Alas tres na pero makikitang buhay na buhay parin ang mga viewers ni Jacian, hindi mawalan ng 'haha' ang scrolling comment dahil sa pang-tatrash talk niya.
Sobrang lakas kasi ng nakalaban ni Jacian at literal na pinagtulungan siyang patayin ng dalawang enemies. Lagi tuloy siyang nasa seclusion.
Hindi maiwasan ng mga viewers ang hindi mapamura nang mag-push ang enemies sa mid lane matapos patayin si Boss gamit ang hero nitong si Zhou Yu.
[Shit! Ang lakas ng enemy mage!]
[Ano pa nga bang aasahan sa mga Chinese players, ang hirap ngang magparank d'yan eh. Gold rank palang kala mo Diamond na.]
[Syempre 2015 pa sa kanila 'yan eh.]
[Ako na binuhat hanggang master rank.😍😍😍]
[May ka-douque?]
[May boyfriend akong Chinese na magaling mangbuhat. 😍😍]
Saktong pagtingin ni Jacian sa scrolling comment nang mabasa niya ang linya na 'yun.
"Ay sana all." Nakangiting aniya habang hinihintay ang death recap.
Napuno naman ng 'HAHA' ang comment section.
[Si Boss na 35 seconds pa ang death recap.]
Nasapo ni Jacian ang kanyang noo. "Grabe ka naman te, pinapainggit mo naman kami."
[HAHAHA!]
Makalipas ang dalawang segundo nang may ma-realize siya.
"Wait, pero bakit master rank lang?" Tanong niya.
[............]
[May gagawin pa 'raw eh.]
"May binubuhat 'yan na iba."
[Pinapa-overthink mo ba ako Boss?]
"Baka naman pagnakatungtong kana sa Grandmaster iwan mo na yan ha? Pwede saulian?"
[Hell no! Mas loyal pa ako sa loyal.]
"Sabihin mo dalawa tayo." Dagdag pa ni Jacian.
Makalipas ang ilang sandali nang tuluyan na siyang ma-piss off.
"Ang hirap talaga magparank dito, feeling ko talaga hindi mga Chinese 'tong teammates ko naka-connect lang 'yung account sa WeChat at QQ." Reklamo ni Jacian na tinawanan lang ng mga viewers. Kanina pa kasi siya durog, ang lalakas ng mga hero ng enemies at karamihan ay malakas ang healing, ginamit ba naman si Augran sa clash lane, si Jing sa jungling, si Yuhuan sa mid lane Dyadia sa support at Arli sa marksman, meron silang apat na healers! Paano nila lalabanan yun? Hindi pa makapag-command si Boss dahil hindi naman sila nagkakaintindihan.
Inabot ng 45 minutes ang huling match ni Jacian dahilan para abutin sila ng alas kwatro. Pati ang mga viewers ay hindi na nakaramdam ng antok dahil sa pang-tatrash talk ni Boss.
Sa huling match ay natalo siya, tuluyan na siyang na-piss off at nagpaalam na sa mga viewers.
Natulog si Jacian ng 5 a.m at nagising siya ng 1 p.m, dahil mag-doudouque sila ni XiaoWang ng 2 p.m naligo na si Jacian at umupo sa kanyang gaming chair.
Mabuti nalang at niyaya siya ni XiaoWang mag-douque sa international server kaya sobrang smooth ng bawat match nila. Wala man lang pawis ang bawat match hanggang sa maka 10 games sila.
Pagdating ng 10 p.m nagpaalam si XiaoWang dahilan para si Jacian nanaman ang mag-isang magparank, ni-log in niya ang kanyang account sa Chinese server para bawiin ang natanggal na star.
Kinabukasan, ganun uli ang naging schedule ni Jacian nagdoudouque sila ni XiaoWang ng 2 p.m hanggang 10 p.m at pagdating ng 10 mag-isa siyang nagpaparank-up hanggang madaling araw, nagigising naman siya ng 1:00 at nakikipag-douque kay XiaoWang ng 2:00.
Sa loob ng isang linggo wala siyang ibang ginawa kundi ang makipag-douque kay XiaoWang.
Mabilis na lumipas ang araw at hindi nila namalayang natapos nila ni XiaoWang ang 525 games. Pareho 'ring Grandmaster ang kanilang account na merong 62 stars.
Nang magising si Jacian saktong umilaw ang cellphone niya at ang message ni XiaoWang ay naka-display sa lockscreen.
[小王: Hindi ako makakapag-online simula ngayon hanggang 3 weeks. I'm out of country. See you next month.]
Nang mabasa niya ang message nito, tiningnan ni Jacian ang oras at nakita niyang 1 p.m palang, hindi na nag-abala pang mag-reply si Jacian at nag-react lang sa message nito bago ipinatong sa mesa ang cellphone. Dahil hindi sila makakapag-douque mamayang 2 p.m natulog nalang si Jacian hanggang sa hindi na siya makaramdam ng antok.
_
FTT base.
Alas nuebe na ng umaga at kasalukuyan nang tumatama ang sikat ng araw sa bintana ng training room.
Naka-upo si Just sa gaming chair habang nakatingin sa naka-off na computer. Nang i-on niya iyon sakto namang bumukas ang pinto at pumasok si Coach Dang kasama ang kanilang lead coordinator na si Lacey.
"Good morning Captain Just!" Bati ni Lacey na siyang may dalang paper bag na may lamang pandesal.
"...morning."
Ipinatong ni Lacey ang paper bag sa mesa, si Coach Dang naman ay dumeritso sa water dispenser para kumuha ng tubig.
"Mabuti naman gising kana." Ani Coach Dang, naglakad ito palapit kay Just habang hawak ang isang basong tubig at ipinatong sa mesa ang flash drive.
"Magkwentuhan muna kayong dalawa pupunta lang ako sa second floor para linisin ang kwarto ni Savage." Ani Lacey.
Tiningnan siya ni Coach Dang. "May kukuha na ba sa mga gamit niya? Ilang linggo narin ang makalipas simula nang i-announce ng Invitational Committee ang issue niya, how come hindi pa siya bumabalik sa base para kunin ang mga gamit niya." Saad ni Coach Dang at lumagok sa hawak niyang baso.
"Hindi ko alam, baka hindi pa siya handang harapin ang mga teammates niya. Alam niya namang susuntukin siya ni Lucky kapag bumalik siya rito." Natatawang ani Lacey.
"Tawagan mo siya, sabihin mo kunin niya na ang mga gamit niya rito. Wala tayong kwarto para imbakan ng mga gamit. Isa pa, magkakaroon na tayo ng bagong mid laner hindi maganda kung nand'yan pa ang mga gamit niya." Ani Coach Dang at inilapag sa mesa ang paper cup. Hindi niya napansin ang tingin ni Just nang banggitin niya ang bagong mid laner.
"Okay." Tuluyan nang lumabas ng training room si Lacey para gawin ang kailangan niyang gawin.
Sobrang init ng issue ni Savage nakaraan dahil bukod sa playoffs wala ng ibang issue na pag-chichismisan ang mga netizens, dahilan para hindi ito makabalik sa base kaya hanggang ngayon ay hindi parin nito nakukuha ang mga gamit.
Nang matapos magpalitan ng salita si Coach Dang at ang kanilang lead coordinator, saka lang nagsalita si Just.
"May nahanap ka?" Tanong ni Just, walang bahid ng kuryusidad ang kanyang ekspresyon at tono pero alam ni Coach Dang na hindi na ito makapaghintay.
Inubos muna ni Coach Dang ang laman ng baso bago niya sinagot si Just. "Mama mo ang nag-recommend."
Kumunot ang noo ni Justin. Kahit si Coach Dang sa sarili niya hindi 'rin makapaniwala sa kanyang sinabi.
"Hindi ka makapaniwala diba? Ako 'rin, hindi 'rin ako makapaniwala halos mamatay nga ako sa takot nang mag-send siya sa akin ng gameplay."
Ang mama ni Just ang may-ari ng kanilang club nang bilhin niya iyon nung mag-retired si Coach Dang. Matagal na silang magkakilala ni Coach Dang o sa madaling salita matagal na silang magkaibigan dahil magkasama sila sa Youth training camp. Pero kahit magkaibigan sila, hindi parin nawawala ang takot ni Coach Dang sa mama niya.
"Sabi ng mama mo itong mid laner na ang suitable para sa Team natin at gusto niyang makipag-cooperate ka sa kanya, or else..."
"Or else what?" Tanong ni Just.
"Mag-retired ka na 'raw." Ani Coach Dang na ikina-tsk naman ni Just. Hindi 'rin naman sineryuso ni Coach Dang ang sinabi ng mama ni Just dahil alam niyang support nito si Just sa pagiging player, ang gusto lang nito ay makipag-cooperate si Justin sa ni-recommend nitong mid laner. "Kumain ka na ba?" Tanong ni Coach Dang at dumukot sa paper bag pagkatapos ay inilapit niya iyon kay Just.
Umiling lang si Just bago dinampot ang flash drive sa mesa at sinaksak.
"Napanood mo na ba?" Tanong niya at sumandal sa gaming chair habang hinahanap ang file.
Ilang segundo bago sumagot si Coach Dang ng nag-aalanganin na.. "..mm."
"?" Nilinga siya ni Just nang may question mark sa mukha.
Inilapag ni Coach Dang ang kalahating pandesal sa paper bag bago sinagot si Just. "Kung makikipag-cooperate ka sa kanya, ang masasabi ko lang ay zero tacit understanding."
"....."
"Pero gusto ng mama mo na makipag-cooperate ka sa kanya." Ani Coach Dang at ipinagpatuloy ang kinakaing pandesal. "Huwag kang mag-alala, madali lang naman matutunan ang tacit understanding ang problema lang dito ay kung paano macocontact itong streamer." Bahagya pang tinapik ni Coach Dang ang balikat ni Just para iparating na wag siyang mag-alala kahit na hindi naman talaga nag-aalala si Just. "Hindi ko alam kung saan nakuha ng mama mo itong streamer pero ni-research ko na siya sa mga streaming platform pero wala namang lumalabas."
"Hindi mo tinanong sa kanya?"
Hindi siya makapaniwalang tiningnan ni Coach Dang. "Ako ang coach dito at trabaho ko ang mag-recruit ng player, kung hindi ko mahahanap ang streamer na ni-recommend ng mama mo ano pang-ambag ko sa club?"
"Gumawa ng line-up." Ani Just habang nakatingin sa screen.
"......" Bumuntong hininga si Coach Dang. "Mama mo 'yung may-ari ng club pero siya pa ang naghahanap ng player para sa team natin. Pakiramdam ko wala akong kwentang coach, ano kaya kung mag-retired nalang ako?"
Tumango si Justin. "Pwede mong gawin kapag nag-retired na ako."
Iniikot ni Coach Dang ang kanyang mga mata.
Itinuon na ni Just ang kanyang atensyon sa computer at pinindot ang video para panoorin ang gameplay.
Nang mag-start ang video, naihatid na kaagad ang mga hero sa spawn point, halatang ini-cut iyon ng nag-edit dahil pati ang watermark ng streaming platform ay natanggal 'din.
Naagaw ang atensyon ni Just sa lower left kung saan makikitang naka-upo ang streamer.
Nakaharap ito sa screen habang ginagalaw-galaw ang mouse. Maputi ang streamer at makinis ang balat nito, bilogan ang kanyang mga mata, matangos ang kanyang ilong at maputla ang kanyang labi, sa ibaba ng maputla niyang labi meron 'doong maliit na nunal ngunit tama lang na makita sa camera, bumagay 'din sa kanya ang kulay pink niyang buhok na animo'y natural. Sobrang putla ng kanyang balat sa puntong mapapatanong ka kung anong oras siya natutulog o kung kumakain ba siya ng gulay, para bang kahit anong oras ay mahihimatay siya.
Sa isang tingin palang ay masasabing nasa 16 or 17 years old palang ang streamer.
Nang makita ni Just ang mukha nito hindi niya maiwasan ang hindi mapatitig, pakiramdam niya ay nakita niya na ito sa kung saan pero hindi niya maalala. Yung kulay pink na buhok, pamilyar iyon sa kanya.
Habang nanonood si Coach Dang nagulat siya nang magsalita si Just.
"Siya?" Tanong ni Just at inilipat ang tingin kay Coach Dang.
Napakurap naman si Coach Dang. "Bakit? Kilala mo ba?" Tuluyan nang inilapag ni Coach Dang ang tinapay para silipin ang streamer.
Ang display name ng streamer sa game ay Full Health Nanaman Si Kupal, wala pang naririnig si Coach Dang tungkol sa streamer na 'to kaya nagtataka siya kung bakit ganun ang reaksyon ni Justin.
Umiling si Just. "Pamilyar siya hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita."
"Baka naman nagkakamali ka? Tingnan mo nga ang balat niya kung gaano ka puti, sa balat palang malalaman mo na kaagad na hindi siya lumalabas ng bahay."
Nakakunot-noo si Just habang nakatingin sa mukha ng streamer, hindi talaga siya pwedeng magkamali nakita niya na ang streamer na 'to pero hindi niya maalala kung saan.
Makalipas ang ilang sandali nang babaan ni Coach Dang ang volume. Nagtataka siyang nilinga ni Just.
Tumikhim si Coach Dang."Hindi mo na kailangang marinig ang mga sinasabi niya, nang-po-provoke lang siya ng mga players."
"Mn."
Makalipas ang 4 minutes nang mag-spawned ang overlord at tyrant, nagkaroon ng teamfight sa overlord. Ang gamit ng streamer ay si Yuhuan sa mid lane, gamit ang immunity nag-tower dive siya para hindi ma-attack ng tower at ginamit ang crown control, naabot niya ang dalawang enemies na nagtangkang tumakas at nakuha ang pentakill!
Nang ma-wipe out ang kabilang side nap-woah si Coach Dang.
Dahil 4 minutes palang ang match at na-wipe out na kaagad ang kabilang side, ginamit ng streamer ang time na 'yun para kumuha ng resources sa enemy jungle.
Naka-recover naman ang kabilang side matapos ma-wipe out at nagawang maka-triple kill sa late game.
Just, "."
Coach Dang, "Ahhhhhh!. oh no oh no oh no!"
Dahil na-slain ang tatlong teammates, bahagyang nag-retreat ang support dahilan para si Full Health Nanaman Si Kupal ang mapunta sa unahan. Malakas naman ang crowd control ni Yuhuan kaya kahit sa unahan kayang kaya niyang protektahan ang kanyang sarili.
Nang mag-charge si Yuhuan, na-shock si Coach Dang.
Ginamit nung streamer ang immunity ni Yuhuan at pumasok sa enemy's Crystal para habulin ang enemies hanggang spawn point! Ginamit niya ang crowd control at ang dalawang enemies na kakaapak palang sa spawn point para magpa-full health ay biglang naging corpse! Sa mismong spawn point!
"Fuck!..." Ani Coach Dang at hinimas ang mga balahibo niyang nagtayuan.
"So fierce." Ani Just.
Tiningnan niya ang streamer sa lower left at nakita niyang hindi naman nagbago ang reaksyon nito, gumalaw lang ang kanyang bibig para magsalita pero hindi nila narinig dahil binabaan ni Coach Dang ang volume.