Chapter 35: Aabahin kita. Be careful.

Napahagulhol na ng iyak si Jacian.

Pigil hininga ang mga viewers at maliban sa mga anti-fans ni Boss na panay ang comment wala ng ibang makikitang comments doon.

Nayanig ang screen at narinig nilang tumama ang cellphone sa bakal at nahulog sa tubig, senyales na tumalon na si Boss.

Wala na si Boss?

Nawala si Boss nang ganun lang?

Hindi nila matanggap, iyon 'yung trash talker na lagi nilang inaabangang mag-live tuwing lunes hanggang sabado. Sabado palang ngayon, bakit parang napaaga naman ang offline ni Boss hindi ba dapat bukas pa? Kasi bukas ang linggo?

Nang humawak si Jacian sa harang na bakal para tumalon bigla na lamang may kamay na humila sa likod ng damit niya, dahilan para mabitawanan niya ang kanyang cellphone at tumama iyon sa bakal bago tuluyang mahulog na napakalalim na tubig.

"Stop!"

Narinig ni Jacian ang boses ng tao sa likuran niya ngunit mahina na iyon sa kanyang pandinig. Naramdaman niya ang dalawang kamay nitong pumipigil sa kanya para ilayo siya sa harang.

Mabilis na tumitibok ang puso ni Just dahil sa kaba habang pinipigilan ito, mahigpit ang pagkakahawak niya rito dahil natatakot siya na baka kapag nabitawan niya ay tatalon kaagad ito sa tulay.

"Tangina kapagod na!" Sigaw ni Jacian habang patuloy sa pagpupumiglas, ramdam ni Jacian ang mahigpit na pagkakahawak sa kanya at alam niyang imposible siyang makawala 'roon ngunit hindi siya tumigil, patuloy parin siya sa pagpumiglas habang nakatingin sa harang na kailangan niyang talunin.

Iniunat niya na ang kanyang kamay para abutin ang harang na bakal ngunit hinawakan iyon ni Just at binawi.

Nakaramdaman ng sakit si Jacian. Nang mapagtanto niyang hindi niya iyon matatalon nakaramdam siya ng sobrang sakit. Sobrang nadedepress siya at alam niyang mawawala lang 'yun kapag tinalon niya ang harang, ngunit ngayon hindi niya magawa dahilan para mapasigaw siya sa sakit.

Gusto niya nang tapusin 'to, pagod na pagod na siya sa ganitong pakiramdam at gusto niya namang makaramdam ng kalayaan. Pero ngayon....

Makalipas ang ilang sandali nang makaramdam ng pagod ang taong nasa kamay ni Just, hindi na ito nagpupumiglas at walang lakas na nakatayo. Kung hindi lang ito inaalalayan ni Just ay malamang natumba na ito, siguro dahil sa pagod.

Maya-maya lang nang gumalaw uli ito at aalis ngunit hinawakan ni Just ang braso nito sa pag-aakalang tatalon uli sa tulay ngunit nakita niyang yumuko ito at sumuka ng dugo.

Inalalayan ito ni Just at isinandal sa kanyang katawan. Matapos itong sumuka, bahagya siya nitong tinulak, walang lakas itong umupo sa malamig na sahig at sumandal sa harang. Nakapikit ang kanyang mga mata habang namumutla ang buong mukha, nakarehistro ang pagod sa kanyang katawan na animo'y kahit pagliso ay hirap niyang gawin.

Tiningnan siya ni Just ng ilang segundo bago nito dinukot ang kanyang cellphone sa bulsa at nagtawag ng ambulance, matapos ang tawag ay hinubad niya ang kanyang hoodie at nilapitan si Jacian.

Nanginginig sa lamig ang katawan nito dahil sa hamog kaya inilagay ni Just ang kanyang jacket sa katawan nito para makaramdam ng init, naririnig niya ang mabigat nitong paghinga kasabay nang paggalaw ng basa nitong pilik-mata.

Inalalayan niya ang ulo nito para isuklob ang hood nang makita niyang bahagyang bumukas ng maliit ang mga mata nito.

Tuluyan nang isinuklob ni Just ang hood. "Kaya mo bang gumalaw? Aabahin kita." Malumanay na sambit ni Just, tumalikod siya at tinapik ang sarili niyang balikat. "Dito, aalalayan kita. Be careful."

Makalipas ang ilang sandali nang gumalaw ang kamay ni Jacian para humawak sa likuran nito, kinuha naman ni Just ang dalawang kamay nito at iniyakap sa kanyang leeg. Nang yumakap ang kamay nito sa leeg ni Just kaagad bumaon ang ulo nito sa balikat niya at hindi na gumalaw, inalalayan niya 'rin ang likuran nito bago tuluyang tumayo.

Sa laki ng hoodie ni Just halos hindi makita si Jacian habang nakasubsob ang kanyang ulo sa balikat nito.

Hospital.

8AM.

Mataas ang sikat ng araw at tumatagos iyon sa kwarto kung saan natutulog si Jacian, suot niya ang makapal na navy blue hoodie jacket dahilan para magkaroon ng butil butil na pawis sa kanyang noo.

Hindi niya alam kung paano siya nakatulog pero nang magising siya nakaramdam kaagad siya ng pananakit ng kanyang katawan.

Hirap niyang idinilat ang kanyang mga mata dahil sa sikat ng araw na tumatagos sa bintana. Napahawak siya sa kanyang noo at nakapa niya ang benda na inilagay ng nurse, medyo masakit parin 'yun pati narin ang gilid ng kanyang labi dahil sa lakas ng pagkakasuntok ng kanyang ama.. no, hindi niya iyon papa dahil sinabi nitong anak siya sa ibang lalaki.

Nang sumagi uli iyon sa isip ni Jacian hindi niya maiwasan ang hindi mapabuntong hininga. Mas mabuti naring nalaman niyang hindi niya iyon tunay na ama, matagal niya na 'ring hiniling na sana ampon lang siya.

Napapikit siya at ini-adjust ang kanyang emosyon. Maya-maya lang ay bumukas ang pinto at pumasok ang doctor.

Bumangon si Jacian ngunit nang subukan niyang pumwersa napangiwi siya nang maramdaman niyang nangalay ang kanyang tiyan. Kaagad namang lumapit ang doctor para alalayan siya.

Tiningnan siya ng doctor bago tumingin uli sa hawak nitong folder. "Kaya ka sumuka ng dugo dahil nasuntok ka sa sikmura, mabuti nalang at hindi ganun kalakas at hindi 'rin critical ang damage. Subukan mo munang magpahinga at huwag masyadong magpwersa para matanggal ang sakit, okay?" Malumanay na sambit ng doctor.

Tumango si Jacian. Maya-maya lang ay nilamon siya ng kuryusidad. "Pano niyo po nalaman na nasuntok ako?" Wala sa sariling tanong niya.

Tiningnan siya ng doctor. "Ang sabi ng kuya mo nabugbog ka."

"?" Bahagyang kumunot ang noo ni Jacian nang may pagtatanong.

Naguguluhan siyang tiningnan ng doctor. "Hindi mo maalala?"

Hindi sumagot si Jacian. Bumaba ang kanyang tingin sa laylayan ng manggas na hindi na makita ang kamay niya dahil sa laki.

Naalala niyang may lalaking pumigil sa kanya nung oras na tatalon siya at inaba siya nito hanggang sa bukana ng hanging bridge, hindi niya nga lang makita ang mukha nito dahil nanlabo ang kanyang paningin pero nararamdam niyang pamilyar ang taong 'yun.

Hindi na lamang iyon inintindi ni Jacian dahil baka sumakit pa ang ulo niya kakaisip. Napabuntong hininga siya bago nag-angat uli ng tingin.

"Magkano po ba ang bill?" Walang buhay na tanong niya habang kinakapa ang kanyang cellphone sa bulsa ngunit napahinto siya nang maalalang nahulog nga pala ito sa tubig.

"........." Fuck!

Tiningnan siya ng doctor. "Hindi na kailangan dahil nabayaran na ng kuya mo." Saad uli ng doctor. "At ang sabi niya, dumito ka 'raw muna hanggang sa tuluyan ka ng gumaling." Dagdag pa nito.

Hindi na nagsalita si Jacian at pinakinggan lang ang sinabi ng doctor. Marami pang sinabi sa kanya 'yung doctor pero hindi niya na iyon nagawang maintindihan, pinakinggan niya lang ang sinabi nito hanggang sa tuluyan nang umalis.

Bagaman, bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Jacian nang malamang nabayaran na ang bill. Nakakaramdam lang siya nang lungkot dahil wala na siyang cellphone.

Napasapo siya sa kanyang noo. Anong ginawa niya? Bakit kailangang umabot sa ganun?

Makalipas ang mahabang sandali, isinuklob ni Jacian ang hood ng kanyang jacket at ibinaon ang mukha sa unan. Nasa ganun siyang sitwasyon nang makaamoy siya nang pamilyar na pabango.

"Mm?" Kunot-noong aniya at inamoy ang jacket. "??"

Inamoy niya ito uli.

"..............."

Hindi siya p'wedeng magkamali naamoy niya na ang pabango na 'to, hindi niya lang maalala kung saan. Abala siya 'roon nang bigla na lamang bumukas ang pinto.

"Jacian!"

Luminga siya sa pinto nang marinig ang boses ni Chase, mabilis itong lumapit sa kanya at binigyan siya ng nag-aalalang yakap.

Nakaramdam ng guilty si Jacian.

"Tinakot mo ako." May bahid ng panginginig na ani Chase. Namumula 'rin ang mga mata nito at halatang kahit anong oras ay tutulo ang kanyang luha.

Iniangat naman ni Jacian ang dalawa niyang kamay at marahang tinapik-tapik ang likod nito para sabihing ayos lang siya.

Binitawan na siya ni Chase. "Sigurado ka bang ayos ka na? Aalis na kami mamayang 10 a.m papuntang Indonesia. Wala ako dito ng ilang linggo."

"Don't worry, maliit na problema lang 'to." Aniya.

"Oh nga pala, ako na ang magbabayad ng bill mo." Ani Chase.

"Ang sabi ng doctor nabayaran na 'raw."

Nagtataka siyang tiningnan ni Chase. "Nabayaran na? Okay. " Ani Chase at ibinalik sa bulsa ang cellphone. "By the way, sa'yo na 'tong cellphone, gift 'to ng fan sa akin hindi ko 'rin naman magagamit." Inabot sa kanya ni Chase ang cellphone.

Wala namang balak magtanong si Chase tungkol sa nangyari kung bakit nito iyon ginawa, base sa nakikita niya halatang nag-away nanaman sila ng papa niya. Lagi namang nangyayari iyon kaya hindi na bago kay Chase. Wala 'rin namang balak magkwento si Jacian dahil napapagod siyang magpaliwanag.

Naisip ni Jacian na baka nilamon lang siya ng galit kaya niya nagawa iyon, i-aadjust niya na ang kanyang emosyon simula ngayon.

Matapos siyang kamustahin ni Chase ay pinaalalahanan nanaman siya nito. Sinabi nitong lumabas-labas siya ng boarding house at mag-enjoy, sinabi 'rin nitong mag-ehersisyo siya at magpa-araw para hindi siya putla. Tinanguan naman ni Jacian lahat ng sinabi nito dahil ngayong wala na siyang gamit siguradong araw-araw na siyang nasa labas.

Nang umupo si Chase sa tabi niya, kumunot ang noo nito nang may maamoy. "Ang akala ko ba wala kang ganitong pabago? Bumibili ka ng mamahaling pabango?!" Bulalas ni Chase.

Kunot-noo namang inamoy ni Jacian ang kanyang sarili. Indeed, may kakaiba ngang amoy ang suot niya, amoy mamahalin. Doon lang napagtanto ni Jacian na hindi nga pala sa kanya ang jacket na suot niya.

Tiningnan siya ni Chase. "Ito ang amoy mo 'nung ML tournament."

"!!"

FTT base.

Second week na ng January at bumalik na sa base ang mga teammates ni Just matapos ang mahabang bakasyon.

March or April pa ang start ng regular season kaya hindi naman sila nagmamadaling magpractice. Hindi parin sila nakakahanap ng bagong mid laner para sa kanilang Team kaya kung mag queue silang apat wala 'ring magbabago sa play style nila.

Sa loob ng training room, tinawag ni Coach Dang si Just nang tuluyan nang umalis ang iba niyang teammates. Tanging si White nalang ang naka-upo roon habang abala sa pagpractice, hindi naman ito pinaalis ni Coach Dang dahil naka-headphones ito at hindi nito marinig ang sasabihin niya.

"So secretive?" Malamig na tanong ni Justin kay Coach Dang dahil lumapit pa talaga ito sa kanya para bumulong.

Sinaway naman siya ni Coach Dang.

"Gusto ko lang sabihin sa'yo na huwag muna nating ipaalam sa mga teammates mo ang tungkol sa bagong mid laner, lalo na kay Lucky. Isa pa, maliit lang ang chance na magiging pro player siya dahil sa nangyari sa kanya, kaya wala talagang point kung sasabihin natin sa mga teammates mo." Ani Coach Dang.

"Mn." Malamig na tugon ni Just at sumandal sa mesa habang nasa bulsa ang dalawang kamay. Nakasuot siya ng oversized shirt na kulay blue at itim na pantalon, meron 'din siyang maliit na polseras sa kaliwang kamay na natatakpan ng itim na relo.

Bagaman, alam naman ni Coach Dang na hindi mahilig magkwento si Just sa mga teammates niya pero hindi 'rin kasi ito nagtatago lalo na kapag may kinalaman sa Team, kapag tinanong ng mga teammates niya kung may nahanap ng mid laner ang Team siguradong sasabihin nitong meron na at isang streamer na may pangalang 'Boss' sa Hi! Streaming. Kapag narinig iyon ni Lucky siguradong i-teterminate nito ang contract.

Naging komplikado ang mukha ni Coach Dang na animo'y nakakain siya ng hindi karapat-dapat.

Hinawakan siya ni Just sa balikat at bahagya iyong tinapik-tapik. "Don't worry Coach. Sasali ang Team natin ngayong season." Ani Just. "Hindi ba on-going parin sa paghahanap ng bagong mid laner ang Team natin? Kung wala silang mahanap, lilipat ako ng role."

Na-shock si Coach Dang. "Ano?!" Hindi mapigilang bulalas niya. Mabilis niya namang tiningnan si White kung narinig ba siya nito ngunit nakita niyang abala parin ito sa paglalaro. "No way." Ani Coach Dang.

"Kaya ko ang mid lane, may improvement narin si White. Pwede siyang maglaro bilang jungler ng Team." Ani Just.

Hindi siya makapaniwalang tiningnan ni Coach Dang. "Hindi ako papayag na lilipat ka ng role, wala na akong nakikitang magaling na jungler maliban sa'yo, Okay?"

Napaubo si Just. "Binibigyan lang kita ng example."

"Example my ass!" Ani Coach Dang at iniikot ang kanyang mga mata pagkatapos tiningnan niya si Just. "Huwag kang mag-alala makakahanap ng bagong mid laner ang Team natin. Doon sa ni-recommend ng mama mo.." Humina ang boses ni Coach Dang.

"Nasa hospital siya." Ani Just.

Tumango si Coach Dang. "Hindi natin p'wedeng i-recruit 'tong streamer kung may problema siya, maaapektuhan ang paglalaro niya. Kakausapin ko ang mga coach para maghanap pa ng ibang players." Ani Coach Dang bago tuluyang lumabas ng training room.