Pumunta si Just sa second floor para bumalik sa kanyang dorm, naligo siya at pagkatapos ay umupo sa kanyang gaming chair para buksan ang computer. Habang hinihintay na mag-loading ang laro, nakarinig siya ng katok mula sa loob ng kanyang room. Magkadugtong ang kwarto nila ni Lucky, bukod sa pinto na nasa labas may pinto 'rin sa pagitan ng room nila kaya hindi na kailangan lumabas ni Lucky para kumatok sa labas ng pinto ni Just.
Tumayo naman si Just para buksan iyon.
"Cap Tin, dou-que tayo?" Yaya ni Lucky habang hawak ang cellphone nito, meron 'din itong hila-hilang gaming chair sa likuran.
"Mn." Ani Just at bumalik sa kanyang mesa.
Binigyan siya ni Just ng invitation at pumasok na sila sa isang match.
"Arke?" Ani Lucky. "Cap Tin, gagamitin mo si Arke?"
"Mn." Ani Just at ini-lock iyon.
"May nakalaban kami ni Gem nakaraan na gumamit ng Arke, pinatay niya ako ng 6 times sa farm lane at pinintay niya si Gem ng 3 times, natalo kami." Binalingan siya ni Lucky. "Cap Tin, kapag nagsimula ang regular season kailangan nating i-banned si Arke, sobrang lalakas na ng mga user niya ngayon."
"Depende sa sitwasyon." Sagot ni Just habang hinihintay ang countdown. "Hindi ka pa nakakapili ng hero mo." Paalala niya kay Lucky.
Meron nalang 5 seconds...
"Oh shit!" Mabilis namang pinindot ni Lucky si Hou Yi.
Tiningnan ni Just ang hero nito. "Hindi ka ba nagsasawa kay Hou Yi?" Kalmadong tanong ni Just ngunit aggressive naman ang sagot ni Lucky.
"Pinapractice ko kasi si Hou Yi, meron kasing streamer na lumipat sa HoK at mahilig mang trash talk ng mga pro players. Sinabihan niya akong 'noob' at sinabing bumalik ako sa training room at aralin ang ult ni Hou Yi. Tinrash talk niya ako ng nagka-live broadcast! Fuck!"
"....."
Nakaramdam uli ng inis si Lucky nang bumalik sa kanyang alaala ang mga trash talk sa kanya nung streamer na pink ang buhok.
"Liban pa d'yan, ako pa ang pinakauna niyang tinrash talk na pro player ng HoK!"
"?"
Dahil sa inis ni Lucky hindi niya namalayang napatay niya na ang enemy marksman. Hindi naman nagsalita si Just at tahimik lang ito habang nakikinig ng reklamo.
"Sa inis ko, gumawa ako ng alt account sa streaming platform na Boss No.1 hater ang username at ginantihan ko 'rin siya nang ma-shutdown siya ng support. Napikon siya kaya blinock ako, hindi ko na tuloy alam kung paano pumunta sa livestream room niya, mukhang banned na ata." Saad ni Lucky at pumunta sa jungle. "Eh Cap Tin, p'wede sa akin nalang 'tong crimson golem?"
"Kunin mo, huwag mo akong intindihin."
"Thanks." Saad ni Lucky, pumunta uli siya sa enemy tower para i-send ang mga minions.
Wala namang impression si Just sa trash talker na streamer na tinutukoy ni Lucky, normal ang trash talk sa online games at marami 'ring streamers ang nang ta-trash talk para sa sumikat. Hindi naman binibigyan ni Just ng atensyon ang mga streamers dahil hindi siya mahilig manood ng livestream.
_
Nang makalabas na si Jacian sa hospital bumalik na siya sa kanyang boarding house. Sinalubong kaagad siya ni Spree na hindi niya alam kung saan ito pumunta nung gabing magkagulo sa boarding house niya.
Yumuko siya atsaka ito binuhat. Nakaramdaman ng tuwa si Spree nang makita uli ang kanyang amo matapos itong mawala ng apat na araw, hindi ito mapakali at kawag ng kawag habang buhat buhat ni Jacian.
"Don't don't don't don't." Ani Jacian nang dilaan nito ang leeg niya.
Binuksan ni Jacian ang pinto at sinara iyon gamit ang kanyang paa. Bahagya siyang napakurap ngunit mabilis niya 'ring ini-adjust ang kanyang mood.
Sobrang gulo ng boarding house niya at kung titingnan kinakailangan iyon ng isang araw na linis. Lumapit si Jacian sa kanyang kama na nakasandal sa bintana at ibinaba iyon, halatang itinabi nila iyon para ilagay ang mesa sa gitna.
Nilapitan ni Jacian ang kanyang mga gamit na nakatambak malapit sa pintuan, nakita niyang wasak ang sandalan ng kanyang gaming chair at biyak ang armrest. Mapait na ngumiti si Jacian at hinawakan iyon, iyon 'yung gamit na regalo niya sa kanyang sarili matapos ang ilang taon niyang pagtitipid para lang mabayaran ang utang. Pina-customize niya pa iyon na nagkakahalaga ng 30,000 pesos pero ilang linggo niya lang nagamit.
Ang computer niya na may gasgas sa gitna ay tuluyan nang nasira, basag 'din ang kanyang webcam at tanggal ang ilang keys ng keyboard, sirang sira ang mga gamit niya at walang makikitang sign na gumagana pa iyon.
Nagbuga ng hangin si Jacian atsaka siya kumuha ng sako, kahit sira na ang mga gamit niya dahan dahan niya parin itong inilagay sa sako, maingat siya sa kanyang gamit kaya kahit sira na hindi niya parin iyon magawang ibagsak.
Matapos niya itong isako lahat inilagay niya iyon sa labas ng kanyang boarding house para itapon mamaya, kumuha siya ng dustpan at walis para linisin ang nagkalat na bubog sa sahig.
Nang matapos siya, kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa para maligo ngunit napa-angat ang kilay niya nang may makapa siyang papel. Dinukot niya iyon at nakakita siya ng 150 pesos. Iyon 'yung sobra na ipinangbayad niya sa taxi driver nang magpa-cash out siya, mabuti nalang at nagpa-cash out siya dahil wala na siyang pera ngayon matapos kunin lahat ni Henry ang kanyang pera sa bank account.
Inilagay niya iyon sa likod ng phone case bago siya pumasok sa CR para maligo.
7:30 PM.
Hinila ni Jacian ang monoblock chair na ginagamit niya noon atsaka niya ni-log in ang kanyang account sa Hi! Streaming platform. Kailangan niyang mag-live para ipaalam sa mga viewers na hindi pa siya patay, baka kasi magpagawa na sila ng kabaong at mag-alay ng mga bulaklak.
Matapos niyang i-log in ang kanyang account, nagsimula na siyang mag-live. Ilang segundo lang nang magdagsaan ang mga comments.
[Boss! WAAAAHHHH😭😭😭😭😭]
[Aya....Boss.😔]
[😭😭😭😭😭😭➡️🤔]
[😭😭]
[BOOOSSSSSSSS?!!!!!!!!😭😭😭]
[Apooooooo!!😭😭😭]
Puro umiiyak na emoji ang comments ng mga viewers sa loob ng isang minuto. Napasapo naman si Jacian sa kanyang noo at isinandal sa pader ang kanyang cellphone.
[Apo, tinakot mo ang lolo mo.😔]
[Boss, kamusta ka?]
"Kamusta ako?...okay na." Ani Jacian. "Gusto kong mag-sorry sa nangyari nakaraan. I'm sorry everyone." Ani Jacian at bahagyang yumuko. Binuksan niya ang video sa kanyang account para i-delete ang stream niya nakaraan ngunit nakita niyang deleted na iyon. "Na-remove na ng platform?"
[Yes, pagkatapos mong mag-live hindi na namin mabuksan.]
[Anong ginawa mo Boss? Hinintay ka naming mag-live ng ilang araw nung nalaman naming hindi pala totoo.]
Napa-angat ang kilay ni Jacian. "Paano niyo nalamang buhay ako?" Tanong niya.
Maya-maya lang ay may nagpopped up na video sa comment, puno ng kuryusidad na binuksan iyon ni Jacian. Nang mag-play ang video medyo madilim pa ang paligid at bahagyang gumagalaw ang screen, halatang tumatakbo ang nagvivideo. Ilang segundo nang maging stable ang screen at nakita ni Jacian ang kanyang sarili sa gilid ng harang habang pinipigilan ng isang lalaki.
[Boss, pumunta ako sa hanging bridge para tingnan ang kung nandoon ka, nahuli na ako pero buti nalang may dumaan na lalaki.]
[Shit! Akala ko wala ka na Boss! Mabuti nalang napanood ko ang video na 'yan! Mag-aambagan na sana kami pambili ng kabaong at bulaklak!]
Bahagyang natawa si Jacian. Nang malamang may nakakuha ng video na hindi siya tumalon, nabawasan ang problema niya kung paano ipapaliwanag ang sitwasyon.
[Boss, curious lang, kilala mo ba 'yung lalaki na 'yon?]
[Yeah, sa dami ng na-offend ni Boss imposibleng may tao na willing sumagip sa kanya.]
[Apo, nung napanood ko ang video ang akala ko boyfriend mo ang lalaking 'yan at magpapakamatay ka dahil sinira niya ang mga gamit mo at naghiwalay kayo. Sobrang accurate ng sitwasyon kaya hindi mo ako masisisi.😔]
[Yeah, iyan 'din ang unang pumasok sa isip ko. Tingnan mo 'yung hawak ng lalaki kay Boss, halatang hindi niya hahayaang may mangyaring masama kay Boss.]
"??"
[Mali! Sa paraan ng pagkakahawak niya kay Boss parang matagal na silang magkakilala.]
[Bakit ang nakikita ko parang matagal niya ng crush si Boss???]
".........?"
[Hello, Ako po 'yung nag-video at hindi po 'yan tapos kaya sasabihin ko nalang sa inyo, pagkatapos niyang pigilan si Boss sinuotan niya pa ito ng jacket at inaba, tumawag 'din siya ng ambulance.]
"..........?"
[Holy shit! Boss, may crush sa'yo 'yan!]
[Tingnan mo Boss, anong ginagawa niya sa tulay ng 1 a.m ng madaling araw? Walang ibang dahilan, walang duda kung nanonood 'yan ng live mo nung araw na 'yun!]
Bahagyang kumunot ang noo ni Jacian. Kanina lang puro sad ang reaction ng mga viewers niya tapos ngayon.... iniisip nilang jowa niya 'yung lalaking 'yun?
Kilala ni Jacian kung sino 'yun, iyon 'yung jungler ng FTT. Nakilala niya iyon nang maamoy ni Chase ang jacket na suot niya at sabihing iyon ang amoy niya nung ML tournament. Nung time na 'yun, nakatulog si Jacian sa balikat ng katabi niya dahil sa antok at bahagyang dumikit ang pabango nito sa kanyang suot. Kaya pala pamilyar, pero hindi niya maalala. Sure enough, sobrang talas nga ng memorya ni Chase, kaya napagsasabay nito ang pag-aaral at pagiging e-sport player.
Pero hindi iyon ang point. Hindi niya in-expect na nandoon si Just sa hanging bridge, binigyan pa siya nito ng jacket at inaba. Naalala ni Jacian ang senaryo, tumalikod si Just sa harapan niya at iniyakap sa leeg nito ang dalawa niyang kamay, pagkatapos binaba siya nito at binuhat para ihiga sa higaan na bitbit ng medical crew.
Napaubo si Jacian at humarap sa camera. "Kilala ko kung sino 'yun pero hindi katulad sa mga iniisip niyo." Ani Jacian. Hindi niya p'wedeng banggitin ang pangalan dahil e-sport player si Just, kapag sinabi niyang si FTT' Just iyon siguradong aalarma ang mga fans nito. Siguradong magtataka sila kung bakit kasama ni God J ang isang trash talk king.
[Boss, nasaan na 'yung jacket?]
"Yung jacket?.....nasa akin pa."
[Bilis! Tingnan natin baka mamukhaan ko.]
[Right, pakiramdam ko pamilyar 'din ang lalaking 'yan.]
[Parang.... parang kasing taas ni God J. Isa pa mahilig si God J sa blue, lahat ng damit niya laging may blue.]
"???" Tumayo si Jacian at kumuha ng tubig, binuksan niya ang kanyang drawer para kunin ang nag-iisang cheesecake. Sa katunayan, nag-live siya ngayon hindi lang para mag-sorry sa mga viewers gusto niya ng huminto sa pagiging streamer at nandito 'rin siya para magpaalam.
[Boss, hihinto ka na talaga?]
[Wag Boss, kakahanap ko pa nga lang sa account mo.]
[Wala ng trash talker.]
Bahagyang natawa si Jacian. "Alright, nasabi ko na ang gusto kong sabihin."
[Hay....okay Boss, kung d'yan ka masaya.]
[Sige Boss hanggang sa muli, pero kung ako talaga ang masususnod gusto kong manatili kang maging trash talker. Ingat nalang Boss, sino ba naman kami para hindi iwan diba?]
"...."
[Ang hirap mo namang pakawalan Boss.]
"?????"
[Holy shit! Napaka-drama niyo naman!]
Napailing si Jacian at tuluyan na siyang nagpaalam sa mga viewers. Kailangan niyang matulog ng maaga ngayon dahil plano niyang maghanap ng trabaho bukas.
Meron nalang siyang 150 pesos at kung hindi siya makakahanap ng trabaho bukas siguradong wala na siyang kakainin sa mga susunod na araw. Idagdag pa ang games na kailangan niyang samahan si XiaoWang, may natitira pa silang 475 games pero ang pera na pinangbayad nito sa kanya ay wala ng natira. Kung ibabalik niya ang pera ni XiaoWang sa laro na hindi niya ito masasamahan ibigsabihin babayaran niya ito ng 47,500?!
Fuck!
Sa laki ng pera na ibabayad niya kay XiaoWang mas gugustuhin niya nalang na samahan ito sa laro.
Ano kaya kung ibenta niya nalang si Spree? Duchshand din 'yon siguradong mahal 'yun kapag binenta niya, hindi 'rin naman mabait dahil nangangat ito baka makabayad pa siya kapag nakakagat ito ng tao.