"Mga pre, next time ulit hah. Hindi pwedeng ito ang huli nating get together," sabi ng isa sa mga kaibigan ni Bobby habang naglalakad sila palabas ng bar.
"Kung wala lang talaga akong asawa kahit magdamag pa tayong mag-inuman," sagot naman nung isa at tumango silang lahat.
Napa-tingin si Bobby sa kanyang relo, at mag-aalas-diyes na ng gabi at nakaramdam na siya ng pagka-antok. Before, he also liked to stay out late, drinking and partying, pero habang tumatanda siya ay nagsawa na siya sa ganon.
Ngayon, mas gusto na niya ang peaceful at relaxed na gabi. He only went out today because his friends back in college asked him out, and he felt rude to decline, especially after not seeing them for a long time.
When he got out of the bar, the cold air touched his skin, and he instantly felt relieved compared to the stuffy feeling inside. He took a deep breath and closed his eyes for a moment, enjoying the stillness of the night.
Inayos niya ang kanyang jacket at magpapaalam na sana siya sa kanyang mga kaibigan nung narinig niyang may tumawag sa pangalan niya.
"Kuya Bobby!"
Napa-lingon siya sa tumawag sa kanya at sa hindi kalayuan ay nakita niya iyong dalawang babae sa gilid ng daan. Nakilala naman niya agad yung dalawa.
"Pre, una na ako sa inyo," ani Bobby sa kanyang mga kasama, at tumango siya bilang paalam. Nagtungo na siya sa direksyon nina Emma at Jackie.
"Maria, Jackie," he called out, walking toward them with a smile.
Lumingon naman iyong dalawa sa kanya at napansin niya agad iyong gulat sa mukha ni Emma. Samantalang si Jackie naman ay ngiting-ngiti, kumakaway sa kanya na parang walang problema.
"Sabi sa'yo si Kuya Bobby eh," rinig naman niyang sabi ni Jackie habang inaalalayan siyang tumayo ng deretso ni Emma.
Bobby's expression softened, and he chuckled at the scene.
"Ikaw ba inatasang chaperone?" he teased, trying to break the tension and lighten the mood.
He had been so busy with work since he came back that it's already been almost a month since he last saw these two. Except for Seb, who always hangs out at his place even when he's not invited.
The last time he saw Emma, he noticed that she was feeling awkward around him. He wasn't surprised, though, since Emma had always been shy and reserved. It took a while before she warmed up to him when they were kids.
Bobby smiled faintly as the memories came rushing back. He remembered how he used to wish for a little sister when he was younger. That's why he was so fond of Emma. At first, he was a little jealous of Seb because Emma used to always follow him around, but over time, Emma grew more comfortable with him too.
"So, anong ginawa niyo at naging ganito si Jackie?" naka-ngiting tanong ni Bobby sa kaibigan.
"Galing ka-" natigilan si Emma bago tinama ang kanyang sasabihin. "Galing po kami jan," aniya atsaka tinuro ang karaoke bar sa tabi lang ng bar na pinanggalingan ni Bobby.
Bobby raised an eyebrow as he followed Emma's gaze to the karaoke bar. "Aha, I see," he said with a teasing smirk. "Ikaw ba ang nanalo kaya lasing itong kasama mo?"
Ngumiti ng kaunti si Emma. "Akala lang nila Friday kasi bukas," sabi niya, sabay tingin kay Jackie.
Natawa naman si Bobby.
"Nag-enjoy lang, Kuya Bobby! Chill chill lang!" sagot naman ni Jackie na nagta-try pa ring tumayo ng deretso.
"Alright, let me give you a ride home," Bobby offered, his tone more serious now as he looked between the two women. "Mas madali siguro kung may sasakyan."
"Ah, hindi na po," sagot ni Emma, tila nag-aalangan. "Okay lang kami, matutulog po ako sa bahay ni Jackie."
"Mas mabuti na yung sigurado," he said with a grin, clearly not backing down. "At saka, nakakahiya naman kung hayaan ko kayong maglakad pa."
Jackie, still half in her drunken state, gave a playful salute. "Thanks, Kuya Bobbeeey!"
Tinitigan ni Emma ang kaibigan.
"Wait here. I'll get my car," sabi ni Bobby bago ito umalis.
Gusto mang tumangi ni Emma, pero sa totoo lang ay pagod na rin siya at inaantok, at wala pang dumadating na taxi. At least, hindi na nila kailangang maghintay ng taxi, kahit na naiilang pa rin siya kay Bobby.
Maya-maya lang ay bumalik na si Bobby at pumarada sa harap nung dalawa. Unang pinasakay ni Emma si Jackie at nagdalawang isip pa siya kung sa harap ba siya uupo o sa tabi ni Jackie sa huli ay sa tabi ni Jackie siya umupo dahil may rason siyang may dapat siyang alalayan.
"Sorry. Naabala ka po namin," ani Emma na medyo nahihiya.
Kinuha niya ang kanyang face mask at isinuot ito. Pagkabukas pa lang ng pinto ng sasakyan, agad niyang naamoy ang matapang na halimuyak ng air freshener na humalo sa malamig na bugso ng aircon, isang kombinasyong alam niyang magpapahilo sa kanya. Pasimple din siyang nagpahid ng white flower sa kanyang ilong.
"It's fine. It's not like we don't know each other." Bobby's smile softened as he glanced at Emma through the rearview mirror. "Plus, I'm not exactly on a tight schedule tonight. You're saving me from a boring night at home," he added with a playful wink.
Hindi maiwasan ni Emma na tumawa, pakiramdam niya'y medyo gumaan na ang loob. Nilingon niya si Jackie na pilit pa ring ginigiya ang sarili para magising, pero halatang hindi na kaya. "Ay, mabuti naman at natulungan ka namin kuya," sabi niya, medyo magaan na ang boses.
Natawa si Bobby. Hindi siya sanay na tinatawag siyang kuya ni Emma.
"Hindi naman natin kasama ang Mama ko para tawagin mo akong kuya," naka-ngiting sabi ni Bobby.
Ngayon lang ulit niya narinig na tinawag siyang kuya ni Emma, maliban na lang noong mga bata pa sila at kapag nandiyan ang mama niya. She used to act cute and well-behaved whenever his mom was around, just so she could be rewarded with snacks and stuff.
Napangiwi si Emma at agad na umiwas ng tingin. "Reflex lang," sagot niya, kunwaring hindi apektado.
"Ah, ganun ba?" natatawang sagot ni Bobby. "Akala ko ba hindi mo na ako tatawaging kuya simula nung sinumbong kitang kumakain ng cookies na linuto ni mama nang walang paalam?"
Napataas ang kilay ni Emma at sinamaan siya ng tingin. "Matagal na 'yun!"
"Eh, bakit parang guilty ka pa rin?" biro ni Bobby, lalong natatawa nang makitang namumula na si Emma.
Pinag-cross ni Emma ang mga braso at humuff. "Ikaw ang nagsabing pwede ko iyong kainin! Hindi mo naman ako dapat isumbong noon!"
Bobby smirked while keeping his eyes on the road. "Hindi mo ba alam ang salitang 'joke lang'?"
Napa-cross arms si Emma sa inis. "Huh! Kung joke lang, bakit parang ang saya-saya mo noong nasermonan ako?"
Napangiti si Bobby, pilit pinipigilan ang tawa. "Eh kasi naman, ang kulit mo noon. Sabi mo pa, 'Isa lang, promise!' Pero nung makita kita, kalahati na ng plato, ubos!"
Napataas ang kilay ni Emma at sinamaan siya ng tingin. "Ang daya mo! Dapat ikaw rin napagalitan."
Napangiti si Bobby, pilit pinipigilan ang tawa habang nakatingin sa daan. "Eh, anong magagawa ko? Ikaw ang nahuli, hindi ako," pang-aasar niya, bahagyang sinilip si Emma sa rearview mirror.
Napabuntong-hininga na lang si Emma, pero hindi niya napigilan ang pag-ikot ng mga mata. "Daya mo talaga," bulong niya, kunwaring naiinis pa rin.
Napa-cross arms siya at sumandal sa upuan, pero hindi niya napansin na sa gitna ng pang-aasar ni Bobby, unti-unting gumaan ang pakiramdam niya.
Maya-maya lang ay nakarating na rin sila sa apartment ni Jackie.
"Saan banda?" tanong ni Bobby habang sinusuri ang mga bahay sa paligid.
"Diyan sa green na gate," sagot ni Emma, kaya naman tumigil ang sasakyan sa tapat nito.
Naunang bumaba si Bobby at tinulungan si Jackie na makalabas. Sumunod naman si Emma, binuksan ang gate, at inalalayan si Bobby papasok.
"Sa kwarto na lang," sabi niya bago binuksan ang pinto ng silid.
Maingat na ipinasok ni Bobby si Jackie at dahan-dahang ibinaba ito sa kama.
Pagkalabas nila ng kwarto, nagpasalamat si Emma. "Thank you," aniya. "Gusto mo bang magkape muna?"
"Next time na lang," sagot ni Bobby bago naglakad palabas. Sumunod si Emma at inihatid siya hanggang sa labas ng gate.
"Ingat ka," paalala ni Emma.
Lumingon si Bobby at bahagyang ngumiti. "The next time we meet, I hope you feel more comfortable around me. At sana, huwag mo na akong tawaging kuya," biro niya.
Agad namula ang pisngi ni Emma sa kahihiyan, iniwas ang tingin, pero hindi iyon nakaligtas kay Bobby.
Napangiti siya sa itsura ng kaibigan. He patted the top of her head before playfully ruffling her hair.
"Alis na ako," paalam niya bago siya muling sumakay sa sasakyan.
Kahit medyo nahihiya, kumaway pa rin si Emma bilang pamamaalam. Hinintay niyang makalayo ang sasakyan bago siya pumasok sa loob at isinara ang gate.
Pumasok na si Emma sa loob ng bahay at sinilip ang kaibigan na mukhang ang sarap ng tulog at nakangiti pa talaga. Pumunta siya sa banyo para mag-shower at humiram ng mga damit ni Jackie bilang pampalit bago siya natulog sa tabi ng kaibigan.
Kinaumagahan, mas maagang nagising si Emma. Nauna siyang naligo kaysa sa kaibigan, at paglabas niya ng banyo, tulog pa rin si Jackie kaya sinubukan niyang gisingan ito habang nagpapalit, pero ang sarap pa rin ng tulog ni Jackie.
Nung hindi pa rin ito bumangon, siya na ang nagluto ng almusal nila. Kaso, pagka-tapos niyang magluto, tulog pa rin si Jackie.
"Madam! Gumising ka na!" tawag ni Emma sa kaibigan, na ang sarap pa rin ng tulog kahit isang oras na lang ay maga-alas otso na.
"Hoy! Alas syete na oh. Wala ka bang balak pumasok?" ani Emma sabay yugyog sa kaibigan.
"Hmmm, 5 minutes," sagot ni Jackie, pero hindi pa rin ito bumangon at nagkumot pa talaga.
"Male-late ka na, baliw! Bumangon ka na diyan."
"Ayokong pumasok," sagot ni Jackie.
"Bakit? Mayaman ka ba?" tanong ni Emma.
Nagulat na lang siya nung biglang bumangon ang kaibigan.
"Nakaluto na ako ng almusal at naayos ko na yung baon mo," natatawang sabi ni Emma.
"Sigurado bang makakain 'yan?" tanong ni Jackie sabay unat ng kanyang mga kamay.
"Edi huwag mo nang kainin."
"Pagtitiisan ko na lang. Thank you. Maasahan talaga kita," ani Jackie na nakapikit pa rin ang mga mata.
Binuksan niya lang ng bahagya ang mga ito bago bumangon at kinuha ang tuwalya sa gilid at dumiretso sa kusina para kumain.
By the time they got out of the house, there were still 20 more minutes before 8. Pumunta si Emma sa bahay ng tito ni Jake at pumunta naman si Jackie sa kanyang trabaho.