Chapter 33: Galit

Matapos silang kumain at i-celebrate ang championship nagpaalam na ang dalawang commentators na umuwi bago pa sila tuluyang malasing, 'yung coach naman nila ay nakikipag-inuman sa kanilang exp laner at support na ngayon ay nakasalampak na sa sofa.

Kasama naman ni Jacian si Chase at 'yung jungler habang nakaupo sa carpet at kasalukuyang nagkukwentuhan.

"Bakit hindi kana naglalaro ng ML wala na tuloy akong ka-douque na Vexana user." Himutok nung jungler, sila ang madalas mag-douque ni Jacian pero dahil lumipat si Jacian wala na siyang ka-douque. "Sino pala ang hero mo ngayon sa mid lane?"

"Ginagamit ko si Shangguan."

Kumunot ang noo 'nung jungler. "Si Shangguan? Ito ba 'yung assassin mage na ginamit mo para durugin 'yung dalawang pro player ng HoK ph?"

Ang tinutukoy nito ay si Captain Sin at Linus ng Team TK.

Nagulat si Jacian. "Napanood mo?"

"Trending nakaraan sa Melon, hindi ka ba nag oonline? Sobrang init nito nakaraan siguradong marami ang pumunta sa livestream room mo para manood."

Hindi talaga nag-oonline si Jacian sa Melon app dahil nakakaramdam siya ng pagkabagot, hindi 'rin naman siya mahilig tumingin ng updates ng mga clubs at teams kaya wala 'ring dahilan para mag-online siya.

Trending nakaraan si Linus at ang Trash talker God na dumurog dito, ini-bash si Linus ng mga anti-fans at sinabihang 'noob' 'useless' 'weak' samantala ini-bash naman si Boss ng mga fans ng Team TK. Hindi naman ganun katagal ang trending dahil ilang oras lang ay napalitan 'din kaagad.

Kinuha naman ni Chase ang kanyang cellphone at binuksan ang Hi! Streaming platform para tingnan ang account ni Jacian.

Bahagyang nagulat si Chase. "Good news, meron ka ng 6M followers at top 5 sa pinakamaraming comments sa game category, nakalagay narin sa recommendation ang account mo." Ani Chase at iniharap kay Jacian.

Hindi na nagulat si Jacian, 5 hours lang naman ni-rerecommend ng platform ang kanyang account tapos i-babanned na kaagad.

Nag-scroll scroll pa si Chase sa kanyang cellphone. "May mga nag-message sa akin na anti-fans at hinihingi ang link ng livestream account mo pero hindi ko binigay dahil hindi ko nagustuhan ang approach nila, siguradong pupunta lang 'yun sa streaming room mo para mang-bash." Saad ni Chase at sumandal sa sofa.

"Lagi ng ni-rerecommend ang account mo ah, mukhang hindi na ganun karami ang nag-rereport sa'yo." Saad nung jungler habang kumakain ng chips.

Napakamot naman si Jacian sa kanyang kilay. "Hindi kasi ganun karami ang naglalaro ng HoK sa Pilipinas."

"Speaking of HoK, hindi nanaman nanalo ang Pilipinas, nasa KPL parin ngayon ang championship." Pagbibring-up nung jungler.

Sa katunayan, kanina pa sana gustong gusto umuwi ni Jacian pero hindi siya makaalis dahil sa tuwing magpapaalam siya may panibagong topic nanaman 'tong jungler, pagkatapos nitong maghanap ng topic pinapahaba naman ni Chase ang usapan, dahilan para hindi siya makauwi.

"Dalawang team ang nakapasok sa Global competition hindi ba? Team GOT-G at Team HUV, magaling ang dalawang team pero mabilis mag-collapse ang mental state nila kapag namatay ang kanilang core." Ani Chase at nagpalit ng posisyon ng upo.

Sobrang powerful ng KPL sa HoK at ang akala ng mga fans China vs China ang maglalaro sa Grand finals pero nagulat sila ng ma-i-eliminate ang Team WH at ang Team Chongqing Prince ang nanalo.

Napailing 'yung jungler. "Sobrang lakas ng Team CP, naka-apat na beses na silang nanalo."

Tumango si Jacian. "Mn. Malakas sila as Team at magaling sa teamfight at late game, pero kapag early game at individual..." Napailing si Jacian. "Madali silang mag-collapse."

Tumango si Chase. "Nakakapagtaka dahil hindi nakakasama ang FTT sa Global competition, magaling naman si Captain Just at laging siya ang panalo sa World Individual Competition."

"Magaling ang captain ng FTT at stable ang clash laner at support pero weakness point nila ang mid at marksman." Ani Jacian. "Isa 'rin sa kahinaan nila ang teamfight, para silang walang tacit understanding." Dagdag niya pa.

Nang panoorin ni Jacian ang laban ng FTT at RG, napansin niyang magaling ang FTT kapag magkakahiwalay silang lima pero kapag teamfight, hindi nila kayang mag-push. May mali 'rin sa kanilang command dahil hindi match ang command sa kanilang play style, malakas sila sa early at mid game pero pagdating sa teamfight at late game sobrang dali nalang alamin ang weakness point nila. Iyun ang dahilan kung bakit sila natalo ng Team RG, not to mention na marksman ang core ng Team RG na siyang magaling sa late game.

"Speaking of FTT, naghahanap sila ng bagong mid laner." Saad 'nung jungler at tiningnan si Jacian. "Wala kang balak sumali?"

Maging si Chase ay napatingin 'din kay Jacian. Bahagya lamang iniiling ni Jacian ang kanyang ulo.

"Gusto ko lang mag-participate sa Global Individual Competition tapos kapag nakakuha na ako ng isang award mag-reretired na ako."

Nagulat si Chase at yung jungler sa mindset niya. Siya lang yata ang players na ganun ang mindset, matapos makuha ang worldcup sabay retired.

Pinaliwanag naman sa kanya ni Chase ang rules at system ng tournament, sinabi nito na makakasali naman siya sa Individual Competition or Doubles Competition kahit na nakasali siya sa Team, karamihan nga lang ng mga sumasali sa individual at doubles ay 'yung mga substitute na matagal ng naka-upo sa bench habang hinihintay na sumama ang pakiramdam ng starters para sila ang makapaglaro.

Nagkaroon naman ng interest si Jacian mag-apply bilang substitute, at least hindi siya araw-araw maglalaro, hindi nanaman siya makapaniwalang tiningnan ng dalawa.

Nagkwentuhan sila simula 6 p.m hanggang 10 p.m. Dito matutulog ang teammates ni Chase at niyayaya siya ni Chase na dito narin matulog ngunit sinabi niyang hindi niya pa napapakain ang kanyang aso.

Sa katunayan, kanina pa uwing uwi si Jacian pero sa tuwing magpapaalam na sana siyang umuwi laging sinasabi ni Chase na 'mamaya na' at magkwentuhan 'daw muna sila. Hindi alam ni Jacian kung bakit parang ayaw siya nitong paalisin ngunit naisip niya na baka ilang buwan 'din sila sa ibang bansa at matagal-tagal pa silang makakabalik.

Inihatid siya ni Chase palabas ng gate at sinabi pa nitong dito nalang siya matulog at bukas na umuwi.

Ikinaway naman ni Jacian ang kanyang kamay para sabihing hindi na.

"Ihatid nalang kita." Pagpupumilt pa ni Chase. 

"Hindi na kailangan, kaya kong magtaxi. Bye." Nakakailang hakbang na si Jacian palayo sa gate nang tawagin nanaman siya ni Chase. Nagtataka niya naman itong nilinga.

"Ingat. Wala ako ng ilang buwan, mag-ingat ka sa mga tambay." Paalala pa ni Chase.

"Alright. Aalis na ako, kapag tinawag mo pa ako ng isang beses alas dose na ako makakauwi." Saad ni Jacian at kumaway na kay Chase para tuluyang umalis.

Habang nasa byahe, isinandal ni Jacian ang kanyang ulo sa bintana dahil sa antok. Inutusan niya pa ang driver na bilisan pa ng kunti na kaagad naman nitong sinunod ngunit maya-maya lang ay huminto ang sinasakyan niyang taxi.

Napaupo ng maayos si Jacian dahil akala niya ay nakarating na siya ngunit dismayado siyang napasandal uli sa bintana nang makitang traffic.

Dahil sa pagkabagot, binuksan niya ang kanyang account na Mid Laner No.9 at pina-rank iyon, nabili na ang kanyang account na Mid Laner No.1 hanggang No.8 at karamihan sa mga buyer ay mga bagong streamer, hindi naman sila nag-rereklamo kahit kunti ang skin at hero dahil ang habol nila ay walang loose steak.

Habang nasa byahe, saktong nakarating si Jacian sa Grandmaster rank nang huminto ang taxi. Babayaran niya sana iyon gamit ang SweetTalk pero sinabi ng driver na hindi 'raw siya tumatanggap ng hindi cash, pumunta naman si Jacian sa convenience store para magpacash out at bumalik siya sa driver para ibigay ang bayad. Inilagay niya lang sa kanyang bulsa ang sobra bago siya tuluyang pumasok sa gate.

Mabuti nalang at hindi ni-lock 'nung landlady ang gate dahil kung hindi baka sa labas siya matutulog. Pagbalik ni Jacian sa boarding house niya bahagyang naningkit ang kanyang mga mata nang makita niyang bukas ang ilaw ng kanyang boarding house, sira 'rin ang kanyang doorknob at kasalukuyan iyong nasa baba.

Ang kaninang inaantok niyang sistema ay biglang nagising.

Wala naman sigurong magnanakaw hindi ba? Maliit lang ang boarding house niya at bukod sa lumang computer at mga gamit niya pang-live wala ng ibang mahihita roon, nasa cash in 'din ang kanyang pera kaya kung pera ang hanap ng magnanakaw mas lalong wala siyang mahihita.

Magnanakaw kaagad ang unang pumasok sa isip ni Jacian dahil sira ang kanyang doorknob at halatang pwersahan iyong pinukpok dahil butas ang doorknob at makikita ang ilaw sa loob ng boarding house niya.

Habang palapit si Jacian sa kanyang boarding house naningkit ang kanyang mga mata nang makarinig siya ng ingay mula sa loob ng kanyang boarding house. Doon niya napagtanto na hindi lang iisang tao ang nasa loob ng boarding house niya kundi marami. Sa dami ng boses na maririnig sa loob ng boarding house niya hindi nakatakas sa tenga ni Jacian ang boses ng kanyang ama.

Nasa loob ng boarding house niya ang kanyang ama? Anong ginagawa nito 'roon? At bakit may mga kasama ito?

Ayaw pa naman ni Jacian na pumapasok ito sa loob ng boarding house niya at mas lalong hindi siya nagpapapasok ng kung sino-sino sa boarding house niya, tapos ngayon.....

Kaagad na uminit ang ulo ni Jacian at dahil sa galit sinipa niya ang pinto ng kanyang boarding house at ang tumambad sa kanya....

Maraming tao, magulo, marumi, mabaho.

Ang unang napansin ni Jacian ay ang kanyang mesa na patungan ng kanyang computer. Ang mesa ay nasa gitna at ang kanyang computer ay naka-disassemble at halatang walang ingat na inilapag sa gilid, nakatambak 'din doon ang kanyang keyboard at webcam kasama ang mga gamit niya sa tuwing nagla-live siya.

Sa lahat ng gamit na nakita ni Jacian, isang gamit lang ang pumasok sa isip niya. Ang kanyang gaming chair, nasaan na ang gaming chair niya? Nang ilibot ni Jacian ang kanyang mga mata, sa wakas nakita niya na ang kanyang gaming chair.

Inuupuan iyon ng kanyang ama habang naka-upo ang babae sa kandungan nito at umiinom ng alak. Sa harapan nila ay ang mesa niya na dapat ay patungan ng kanyang computer ngunit ngayong ay naging patungan ng mga alak at pulutan.

Nakapatong pa ang dalawang paa ng dalawang lalaki sa mesa habang nasa tenga nito ang headphones ni Jacian.

Sa isang segundo lang, nagkuyom ang dalawang palad ni Jacian. Parang gusto niyang pumatay, sa mga oras na 'to parang gusto niyang dukutin ang mga mata ni Henry, gusto niyang sipain palabas ang babae nito, gusto niyang patamaan ng hand knife ang lalaking kumuha sa headphones niya at gusto niyang hampasin ng bote sa ulo ang isa pang lalaki na ngayon ay nakapatong ang maruming paa sa mesa niya.

Dahil sa senaryo na tumambad sa harapan ni Jacian nanginig ang kanyang katawan at tumulo ang kanyang luha sa galit.

T*NGINA!

"Nandito ka na. Akala ko hindi ka uuwi." Sambit ng kanyang ama.

Hindi na hinintay ni Jacian na makapag-react ito at kaagad na lumapit at itinumba ang mesa, tumama pa sa mukha ng babae ang paa ng mesa dahilan para mapasigaw ito at matumba sa sahig.

Nagkalat ang bubog sa sahig at ang mesa ay kumalabog sa pinakadulo ng kanyang boarding house. Sa lakas ng pagkakasipa niya bumaliktad din ang dalawang lalaki na nakapatong ang mga paa sa mesa.

"T*ngina!" Reklamo ng papa niya pati narin ng dalawang barkada nito.

Hindi na nagsayang pa ng kahit isang segundo si Jacian at dahil sa galit, hinawakan niya sa kwelyo si Henry at pinaulanan ito ng suntok sa mukha. Sinuntok niya iyon hanggang sa dumugo ang ilong at ang labi nito.

Hinawakan siya ng dalawang lalaki ngunit sinipa niya ang gilid ng tuhod ng dalawa na siyang kahinaan ng katawan at pinaulanan uli ng suntok si Henry.

Wala ng pakialam si Jacian, mapatay niya man si Henry na wala siyang pakialam. Ganito siya kapag galit, hindi niya na kayang kontrolin ang sarili niya at wala na siyang pakialam kung anong mang mangyari sa taong ginalit siya.

Nahuli ni Henry ang kanyang kamao at patulak siyang inilayo, ngunit parang tigreng nakabitaw si Jacian na kahit itinutak siya ni Henry ay mabilis parin siyang bumalik at sinuntok ito ng napakalakas sa ilong.

"P*ta!" Mura ni Henry at pinahid ang umagos na dugo.

Mabilis namang tumayo ang dalawa nitong barkada at hinawakan sa magkabilaang braso si Jacian, pero dahil wala na sa katinuan si Jacian, inapakan niya ang paa ng dalawang humahawak sa kanya dahilan para mapangiwi sila sa sakit, ngunit hindi nila binitawan si Jacian. Natatakot sila na sa oras na bitawan nila ang batang ito ay papatayin nito ang kanyang ama.

Nanlilisik ang mga mata ni Jacian at bumabakat na ang kanyang panga sa galit, halos maglabasan narin ang kanyang ugat sa leeg na hindi nila alam kung bakit ito nagkaganun.

"T*ngina! G*go! Anong ginagawa niyo sa boarding house ko mga h*yop kayo! T*ngina walang makakalabas na buhay!" Sigaw ni Jacian habang tumutulo ang kanyang luha sa galit. Malakas niyang ikinawag ang kanyang braso at dinampot ang basag na bote para batuhin si Henry....

Lahat sila ay na-shock!

"Hey..hey......" Ani Henry habang nakaunat ang kamay para patigilin si Jacian sa gagawin niya, pero dahil wala na si Jacian sa katinuan iniangat niya ang kanyang kamay para batuhin ito ngunit nabitin sa ere ang kanyang kamay na may hawak na bote nang may humampas sa kanyang likod.

Natigilan si Jacian.

Nanginginig ang kanyang panga habang dahan-dahan niyang iniikot ang kanyang ulo para lingunin kung sino ang gumawa 'nun.

Napako sa kinatatayuan ang kabit ng kanyang ama nang tingnan siya ni Jacian gamit ang nanlilisik na mga mata, nanginginig ang kamay niya habang hawak ang may kalakihang tabla na dinampot nito sa kung saan.