Chapter 5

Nang matapos kaming kumain, hindi kami agad lumabas ng restaurant. Nagstay muna kami at nagpatuloy lang kami sa tawanan at kwentuhan, para bang bumalik kami sa dating kami noon.

Maya-maya, nagpunta ng banyo si Jackie, si Hilda naman ay may sinagot ulit na tawag sa labas, at yung dalawang lalake ay nagtinginan lang. Walang salitang binitiwan, pero agad silang tumayo at sabay na lumabas. Bestfriends nga talaga sila, ni wala silang sinabing isang word, pero nagkaintindihan na sila agad.

Habang naghihintay ako, nakatutok ako sa phone ko nang unang bumalik si Bobby. Laking gulat ko nang umupo siya sa tabi ko, hindi sa dati niyang upuan kanina. Medyo nakakaramdam ako ng kaba, lalo na't ramdam kong nakatingin siya sa akin.

"Busy ka yata, ha?" sabi niya.

Tumingin ako sa kanya at nagtama ang mga mata namin. I just can't with his eyes and the way he stares at me.

Huwag mo akong titigan ng ganyan. Masyadong intense.

Okay lang kung marami kami, pero ngayong dalawa lang kami. Pasimple akong umiwas ng tingin.

"You don't have to feel awkward, I get it, you have a crush on me."

Napatigil ako at agad na tumaas ang mga kilay ko. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang malawak niyang ngiti. "Ano?" tanong ko, medyo naguguluhan.

"Hindi ba? Didn't you tell my mom you had a crush on me before? Did I remember that wrong?" aniya, sabay ngisi.

"10 lang ako nun," deadpan na sagot ko, sabay tawa sa sarili ko.

"Oo nga pala," aniya, at ngumiti bago biglang pinisil ang pisngi ko. "You don't need to be all tense, okay? Relax lang. It's nice to see you again."

Shems, ganun ba ako ka-obvious? Hindi ko alam kung paano magre-react, pero mabuti na lang at bumalik na iyong mga kasama namin. Nagdesisyon na rin kaming umalis dahil medyo late na.

Paglabas namin ng restaurant, agad kong naramdaman ang preskong simoy ng hangin. Madilim na, at sumindi na ang mga ilaw sa paligid.

Nag-unat ako nang bahagya habang si Jackie ay abala sa pagtingin sa phone niya. Si Hilda naman ay nag-aayos ng buhok, at si Seb, well... abala sa pagiging si Seb.

"May lakad pa ba kayo? Ihahatid ko na kayo," alok ni Bobby habang tinatapunan kami ng tingin isa-isa.

"Kailangan kong bumalik sa office. May nakalimutan akong kunin," sagot ni Hilda habang tinitingnan ang oras sa relo niya.

"Wa—aaaah!" daing ni Seb bigla.

Napangiti ako dahil kitang-kita ko kung paano siya pasimpleng kinurot ni Jackie sa tagiliran.

Napalingon naman sina Bobby at Hilda sa kanya.

"Anong problema mo?" kunot-noong tanong ni Bobby.

"Wala! Wala!" sagot ni Seb, pero halata sa mukha niyang may tinatago siya.

Si Jackie naman, dedma lang, parang walang nangyari. Pero kita ko ang pilyang ngiti niya habang nilalaro ang kanyang buhok.

"May lakad pa kami," sabi naman ni Jackie.

Bobby raised an eyebrow. "Sure ka?"

Jackie just smiled, at this point, wala na akong pake kung ano mang pakulo meron siya.

Bobby then turned to me. "Ikaw, Ria? Ihahatid na kita."

Wow. Ria naman ngayon short for Maria. Maria o Ria nga naman ang tawag niya sa akin noon pa, medyo awkward lang pakinggan pero gusto ko iyong pagbigkas niya ng Maria.

Nagtagal ang tingin niya sa akin. Okay, alam ko na may ganun siyang habit na kapag may kausap siya, talagang tinitingnan niya ito ng diretso. Sanay ako noon, pero after ilang years na hindi kami nagkita, ang awkward na ngayon. Nakakailang.

Lumingon muna ako kay Jackie para umiwas ng tingin, na ngayon ay nag-aabang din ng sagot ko. Then I turned back to Bobby. "Sasama ako kina Jackie. Ingat ka-po kayo," sabi ko, sabay pilit ng isang maliit na ngiti.

"Thank you ulit sa dinner," ani Jackie habang kinikindatan si Bobby, halatang may binabalak. Weird. Ano na namang nasa isip niya?

"Thank you," sabay ko namang sabi.

"Wala ak-"

"Una na kami, guys! Byeee, kita kits!" Inunahan na ni Jackie si Seb bago pa niya matapos ang sasabihin. Mabilis niya itong hinila paalis na parang may hinahabol na bus.

Napatingin ako kina Bobby at Hilda at pareho silang nakatitig sa akin. Si Bobby ay nakangiti lang, habang si Hilda... well, iba ang tingin niya. Hindi siya nagsalita pero alam ko yung sinasabi ng mga titig niya. Gusto na niya akong umalis.

"Byeee!" sabi ko bago ako mabilis na tumakbo papunta kina Jackie.

Medyo malayo na sila, kaya binilisan ko ang hakbang ko. Paglapit ko, bigla silang huminto at sabay na lumingon sa akin. Binitiwan ni Jackie si Seb at agad na yumakap sa braso ko.

"Sis, GG hah. Sobrang nakakagulat talaga," sabi ni Jackie, hindi pa rin makapaniwala. "Napansin mo ba yung braso niya kanina? Tapos yung mga veins? Shet lang, ang sarap pisilin!"

"Nagulat nga rin ako," sagot ko, medyo kinikilig din. "Payatot kasi siya noon, 'di ba?"

Hindi ko rin akalaing iyong lampayatot na Bobby na kilala ko noon ay magiging fit na fit na ngayon. Hindi naman pang-body builder yung katawan niya, pero halata sa mga braso niya at sa dibdib niyang bakat na bakat sa hapit na damit na talagang nagwo-workout siya.

"I know right. He's giving mature vibes," sabi ni Jackie, ang mga mata niya parang kumikislap. "Tapos yung titig niya... mga baklaaa! Hindi pa rin niya naaalis. Every time he looks at me, I feel like he's looking at my soul."

"He really does always maintain eye contact when he's talking to someone," I said, remembering how Bobby's gaze has always been intense. "It's his thing. He's been doing that since the day I met him. Kaya nga hindi ako maka-tingin ng deretso sa kanya kanina, naiilang ako. Sanay na ako noon, pero dahil ilang taon ko siyang hindi nakita, naiilang na ako."

"Ilang taon na ba si Bobby ngayon?" tanong ni Jackie, at napansin ko ang makulay na ngiti sa kanyang mukha.

"30. Parehas sila ni Seb," sagot ko.

"Ai, pwede na. 28 lang naman ako. Hindi na masama," nakangiting sabi ni Jackie, halatang may kasamang kalokohan sa tono. "Sis, 27 ka pa lang at masyado ka pang bata kaya out ka muna."

Tumawa na lang ako.

"Huy! Nandito pa ako oh. Kung mag-usap kayo parang hindi ko bestfriend iyong pinag-uusapan niyo," sabi ni Seb at lumingon kami ni Jackie sa kanya.

"Nandiyan ka pa pala," natatawang biro ko sa kanya.

"Wow. Nakaka-amaze talaga yung sobrang weak na presensiya mo," biro naman ni Jackie. Tawa kami ng tawa. "Saka ano naman ngayon kung mag-bestfriend kayo?"

"As his bestfriend, pinagbabawalan ko kayong magkagusto sa kanya," sagot ni Seb ng seryoso pero halatang may biro.

"Pero mukhang may something sila ni Hilda kanina," singit ko.

"Dibaaa? Napansin mo rin yun? Iyong titig ni Bobby kanina habang nag-uusap sila ni Hilda eh super intense. I know it's his thing pero yung titig ni Jackie ay parang iba," ani Jackie habang naglalakad kami.

Tumango-tango naman ako.

"Iba talaga yung vibes na nafi-feel ko sa dalawa kanina eh," sabi ni Jackie, nakatingin kay Seb habang naglalakad kami.

"Hoy, Seb! May relasyon ba yung dalawa?" tanong ni Jackie sabay tingin namin sa kanya.

Bumuntong-hininga si Seb sabay irap sa amin. "Makinig nga kayo sa akin. As I was saying, hindi ka pwedeng magkagusto sa bestfriend ko at hindi ka rin niya type atsaka wala namang nababanggit si Bobby sa akin, kaya malabong sila."

"Paano ka naman nakakasiguradong hindi siya magkakagusto sa akin?" ani Jackie, medyo tinutukso si Seb.

"At sinong nagsabing yung type mo lang ang makakatuluyan mo?" sabi ko, medyo playful ang tono. "Type mo nga yung isang kilala ko pero hindi naman naging kayo."

"Mismo!" sagot ni Jackie, hindi na nagpahuli sa banter.

Seb just rolled his eyes. "I'm just saying... you guys are way overthinking this," sabi niya. "Teka, teka. Paano napunta sa akin yung usapan? Maria—"

"Stop!" sabi ko agad kaya bigla siyang natahimik. "Huwag mo nga akong tawaging Maria."

"Bakit?" tanong ni Seb, medyo naguguluhan.

"Ayaw kong tinatawag mo akong Maria," sagot ko sabay cross arms.

"Iba yung kay Bobby," sagot ko, tumingin sa kanya ng seryoso. "Yung pronunciation niya ng pangalan ko, it's giving very sosyal, pero yung sayo, tunog tamad. Yung limang letra na nga lang, na-shortcut pa."

Seb blinked. "Arte mo." Tapos, parang sinadyang dinagdagan pa niya yung bigkas ng letrang R. "Marrrya naman talaga yung bigkas ng pangalan mo ah."

"Teka, may sakit ba 'yang R na 'yan?" tanong ko, may halong tawa. "Parang may resentment ka sa pangalan ko, ah. It's Maria. Walang letrang Y sa pangalan ko. I 'yon, I. It's M-A-R-I-A, Maria," pagtatama ko.

"Sus. Kahit tanungin mo pa yung nanay mo, sigurado Marya din ang bigkas niya."

"Basta huwag mo akong tatawaging Maria unless tama yung bigkas mo... Anyway, gusto niyong kumain?" out of the blue na sabi ko, tapos tumawa agad silang dalawa.

"Gaga! Katatapos nga lang nating kumain eh," natatawang sabi ni Jackie.

"Bakit? Nabusog ba kayo sa kinain natin?" tanong ko.

"May point ka," nakangiting sagot ni Jackie.

"Yun naman pala. Tara, kain tayo. Kumakalam na sikmura ko," sabi ko, sabay hawak sa tiyan ko.

"Uuwi na ako," sabi naman nitong si Seb.

Humawak ako agad sa braso ni Seb at hinila siya pabalik. "Siguradong hindi ka nabusog. Hindi mo nga naubos yung pasta eh."

"Pati rin naman ikaw. Parehas tayong may ayaw sa kamatis. Paano ako mabubusog dun?" reklamo ni Seb habang naglalakad kami. Tawa lang kami ni Jackie, habang binabara si Seb sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

"Nga pala, panay puri kayo kanina kay Bobby na may sarili siyang business eh may sarili rin naman akong business pero ni minsan hindi ako nakarinig ng papuri sa inyo, atsaka panay tawag niyo ng Kuya sa kanya pero ni minsan hindi niyo ako tinawag na kuya. Hello, parehas lang kami ng edad," reklamo ni Seb, napansin kong medyo may kabigatan ang tono niya.

"Good for you," sagot ni Jackie ng walang emosyon sabay lingon sa akin. "Ems, anong gusto mong kainin? Ililibre ka ng ate mo."

Ngumiti ako at yumakap sa kanyang braso, tas nag-beautiful eyes pa talaga ako. "Pizza."

Ngumiti si Jakie at yinakap ang kaibigan. "Sure, may malapit na nagtitinda ng pizza dito. Masarap dun... Nga pala, hindi binigay ni Bobby iyong sinabi niyang pasalubong natin." 

Nag-tawanan kami ni Seb sa hindi inaasahang sinabi ni Jackie. 

Habang naglalakad kami papunta sa bilihan ng pizza, napansin kong biglang tumigil si Jackie.

"Uy, uy, uy... tignan niyo," bulong niya sabay turo sa isang tabi.

Dumako ang tingin ko sa direksyong tinuturo niya, at doon namin nakita sina Bobby at Hilda na nasa coffee shop sa kabilang kalye at mukhang nag-oorder sila.

"Diba?? Sabi ko sa inyo may something eh!" gigil na bulong ni Jackie, hinahampas pa ako sa braso.

"Baka naman may pinag-uusapan lang silang importante," sagot ni Seb na parang walang pake.

Dahil mga marites kami, talagang pinanood namin ang dalawa. Lumaki ang mga mata ko nang mapansin kong panay ang hagod ni Hilda sa kanyang buhok kahit hindi naman ito magulo. At yung ngiti niya? Yung tipong sobrang hinhin.

"Nakita niyo ba yun? May pahagod pa talaga ng buhok si akla. Ang lakas maka-virgin," excited na komento ni Jackie.

"Oh my gosh. Hindi ko akalaing mawi-witness natin ang pa-virgin moment ni Hilda," dagdag pa ni Jackie.

Maya-maya lang, inabot na ang order nila, at nung tumalikod si Bobby, napa-tingin siya sa gawi namin. Sa sobrang gulat, agad kaming napatalikod ni Jackie. Pero si Seb? Mabagal ang pickup kaya kinailangan pa talaga namin siyang hilahin.

"Nakita kaya niya tayo?" tanong ko.

"Hindi siguro. Tumalikod naman tayo agad at medyo malayo tayo," sagot ni Jackie.

Tama siya. Agad kaming tumalikod, at medyo madilim din sa pwesto namin, kaya malabong napansin niya kami.

"O, kita niyo na? May tinatago yang mga yan," tukso ni Jackie habang mahina akong kinukurot sa gilid.

Seb, as usual, mukhang hindi convinced. "OA lang kayong dalawa. Ano ba naman kung nag-uusap lang sila? Hindi ibig sabihin nun may something na agad."

"Eh bakit parang defensive ka?" tanong ko, nakataas ang kilay.

"Hay naku, wala akong pake. Basta ako, gutom na," sagot ni Seb sabay tuloy sa paglalakad.

Pero si Jackie? Hindi pa tapos. "Tara na nga. Pero promise, malalaman ko rin ang totoo."

Nagkatawanan na lang kami pero hindi ko rin maiwasang mapaisip. Ano nga ba talaga ang meron kina Bobby at Hilda?