Chapter 4

-EMMA-

Unang pumasok si Seb, at susunod na sana ako, pero biglang hinawakan ni Jackie ng mahigpit ang aking braso.

Napalingon ako sa kanya, naguguluhan. "Anyare?" takang tanong ko, dahil halata ang pagkagulat sa mukha niya. "Muntikan ka bang nadulas?"

"T*ng ina. Si Bobby ba 'yan?" mahinang sabi niya habang naka-tingin sa loob ng private room, kaya sinundan ko na lang ang tingin niya.

OH EM to the GEE! Si Bobby ba 'yan?

"Bakla, t*ng ina. Wala man lang paabiso si Seb na tsiks pala ang imi-meet natin," bulong ni Jackie sa akin, sabay ayos ng kanyang damit, na parang hindi ko napansin.

I mean, gwapo naman talaga si Bobby noon pa, pero iba na yung vibe niya ngayon. Noong college, siya yung gwapo at matalinong senior na naka-salamin at may very approachable look... pero mukha lang siyang approachable, mukha lang.

Ngayon, kahit malayo ako sa kanya, ramdam ko na agad yung mature vibe niya. Naka-salamin pa rin siya, pero imbes na magmukhang cute, it just made him look more mature, intelligent, and dependable.

It's that feeling you get, like if you try to approach him, you'll end up in some serious trouble vibe. Ganern. In short, he's a man now, not a boy. A man.

Agad kong kinalma ang sarili ko bago lumingin sa katabi ko. "Sis, kalma," paalala ko, dahil kilala ko 'tong babaeng 'to. Mas lalo namang humigpit ang hawak niya sa braso ko. 

"Baby, kalma?" biro ni Jackie.

Tumawa ako saglit at sinabing, "Huwag kang masyadong pahalata." Sobrang obvious na kaya sa mukha niya ang kung ano mang nasa isip niya.

"Bro, obvious naaalala mo pa rin sina Jackie at Emma. Bukod sa nabawasan ng very slight yung kapangitan nila, wala namang masyadong nagbago," ani Seb, sabay lingon sa amin pagkapasok namin sa private room.

"Lagot talaga sa'kin yang tukmol na yan mamaya," pasimpleng bulong ni Jackie bago siya ngumiti at sinabi, "Hi, kuya Bobby. Long time no see."

Ngumiti si Bobby at yinakap si Jackie, pero bumitaw din siya agad bago humarap sa akin. Bigla akong kinabahan, hindi ko alam kung bakit.

"Hello-"

Teka, tatawagin ko ba siyang kuya? Parang awkward kung tatawagin ko siyang kuya, eh hindi ko pa siya tinawag na ganoon ever. Pero ang rude naman kung hindi ko siya tawaging kuya.

"Kuya Bobby," tuloy ko. Shete, ang awkward. I thought we're close but why is it so awkward meeting him again after 9 years?

"It really has been a long time," aniya, sabay yakap sa'kin.

At doon ko agad napansin ang English accent niya. Napalingon ako kay Jackie at nakita ko ang sobrang lawak niyang ngiti. Bakla, 'yang ngiti mo!

"Let's sit," ani Bobby.

Umupo kaming lahat sa isang round table. Seb immediately sat next to Bobby, Jackie sat beside Seb, and of course, I took the seat next to Jackie, leaving an empty chair between me and Bobby.

"So, ano namang ganap sa life niyong dalawa?" tanong ni Bobby sabay ngiti pagka-upo namin.

"Sa love life ba? I'm super single and super ready to mingle," sagot ni Jackie, tapos nagpa-cute pa talaga siya. Bakla, ang landi ha.

"Psst! Huy! Hindi yan ang tinatanong," sita ni Seb, habang nakakunot noo.

"Baliw! How's life nga, 'di ba? Bingi lang?" sagot ni Jackie sabay irap kay Seb. Wala talagang katapusan ang away nitong dalawa.

Habang nage-enjoy akong panuorin ang banter nilang dalawa, hindi ko namalayan na napatingin ako kay Bobby, at hindi ko inexpect na magtatama ang mga mata namin. Ngumiti siya, kaya ngumiti na rin ako bago ko binalik ang tingin ko sa dalawa. Isa lang ang masasabi ko... awkward.

Habang nag-uusap kami... Ai! Sila lang pala at taga-kinig lang ako, biglang bumukas ang pintuan ng private room kung nasaan kami. Nagugutom na ako, kaya akala ko yung nagbukas ay waiter na may dalang pagkain, pero maling akala pala.

"Sorry, I'm late!"

Huwaw! Bihis na bihis si madam. Naka-makeup pa talaga siya, may pa-dress pa at heels pang nalalaman. Ibang-iba ang itsura niya ngayon kumpara sa tuwing nagkikita-kita kami para kumain sa labas.

"Teh, mali ka ata nang pinuntahan. Sa JS prom ata lakad mo eh," sabi ni Jackie, walang preno ang bunganga, at tumawa kaming dalawa ni Seb dahil mga mabubuti kaming kaibigan.

Pinandilatan naman agad kami ni Hilda, kaya agad kaming natahimik at umiwas ng tingin. "Sorry, I thought may dress code kasi dito sa restaurant eh," sagot ni Hilda bago siya pumasok at dumeretso sa tabi ni Bobby, nagbeso silang dalawa. "Did you buy what I asked you to buy?"

Dahil etsusera ako, agad akong tumingin kay Jackie, at naka-tingin din si bakla sa akin. Parehas talaga kami ng takbo ng utak.

"It's in the car and that reminds me, nasa sasakyan din iyong mga pasalubong ko sa inyo. Ibibigay ko mamaya," sagot ni Bobby.

"How's Tita?" tanong ni Hilda.

Tita?

"She's fine. Matter of fact, she was ecstatic that I'm finally staying here for good," sagot ni Bobby.

Kelan pa sila naging close? At mukhang close din ata si Hilda sa family ni Bobby. Ngayon ko lang nalaman. Wala kasing nababanggit si Hilda. Well... simula nung nagtrabaho siya sa company nila, sobrang busy na niya kaya madalang na lang namin siyang maka-bonding.

Habang nag-uusap yung dalawa na parang may sarili silang mundo, hinila ako bigla ni Jackie. Sis, makahila wagas, hah.

"Kelan pa naging close yang dalawa?" mahinang tanong ni Jackie.

"Malay ko. Hindi ba dapat ikaw ang nakaka-alam dahil ikaw tong bestfriend niya?" mahinang sagot ko. Magkaibigan na sina Hilda at Jackie simula high school, tas nakilala ko sila nung college. Classmate ko kasi si Jackie and then I met Hilda through her.

"Bro, kelan pa kayo naging close ni Hilda?"

Tinignan ko agad si Seb. Nice job. Tinanong talaga niya yung gusto naming malaman.

"Remember that time when I went to L.A. for work? Aksidenteng nagka-salubong kami sa daan, and kasama rin niya ang family niya noon. They invited me to join them for lunch, and since then, his sister would invite me to her house whenever I'm in L.A.," explain ni Hilda.

"Kelan ka pa nagpunta ng L.A.?" tanong ni Seb.

"Was that 1 or 2 years ago?" tanong ni Hilda sabay tingin kay Bobby.

"Almost 2 years ago," sagot ni Bobby. "Mag-order muna tayo. Anong gusto niyong kainin?"

Tinignan ko ang menu sa table. Habang binabasa ko ang mga nakasulat, hindi ko maiwasang kumunot ang aking noo dahil hindi pamilyar sa akin ang mga pagkain at lalo na ang mga presyo.

Magmumukha ba akong ignorante kapag tinanong ko kay Tita Google itong mga nandito sa menu? Lumingon ako kay Jackie at pasimple akong ngumiti nang makita kong pareho kaming nakakunot ang noo habang nagbabasa ng menu. Hindi ako nag-iisa.

Maya-maya lang, may nag-ring na phone kaya napa-lingon ako sa mga kasama ko.

"Guys, kayo na lang mag-order sa'kin. I have to answer this call," ani Hilda bago siya lumabas.

"Pre, ikaw na rin mag-order sa'kin. CR lang ako," sabi naman ni Seb, at bago pa ako makareact, naka-alis na siya.

"Sis, ikaw na rin mag-order sa'kin. Kailangan kong mag-freshen up," sunod namang sabi ni Jackie at tumayo na silang dalawa at lumabas.

Ai, ang galing. Ako rin. Ano bang magandang rason?

"Maria, anong gustong mong kainin?" tanong ni Bobby, diretso pa rin.

Ikaw. Charot! Hindi na ako nakatayo. Wala na ako sa timing eh.

"Ahhh..." Tinignan ko ulit 'yung menu na nakakasakit ng ulo. Nakaka-stress 'tong menu ha, wala man lang description!

"Ano ba 'tong capellini? Kape flavored ba 'to?" tanong ko, pero hindi ko in-expect na tatawanan niya ako. Base pa lang sa reaction niya, siguradong muntanga 'yung sinabi ko. Nag-init agad ang mukha ko sa kahihiyan.

"Sorry. I was just caught off guard. I wasn't expecting to hear that," explanation niya habang nagpipigil ng tawa.

I felt embarrassed but at the same time, I couldn't help but get distracted by his accent. It just sounded so good. Hindi siya ganyan magsalita ng English noon. 

Syempre, ikaw ba naman ang tumira sa ibang bansa ng ilang taon, siguradong makukuha mo rin 'yung mga accent nila. Parang English yung first language niya kapag nagsasalita.

Ano bang oorderin ko? Pati nga itong drinks, eh hindi ako pamilyar. Itong spritz, Sprite ba 'to? Wala bang lugaw dito? I give up. Binaba ko iyong menu sabay tingin kay Bobby.

"Ikaw na lang kaya mag-order sa amin. Hindi ko lang alam kung napansin mo, pero liban kay Hilda, siguradong hindi din alam nung dalawa 'tong mga nasa menu kaya sila nagkunwaring pupunta sa CR."

Tumawa siya. "Ako na mag-o-order."

Bwiset talaga 'yong dalawang yun. Pinasubo talaga ako. Siya na nga ang nag-order para sa amin, tapos nung lumabas na 'yong waiter, sakto namang bumalik na 'yong tatlo.

"Naka-order na kayo?" pa-inosenteng tanong ni Seb pagbalik niya. Ito namang si Jackie, pangiti-ngiti lang. Hindi talaga ako nagkamali.

"Nasabi ko na bang may sariling business ang bestfriend ko?" sabi ni Seb sabay akbay kay Bobby.

Napa-taas ako ng kilay. Iniba talaga ang topic, hah. Ang smooth ng transition, parang hindi sila umeskapo sa obligasyon kanina.

"Ang galing. Hindi lahat ng tao nakakagawa ng ganyan," ani Jackie halatang namangha ito sa nalaman.

Maging ako nga rin ay ngayon lang ito nalaman.

Ngumiti si Bobby, kita sa mukha niya ang pagmamalaki sa mga nagawa niya. "Well, it took a lot of time and hard work, pero I'm happy with what I've achieved."

Maya-maya, tahimik lang kami habang kumakain, pero sa loob ko, puno ng tanong ang utak ko tungkol sa tagumpay ni Bobby. He's still young and already has his own business. How great is that?

Ta's ako, malapit nang mawala sa kalendaryo at wala pang kaplano-plano sa buhay. Ang tanging libangan ko ay manood ng drama magdamag at maglaro ng computer games.

Honestly, naiinggit ako sa mga tao na talagang alam ang gustong gawin sa buhay at desidado. For me, basta may source of income ako at hindi magugutom, okay na.

"Speaking of life changes..." simula ni Seb, na may halong biro, "Paano naman yung love life, bro? May romance pa ba kahit busy?"

Napa-tingin ako kay Seb. Etsusera talaga itong lalaking 'to. Pero curious din naman ako, kaya tinignan ko si Bobby, hindi lang ako. Lahat kami ay naka-tingin sa kanya at naghihintay ng kung anuman ang revelation niya.

Tumingin si Bobby kay Seb, at parang nahihiya siyang ngumiti bago sumagot. "Ah, well... I've been so focused on work lately."

"Sure, pero even the busiest people need someone special, don't they?" sabi ni Seb habang naka-ngisi.

Medyo nag-isip si Bobby bago siya ngumiti at nag-shrug. "Alright, alright. Siguro I've been focused on work more than anything else. But, who knows, maybe things will change soon."

Meaning, single siya. Itutuloy ko na sanang kumain nung naramdaman ko ang pagtapik ni Jackie sa hita ko kaya lumingon ako sa kanya. Muntikan pa akong matawa sa itsura niya. Halatang masaya siya sa narinig na single pa si Bobby.

Susubo na sana ulit ako nang mapansin ko ang tingin ni Hilda kay Bobby. May bahagyang ngiti sa labi niya, pero mabilis din niyang tinago. "Hmm, maybe Bobby's just playing it cool," sabi niya, sabay tapik sa baso niya. Sis, nakita ko 'yon.

Pasimple akong ngumiti sabay lingon kay Jackie. Akala ko nakita niya rin iyong nakita ko, pero nadismaya ako nang makita kong naka-yuko siya, abala sa phone niya.

"Enough about me. How about you guys? Anong ganap?" tanong ni Bobby sa amin.

"Well, naging contractual employee ako for three years, pero one year ago, ay naging permanent na rin ako, salamat lord," kwento ni Jackie.

"That's good. Congratulations," ani Bobby, tapos tumingin siya sa akin. "Maria, how about you?"

Maria talaga ulit? Ngayon ko lang ulit narinig na may tumawag sa aking Maria. Most people call me Emma or Ems. Actually, si Bobby lang talaga ang tumatawag sa akin ng Maria.

Pati nga mga magulang ko, na sila pa ang nagbigay ng pangalang Maria, hindi pa nila ako tinawag na ganun. Parang nakalimutan na ata nila na may Maria akong pangalan.

Sakto pa talagang umiinom ako ng tubig kaya agad ko itong linunok. "Taga-linis," sagot ko agad bago ako napa-ubo. Bwiset, nabilaukan ba naman ako sa tubig.

"Taga-linis?" ulit ni Bobby at tumango ako habang umuubo pa rin.

"Ilang taon na kasing puyat itong babaeng 'to kaya naisipan na niyang mag-resign a month ago para bawiin iyong puyat niya bilang isang VA," explain ni Jackie habang hinahagod ang likod ko.

"I see. Well, health is wealth. Iba rin naman talaga kapag nasa hustong oras iyong tulog natin," ani Bobby.

Sumang-ayon si Hilda, tumingin kay Bobby, at may bahagyang ngiti sa labi. "Wow, hah, naka-pagsalita yung hindi workaholic."

"At nagsalita din iyong hindi workaholic," sagot naman ni Jackie at nagtawanan kami.

Maya-maya lang ay dumating na ang mga pagkain. Agad kong napansin kung gaano kaayos ang presentation, parang pang-fine dining talaga. Ang sosyal tingnan, kaya naman napalunok ako ng wala sa oras.

"Aba, sosyal!" bulong ni Jackie habang nakatitig sa plato niya. "Parang ang sarap, pero parang ang liit."

Natawa ako. May point naman siya, pero mukhang masarap naman talaga. "Baka naman kasi heavy siya kahit hindi mukhang madami."

Tinitigan ko yung pagkain. Nakuu, sa presyo ng mga 'to, dapat lang talaga na masarap ang mga 'to.

Nagsimula kaming kumain, at sa unang subo pa lang, ramdam kong worth it nga."Grabe, ang sarap," hindi ko napigilang sabihin.

"I know, right?" sang-ayon ni Hilda. "Hindi ko in-expect, pero ang lambot ng pasta."

"That's because it's freshly made," singit ni Bobby. "Iba talaga kapag homemade. Dito kaya ako madalas kumain dati whenever I visited."

"Eh di wow, sanay sa sosyal," biro ni Jackie bago sumubo ulit.

Nagpatuloy ang usapan namin habang kumakain. Napadako ang kwentuhan sa kung paano nagkakilala sina Bobby at Hilda sa L.A., sa pinakabagong chismis sa trabaho ni Jackie, at sa mga kaganapan sa buhay naming lahat.