Nabalik lang si Jacian sa katinuan nang maramdaman niyang hinawakan ni Henry ang kanyang balikat at pwersahan siyang isandal sa pader.
Hindi nag-react si Jacian.
Hindi niya 'rin alam kung gaano na sila katagal sa loob ng boarding house, naramdaman niya nalang na may dumapong malaking kamao sa kaliwa niyang pisngi dahilan para lumihis ang kanyang ulo.
"Bastardo! Papatayin mo ba ako?! Gusto mo bang maging mamamatay tao?!" Sigaw sa kanya ni Henry at sinuntok siya nito sa sikmura.
Hindi parin nag-react si Jacian, nanatili lang siyang tulala pagkatapos ng ginawa niyang pambubugbog kay Henry at sa dalawang barkada nito. Hinayaan niya lang na suntukin siya nito hanggang sa bumaluktot siya na parang hipon.
"Hawakan niyo 'yan!" Utos ni Henry sa dalawa nitong barkada, nag-alanganin pa sila ngunit nang tingnan sila ni Henry mabilis silang humakbang palapit kay Jacian at hinawakan ito sa magkabilang braso at balikat.
Hindi na sana manlalaban si Jacian ngunit nagulat siya nang dukutin ni Henry ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at buksan ang kanyang SweetTalk app.
Alam niya ang balak nitong gawin, kukunin nanaman nito ang pera niya.
"G*go!" Sigaw ni Jacian ngunit wala na siyang lakas.
Hindi siya pinansin ng kanyang ama at abala ito sa pag-transfer ng kanyang pera, makalipas ang ilang sandali nang tumunog ang notification at nai-transfer na nito ang pera, ikinaway pa nito ang cellphone ni Jacian sa harap ng kanyang mukha para ipakita ang 00.00 na balance. Matapos iyong makita ni Jacian ay ibinalik na nito ang cellphone sa kanyang bulsa.
Hindi maiwasan ni Jacian ang hindi matulala. Hindi niya mapigilang isipin kung bakit ito nangyayari sa kanya. Anong nangyari sa buhay niya? Wala ba siyang kwentang anak para iwan siya ng kanyang ina? Sobrang sama niya ba para bigyan siya ng masama 'ring ama? Sa nagdaang taon, hindi man lang siya nakaramdam ng saya, hindi man lang siya nakaramdam nang may nag-aalaga sa kanya, wala man lang siyang masabihan ng problema niya, kung nahihirapan na ba siya, kung may masakit ba sa kanya, hindi man lang siya nakaranas ng ganung treatment.
Sa ilang years na lagi siyang mag-isa, ang akala ni Jacian ay immune na siya sa ganitong klase ng sitwasyon. Lagi niyang iniisip na wala siyang pakialam, wala siyang nararamdam, hindi siya softhearted at kaya niyang tumayo mag-isa. Sinabi niya 'rin noon sa live na dapat sa panahon ngayon maging robot na, para kahit anong sabihin at gawin sayo ng mga tao wala ka ng nararamdam. Ngunit ngayon, napagtanto niyang tao parin pala siya, softhearted parin, katulad ng dati mahina parin siya na kailangan ng masasandalan.
Hindi parin siya nagbago.
Naramdaman nalang ni Jacian na binitawan na pala siya ng dalawang humahawak sa kanya ngunit hinawakan siya ni Henry sa kwelyo para isandal sa pader.
"Bastardo! Hindi kita tunay na anak! Wala akong anak na katulad mo dahil anak ka ng mama mo sa ibang lalaki!" Sigaw sa kanya ni Henry.
Nang marinig iyon ni Jacian nanginig ang labi niya, hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Namalayan niya nalang na binitawan siya ni Henry at lumapit ito sa mga gamit niya na nakalapag sa sahig at pinagsisipa iyon.
Sa katunayan, matagal ng nagtataka si Jacian. Hindi niya alam kung bakit iniwan siya ng kanyang ina at kung bakit siya binubugbog ng kanyang ama, matagal niya ng pinag-isipan ang dahilan ngunit kahit anong isip niya wala siyang mahanap na dahilan. Naisip niya na 'rin noon na baka ampon lang siya ngunit hindi naman sinasabi sa kanya kaya ipinawalang bahala niya nalang iyon.
Masakit lang sa part ni Jacian na binubugbog siya ng walang dahilan, ayos lang sana kung sinasabi sa kanya ang dahilan dahil baka maintindihan niya pa. Ngunit ngayong nalaman niyang binubugbog pala siya nito dahil anak siya ng mama niya sa ibang lalaki, naiintindihan ni Jacian ang galit nito at nagpapasalamat siyang nalaman niya ang totoo. Mas masakit kasi mabugbog ng sarili mong magulang kesa sa nalaman mong hindi ka tunay na anak.
Hindi alam ni Jacian kung paano siya nakalabas ng boarding house, namalayan niya nalang na naglalakad na siya sa kalsada patungo sa malaking hanging bridge.
Wala sa sarili siyang naglakad habang gumugulong ang mga luha sa kanyang mga pisngi, ito 'yung mga luhang hindi lumabas sa mga mata ni Jacian kahit nung iwan siya ng kanyang ina at maging miserable ang buhay niya. Dahil sinabi niya sa sarili niyang wala na siyang pakialam, malakas siya at isa siyang trash talk king. Ayaw niyang nakikita siyang malungkot at ayaw niyang may nakikita siyang malungkot, kaya madalas siyang mag-joke sa mga viewers dahil gusto niyang may napapatawa siyang mga tao. Gusto niya masaya 'yung mga taong nasa paligid niya dahil alam niyang hindi niya iyon kayang ibigay sa kanyang sarili at gusto niyang makita sa iba.
At 1:52 ng madaling araw, natuwa ang mga viewers sa streaming room ni Boss nang makitang online siya.
Napunasan na ni Jacian ang kanyang luha at tuyo na ang kanyang pisngi, mabuti nalang hindi namumula ang mga mata niya kapag umiiyak siya at kung hindi tutulo ang luha niya hindi mo malalaman na umiyak siya. Ngunit putok ang kanyang labi at may sugat siya sa kilay kaya nang makita ng mga viewers ang itsura niya hindi nila maiwasan ang hindi magtaka.
[Boss? Anong nangyari sa mukha mo?]
[Fuck! Binugbog ka ba ng mga tambay?]
[OMG! nag-live si Boss akala ko hindi ka na mag-oonline ngayon!.. Wait! Anong nangyari kay Boss?]
Sa gitna ng mahabang hanging bridge kung saan may pailan-ilang taxi na dumadaan. Naka-upo si Jacian sa lapag habang nakasandal sa harang na bakal, unat ang kaliwang hita niya at ang kanan naman ay nakatupi at ang kanyang siko ay nakapatong sa kanyang tuhod habang naglalive. Bahagya niyang inilihis ang kanyang cellphone para hindi siya makita sa camera at pinahid ang dugo sa gilid ng kanyang labi, pagkatapos ay iniharap niya uli ang camera sa kanyang mukha.
Tumingin si Jacian sa camera. "Nag-live ako, para ipaalam na hindi na ako makakapag-live simula bukas." Ani Jacian. "Mag-ooffline na si Boss pagkatapos nito, pwede na kayong pumunta sa ibang streamers." Ani Jacian at tumulo ang kanyang luha, mabilis niya naman itong pinahid at humarap uli sa camera. Bahagya siyang ngumiti ngunit ang kanyang ngiti ay napalitan ng iyak. "Pagod na ako... pagod na akong mang-trash talk. Pagod na si Boss kaya mag-ooffline na si Boss."
Sa ilang linya ni Jacian, nayanig ang mga viewers sa streaming room niya.
Hindi pagod si Boss, hindi napapagod si Boss mang-trash talk dahil isa siyang trash talk king na hindi kayang mabuhay nang walang trash talk. Ang tunay na pagod ay si Jacian.
Sa kabilang banda, pauwi na si Just sa bahay nila pero dahil hindi naman siya nagmamadali dumaan muna siya sa isang convenience store para bumili ng sigarilyo. Nakasandal siya sa kanyang kotse na itim na naka-park sa baba ng street lights malapit sa hanging bridge.
Beep.
Tinanggal ni Just ang sigarilyo sa kanyang bibig nang mag-vibrate ang kanyang cellphone, dinukot niya iyon sa bulsa ng kanyang jeans at nakita niyang nag-send ng link si Coach Dang.
[Coach Dang: Just, nahanap na ng team ang livestream account ng bagong mid laner, pwede mo ng i-check.] [Link]
Itinapon ni Just ang upos ng sigaril at pinindot ang link, bahagyang nag-loading ang link at dinala siya nito sa Hi! Streaming platform. Sa mismong account ng streamer.
Kung titingnan wala namang espesyal sa account nito at ang profile nito ay stick man na may ilang hibla ng buhok na kulay pink at may dalawang malalaking eyebag, nakasuot 'din ito ng headphones at may maliit na mic sa kanyang bibig.
Pinindot ni Just ang 'see more' para basahin ang description nito sa baba.
[Accompanying Player] Wala kang ibang gagawin kundi ang magbayad ng 100 pesos at yumakap sa Crystal habang hinihintay ang Victory!]
[Solo] 100 pesos per game!
[Hindi scam at mas legit pa sa buhok mo! Muah 💋]
Just: "?"
Napakurap si Just sa description nito ngunit maya-maya lang ay umangat ang gilid ng magkabila niyang labi. Naagaw naman ang atensyon ni Just sa username nito na Boss at ang display name nitong Kupal Ka Ba Boss.
Kupal Ka Ba Boss? Hindi ba ito 'yung naka-team niya sa rank sa international server na gumamit ng Shangguan? Hindi niya makalimutan iyon at naalala niya 'ring ni-research niya ang 'Boss' sa Hi! Streaming platform at sa iba pang platform ngunit puro 'not found result' ang lumalabas kaya naisip ni Just na baka hindi ito streamer. Ngunit sinong mag-aakalang nasa Hi! Streaming ito at 'Boss' ang username. Meron 'din siyang 6 million followers at 5.4 million subscribers, sa dami ng followers nito sobrang imposible kung hindi ito kasama sa top famous streamers ngunit nang i-research noon ni Just ang 'Boss' walang lumabas. Kaya naman hindi niya maiwasan ang hindi magtaka
Mag-se-send na sana si Just nang gifts para mag-friend request ngunit nahinto ang daliri niya nang mag-popped up ang salitang 'LIVE' sa profile nito.
Bahagyang umangat ang kilay ni Just. 1:52 a.m na pero maglalive parin ito?
Nang pindutin ni Just ang profile nito, makikita sa screen ng kanyang cellphone ang mukha ng streamer. Dumudugo ang gilid ng labi nito at may sugat sa kilay, makikita ang pagod sa kanyang putla na mukha habang nakasandal sa harang na bakal.
Kumunot ang noo ni Just.
Ilang sandali lang nang gumalaw ang screen ng kanyang cellphone at magsalita ang streamer gamit ang garalgal na boses.
"Naig-live ako, para ipaalam na hindi na ako makakapag-live simula bukas."
"Mag-ooffline na si Boss pagkatapos nito, pwede na kayong pumunta sa ibang streamers."
Matapos nitong sabihin iyon ay bahagya itong ngumiti ngunit ilang sandali nang tahimik itong mapahagulhol ng iyak.
"Pagod na ako... pagod na akong mang-trash talk. Pagod na si Boss kaya mag-ooffline na si Boss." Matapos nitong sabihin iyon, tumayo ito at nagsimulang maglakad.
Mabilis namang nagdagsaan ang napakaraming comments.
[Anong nangyari kay Boss? Bakit malungkot siya ngayon? Hindi ba lagi naman siyang energetic kapag nagla-live?]
[Fuck! Hindi kaya binugbog talaga siya ng mga tambay?! Tingnan niyo siya, para siyang napa-away.]
Nakatitig si Just sa screen ng kanyang cellphone habang patuloy sa pag-scroll ang comments.
Sa lahat ng comments na makikita roon naagaw ang atensyon niya sa panibagong comment na nag-popped up.
[Fuck! Magpapakamatay ba si Boss?!]
Nang mag-popped up ang linya na 'yun, bahagyang napalunok si Just at nanginig ang kanyang kamay.
[Bullshit! Mamamatay ka ba kung hindi ka mag-cocoment ng ganyan?!]
[Haha! Magpapakamatay na ang trash talk king!]
[Akala ko ba maninira ng mental state 'yan? Bakit parang ngayon 'yung mental state niya 'yung sira! Anong feeling na sira ang mental state?]
[Pwedeng tumahimik nalang kayo kung wala kayong sasabihin na maayos, stress na nga 'yung tao diba?]
Makikita sa screen ng cellphone ni Just na naglalakad ang streamer habang nanginginig ang kamay, patuloy na umaagos ang luha nito at halatang wala na siya sa katinuan, halos pikit narin ang mga mata nito dahil sa antok at sobrang namumutla ang kanyang mukha, nang bahagya nitong iangat ang kanyang kamay makikita ang pamilyar na building sa kanyang background.
Nilibot ni Just ang kanyang paningin. Nakita niya ang pamilyar na buildings ngunit hindi niya makita ang streamer. Humakbang siya at tumawid sa kabilang kalsada kung saan naroon ang malaki at mahabang hanging bridge.
Hindi siya pwedeng magkamali nasa hanging bridge lang ang streamer.
Nanikip ang dibdib ni Just nang marinig niya ang iyak ng streamer sa kanyang cellphone.
"Sira na ang mga gamit ko...... hindi na ako makakapag-live, hindi narin ako makakapaglaro, I quit....."
[Sira ang mga gamit ni Boss?]
[Sinong sumira sa mga gamit niya?]
[Guys! bilis! Mag-send na kayo ng mga gifts!]
"Hindi niyo na kailangang mag-send ng gifts....hindi ko narin matatanggap 'yan..."
Bumilis ang lakad ni Just at tumakbo na siya nang marating niya ang hanging bridge.
[Shit! Sino ba ang nakakaalam ng location ni Boss?!]
[Hindi 'rin namin alam!]
[Hindi namin makita ang background!]
[Parang tulay ba 'yan? Para siyang nasa hanging bridge! Alam ko 'to, malapit lang 'to sa apartment namin!]
[Fuck kung alam mo! Bilis! Iligtas mo si Boss!]
[Guys...bad news hindi ako papayagan ng mama ko lumabas!😭😭😭]
[Fuck your mother!]