

"Sige na, isang lunok lang."

Lalong napasama ang mukha ni Marius nang alisin ko ang takip ng gamot at mapuno ng mabaho nitong amoy ang silid. Mukha siyang masusuka.

Napilit ko rin naman siyang uminom, matapos kong sabihin na maaring tuluyan na siyang hindi makapagsalita kung `di siya makikinig sa akin.

Muling nag-liwanag ang kaniyang lalamunan, at sa paghagod niya rito, ay sinubukan niyang magsalita.

"Na..." sabi niya at napasimangot.

"Masakit pa rin ba ang lalamunan mo?" tanong ko habang hinihimas ang kaniyang batok.

Umiling siya at lumapit sa akin. Hinalikan ko ang leeg niya, pababa sa kaniyang dibdib, tapos ay magkayakap kaming humiga sa kama. Mamaya pa ay `di ko na namalayan na nakatulog na pala kami.

Ngunit ako'y naalimpungatan sa pagdating ng hating gabi.

"Hnnn... ahh...!"

Humihingal ako sa aking paggising. Nag-iinit ang aking katawan. Sa pagdilat ko ay nakakita ko ang mabibilog na puting bola na aking harapan.

Hinawakan ko ang magkabilang pigi ni Marius – ang mapuputing bolang yumuyugyog habang nakapatong sa aking dibdib. Dama ko ang mainit niyang bibig na nakapalibot sa akin.

Gumanti ako ng mapaglarong kagat sa kaniyang pigi.

Narinig ko ang kaniyang pagsinghap.

Humarap siya sa akin, Wala nanamang liwanag ang kaniyang mga mata.

Umigtad ang kaniyang katawan, sabay nang kaniyang pagsabog. Inabot niya ang aking mukha at kinagat ko naman ang maputi niyang katawan.

"Ahh... hindi pa ako tapos..." ungol ko sa kaniyang taenga na siyang ikinanginig ng kaniyang katawan.

Nagpatuloy pa ako. Muli ko siyang kinagat, minarkahan bilang akin. Muling inangkin ang katawang hindi ko kailan man pagsasawaan, hanggang sa humihingal akong bumagsak sa kaniyang likuran.

Ako'y napahikbi.

Niyakap ko ang kaniyang katawan, hinalikan ang mapupulang marka sa kaniyang batok at leeg. Masyado akong nahuhumaling sa katawan ng aking mahal.

Alam ko na kalabisan na ito... na hindi ko dapat pagsamantalahan ang kaniyang kalagayan, ngunit habang nagtatagal ay tila lalo akong nalululong sa kakaibang gamot na galing sa aking kabigkis... at hindi ko na kayang pigilan pa ang aking sarili...

Nilinis ko si Marius.

Binihisan ko siyang muli, at nang tabihan ko siya upang matulog ay bumukas ang kaniyang mga mata.

"Maaga pa, matulog ka pang muli," bulong ko sa kaniyang tabi.

Lumapit pa siya sa akin at napasama ang mukha. Napakapit siya sa kaniyang balakang.

"Huwag kang mag-alala, mawawala rin iyan sa muli mong paggising."

Ikinuskos niya ang kaniyang mukha sa aking dibdib at muling pumikit.

Napagod ako nang lubos matapos ang gabing iyon, kaya nagulat na lang ako nang magising sa malakas na hampas sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko, iniisip na may kaaway na nakapasok sa aming silid, nang makita ko si Marius na may dalang maliit na palanggana ng pagkain at masama ang tingin sa akin!

"Anong nangyari?!" tanong ko sa kaniya habang pinagmamasdan ang palibot ng silid, naghahanap ng panganib.

Muli niya akong hinampas ng palanggana! Sabay tinuro niya ang mapupulang marka na nagkalat sa kaniyang leeg at dibdib! Kitang-kita ito sa maputi niyang katawan, habang nakabukas ang mga butones ng puting tunika na kaniyang suot-suot.

Nadama ko ang init sa aking mukha, lalo na nang ipaskil ni Marius sa harapan ko ang isang papel na may sulat niya.

'Anong ginawa mo sa akin kagabi?!?!?!' nakasaad dito.

"Hindi ako! Ikaw ang pumaibabaw sa akin at – aray!" muli niya akong hinampas ng palanggana. Hindi ko mapigilang tumawa!

"Prinsipe Theodorin, Prinsipe Marius?" tawag ni Heneral Gregorio sa labas ng silid. "Narito na po ang inyong pagkain."

Hinampas pa ako ni Marius ng ilang beses bago siya nagpuntang pinto upang buksan ito.

"S-sandali!" tawag ko, ngunit pinapasok na niya si Heneral Gregorio na agad napa titig sa maganda niyang mukha.

"P-Prinsipe Marius!" tanging nasabi ng heneral. Tila nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan.

Tinuro ni Marius ang lamesa, at naglakad na nga na parang sirang manika ang heneral papuntang mesa kung saan niya ipinatong ang aming umagahan.

Muling napatitig si Heneral Gregorio sa aking kabigkis.

"Lumabas ka na sa aming silid!" Utos ko sa kaniya.

Muli akong hinampas ni Marius pagkalabas na pagkalabas ng heneral.

Tinuro niya muli ang mga iniwan kong marka sa kaniyang katawan.

"Pasensiya na, mahal, hindi lang ako nakapag-pigil kagabi!" nakangisi kong sinabi.

Naiinis man ang tingin, inabot niya ang aking ilong at pinisil iyon. Inabot ko naman ang kaniyang kamay na siya kong hinalikan. Nang hindi niya ito hatakin pabalik, patuloy ko itong hinalikan pataas sa kaniyang braso, patungo sa mga marka sa kaniyang balikat.

"Haaa..." nanginig siya nang dumampi ang dila ko sa kaniyang leeg, ang aking kamay, dumulas sa kaniyang bewang. Hinatak ko siya palapit sa akin. Ngunit nang pababa na ang kamay ko sa kaniyang likuran ay marahan niya akong tinulak.

Tinuro ni Marius ang pagkain, at narinig kong magreklamo ang kaniyang sikmura.

"Ah, gutom na nga rin ako."

Pinagmasdan muna namin nang mabuti ang mga pagkain, inusisa ito at sinuguradong walang anumang sumpa o lason na nakahalo rito. Maya-maya pa ay pareho na kaming kumakain. Sobrang gutom ang aming inabot sa mahigit isang araw na `di pagkain nang wasto!

"Ano ang gagawin natin ngayon, mahal ko, gusto mo bang lumibot sa kabisera?" tanong ko kay Marius nang nangangalahati na ang aming kinakain. "Nang unang punta mo rito, hindi tayo pinayagang lumabas ng kastilyo sa pangamba na may manakit o dumakip sa atin, at sa pagpunta naman natin sa Hermosa ay hindi na tayo nakabalik pa rito sa kabisera nang magkasama. Ngayon, pagkakataon na nating libutin ang buong bayan na ako man ay `di pa nakalilibot."

'Paano ang mga plano natin? Ang ating pag-iimbistiga?' sinulat niya sa papel.

"Sa ngayon, wala tayong ibang mapagsuspetsahan dahil pinatahimik na sila. Umaasa ako na sa paglibot natin ay makakasagap tayo ng balita tungkol sa Ignus at sa kasalukuyang kalagayan ng impero.

'Kung ganoon ay ano pa ang hinihintay natin?' tanong ni Marius sa pag-abot sa akin ng papel.

Bahagya siyang nahirapan tumayo. Tumingin muli siya sa akin nang masama.

"Ah... may gamot pa rito galing kay Maestro Flores... para sa iyong... ano..." kinuha ko ang isang botilya sa may lamesa, agad itong hinablot ni Marius na muli akong hinampas ng palanggana.