Chapter 8

"Ano ba 'to..." bulong ni Emma habang dahan-dahang bumangon mula sa kama. Agad niyang hinawakan ang pisngi at napangiwi sa sakit.

Lagpas isang linggo na niyang naramdaman ang pasulpot-sulpot na sakit ng kanyang ngipin, pero hindi niya binigyan ng pansin. Akala niya ay mawawala din ito at kusa na lang gagaling. Pero hindi. Mas lalong tumindi ang pulsong sakit, para bang may sarili itong buhay na paulit-ulit siyang pinapahirapan.

Napabuntong-hininga siya at napatingin sa orasan. Maaga pa, pero alam niyang hindi siya mapapakali sa buong araw kung hindi niya ito aaksiyunan. Mukhang wala na siyang ibang choice... kailangan na niyang magpatingin sa dentista.

Bumangon siya at lumabas ng kwarto papunta sa sala. Pagkaupo sa sofa, agad niyang kinuha ang cellphone at tinawagan si Seb. Hindi niya na kinaya at naiiyak na talaga siya sa sakit ng kanyang ngipin.

"Seb...Sebastian," garalgal ang boses niya nang sagutin nito ang tawag.

"Bakit na naman?" kunot-noong tanong ni Seb habang tinitingnan ang kanyang gamit, sinisigurado kung dala ba niya lahat ng kailangan para sa out-of-town seminar.

"Samahan mo akong pumunta sa dentista," ani Emma.

"'Yan kasi. Sugar pa more. Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na bawasan mo ang matatamis at magsipilyo ka ng maayos?" panenermon ni Seb habang tinitingnan ang kanyang bag, sinisigurado kung dala niya ang passport, ticket, at ID.

"Wow. Hindi ba pwedeng pupunta ako dun para magpa-cleaning?" sagot ni Emma, nakasimangot.

"Baliw. Ako pa linoko mo." Napabuntong-hininga si Seb sa kabilang linya. "Diba sabi ko sa'yo noon pa na magpa-dentist ka na? Pero anong ginawa mo? Deadma!"

"Oo na!" sagot ni Emma, sabay irap, parang may inis pa sa tono ng boses. "Pwede bang mamaya mo na ako sermonan? Ang sakit na nga ng ngipin ko, eh."

Narinig niya ang bahagyang pagtawa ni Seb mula sa kabilang linya, kaya't napailing siya.

"Pwede bang ikaw na lang tumingin sa ngipin ko? Doctor ka rin naman," tanong ni Emma, na may halong pagpapatawa.

"Baliw! Doctor ako ng mga hayop. Hayop ka ba?" sagot ni Seb, tumawa pa ng bahagya habang inaayos ang mga gamit sa mesa.

"Palagi mo namang sinasabing para akong pusang tamad. Sige na, please? Hindi ko na kayang maghintay," aniya na may halong pagmamakawa.

"Hep, hep. Wala kang karapatang umiyak dahil matagal na kitang pinayuhan," sagot ni Seb, pero may paghalakhak sa dulo ng kanyang mga salita.

Napahikbi si Emma. "Grabe ka naman... Hindi mo ba ako pwedeng damayan muna bago mo ako pagalitan?"

"Huwag ka nang mag-drama," tukso ni Seb. "Maghintay ka lang."

"Bwisit ka."

Narinig niya ang mahinang tawa ni Seb bago ito nagpaalam. Sumandal si Emma sa sofa, hawak ang kanyang pisngi habang dumadaloy ang mga bagong luha sa kanyang mukha. Ang sakit na talaga.

Mababa ang tolerance niya sa sakit at talagang iyakin siya. Pero kahit paano, gumaan ang pakiramdam niya dahil alam niyang may isang taong palaging nariyan para sa kanya.

Tumayo si Emma at nagpunta sa banyo para maligo. Ilang minuto lang ang lumipas, lumabas na siya at agad nagbihis. Noong isusuot na sana niya ang sapatos, narinig niyang may kumatok sa pinto.

"Bukas yan!" sigaw niya mula sa kwarto, thinking it was Seb who knocked.

Sa labas ng unit, narinig ni Bobby ang sigaw ni Emma, kaya naman binuksan niya ang pinto at pumasok. Pagpasok niya, walang tao sa sala, kaya hula niya ay nasa kwarto si Emma.

He stayed standing at the doorway, waiting for her. Nasa unit siya ni Seb nang tumawag si Emma, nagpapasama papunta sa dentista, at narinig niya ang usapan nilang dalawa.

Dahil kailangang umalis ni Seb para sa flight niya, sinabi nito kay Bobby na siya na lang ang sumama kay Emma. Wala namang naging problema kay Bobby, dahil wala naman siyang plano ngayong araw.

"Tara na." Dinig niyang sabi ni Emma, at napatingin si Bobby sa pintuan ng kwarto. Sakto namang bumukas ito.

"Are you ready?" tanong ni Bobby nang lumabas si Emma ng kwarto, at agad niyang nakita ang gulat sa mukha nito. Napa-ngisi siya ng bahagya, pero agad din itong binawi.

"A-anong gina—bakit ka po nandito?" gulat niyang tanong, biglang bumalik ang pormal niyang tono.

Bobby took a step closer, noticing how Emma quickly straightened herself up, trying to hide her surprise.

"Si Seb... may flight, so he asked me to accompany you instead," paliwanag ni Bobby, casual ang tono pero may kaunting concern sa boses.

Napatingin si Emma sa kanya. "Ahhh..."

"Aray. Nakakadisappoint naman 'yang reaction mo," biro ni Bobby, tinutukso siya. "Sabihin mo lang kung ayaw mo, madali naman akong kausap."

"Wala kaya akong sinabi," depensa agad ni Emma.

"Well?" sabay taas ng kilay ni Bobby. "Do you want to stand here all day, or do you actually want to fix that toothache?"

Hindi siya agad nakasagot. Nag-aalangan siya, pero alam niyang wala na siyang choice. Wala namang ibang pwedeng sumama sa kanya ngayon, at ayaw niyang pumunta sa clinic mag-isa.

"Tara," ani Emma, at lumabas na sila ng unit.

Habang naglalakad pababa sa hagdan, nag-text si Emma kay Seb.

Emma: Seb, hindi ko alam kung magpapasalamat ako o ipapakulam kita. Bakit si Bobby?!!

Ilang saglit lang, nag-reply ito.

Seb: Sino pa ba ang pwede? Siguradong may trabaho iyong tatlong bruha at si Jake. Tumahimik ka na lang dyan. Huwag mong kalimutang magpa-salamat kay Bobby. Hindi kita pinalaking ungrateful.

Napabuntong-hininga si Emma. Wala na talaga siyang laban.

"Emma," tawag ni Bobby, na ngayon ay nasa tabi na ng sasakyan niya. "Are you coming or what?"

Napapikit siya saglit bago sumakay.

Habang nasa daan, naramdaman na naman ni Emma ang matinding pananakit ng kanyang ngipin. Napahawak siya sa pisngi, pilit na nilalabanan ang sakit. Ngunit kasabay nito, nagsimula na rin siyang makaramdam ng hilo dahil sa amoy ng sasakyan.

Binuksan niya ang bag at nagulat nang hindi niya makita ang hinahanap niya. Nakalimutan niyang dalhin ang face mask at White Flower. Naalala niyang nagpalit pala siya ng bag kagabi at nakalimutang ilipat ang ibang gamit.

Idagdag pa ang malamig na simoy ng aircon sa loob ng sasakyan, kaya unti-unting sumisikip ang pakiramdam niya.

Pero hindi siya nagsalita.

Ayaw niyang mag-abala ng iba. Mabuti sana kung sina Jake o sina Jackie ang kasama niya, pero hindi eh. Kaya tahimik lang siyang nakatingin sa labas ng bintana, pilit na itinatago ang nararamdaman.

Bobby, on the other hand, was focused on the road. "Okay ka lang?" tanong niya nang mapansin ang pananahimik ni Emma.

Tumango siya kahit hindi totoo. "Mm."

Pero hindi niya naitago ang pamumutla. Ilang sandali pa, napansin niyang lalo pang bumibigat ang pakiramdam niya. Sumisikip ang dibdib at parang naninikip ang lalamunan niya.

She took a deep breath, hoping it would ease her nausea. Pero nang mapansin ni Bobby ang kilos niya, bahagya siyang sinulyapan nito.

"Maria?"

Hindi sumagot si Emma. Parang walang narinig.

"Ria, are you sure you're okay?"

Tumango ulit siya, pero sa pagkakataong ito, napapikit siya nang mariin. She honestly felt like dying right now.

"Ria." Napakunot-noo na si Bobby. Nang makita niyang pawisan na ito at pilit na humihinga ng malalim, agad niyang binuksan ang bintana. "Damn it. Sabihin mo naman agad kung nahihilo ka!"

Agad inilabas ni Emma ang kanyang ulo at naduduwal, pero pinipigilan niya ang sarili. Nangangasim ang kanyang lalamunan.

Nagsalubong ang kilay ni Bobby at mabilis na nagbago ng lane. "Hold on."

Ilang minuto lang, itinigil ni Bobby ang sasakyan sa isang gas station. Mabilis na tinanggal ni Emma ang seatbelt at lumabas.

Napa-squat si Emma sa gilid ng sasakyan, pilit nilalabanan ang pakiramdam ng pagsusuka. Habang hinahaplos ang kanyang tiyan, naramdaman niya ang malamig na simoy ng hangin na tumama sa kanyang mukha.

Bobby went next to her, watching Emma with concern habang hinahagod ang likod nito. "Gusto mo nang tubig?" malumanay niyang tanong, ang boses puno ng pag-aalala.

Tumango si Emma kaya agad niyang kinuha ang tubig niya mula sa loob ng sasakyan. Inalis niya ang takip ng tumbler at inabot kay Emma.

Nag-atubili sandali si Emma bago inabot ang tumbler. Uminom siya ng kaunti, pinipilit na mapawi ang pakiramdam ng pangangasim ng kanyang lalamunan. Nakakatulong, pero hindi sapat para mawala ang pagkahilo na nararamdaman niya.

"Salamat," mahina niyang sabi.

"Bakit hindi mo agad sinabi?" tanong ni Bobby, ang tono ay halatang puno ng pag-aalala.

Iniling ni Emma ang ulo. "Akala ko kaya kong tiisin..."

Napabuntong-hininga si Bobby, halatang na-frustrate. "Ria, next time, sabihin mo. Malalaman ko na lang ba kapag nahimatay ka na o ano?"

Hindi sumagot si Emma.

Bobby crossed his arms, watching her carefully. "Next time, kung may nararamdaman ka, huwag mong tiisin. Naiintindihan mo?"

Tumango si Emma. Medyo bumuti na ang kanyang pakiramdam, pero hindi pa rin nawawala ang pakiramdam na parang nasusuka siya. Nag-aalangan siyang magsalita, pero sa huli, nagdalawang-isip bago mahinang bumulong, "May candy ka?"

Bobby sighed, eyeing her carefully. "Wait here." Bumalik siya sa sasakyan, kinuha ang candy mula sa compartment, at bumalik para ito iabot kay Emma.

Tiningnan ni Emma ang candy ng ilang segundo bago siya tumingala at tinignan si Bobby. "Wala bang mint flavor? Nasusuka pa rin ako..." mahina niyang sabi.

Bobby pinched the bridge of his nose. "You seriously..." He sighed, shaking his head before turning back toward the store. "Teka lang," aniya at dali-dali siyang pumasok sa gas station para bumili ng mint-flavored candy. 

Sinubukan niyang magtanong kung may gamot para sa pagsusuka at pagkahilo, pero wala, kaya iyon na lang ang binili niya bago binalikan si Emma.

"Here." Inabot ni Bobby ang candy kay Emma.

Kinuha iyon ni Emma nang hindi umimik, dahan-dahang binuksan bago isinubo.

"Come on, sit here." Tinulungan ni Bobby si Emma na tumayo at pinaupo siya pabalik sa upuan ng sasakyan, pero hindi niya sinara ang pintuan.

Bobby exhaled sharply as he glanced at her. Ngayon lang niya nakitang ganito si Emma. "Do we need to go to the hospital instead?" alalang tanong niya.

Umiling si Emma.

"I still think we need to go to the hospital, especially with how you're looking."

"Hindi na. Okay lang ako." sagot ni Emma.

Nagsalubong ulit ang mga kilay ni Bobby. "Anong okay? Hindi mo ba nakikita 'yang itsura mo?"

Emma took a deep breath, looking away for a moment. "Ano... kasi..." she hesitated, trying to gather her words. "Hindi ko kasi nadala 'yung face mask at White Flower ko."

Bobby frowned as he processed what she said. 

Napansin ni Emma na hindi naintindihan ni Bobby ang sinabi niya. Tumahimik siya sandali bago nag-explain. "Yung face mask ko, 'yung ginagamit ko para sa amoy. Tapos 'yung White Flower, 'yun 'yung ginagamit ko para maalis 'yung hilo at nausea ko."

Bobby blinked, still a bit confused, but then it clicked.

"Talagang nahihilo ako kapag nasa sasakyan at walang fresh air."

He frowned as he processed what she said. "So that's why you feel like this?"

Tumango si Emma. "Oo... tapos, yung amoy ng aircon sa sasakyan... nakakadagdag."

Bobby exhaled in relief, though still concerned. "Bakit hindi mo sinabi agad?"

"Sorry..." Emma whispered, looking a little guilty. "Nakakahiya lang kasi."

Bobby stared at his friend, his gaze softening as he noticed the guilt in her eyes. He didn't expect her to be this distant.

It bothered him, seeing her act like she didn't want to burden anyone. After a moment of silence, he couldn't help but act on impulse... he flicked her nose gently.

"Aray," daing ni Emma, sabay hawak sa ilong niya.

Bobby raised an eyebrow, his tone playful but with a hint of seriousness. "Buti nga sa'yo. Mukhang okay na ang pakiramdam mo.... Should we go?"

Tumango si Emma habang nakahawak pa rin sa ilong.

Bobby carefully closed the door, then walked around to the driver's seat and slid in. As he settled into the seat, he glanced at Emma before rolling the windows down.

Baka mahilo na naman ang kasama niya, he thought, making sure the fresh air would help her feel better. He started the engine, casting one more concerned look at her. "You sure you're okay now?" he asked gently.

"Hmmm."

"Drink more water," ani Bobby, muling itinuro ang bote sa tabi ni Emma at saka pinaandar ang sasakyan pabalik sa daan.

Pagdating nila sa clinic, agad na bumaba si Emma mula sa sasakyan. Malaki na ang ipinagbago ng pakiramdam niya. Wala na ang pagkahilo, at kahit may bahagyang kirot pa rin sa ngipin, mas kaya na niyang tiisin.

Napansin iyon ni Bobby at bahagyang tinaasan siya ng kilay. "So, okay ka na?"

Tumango si Emma at ngumiti. "Mas okay na."

"Good," aniya, bago sinulyapan ang clinic. "Halika na."

Napansin iyon ni Bobby at bahagyang tinaasan siya ng kilay. "So, okay ka na?"

Tumango si Emma at ngumiti. "Mas okay na."

"Good," aniya bago sinulyapan ang clinic. "Halika na."