Chapter 30: Lane-pushing maniac?

[Daji? Hindi ko pa nasusubukan 'tong hero na 'to. Bago lang ako sa HoK eh.]

[Grabe Boss, traumatize ako kay Daji sa mid lane. Sobrang hirap i-counter.]

[Takti nga, simula nang may nakalaban akong Daji sa mid lane lumipat na ako sa clash lane. Ayoko na talaga makasalamuha 'yang hero na 'yan.]

[Mas masakit parin 'yung Daji tapos Chinese 'yung user.]

[True!]

[+1]

[+2]

Kakasimula palang ng match pero 'yung mga viewers na 'yung naaawa para sa enemy mid lane, hindi naman mahina ang hero nito pero sa tuwing makikita talaga nila si Daji sa mid lane parang gusto nalang nila mag-exit sa match, not to mention na si Boss pa ang may hawak ng Daji.

RIP talaga sa enemy mid laner magbabagong taon siyang may sama ng loob.

Makalipas ang ilang sandali...

[Shit! Wala na!]

[Sabi na nga ba eh, basta Daji talaga wala ka ng kawala!]

[Grabe talaga 'yung damage ni Daji nakakaiyak.]

[Itong puso lang talaga 'yung pinaka-ayaw ko.]

[Tao d'yan sa taas, payag ka hinahabol ka ng mga puso pero skill ni Daji?]

[The hell!]

[Ito ba 'yung sinasabi nilang kapag tinamaan ka huminhinto ang mundo mo? Mukhang naniniwala na ako doon mga lods.]

Ang second skill ni Daji ay magtatapon siya ng puso sa enemy at kapag natamaan ka ng puso literal na hihinto ang mundo mo at pwede ka pang kumuha ng meryenda dahil sa tagal.

Bukod sa hihinto ang hero mo hindi mo 'rin magagamit ang mga skills, wala kang choice kundi ang pagtiiman ng bagang at hintayin nalang ang death recap.

Katulad nalang ngayon, ilang beses nang napatay ni Boss ang enemy mid laner sa puntong hindi na nito napigilan ang mag-chat sa panel.

[All]--------(Milady)Are you still a f*cking human?!

Chat ng enemy mid laner. Halatang para kay Jacian ang trash talk na 'yun dahil 6 times niya na itong napapatay at meron narin siyang 10 solo kill zero death at 4 assist, ang apat pa na solo kill niya ay 'yung enemy jungler na sinubukan siyang i-gank pero ginamit niya ang flash at binato ito ng puso kaya imbes na siya ang ma-slain, ito ang na-slain.

"May nagalit." Natatawang ani XiaoWang mula sa headphones, ini-on naman ni Jacian ang in-game mic para sumagot.

"Stress na siya." Sagot naman ni Jacian.

Viewers: [............?]

At sinong hindi mai-stress kung namatay ka ng 6 times sa iisang lane?! Baka nga kahit isang beses lang sila mapatay ni Daji mapapamura na sila sa inis!

[Shit! Kapag nagparank talaga ako i-babanned ko na si Daji!]

[Huwag talaga kakalimutang i-banned si Daji kung mid lane ang posisyon. Mahirap tamaan ng puso sinasabi ko sa inyo.]

Matapos pabagsakin ni Jacian ang isang turret sa mid lane pumunta siya sa farm lane para mang-ambush. Nag-double Q sila ni XiaoWang gamit ang hero nitong si Erin, dahil marksman ang gamit ni XiaoWang mabilis nilang napabagsak ang turrets ng kabilang side.

Habang abala si XiaoWang magpabagsak ng tower, ina-ambush naman ni Jacian ang mga enemies dahilan para hindi maka-gank ang enemy jungler.

Sa loob ng 16 minutes nagawa nilang tapusin ang laban.

[Sheesh, ako 'yung na stress.]

[Hayy, auto ban na talaga si Daji kapag naging mid lane ako.]

[+1]

[+2]

Pinindot ni Jacian ang continue para makita ang results, dahil meron siyang K/D/A na 16-0-8 at rating na 16.0 walang duda na siya ang MVP.

"Haha, nakaka-stress naman 'yung Daji mo." Saad ni XiaoWang sa kabilang linya.

Hindi naman sumagot si Jacian at nagpakawala lang ng awkward na tawa.

Lahat naman yata ng hero nakaka-stress kapag si Boss ang humawak. Kahit nung nasa MLBB pa siya puro reklamo ang naririnig niya dahil sa nakakapikon niyang playing style, wala namang rules na bawal gumamit ng flameshot kapag tumatakbo ang enemy na wala ng HP hindi ba? Wala 'ring rules na bawal gamitin ang regen at balikan ang mga nauto na kalaban, mas lalo namang walang rules na hindi pwede mag-tower dive si Fanny at habulin ang enemies hanggang base.

Wala namang ganung klaseng rules so bakit sila napipikon sa playing style niya? Ganun naman talaga dapat ang gagawin niya, alangan namang hindi niya gamitin ang flameshot kung may flameshot pa siya, alangan naman hindi niya gamitin ang regen? Alangan naman hindi niya habulin ang mga enemies?

Only idiot ang hindi gagawa 'nun.

Matapos ang match nila niyaya siya ni XiaoWang sa Chinese server para maglaro ng 10v10.

Ni-log-in naman ni Jacian ang kanyang account na I Am Your Boss na nakapinyin at tinanggap ang invitation ni XiaoWang.

[Hala? May 10v10 sa HoK?]

[OMG!]

[Global po ba 'to?]

[Sa Chinese server palang te.]

Sumandal si Jacian sa gaming chair habang hinihintay na pumili ang iba nilang kasama.

[Hala ang saya niyan!]

[Ganda d'yan makipag-bardagulan.]

[Gusto ko 'rin sana ng 10v10 pero ang hirap mag-log in sa QQ.]

[Shit! Hindi ako makagamit ng VPN! Boss, pano ba pumasok sa Chinese server?! Gusto ko 'rin makipag-bardagulan d'yan.]

"Madali lang naman, mag-download ka ng WeChat pa scan mo 'yung QR code sa may WeChat tapos connect mo 'yung account mo, makakapasok ka na sa Chinese server." Ani Jacian habang nakasandal sa kanyang gaming chair.

[Wala nga akong kilala na may WeChat Boss. Yun 'din talaga 'yung pinaka-problema.]

Natawa si Jacian nang mabasa niya ang scrolling comment, iyon 'din noon ang problema niya hirap 'din siyang makapasok sa Chinese server dahil wala siyang kilala na may WeChat, pero buti nalang nakilala niya si Ziling at ito ang nag-scan ng QR code.

"Send mo sa akin ang QR code ako na ang mag-scan."

Yung nag-comment. "................" Na-shock siya, hindi niya akalain na si Boss mismo ang willing mag-scan ng code niya.

[Shit! Grabe Boss! THANK YOU!! Hulog ka talaga ng langit ikaw na ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko!!!]

[Na-scan lang ang QR code mo gumanyan kana.]

[Sana sa akin 'din, gusto ko 'rin maglaro ng 10v10~]

[Nagpapakabait nanaman ang trash streamer.] Comment ng anti-fan ni Boss.

[Pakitang tao para ma-sendan ng gifts! Laos na yan bro, 2029 na magbago kana.]

[Oh? 2029 na nantido parin 'yung trash streamer?]

Sa hindi inaasahan nag-ingay nanaman ang mga anti-fans ni Boss.

[Sino nanaman bang nagpapasok sa mga hayop na 'to? Diba nagsabi ang Apo ko noon na 'No pets allowed.']

[Grabe 2029 na may anti-fans parin.]

[Di ka ba makaparank-up kaya dito ka tumatambay?]

[Lagi siguro 'yan sila lose streak.]

[Huwag niyong paalisin nanonood 'yan sila ng tutorial.]

Nang matapos niyang i-scan ang code saktong natapos 'din ang countdown at inihatid na sila sa spawn point.

Hindi katulad sa 5v5 ang mapa na meron lang tatlong lane, apat na lane ang 10v10 map at may dalawang Clash laner, dalawang jungler, dalawang mage, dalawang marksman at dalawang support.

Ginamit ni Jacian si Heino para sa mid lane dahil kapag ganitong 10v10 sobrang tagal ng teamfight kaya suitable 'yung mga hero katulad nila Heino, Yuhuan, Jing, Ma Chao, at iba pang hero na malalakas ang healing at hindi mabilis mamatay. Ginamit naman si XiaoWang si Loong at focus lang ito sa pag-push ng turrets.

Dahil dalawa ang lane sa gitna, pumunta si Jacian sa mid lane kung saan malapit sa clash lane, nang marating niya ang pinakahuling tower sinalubong siya ng tatlong enemies! Hindi naman siya umatake sa kalaban at nag-fucos lang mag-clear ng minions para maka-level up, nang maabot niya ang level 4 at mag-karoon ng ult, umatake na siya sa kalaban at nagawang maka-triple kill.

Sa farm lane naman ay nagawang pabagsakin ni XiaoWang ang turrets. Bagaman naka-triple kill si Jacian naka-quadrakill naman ang enemy marksman na si Marco Polo.

Ang gold nila ay 12k samantalang 13k na sa kalaban, sa loob ng 4 minutes match na-slain ng kalaban ang Tyrant dahilan para mapag-iwanan sila sa ekonomiya. Namatay 'din si XiaoWang at ang isa nilang support kaya double kill ang enemy marksman na si Marco Polo.

"Boss, ang lakas ni Marco Polo." Natatawang saad ni XiaoWang.

"Legit na Chinese ang user niyan." Sagot naman ni Jacian na ikinatawa uli ni XiaoWang.

Hindi alam ni Jacian kung anong nangyari kay XiaoWang pero napansin niyang kanina pa ito tawa-tawa, sobrang saya siguro ng New Year nito kaya hindi nito mapigilan ang hindi magpakawala ng halakhak.

"Boss, patayin mo si Marco Polo tumatago siya 'dyan malapit sa overlord." Natatawang sagot nanaman ni XiaoWang.

Kumunot naman ang noo ni Jacian at ini-check ang mapa, nakita niyang lumabas si Marco Polo sa brush at pumunta sa kanilang jungle para nakawin ang azure golem.

Pupunta na sana si Jacian para mang-ambush pero nahinto ang paglalakad ng hero niya nang marinig ang warning ni XiaoWang.

"Don't! Nand'yan ang jungler nila ginagawa niya lang pain ang sarili niya." Biglang singit ni XiaoWang.

"Pano mo nalaman 'yan?" Tanong ni Jacian na kababalik lang sa sarili niyang lane para linisin ang minions.

"Actually, kaibigan ko 'yung gumagamit ng Marco Polo at yung dalawang jungler sa kabilang side." Matamang sagot ni XiaoWang at bahagyang tumawa.

Bahagya namang nagulat si Jacian. "What a coincidence." Namamanghang aniya. "Pero bakit hindi ka nila nakilala?"

"Ibang account ang gamit ko." Sagot ni XiaoWang.

"So alam mo ang playing style nila?" Tanong ni Jacian.

"Of course."

"Sabihin mo sakin patayin natin sila." Ani Jacian dahilan para matawa uli si XiaoWang.

"Haha sure."

Nang mag-respawn ang hero ni XiaoWang, gumala sila ni Jacian sa mapa para mang-ambush ng kaibigan ni XiaoWang.

Ang una nilang binalik sa base Crystal ay si Marco Polo, si XiaoWang ang nakakuha ng ulo nito habang si Jacian ang nag-aassist. Binalik din nila sa base ang dalawang enemy jungler na si Kaizer at Menki dahilan para makuha ng Team nila ang shadow overlord.

Sa loob ng 17 minutes, 4 times napatay ni XiaoWang ang enemy marksman na si Marco Polo at 6 times naman napatay ni Jacian ang dalawang jungler.

Nang mag-push na sila sa mid lane patungong high ground tower ng enemies, tumambak ang corpse sa daan sa puntong hindi na nila makita ang daraanan, kasama ang mga minions sabay nilang pinabagsak ni XiaoWang ang enemy's Crystal.

Ang salitang 'VICTORY' ay naka-flash sa screen ng computer ni Jacian.

Sa sumunod na match, ginamit ni Jacian si Yuhuan sa mid lane pero dahil banned si Loong no choice si XiaoWang kundi gamitin si Garo sa farm lane.

Halatang gamay na gamay ni XiaoWang gamitin ang marksman dahil early game palang ay napabagsak na nito ang unang turrets sa apat na lane. Dahil wala ng unang turrets ang kabilang side, mabilis na nakapag-push ang kanilang teammates.

Nang umabot sa 15 minutes ang match, napabagsak ni XiaoWang ang siyam na turrets dahilan para magkaroon sila ng malaking advantage, tagilid sila sa teamfight pero nand'yan naman si XiaoWang na magaling magpabagsak ng turrets.

Hindi siya sumasama sa teamfight pero nagpapabagsak naman siya ng turrets.

Bahagyang umangat ang kilay ni Jacian. "Lane-pushing maniac?" Dahil sa sinabi ni Jacian nagpakawala nanaman ng tawa si XiaoWang.

Umabot sa 20 minutes ang match nila at mga minions ang nagpapanalo. Magaling sa teamfight ang kabilang side pero hindi nila kayang i-lead ang kanilang minions patungo sa turrets, samantala mahina sa teamfight ang team ni Jacian at XiaoWang dahil may tatlong AFK na laging pinapataba ang enemy ngunit maraming turrets naman ang napabagsak ni XiaoWang kaya mabilis nakarating ang minions sa enemy Crystal.

Mabuti nalang at kaya ni Jacian patagalin ang laban at na-suppress niya ang tatlong enemies bago pa man makabalik ang mga ito sa Crystal.

Nang matapos ang isang match, nag-que pa sila ni XiaoWang sa 10v10 match, nanalo sila ng 7 times at natalo naman sila ng 2 times.

Natapos ang panibagong match at saktong 10 p.m na.

Nagpaalam naman si XiaoWang dahil may gagawin pa 'raw ito at sinabing mag-Q sila bukas ng 2 p.m, agad namang nag-agree si Jacian.

Nag-exit na sila sa game room.

[Kakatapos ko lang sa 10v10 guys! Ang ganda ng graphics bilisan niyo ng gumawa ng WeChat account para masubukan niyo!]

[Oh? Tapos na si Boss?]

Tinanggal ni Jacian ang kanyang headphones at inilapag sa mesa.

[Matutulog ka na Boss? Di nga?? Kailan ka pa naging early bird?]

[Hindi ka na maglalalive?]

[What?? Shit! Kakapasok ko pa nga lang!]

[Ako 'rin, ang tagal ko kasing nahanap ang livestream room na 'to kahit na ni-research ko na ang username ni Boss. Yun pala kailangan pa ng link para makapasok.]

[Yeah, banned kasi sa recommendations ang account ni Boss kaya kahit i-search mo hindi lalabas.]

[Pero matutulog na si Boss.]

"Anong matutulog? Walang matutulog!" Ani Jacian at ginulo ang kulay pink niyang buhok.

Napuno n 'HAHA' ang scrolling comment.

Nag-senyas naman si Jacian ng 'wait' para uminom ng tubig.

10 p.m palang at hindi pa siya nakakaramdam ng antok dahil madaling araw pa talaga ang tulog niya. Wala nga lang siyang ka-douque at medyo boring pero nagdesisyon parin siyang magparank.

Ini-adjust ni Jacian ang camera at sinuot uli ang headphones.

"Anong gusto niyo 5v5 or 10v10?"

[5v5 Boss!]

[5v5!]

Napatango-tango naman si Jacian.

Gamit ang account sa Chinese server nag-search match siya sa 5v5 mode.