Chapter 6

"Sa wakas!" ani Emma matapos linisin ang buong hardin sa palibot ng bahay. Tumayo siya at naglakad papunta sa duyan, saka humiga rito para magpahinga. Pinunasan niya ang pawis sa noo habang marahang dinuduyan ang sarili.

Napaawang ang kanyang labi nang muling sumakit ang ngipin niya. Napahawak siya sa pisngi at mariing pumikit. Dalawang araw na niya itong tinitiis, umaasang kusa itong mawawala. Pero hindi, lalo lang lumalala ang sakit sa bawat araw.

She had been working on this house for almost three weeks now, and finally, she was able to clean the garden, both front and back. 

The plants had come back to life and it's something she was proud of. She even bought new flowers to replace the ones that had died, making the place look more vibrant than before.

Pero kahit gaano pa niya kagustuhang i-appreciate ang effort niya, hindi niya magawang mag-focus dahil sa tumitibok na sakit sa kanyang ngipin. 

Napabuntong-hininga siya at ipinikit ang mga mata, pilit na inaalis ang atensyon sa kirot na nararamdaman. Ngunit sa halip, ibang bagay ang pumasok sa isip niya.

Naalala niyang bumalik na pala ang tito ni Jake. Nabanggit ito sa kanya ni Jake ilang araw na ang nakakaraan, pero ni minsan ay hindi pa niya ito nakikita. Kahit halos araw-araw siyang narito sa bahay, tila laging walang tao sa loob. Hindi rin niya alam kung madalas ba itong lumabas o sadyang mailap lang.

"Napagalitan kaya si Jake?" Napailing siya habang natatawa.

Habang nakahiga sa duyan, inilibot niya ang paningin sa malinis na hardin. Ang saya sa pakiramdam na matapos ang tatlong linggong pagtatrabaho rito, unti-unti nang bumalik ang sigla ng lugar. Pero sa kabila ng lahat ng pagbabago sa paligid, nanatiling misteryoso ang loob ng bahay.

Napatingin siya sa second-floor balcony. Sarado ang mga bintana, gaya ng dati. Walang kahit anong indikasyon na may ibang taong nakatira maliban kay Jake.

Napaisip siya. Ano nga bang itsura ng tito ni Jake? Mabait kaya ito? Sa isip niya, maaaring kahawig ito ni Jake na matangkad, may matigas na features, pero mukhang mabait din. Siguro may konting uban na, dahil tito na nga, pero posibleng kasing charming din kagaya ni Jake kapag ngumiti.

Napangiti siya sa iniisip. Pero saglit lang. Bakit parang ang OA naman ng pag-i-imagine ko?Teka, do I have an older guy fetish?

Napatayo siya sa gulat at agad na sinampal ang sarili niyang pisngi.

"Aray ko! Ano ba 'yan?!" reklamo niya habang hawak ang pisngi. Sa malas pa talaga, iyong bahagi pang sumasakit ang kanyang nasampal.

Napabuntong-hininga siya. Baka masyado lang siyang bored at desperadang magka-love life kaya kung ano-ano ang pumapasok sa isip niya.

Kailangan na niyang umuwi bago pa siya tuluyang mabaliw sa mga naiisip niya. Inilibot niya ang paningin sa paligid. May ilan pa siyang gamit na nakakalat, mga gardening tools, plastic na pinaglagyan ng lupa, at isang timba ng tubig. Isa-isa niya iyong ibinalik sa storage area upang malinis ang paligid bago umalis.

Pagkaalis ni Emma, nagtungo siya sa susunod na bahay na kailangan niyang linisin. Matapos matapos doon, agad siyang bumalik sa bahay upang maligo bago tumuloy sa tagpuan nila ng kanyang mga kaibigan.

Sa mini park sa harap ng isang malaking building ay naka-upo sina Jackie at Emma sa park bench at hinihintay ang kanilang kaibigang lumabas sa building. Medyo naiinip an rin si Jackie dahil kanina pa sila naghihintay pero hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas ang hinihintay nila.

Habang naka-tingin iyong dalawa sa kanya kanya nilang mga telepono ay hindi na nila napansin ang paglabas ni Bryan sa building. Tatawagan na sana niya ang kanyang mga kaibigan nung napalingon siya sa park at agad niyang nakita iyong dalawa.

Ngumiti si Bryan at dali-daling naglakad palapit sa kanila. Nagkakilala iyong tatlo noong second year college. It was just a random day, si Bryan ang unang nag-initiate ng mga usapan sa group project, at doon nagsimula ang pagkakaibigan nila. 

Hindi inaasahan, pero may mga pagkakataon talaga na ang mga simpleng pagkikita ay nagiging dahilan ng matibay na samahan.

"Mga baklaaaa!" maingay na bungad ni Bryan, na may malawak na ngiti.

"Huy! 'Yang bunganga mo naman, masyadong nakakahiya. Pinagtitinginan tayo, oh," sita ni Jackie sa kanya, tila nahihiya sa atensyon na hatid ng malakas na boses ni Bryan.

"Sis, wa ako care 'no. Kung tumitingin man sila, iyon ay dahil sa kagandahan ng aking fez," ani Bry, sabay patong ng kanyang baba sa likod ng kanyang palad.

"Ba't ang tagal mo?" tanong ko habang natatawa.

"Diyos ko day. May pinagawa yung bwiset na boss ko. Uwian na nga magpapahabol pa talaga ng trabaho. Tinapos ko muna iyong pinagawa niya tas nag-eskafu na ako bago pa niya dagdagan ang trabaho ko," paliwanag ni Bryan, sabay taas ng kilay at pagtango, parang proud pa siya sa ginawa niyang pagtakas sa boss niya.

"Anyway, gusto kong magkaraoke ngayon at uminom. Tara sa dati," aya ni Bry.

"Baliw. Inom ka jan eh Friday pa lang bukas," sagot naman ni Jackie.

"So? Flyday bukas kaya okay lang. Tara let's na. Nagugutom na rin ako kaya dun na rin tayo kumain."

Nagtinginan sina Emma at Jackie ng ilang segundo bago sila tumayo.

"Hanggang anong oras tayo dun?" tanong ni Emma.

"Nga dalawang oras lang ta's uwi na tayo," sagot ni Bryan.

"Sinabi mo yan hah. Kapag ayaw niyo pang umalis after dalawang oras iiwan ko talaga kayo," ani Emma. Kilala na niya ang mga kaibigan niya kaya sinabi niya yun.

Tumawa naman sina Bryan at Jackie.

"Oo nga. Bakla, kahit mauna ka nang umuwi ngayon," biro ni Bryan.

"Okay. Uuwi na ako," ani Emma pero agad siyang hinawakan nung dalawa sa magkabilang braso.

"Akong bahala sa inyo ngayon. Wala kayong babayaran ni piso," ani Bryan.

"Hmmm. I smell kakasahod," nakangiting sabi ni Jackie.

"Rich kid ngayon, pulubi ulit bukas kaya tara na," sagot ni Bryan at nagtawanan silang tatlo. "Tawagan niyo na si Hilda na sa dating lugar tayo," dagdag ni Bryan.

"Ako na," presenta ni Emma at nag-text siya kay Hilda.

Tumayo sila sa gilid ng kalsada habang naghihintay ng taxi. May ilan nang dumaan pero punuan na ang mga ito.

"Diyos ko, bakit parang rush hour? Dapat yata nag-book na lang tayo ng grab," reklamo ni Jackie habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kanyang kamay.

"Eh 'di ikaw na mayaman," sagot ni Bryan. "Maghintay ka, girl. Konting tiyaga, darating din ang para sa atin."

"Hoy, parang love life ko lang 'yan ah," sabat ni Jackie na agad nilang tinawanan.

"Sakay na!" sigaw ni Bryan habang binuksan ang pinto.

Habang nasa loob ng taxi, nagsimula na naman ang asaran.

"Hoy, Jackie, huwag mo na namang punuin ng kanta mo mamaya," ani Bryan, sabay tawa.

"Alam kong may listahan ka d'yan ng mga numbers na kakantahin mo, pero ako magbabayad, kaya ako mauuna."

Natawa si Jackie at Emma habang inaayos ang kanilang mga gamit.

"Okay lang, basta ikaw magbayad ng karaoke fee!" sagot ni Jackie na parang medyo may halong kalokohan, sabay sulyap kay Emma na nagsusuot ng face mask dahil nahihilo siya sa amoy ng taxi.

"Huy bakla, talagang nahihilo ka pa rin eh ang lapit lang ng biyahe natin," ani Jackie sa kaibigan. Tinignan naman ni Bryan si Emma at natawa ito nung nakitang naka-suot ito ng face mask.

"Bakit? Bawal mahilo?" natatawang sagot naman ni Emma, sabay pahid ng White Flower sa kanyang ilong. Pagka-amoy niya sa minty aroma ng White Flower at nung naramdaman niya iyong halong hapdi at lamig ng ointment, bumuti agad ang kanyang pakiramdam.

Palaging nahihilo si Emma kapag nasa loob ng closed vehicles, lalo na kung naka-on ang aircon. Ayaw na ayaw niya ang matapang na amoy sa loob ng sasakyan, kaya tuwing bumabiyahe, palagi siyang nauupo sa tabi ng bintana at binubuksan ito para makalanghap ng fresh air. Kahit gaano pa kaikli o kahaba ang biyahe, basta hindi siya nakakakuha ng sariwang hangin, siguradong mahihilo siya.

"Aba, parang may emergency kit lang ha! Sana all ever ready," biro ni Bryan, sabay tawa.

"Hindi mo ba alam? Supplier ng gamot itong kaibigan natin. Kaya pag may nararamdaman ka, humingi ka lang ng gamot dito kay Emma," sagot naman ni Jackie, sabay dampot ng bag ni Emma at ipinakita kay Bryan ang mga palaging dala nitong gamot. Pangontra sa hilo, sakit ng ulo, sipon, at kung anu-ano pa.

"Parang may mini-pharmacy sa loob ng bag mo, ha!" ani Bryan habang natatawa at tinitingnan ang laman ng bag.

"Malay mo, may kailanganin kayo, 'di ba? At least hindi na natin kailangang maghanap kung saan bibili," sagot ni Emma, pinipigilan ang pagngiti.

Pagdating nila sa paborito nilang karaoke spot, agad nagbayad si Bryan, at pumasok sila sa loob. Masaya ang ambiance ng lugar, punong-puno ng tunog ng musika at tawanan mula sa iba't ibang grupo.

Samantala, si Bryan naman ay naglabas ng isang maliit na papel mula sa kanyang bulsa. May mga nakasulat ditong numero at sa tabi ay ang title ng mga kanta. Kunwaring seryoso, binasa niya ito habang nakapamewang.

"Ano na naman 'yan?" tanong ni Jackie, nakataas ang kilay.

"Listahan ko ng mga kantang kakantahin ko. Mga sis, ako ang nagbayad, kaya ako ang mauuna!" sagot ni Bryan na may kasamang mayabang na tawa.

"Wow, kung makapagsalita ka kanina, parang ako lang 'yung may listahan, ha!" sita ni Jackie, sinabayan ng irap.

Tumawa si Bryan habang isa-isang inilalagay ang mga kanta niya sa karaoke machine. "Bakit? Ikaw lang ba ang ever ready?" sagot niya, sabay sulyap sa dalawa at ngumisi.

Pagtingin ni Jackie sa screen, napansin niyang ang dami nang nakapilang kanta. Agad siyang tumayo. "Hoy! Ang dami na niyan! Ako naman!" aniya, sabay agaw ng remote kay Bryan.

"Hoy, bakla, bigyan mo naman ng chance si Emma," ani Bryan.

"Okay lang akong back-up vocal," sagot naman ni Emma. Marunong naman siyang kumanta at madalas siyang kumakanta kapag mag-isa, pero kapag ganitong group setting, mas gusto niyang maging second voice. "Bry, anong gusto mong kainin?" tanong niya habang binalik ang atensyon sa menu.

"Yung dati," sagot ni Bryan habang inaayos ang microphone. "Ano nga palang sabi ni madam Hilda?"

"Busy daw siya," sagot ni Emma bago siya lumabas para ibigay ang order nila sa staff.

Habang hinihintay ang pagkain, nagsimula nang mag-solo si Bryan sa microphone. Si Jackie naman ay nakaupo lang, pinapanood siya, paminsan-minsan ay nagbubuntong-hininga at sumasabay sa beat ng kanta. Si Emma, tahimik lang na nakaupo sa tabi nila, pero halatang nag-e-enjoy sa nangyayari.

Pagkatapos ng ilang kanta ni Bryan, dumating na rin sa wakas ang pagkain at inumin nila. Agad nilang sinimulan ang kainan at inuman, habang si Jackie naman ang sumabak sa pagkanta. Maliban kay Emma, na juice lang ang iniinom, beer naman ang hawak nina Jackie at Bryan.

"Hoy, Emma, mag-beer ka na!" aya ni Jackie, nakangiti. "Ang boring naman ng juice mo, baka mawalan tayo ng energy."

Sa halip na sumagot, tumayo si Emma habang iniinom ang kanyang juice at biglang nagsimulang sumayaw-sayaw. Napatawa agad sina Jackie at Bryan sa biglaang kapilyuhan niya.

"Bakla, anong ginagawa mo?" tanong ni Bryan habang hagikgik nang hagikgik. "Minsan lang kita makita gumalaw ng ganyan!"

Nagpatuloy si Emma sa kanyang simpleng sayaw, sumasabay sa beat ng kanta ni Jackie. "Nandiyan na 'yan! Hindi ako magpapatalo," sagot niya, ngumingiti habang iniinom ang juice niya, carefree na sumasayaw sa harap ng mga kaibigan.

"Hahaha! May dance moves din pala itong si Emma!" ani Jackie, tumatawa habang lalo pang ginaganahan sa pagkanta. "Ganyan nga, girl! Malay mo, ikaw na ang susunod na dancing queen sa amin!"

Si Bryan naman ay hindi na nakapagpigil. Napahalakhak siya habang pinapanood si Emma na aliw na aliw sa pagsayaw. "Grabe, hindi lang magaling kumanta, may moves pa!" sabi niya, tuwang-tuwa.

Si Emma naman ay tuloy lang sa pagsasayaw, sabay tawa nang malakas. Medyo nahihiya siya, pero wala na rin siyang pakialam. Samantala, palihim siyang kinuhanan ng video ni Bryan at hindi niya ito namalayan hanggang sa biglang may nag-pop up na notification sa phone niya. Agad na-post na pala ni Bryan ang video sa group chat nila!

Natawa na lang si Emma nung napa-nuod iyong post ni Bryan.

Matapos ang ilang rounds ng inuman, sigawan, kantahan, at tawanang walang humpay, magkakatabing napaupo ang tatlo sa sofa na hingal na hingal at pawisan. Medyo lasing na sina Jackie at Bryan, matapos ang ilang bote ng beer.

Nagtagal pa sila roon hanggang sa mapansin ni Emma ang oras. "Hoy, uwi na tayo," sabi niya, inudyok ang dalawa na mag-ayos na. 

Kailangan na talaga nilang umuwi, lalo na't halatang hindi na matino ang dalawa. Bago lumabas, inayos ni Emma ang dala niyang bag, kinuha ang ilang gamot na baka kailanganin nila, at saka inalalayan ang dalawang kaibigan palabas.

Paglabas nila, agad bumungad kay Emma ang malamig na simoy ng hangin, dahilan para bahagyang gumaan ang pakiramdam niya. Ang init kasi sa loob kanina, kaya naman ang refreshing ng pakiramdam ngayong nasa labas na sila.

Pinasandal niya sina Jackie at Bryan sa pader habang naghahanap siya ng taxi. "Dito lang kayo, ako na ang papara ng taxi," bilin niya.

"Okaaaay," sagot ni Bryan, patuloy pa rin sa pagtawa at panaka-nakang kinakalabit si Jackie, na mukhang inaantok na habang nakasandal sa pader.

Mabilis namang nakakita si Emma ng paparating na taxi, kaya agad siyang nagtaas ng kamay para parahin ito.

"Wait lang po, kuya," sabi niya sa driver bago muling lumingon sa dalawa. Napa-buntong-hininga siya nang makita ang itsura nila.

Ngayon, nakaupo na ang dalawa sa sahig na magkayakap at nag-iiyakan sa hindi niya malamang dahilan.

"Kulang ang bayad sa akin para dito," bulong niya sa sarili bago nilapitan ang mga kaibigan.

"Bry, may taxi na. Tara na," sabi niya, dahilan para agad dumilat si Bryan.

"Ems, hindi pa ako lasing. Deretso pa akong magsalita," sagot ni Bryan, pilit na bumabangon.

"Pero 'yung lakad mo, hindi deretso," sagot ni Emma, bago natatawang inalalayan ang kaibigan papasok sa taxi. 

Sinabi niya sa driver ang address ni Bryan at inabutan ito ng bayad, alam na niya kasi kung magkano ang pamasahe mula rito papunta kina Bryan. Obvious namang hindi ito ang unang beses na siya ang nag-aasikaso sa drunk moments ng kanyang mga kaibigan.

Pagkaalis ng taxi, lumingon siya kay Jackie. Gising na ito ngayon pero pagewang-gewang na naglalakad palapit sa kanya. Clearly, she wasn't in the condition to walk alone.

Tumawa si Emma bago nilapitan ang kaibigan at hinawakan ito sa braso. "Sis, gising na gising ka pa ha," biro niya habang inaakay ito.

Tumawa naman si Jackie, pero halatang hilo pa rin. Pumunta ulit sila sa gilid ng kalsada para mag-abang ng taxi.

Biglang sumigaw si Jackie, "Kuya Bobby!" sabay taas ng kamay na nakaturo kung saan.

Napakunot-noo si Emma. "Kuya Bobby ka d'yan," sita niya, sabay baba ng kamay ni Jackie.