Chapter 32: Trash talk 'yun?

Nanalo ang team nila ng ganun, dinurog nito ang enemies hindi sa sarili nilang base crystal kundi sa sarili nilang spawn point.

Sobrang na-amaze si Coach Dang, wala pa siyang nakikitang streamer na ganun ka fierce maglaro, bukod sa role nitong mid lane ginampanan narin nito ang pagiging jungler dahil nananakop ito ng jungle. Gamay na gamay 'din nitong mang-tower dive dahil kahit na mag-retreat ang enemies sa tower nagagawa parin nitong patayin, para bang walang defensive tower ang kabilang side.

Ano pang purpose ng tower kung mapapatay parin sila? May halaga pa ba ang defensive tower? Yung base crystal? Yung spawn point? Kahit na mag-retreat sila sa base at spawn point mapapatay parin sila. Pwede dalawa nalang yung spawn point?

Sa kabilang banda, ini-click ni Just ang mouse para i-paused ang video.

"Tama ka nga, wala kaming tacit understanding. Kung isa ako sa teammates niya hindi ganito ang outcome." Ani Just.

Hindi naman nagsalita si Coach Dang, kahit siya ay nag-alanganin 'ding i-recruit ang mid laner na 'to dahil ibang iba ang mindset nito sa kanilang Team, kung babaguhin pa nila ang playing style siguradong mahihirapan na silang makasabay sa isa't isa. Pero ni-recommend iyon ni Mrs. Sojurn na siyang may-ari ng club, hindi naman afford ni Coach Dang ang ma-offend ito kaya nag-isip siya ng paraan para kumbinsihin si Just.

"Ahem...malayo pa naman ang pre-season kaya may oras pa para magkaroon kayo ng tacit understanding. No pressure okay?" Ani Coach Dang.

"Mn." Tugon ni Just at humarap kay Coach Dang. "Pwede mo bang i-send sa akin ang livestream account niya?"

"Hinahanap pa ng team ang kanyang account, i-sesend ko sa'yo kapag may update na." Tugon ni Coach Dang habang kumakain ng tinapay. "Siya nga pala, 'yung Kupal Ka Ba Boss na naging teammate mo sa rank, nahanap ng team ang livestream account niya pero hindi siya ang tunay na user. Isa siyang Indonesian streamer na newcomer at hindi Pilipino." Saad ni Coach Dang. "Alam mo 'nung nakita ko ang livestream account niya nagulat ako, ito 'yung hinahanap mong passerby na gumamit ng Shangguan hindi ba? Kaya pina-contact ko kaagad sa team itong streamer para itanong kung interesado siyang maglaro professionally, hulaan mo kung ano ang sinabi ng Indonesian streamer.." Ani Coach Dang.

"Dunno." Sagot ni Just.

"Ang sabi niya wala siyang balak maglaro sa professional arena at 'yung tungkol sa kumakalat na gameplay, hindi 'raw siya 'yun dahil binili niya lang 'raw sa isang streamer ang account niya." Pasama ng pasama ang ekspresyon ni Coach Dang habang sinasabi iyon. "Alam mo ba 'yung pakiramdam na may hawak ka ng ginto pero sa huli mo na nalaman na peke pala? Hayyaaa... sobrang nakakainis. Bakit ang dami ng players ngayon ang nagpapabenta ng account, sa loob ng ilang linggo maraming nahanap na streamer ang team natin pero sa tuwing kino-contact sila ng team natin iisa lang ang sagot nila, sinasabi nilang hindi sila magaling at 'yung account na gamit nila ay binili lang nila sa streamer. " Ani Coach Dang at napailing.

Si Just naman sa kanila banda ay natahimik lang.

Beep!

Dinukot ni Coach Dang ang kanyang cellphone at lumabas ng training room para sagutin ang tawag. Nang bumalik na si Coach Dang nagpaalam ito kay Just dahil may kailangan itong pupuntahan, binigyan naman siya ni Just ng maliit na tango.

Nang umalis na si Coach Dang, sumandal si Just sa kanyang gaming chair at ini-click uli ang video para panoorin ang gameplay, ibinalik niya iyon sa part na nag-tower dive ito at makuha ang double kill. Dinukot ni Just ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang hoodie at hinanap ang di-nownload niyang gameplay na isi-nend ni Linus sa kanilang group chat.

Nang makita niya iyon, ini-start niya ang video at pinagkumpara ang gameplay ng dalawa. Ang user na dumurog kay Captain Sin at Linus ay si Let's See What You've Got na gumamit ng Shangguan, samantala itong si Full Health Nanaman Si Kupal ay gumamit ng Yuhuan. Bagaman magkaiba ang skills ng dalawang hero dahil assassin-type mage si Shangguan na malakas ang mobility samantala si Yuhuan naman ay pwede pang mid at jungling pero wala itong mobility at nagrerely lang sa kanyang immunity para makatakas, ngunit mapapansin na may pagkakapareho ang gameplay ng dalawang user. Lalo na sa part na mahilig silang mag-tower dive, napaka-smooth.

Hindi maintindihan ni Just pero nakakaramdam siya ng familiarity. Idagdag pa ang gameplay na isi-nend ni Captain Shadow na Xiao Qiao user, napansin ni Just na may pagkakapareho ang tatlong user.

Sa hindi malamang kadahilanan napatitig siya sa streamer. Kahit ang streamer pamilyar 'din sa kanya.

Binuksan ni Just ang kanyang cellphone at hinanap ang number ng mama niya. Ilang segundo lang ang makalipas nang sagutin nito ang tawag.

"Saan mo nakuha 'yung gameplay?" Malamig at straight to the point na tanong ni Just.

"Streaming platform." Mas malamig na tugon ni Mrs. Sojurn.

"Send me the link."

"No."

Kumunot ang noo ni Just.

"Unless...umuwi ka rito sa bahay." Dagdag ng mama niya.

Walang gana namang sumandal si Just sa kanyang upuan. Kaya pa tinanggal nito ang watermark ng streaming platform para hindi niya makita at mapilitang sundin ang gusto ng mama niya.

"Hindi ka umuwi nung pasko, hindi ka umuwi nung New Year, anong ginagawa mo d'yan sa base? Baka naman nagdadala kana ng mga lalaki d'yan?"

"........." Na-speechless ni Just.

What?

Bakit naman siya magdadala ng mga lalaki sa base? Kahit kailan hindi niya maintindihan kung anong pumapasok sa isip ng mama niya. Kaya ayaw niyang umuwi sa bahay nila dahil lagi siya nitong binibintangan.

Nakarinig naman siya ng mahinang tawa sa kabilang linya at kung hindi siya nagkakamali boses iyon ng papa niya.

Hindi naman pinansin ni Just ang sinabi ng mama niya at sinabi lang ang kanyang sad'ya. Sinabi naman ng mama niya na i-sesend lang nito ang link kapag umuwi siya ng bahay, kilala ni Just ang mama niya at kapag sinabi nito gagawin talaga nito, isa sa mga dahilan kung bakit takot na takot si Coach Dang. Dahil sa pagiging seryuso at cold nito. Bagaman, jokes ang mga lumalabas sa bibig nito pero nananatili paring cold ang kanyang ekspresyon. Dahilan para hindi mo alam kung matatawa ka ba o hindi.

"Fine. Uuwi ako bukas." Walang choice na sagot ni Just at pinatay ang tawag. Ini-off niya 'rin ang computer at lumabas ng training room. Umakyat siya sa second floor para mag-impake.

_

Hapon na nang magising si Jacian.

Maraming nakipag-1v1 sa kanya sa puntong inabot na sila ng sikat ng araw, 6 a.m na siya nakatulog at kagigising niya lang, nararamdam pa ni Jacian ang pag-ikot ng paligid at pagbigat ng kanyang talukap dahil sa antok. Natulog pa siya ng 30 minutes bago tuluyang bumangon.

Saktong pagtayo niya sa kama nang umilaw ang cellphone niya na nakalapag sa gilid ng keyboard. Sinagot niya iyon nang makita niyang tumatawag si Chase.

"Jacian."

"Bakit?" Tanong ni Jacian habang minamasahe ang kanyang sentido. Paos pa ang boses niya at halos wala ng boses ang huling syllable.

"Kagigising mo lang?"

"Mn."

"May gagawin ka?" Tanong ni Chase sa kabilang linya.

Kahit na hindi naman nakikita ay bahagyang umiling si Jacian. "Wala naman." Sagot niya. Wala 'rin naman siyang ka-douque dahil out of country si XiaoWang hanggang 3 weeks, doon naman sa mga nagyayaya ng solo kayang kaya niya namang tapusin iyon ng 4 hours.

"May kailan ka?" Tanong niya kay Chase.

"Punta ka dito sa bahay, may handaan dito nag-cecelebrate kami ng championship at alis namin bukas para sa Asian tour." Saad ni Chase sa kabilang linya. Medyo maingay na sa bahay nila dahil marami siyang naririnig na boses at background music.

Dahil Team GG ang nanalo sa MLBB world championship ngayong season, bukod sa mga prizes meron 'din silang Asian tour.

Kung pupunta si Jacian sa bahay nila Chase ngayon para maki-celebrate ng championship hindi kaya siya batikosin ng mga teammates at coach nito? Ang Team GG ang isa 'rin sa nakatanggap ng trash talk niya, hindi naman lahat dahil hindi niya naman na-trash talk si Chase pero 'yung apat niyang teammates, na-trash talk niya iyon sa puntong hindi na gumamit ng Angela ang kanilang support, hindi na gumamit ng Fanny ang kanilang jungler, kinalimutan na ng exp laner si Zilong at hindi na nag Layla ang kanilang marksman. Si Chase lang ang hindi niya na-trash talk dahil bukod sa magaling ito, si Chase 'din ang dahilan kung bakit siya nakilala sa MPL-PH.

Ngayong nanalo uli ang kanilang Team sa world championship, siguradong siya ang makakatanggap ng trash talk.

"Pwede ba akong pumunta d'yan? Hindi niyo naman ako teammates, hindi maganda tingnan kung may nakahalong anti-fan."

Dahil sa sinabi ni Jacian nagpakawala si Chase ng maiksing tawa.

"Okay lang, nandito 'rin naman si Commentator Zia at Commentator Waver, humingi narin ako ng permission sa coach at teammates kung pwede akong mag-invite ng kaibigan. Nag-agree naman sila." Saad ni Chase.

"Sinabi mo bang kaibigan? Bakit hindi mo sinabi na mag-iinvite ka ng trash talker tingnan natin kung mag-agree sila." Ani Jacian at pumunta sa lababo para maghimalos, ipinatong niya lang ang kanyang cellphone sa cabinet at ini-on ang speaker.

"Hindi naman 'yung coach ang gumastos ng celebration na 'to, sarili kong pera ang ginastos dito kaya nga dito sa bahay ang celebration." Saad ni Chase. "Ready ka na ba? Susunduin kita d'yan."

"Wag na, kaya ko naman magtaxi." Ani Jacian habang naghahanap ng masusuot kahit na wala naman talaga siyang masuot.

"Mag-aabang ka? It's either mag-aabang ka or ikaw ang inabagan. Alam mo bang may grupo ng mga tambay sa labas ng arena nung time na pabalik na kami matapos ka naming ihatid? Tinatanong nila sa mga audience na lumalabas sa stadium kung may nakita silang lalaki na kulay pink ang buhok. Kung hindi kita tinext na dumaan sa backdoor baka nasundan ka na nung mga tambay na 'yun." Paliwanag ni Chase.

Hindi naman alam ni Jacian na may mga nag-aabang pala sa kanya nung time na 'yun, ang alam niya lang kahit anong oras pwede siyang mabugbog pero kung may mga taong nag-aabang talaga sa kanya, hindi niya naman naisip 'yun.

Tinanggihan niya si Chase na sunduin siya kaya hindi narin ito nagpumilit. Matapos ang isang oras na byahe papunta sa bahay nila Chase, narating na ni Jacian ang malaking gate, nag-doorbell siya at agad naman itong binuksan ng katulong.

Pagpasok ni Jacian sinalubong siya ni Chase at nagbanggaan sila ng balikat. 4 p.m na nang makarating si Jacian at pagpasok nila sa loob naroon na ang mga teammates ni Chase kasama ang coach pati narin si Commentator Zia at Waver.

"Oh? Boss?" Gulat na saad ni Commentator Zia.

Dahil sa sinabi nito lahat sila ay napatingin sa pinto, sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Boss? Marinig palang palang nila ang salitang 'Boss' parang gusto na nilang mag-run.

Nang makalapit si Jacian sa mesa nakipagkamay siya kay Commentator Zia at nakipag-fist bump naman kay Commentator Waver.

Kahit si Commentator Waver ay nabigla 'din ng makita siya. "Lumabas ka ngayon ah." Nakangiting ani Commentator Waver. Matangkad ito, payat at maitsura, magaling 'din ito manamit kaya karamihan sa mga babaeng audience pumupunta lang sa ML tournament para makita si Commentator Waver. Marami 'rin silang shipper ni Commentator Zia dahil pareho silang veteran at laging partner sa commenting.

Magkakakilala sila at alam 'din nilang hindi lumalabas si Boss ng boarding house dahil bukod sa tamad itong lumabas lagi 'rin itong inaabangan ng mga tambay.

Samantala na-stunned ang teammates ni Chase nang makita siya na animo'y nagamitan ng CC.

"..............." Lahat sila ay may iisang Tanong sa isipan. Bakit nandito 'yan? Pagkatapos naalala nilang kaibigan nga pala ng kanilang captain.

"Boss, umupo ka rito." Saad ng coach ng GG at tinapik ang bakenteng upuan sa tabi ng GG support.

GG support. "..............."

Siya ang nakatanggap ng maraming trash talk ni Boss tapos ngayong nandito sila para i-celebrate ang championship pinatabi pa sa kanya?! Siguradong mawawalan na siya ng gana kumain.

Tumango naman si Jacian at umikot sa mesa. Samantala nakasunod ang tingin ng GG support hanggang sa umupo siya sa tabi nito. Si Jacian naman sa kabilang banda hindi niya napansin ang tingin ng kanyang katabi at umupo lang doon na animo'y wala siyang na-provoke na tao sa paligid.

Makalipas ang ilang sandali inilapag na ni Chase at nung mama nito sa mesa ang malaking cake na maraming cherry sa ibabaw. Hindi naman kumakain ng cake si Jacian dahil hindi siya mahilig sa mga matatamis ngunit natigilan siya nang lagyan ni Chase ang plato niya ng malaking hiwa.

Hindi niya mapigilan ang hindi ito tinangalain. "Ang laki naman hindi ko 'to maubos." Problemadong sambit niya.

Tinawanan naman siya ni Chase at sinabi nitong iuwi niya at ibigay kay Spree. Ibibigay na sana ni Jacian ang cake kay Chase para ito ang kumain ngunit nahinto sa ere ang kamay niyang may hawak na platito nang magsalita ang katabi niya.

"Kumain ng marami para lumaki." Biglang sambit ng GG support.

Hindi nakatakas sa tenga ni Jacian ang sinabi nito kahit na mahina lang kaya hindi niya maiwasan ang hindi gumanti. "Kumain ng marami para lumakas."

GG support, ".........."

Napaubo naman si Chase nang pigilan niya ang kanyang tawa.

Inis naman na inilapag nung support ang kutsilyo na pinanghihiwa niya sa karne, kung hindi lang iyon ginamit nung jungler nila baka naitarak niya na iyon sa dibdib ni Boss.

"Tina-trash talk mo ba ako?" Hindi mapigilang tanong ng kanilang support.

Tiningnan naman siya ni Jacian.

"Trash talk 'yun? Kinakausap ba kita?"

GG support, "..........."